Hindi ko maalis ang ngiti ko sa aking labi magmula pagkagising ko kanina para mag-review hanggang ngayong nagbibihis na ako. Hindi nga ako sigurado kung may natandaan ako sa ni-review ko. Basta ang alam ko, masaya ako. Honestly, I haven’t given much thought about love and admiration even before. Wala sa isip ko iyon. At never ding sumagi sa isipan ko na magugustuhan ko si Paulo. Yes, guwapo siya. Pero hindi naman sapat iyon para sa sa’kin noon. I have standards. Hindi ko akalaing maabot niya iyon. Yung nangyari kagabi, masyadong espesyal iyon para isawalang bahala lang. Pagkatapos kong ayusin lahat ng mga gamit ko ay bumaba na ako sa kusina para kumain. Akala ko ay katulong ang dadatnan ko ngayon pero nagulat ako nang makitang si Tita Cecilia ang nagluluto ng agahan na kakainin namin.

