Sam's Point of View
Naglagi muna siya sa banyo para ilabas ang pinipigilang galit kay Mark. At nung kumalma na siya ay tumingin siya sa salamin at kinausap ang sarili.
"Tama na ang iyak Sam. I-enjoy mo na lang ang fair na ito. Iwasan mo na lang si Mark para di ka mabadtrip."
Pinahid niya ang mga luha sa mata at inayos ang sarili.
Paglabas na paglabas niya sa restroom ay napatalon siya dahil may dumaan na itim na pusa sa harapan niya.
"Kung minamalas nga naman. May itim na pusa pa na dumaan sa harapan ko. Kakambal yata ito ni Mark eh. Kailangan ko talagang magdoble ingat ngayong araw."
Naisip niyang kontrahin ang kamalasan sa pamamagitan ng ice cream. Pangtanggal din ito ng sama ng loob ayon sa kanyang ama. Naalala niya tuloy ang Tatay Damian niya nung unang beses na binilhan siya nito ng ice cream.
***
Grade Five siya noon at binigyan siya ng assignment ng kanyang Math teacher.
Tanda niya bago siya makapasok sa kanilang bahay ay may dumaan na itim na pusa sa harapan niya. Sabi ng kanyang Lola Ising, malas daw pag nangyari yun. Pero tinuloy niya lang ang pagpasok at di na masyadong inintindi yun.
Pagpasok niya sa bahay ay agad niyang sinimulan ang assignment para di siya matambakan. May pinapagawa din kasi ang English teacher niya na essay writing kaya mas mabuti na mag-umpisa na siya ng maaga.
Kahit ilang beses niyang basahin ang aralin sa libro ay di niya maintindihan ang formula di niya tuloy masagutan ang assignment na kailangan na niyang ipasa kinbukasan.
Mukhang tama ang Lola Ising niya. Malas ang itim na pusa.
Sa frustration ay iniyakan niya ang problema sa kanyang homework.
Pagkakita sa kanya ng Tatay Damian niya ay agad itong lumabas at bumili kay manong na naglalako ng sorbetes sa kalsada nila.
"Wag mo munang tignan yan at kainin mo muna itong sorbetes na binili ko sa'yo." sabi nito habang iniaabot ang sorbetes. Iba iba ang kulay at flavor nito. Pinili ng tatay niya ang flavor na chocolate, cheese at ube. Isinawsaw pa ito sa dark chocolate syrup na tumitigas pag nalamigan.
Kinain niya ang iniabot ng ama niya at agad napawi ang luha niya.
"O di ba? Nawala ang problema mo? Sa tuwing malulungkot ka kumain ka lang ng ice cream at tiyak mapapawi ang lumbay mo." sabi nito at hinalikan siya sa ulo.
"Salamat po Tatay."
"Basahin mo ulit yung assignment mo dahil kalmado ka na mas makakafocus ka at maiintindihan mo na yan."
Binasa nga niya ang lecture ng teacher niya sa libro at di siya makapaniwalang naintindihan na niya at nasagutan ang homework.
Simula noon ay palagi na siyang bumibili ng ice cream sa tuwing minamalas o nalulungkot siya.
***
Pagpunta niya sa ice cream station ay
di niya ineexpect na si Mark ulit ang aabutan dun. Naka-apron pa ito at nakangiti sa kanya.
Hindi niya mapigilan na mainis dito dahil parang inaasar siya.
"Di ba ito makaintindi? Sabi ko layuan niya ako tapos ngayon nasa harapan ko na naman siya."
"Anong ice cream flavor ang gusto mo? Libre na para sa iyo." sabi pa nito.
"Sinusundan ba ako nito?"
Tinarayan niya tuloy ito. "Di ba sabi ko wag mo na akong susundan?"
Magpapaliwanag sana ito nang sumingit ang isang lalaking estudyante sa harapan nila at kinausap si Mark. "Pre, salamat at pumayag kang magtinda muna. Kanina ko pa kasi gustong pumunta sa restroom."
"Ano ba yan Sam. Masyado kang assuming. Nakakahiya!"
Parang gusto niyang maglahong parang bula sa kinatatayuan dahil sa pagkapahiya kay Mark.
Habang kausap pa ni Mark ang kasama ay dahan-dahan na lang siyang lumayo sa ice cream station at baka asarin pa siya nito sa mga sinabi niya kanina.
Nanghinayang siya dahil ice cream talaga ang gusto niya. Yun nga lang, nandun ang taong kinaiinisan niya.
"Paano ko kaya mapapagpag ang malas?"
Minabuti na lang niyang bumili na lang ng cotton candy.
Ang haba ng pila sa bilihan ng cotton candy pero tinyaga na lang niya dahil wala pa naman siyang naiisip na gawin.
Habang nasa pila ay narinig niya ang paguusap ng dalawang babaeng estudyante sa likuran niya. "Ang swerte natin dahil Basketball Team ang nag-organize ng school fair ngayon. Ang daming gwapoooo." kilig na kilig nitong sinabi.
"Oo nga." sang-ayon pa nung isa na may ribbon na pula sa buhok "Lalo na yung Team Captain nila sobrang pogi! Mark Lester Rodriguez pala ang name nun?"
"Oo Mark Lester Rodriguez. Pangalan palang parang artistahin na!"
"Alam ko siya din ang President ng school fair organizers ngayon."
"A kaya pala palakad-lakad siya sa mga booths."
"Sana palagi tayong may event para nakikita natin siya noh?"
"Oo nga e. Sa tingin mo may girlfriend na kaya siya?"
"Wala pa naman akong nasasagap na balita na may girlfriend na siya pero sa gwapo niya siguro maraming chicks na umaaligid-aligid sa kanya."
"Ang swerte ng magiging girlfriend niya panigurado. Biruin mo bukod sa athletic at gwapo e matalino din daw yun."
"Ay sana ako na lang ang girlfriend niya!" kinikilig na sabi ng babaeng nakapulang ribbon
"Ay hindi sa akin siya!" natatawa naman na biro ng isang kasama nitong babae.
"Kaya pala lagi ko siyang nakikita." Sabi niya sa sarili. Basketball Team pala ng St. Rafael ang nag-organize ng school fair. Narinig niya na Team Captain pala si Mark dun. Kaya siguro palipat-lipat ito ng booth ay para isupervise ang mga ito.
Pagtapos ng mahabang pila ay si Mark pa rin pala ang magtitinda sa kanya.
"Arrrrgh! Ano ba 'to! Siya na naman!"
Narinig niya ang tili ng mga babae sa likod niya. Halatang kinikilig ang mga ito dahil ang kanina lang na pinaguusapan ng mga ito ay nasa harapan na nila.
Tinaas ni Mark ang dalawang kamay. "Hep hep wag kang magagalit sa akin dahil di kita sinusundan."
"Bakit may sinabi ba ako?" Muli niya itong tinarayan.
"Huwag ka ng magalit please? Eto peace offering ko." sabay abot ng cotton candy sa kanya.
"Thank you na lang!"
Di niya kinuha ang cotton candy na inaabot nito. Nagmamadali siyang lumakad palayo dito.
"Bakit kasi kahit anong iwas ko palagi ko siyang nakikita? Ang malas naman ng araw na 'to!"
***
Mark's Point of View
"Ang taray talaga." napapailing na sabi ni Mark habang napapangiti.
Ngayon lang kasi niya nakita ang side na iyon ng dalaga. Para sa kanya ay mas lalo itong nagiging attractive pag nagtataray.
"Pare, lakas ng tama mo dun noh?" Sabi ng kasama niyang si Caloy.
Kasama din ito sa Basketball Team ng St. Rafael.
Ngumiti ulit siya habang sinusundan ng tingin ang naglalakad na dalaga. "Hindi a." todo tanggi pa siya para di mahalata ng kaibigan na kinikilig siya.
Di siya makapaniwala na makikita niya ngayong araw ang first crush niya.
"Anong hindi? E kanina lang pinilit mo daw si David na magrestroom para ikaw magtinda dun sa sa babae e." tinignan nito ang mukha niya. "Saka iba yang ngiti mo pag kausap mo siya parang kinikilig."
Hinintay niya kanina na lumabas ng comfort room si Sam. Gusto niyang muling maibalik ang pagiging magkaibigan nila nung elementary pero mukhang malabo yun na mangyari dahil nakiusap ito na wag na siyang lalapit dito.
Ngunit ayaw niyang sumuko lalo pa at pursigido siyang ligawan ang dalaga.
Mas lalo itong gumanda sa paningin niya. May confidence na ito hindi tulad dati na mahiyain. Marunong na rin magtaray. Mas lalo niya tuloy gustong malaman kung ano pa ang mga nagbago dito.
Naalala niya na madalas bumili ng ice cream si Sam nung elementary kaya sigurado siyang sa ice cream station pupunta ang dalaga.
Nakisuyo siya kay David na siya muna ang magbantay sa ice cream station para pagbilhan si Sam.
Buti na lang maagap din si David dahil aktong tatarayan na siya ni Sam ay nakagawa ito ng paraan para makalusot siya sa dalaga.
"Tapos ngayon, ako naman ang inaabala mo." Patuloy ni Caloy habang isinasabay ang pagtatanong sa customer kung ilang cotton candy ang oorderin nito. Habang siya naman ay busy din sa pag-ikot ng stick sa cotton candy machine.
Nakita kasi niya na nakapila si Sam sa cotton candy kaya sa cotton candy station naman siya pumunta at pinakiusapan naman si Caloy.
"May padedicate dedicate ka pa ng kanta kanina." sabi pa nito.
Natatawa na lang siya sa sinabi ng kateammate. Aminado siyang sa unang tingin niya kay Sam ay napatulala siya sa ganda nito. Sa pakiwara niya ay para itong isang anghel na bumaba mula sa langit.
Pag-alis ng dalaga sa Ticket Booth ay dali-dali siyang tumakbo papunta sa Music Booth para magdedicate ng kanta para dito. Mahaba din ang pila sa Music Booth pero dahil president siya ng school fair ay madali niyang napakiusapan ang organizers nito na unahin ang request niya.
Parang nalaglag ang puso niya nang makita niya si Sam na napangiti habang pinapakinggan ang kantang dinedicate niya dito.
"Maiba tayo Pre." sabi nito habang napatingin na din sa dalaga na ngayon ay malayo ng naglalakad. "Yung direction nung crush mo parang papunta sa kissing booth."
Biglang nawala ang ngiti niya at parang nawala din ang dugo sa mukha niya sa nalaman. Binitiwan niya kaagad ang hawak na stick ng cotton candy at agad napatakbo papunta sa direction ng nilalakaran ni Sam.
"Teka Mark. Yung mga bayad sa cotton candy nasa iyo pa. Wala akong panukli dito!!" sigaw ni Caloy pero di na niya ito napakinggan dahil sa bilis ng takbo niya.
"Paano kung mapahamak si Sam at mahalikan ng ibang lalake?" sa isip pa lang ay nagseselos na siya.