bc

Bloodline 2: Revival of the Demon King

book_age16+
381
FOLLOW
1.4K
READ
powerful
student
sweet
bxg
lighthearted
multiverse
supernatural
special ability
slice of life
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Noon, isang demon ang uminom ng eternal blood; naging immortal ito at tinawag na demon king. Nagdulot siya ng kapahamakan sa mga naninirahan sa Outlandish. Dahil sa pagiging immortal nito naisipan nilang gawing bato ito sa pamamagitan ng isang spell. Nang magtagumpay sila, naging payapa muli ang Outladish hanggang sa dumating ang araw na kinatatakutan nila...

Nakawala sa spell ang demon king.

Ngayon plano niyang mahiganti at sakupin ang Outlandish. Sa tulong nila Zaira nagawa nilang hadlangan ang mga plano nito.

Pero hanggang kailan nila ito mapipigilan?

Maiiligtas pa ba nila ang Outlandish ngayon nagbalik na ang mapaglinlang na demon king?

chap-preview
Free preview
Prologue
Isang taon na ang nakalipas simula noong nagtungo sila Zaira sa Terrain at doon nanirahan. Marami na ang nagbago simula noon; pinag-aralan niya mabuti ang tungkol sa Outlandish sa tulong ni Queen Eliza, at nagsanay siya upang mas lumakas sa pakikipaglaban sa tulong ni Haring Jacob at ng ibang warrior sa kaharian nila. Unti-unting natanggap ni Zaira ang pagkatao ko niya at ang tungkol sa pamilya niya. At sa paglipas ng panahon nagbago na si Zaira. Hindi na siya ang Zaira Athena Lundberg na mahina. Sa kanyang pagbabago kasabay nito ang pagdala niya sa tunay na apelyido ng kanilang pamilya. Ngayon siya na si Zaira Athena Black Fiester, isang alter at misyon niyang humuli at pumatay ng mga masasamang nilalang sa mundo. Samantala, dahil sa nangyari sa mortal world noong nakaraang taon namatay ang magulang ni Max. Walang awa itong pinatay ng isang bampira sa harap niya. Pakiramdam niya gumuho ang mundo niya dahil sa isang iglap nawalan siya ng pamilya. Pinapangako niya sa sarili niya na magpapalakas siya upang makaganti siya bampirang punatay sa kanyang magulang, magiging malakas siyang hunter at papatayin niya ang mga masasamang nilalang sa mundo. Ngayon siya na si Max Ken Lauritzen, isang hunter na nabibilang sa organisasyon na tinatawag na white legion, misyon niyang protektahan ang mga tao mula sa mga masasama nilalang. Sa Black Academy, Nakatingin si Blaize kay Zaira, pansin niyang malaki na ang pinagbago nito. Ngunit isa lang ang tumatakbo sa isipan niya, kung noon hindi niya ito nagawang protektahan ngayon nagbalik ito hindi na niya ito hahayaan mawala pa. Gagawin niya ang lahat para hindi na ito mapalayo sa kanya. Sa taong wala ito napagtanto niya kung gaano niya ito kamahal at kahalaga sa kanya. Poprotektahan niya si Zaira mula sa kalaban. Kahit sino man sila, oras na saktan nila si Zaira, hindi siyang magdadalawang-isip na patayin ito. Siya si Blaize Ian Deuhurst, nangangakong gagawin ang lahat para lang maprotektahan si Zaira. Sa pagbalik nila Zaira sa Black Academy, unti-unting lalabas ang lihim na matagal na itinago. At mga bagong pagsubok ang darating. Dahil sa mundong kanilang kinaroroonan may dahilan kung bakit sila isinilang at may mga nakatadhana sa buhay nila na hindi maiiwasan. Ang tadhanang iyon ay maaring makasama o makabuti sa kanila dahil nakadipende ito sa desisyong gagawin nila. Sa pagsapit ng itinakdang taon ni Zaira, magising ang eternal blood na tinataglay niya. Makikilala na niya ang tatlong pang may hawak na eternal blood. At kinailangan nila hanapin ang celestial guardian na nakatadhanang magprotekta sa kanila. Magtatagumpay kaya sila kung sa kalagitnaan ng paglalakbay nila nagbalik ang demon king mula sa pagiging bato? Sa pagbalik niya wala itong ibang hinangad kung hindi sakupin ang Outlandish, maghiganti at lumikha ng maraming malalakas na demon. Magagawa kaya mailigtas nila Zaira ang buong Outlandish sa kamay ng mapaglinlang na demon king kung ang grupo nila ang kauna-unahang target nito?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook