“Okay ka lang ba, hija?” nag-aalalang tanong ni Tito Helix nang hindi pa rin huminto ang pag-ubo ko. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Tita Ce na ako ang gusto niyang maging manugang. Muli akong uminom nang tubig at marahan kong tinapik ang dibdib ko bago tumango. “Yes po, Tito. Okay lang po ako.” sagot ko naman. Paulo continued rubbing my back, to make sure that I’ll feel better. “So, we’re going to have a beach outing in your birthday, dear?” nakangiting tanong ni Tita Ce. Tumango naman ako. Gusto ko sanang magsalita, ang kaso ay baka bigla na naman akong ubuhin, so I remained quiet and I just keep on nodding as my answer to her questions. “It’s settled then. Beach outing next week.” napapalakpak na sambit niya. The days has passed faster than it does weeks ago. Dahil marami

