Chapter 10

3160 Words
"Bakit hindi kayo sumama kila Athena?" tanong ni Mrs. Fiester kila Liam. "Ma, nakakapagod mangisda kanina. Magpapahinga na lang po ako dito," sagot ni Asher. Hindi lang sila ang naiwan, kahit sina Hazel, Levi, Clara at Naomi nagpaiwan din. "Hmmm.. Ma, kanina pa kayo nag-aasikaso sa amin. Bakit hindi muna kayo magsaya ni Papa?" sambit ni Asher na ikinatuwa naman ni Mr. Fiester. Gusto niya ang ideya nito. "Gusto ko yan! Tara Rina," sabi nito sa asawa. "Hindi ka ba pagod? Nangisda ka rin kanina," tugon ni Mrs. Fiester. "Ako mapapagod? Wala akong kapaguran. Katulad ng pag-ibig ko sayo, hinding hindi mapapagod." "Pa, ang corny," sabi ni Asher sabay tawa. "Corny ka diyan. Sa ganun ko kaya napasagot ang mama mo." Napabuntong hininga si Mr. Fiester saka tinignan ang anak niya na wala pa ring girlfriend hanggang ngayon. Kinilibutan si Asher nang makita niya ang itsura nito na para ba siyang kawawa. "Hindi ka kasi marunong manligaw. Ngayon alam ko na kung bakit wala kang girlfriend eh." Hindi mapigilang matawa ni Liam sa sinabi nito. "Sige, tawa pa kuya. Wala ka rin naman girlfriend. Dapat nga mas mauuna ka sa akin," sabi ni Asher. "Oo nga 'nak. May nililigawan ka na ba?" tanong ni Mr. Fiester nang maalalang wala ring dinadalang babae ang panganay nila. "Po?" sambit ni Liam nang mapunta sa kanya ang atensyon. Saglit itong napaisip bago sumagot. "Meron po." Nagliwanag ang mukha ni Mr. Fiester sa narinig. Masaya niyang inakbayan si Liam. "Sino anak? Ipakilala mo naman siya sa amin." Naiilang na sumagot si Liam dahil nasa harap sila ng nililigawan niya. "Si Naomi po," aniya sabay tingin sa babaeng guro. "Ms Naomi, nililigawan ka ni Kuya?" tanong ni Asher. Namula sa sobrang hiya si Naomi. Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi na niya alam kung ano sasabihin niya. Nang magkatinginan sila ni Liam, hindi mapigilang matawa ng binata sa itsura nito. "Pa, labas po muna kami." Paalam ni Liam sabay hila kay Naomi para makatakas kila Asher. "Pasensya na. Ganun lang talaga sila papa," sabi ni Liam. "Ayos lang. Ang kulit niyo nga mag-usap. Para lang kayo magbabarkada," sabi ni Naomi sabay tawa ng mahina. Ngayon lang siya nakakita ng pamilyang masyadong open sa isa't-isa. "Ang weird ba ng pamilya namin?" "Hindi naman. Pero inaamin ko na ngayon lang ako nakakakilala ng ganung pamilya. Saan tayo pupunta?" "Sa ilalim ng dagat may ipapakita ako sayo." Tinanggal ni Liam ang damit niya sala lumusong sa dagat. "Tattoo ba yang nasa likod mo?" "Hindi. Bata pa lang ako may ganyan na ako sa likod. Paano ko ba ipapaliwanag? Si Kura yan, kakambal ko na dragon. Mamaya ipapakilala ko siya sayo, tara na muna dito." "Teka lang." Tumalikod si Naomi saka nagtanggal ng damit. Sa halip na matulala si Liam sa katawan ni Naomi, mas napansin niya ang simbolong nagliliwanag sa likod nito. "Celestial Guardian ka? May simbolo ka ng Sagittarius sa likod," tanong niya kay Naomi nang masigurado niyang simbolo ng Sagittarius ang nasa likod nito. "Siguro, nakikita ko ang marka niyo pero hindi ko alam kung may marka ba ako ng celestial guardian. Nasa ko pala kaya hindi ko makita." Lumapit si Naomi kay Liam. "Suot mo ito." Binigyan siya ng goggles ng binata at agad naman niya itong sinuot. Hinawakan siya sa kamay ni Liam bago sila naglakad papunta sa mas malalim na parte ng dagat. "Kaya mo ba sumisid ng matagal sa ilalim ng dagat?" tanong ni Liam. Gusto niya muna masigurado na walang problema bago sila lumangoy. "Medyo." "Yakapin mo lang ako kapag hindi mo na kaya ako na bahala sayo, medyo malalim pupuntahan natin." Tumango si Naomi bilang tugon. Nang nasa malalim na parte na sila, huminto si Liam sa paglangoy. "Huminga ka ng malalim. Sisid na tayo," aniya bago sumisid sa ilalim ng dagat. Habang lumalalim ang nalalangoy nila, parami nang parami ang mga corals at isda ang nakikita nila. Hindi naman mapigilang mamangha ni Naomi sa nakikita nang masaksihan niya ang mga kakaibang isda na nasisilanguyan sa ilalim ng dagat. Hindi pangkaraniwan sa isang wizard na kagaya niya ang sumisid sa ilalim ng dagat. Maliban na lang kung water ang element niya. Nakawala ang ngiti ni Naomi nang mag-umpisa siyang maubusan ng hangin. Humawak siya ng mahigpit sa kamay ni Liam. Nang huminto sa paglangoy si Liam, doon lang siya kumapit sa balikat nito saka tinuro ang taas para sabihin na umahon na sila. Tumango si Liam saka hinawakan sa bewang si Naomi gamit ang isang kamay bago lumangoy paitaas. Hindi na makayanan ni Naomi pigilan ang paghinga, pinaghahampas na niya sa balikat si Liam ang sinesenyasan na bilisan. Makalipas ang isang minuto, natakip ng bibig si Naomi. Napansin naman ni Liam na namumutla na ito. Inalis niya ang kamay ni Naomi at saka hinalikan upang bigyan ng hangin. Napahawak sa batok ni Liam si Naomi. Hinayaan lang siya ng binata at binilisan ang paglangoy. Kung magpapatuloy siya sa pagbigay ng hangin kay Naomi, pati siya mauubusan kaya dinalian niya. Pagkaahon nila pareho silang hinihingal. "Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Liam. "Ayos lang ako," sagot nito sabay tanggal ng goggles. Napatingin si Liam sa labi nito. Nahihinayang siya na saglit niya lang ito mahalikan. Kung hindi lang buhay ang nakasalaylay kanina, mas tinagalan niya ang paghalik dito kahit na para sa pagbigay ng hangin ang ginagawa niya. Samantala, tuloy pa rin sa paglilibot sila Zaira. "Uy! Ice cream!" sabi ni Zaira sabay hila kay Max papasok sa loob ng ice cream parlor. Pumili ng magkakaibang flavor si Zaira habang rocky road naman ang kay Max. "Thank you maam and sir. Ito po number niyo. Hintayin niyo na lang po ang order niyo." Naghanap ng mauupuan ang dalawa saka pinatong sa mesa ang numerong binigay sa kanila. Hindi naman nagtagal, hinatid na sa kanila ang order nila. "Excuse ma'am, sir, ito na po order niyo." Binaba ng waiter ang ice cream nila sa mesa saka ito umalis. Unang kinain ni Zaira ang wafer stick na nakatusok sa ice-cream. "Ayan talaga inuna mo," sabi ni Max sabay tawa. "Ang sarap, akin na lang yung sayo." Bago pa makasagot si Max, kinuha na ni Zaira ang wafer stick. "Dapat nag-assorted pinili mo para matikman mo lahat. Ito tikman mo," sabi ni Zaira sabay sandok ng kaunti sa kulay green na ice cream. Isinubo niya ito kay Max. "Diba masarap?" tanong niya. "Um masarap," sagot ni Max habang tumatango. "Ito pa tikman mo." Ibang flavor naman ang kinuha niya upang ipatikim kay Max. Pero bago pa niya ito maisubo may humawak sa kamay niya saka nilihis ito. Napatingin si Zaira kay Blaize habang kagat nito ang kutsara niya. "Nandito lang pala kayo, kumakain ng ice cream. Hindi man lang kayo nangyaya. Kanina pa namin kayo hinahanap," sabi ni Gin. Pagtingin ni Zaira sa counter nakita niyang nakapila na sila Crystal. "Sorry," sagot ni Zaira. "Gin, anong flavor sayo?" sigaw ni Tyler. "Pili lang ako ng ice cream." Paalam ni Gin saka pinuntahan si Tyler. Pagtingin ni Zaira sa ice cream niya, kinakain na ito ni Blaize. "Bakit mo kinain? Akin yan eh! Bumili ka ng sayo." Sinubukan niyang agawin ang ice cream niya pero nilayo lang ito ni Blaize. Sumandok siya ng ice cream saka tinapat sa bibig ni Zaira. "Ah!" sambit ni Blaize na agad naman sinunod ni Zaira. Napatiklop ng bibig si Zaira nang malasahan ang ice cream. Nagtuloy-tuloy ang pagsubo nito sa kanya hanggang maubos ito. "Bitin." Reklamo ni Zaira. Paano siya hindi mabibitin kung pati si Blaize nakikain? Kung tutuusin bitin pa sa kanya ang order niya tapos kalahati pa kito kinain ni Blaize. "Ibibili na lang kita ulit," sabi ni Blaize sabay tayo. Binulungan niya si Rhys saka nagbigay ng pera bago bumalik sa sa upuan. "Heidi, dito ka na umupo," sabi ni Zaira sabay turo sa upuan sa tabi ni Max. "One assorted and two cookies and cream, tama po ba ma'am and sir?" tanong ng waiter kila Zaira. "Yes," sagot ni Blaize. Kinuha ni Zaira ang assorted ice cream habang kila Heidi naman ang cookies and cream. "May ice cream ka dito," sabi ni Zaira kay Heidi sabay turo sa gilid ng labi niya. Pinunasan ito ni Heidi pero may natira pa. "Meron pa. Wait! Ako na." Kumuha ng tissue si Zaira saka pinunasan ang ice cream. "Salamat," sabi ni Heidi. Tumango si Zaira bilang tugon. "Ikaw din may dumi," sabi ni Blaize. "Saan?" tanong ni Zaira sabay punas sa bibig niya. "Ito oh." Pinunasan ni Blaize ang gilid ng bibig ni Zaira pero sa halip na may matanggal na dumi, may naramdaman malamig si Zaira sa mukha. Tinignan niya ng masama si Blaize nang mapansin niyang nilagyan siya nito ng ice cream. "Nilagyan mo lang ako ng ice cream. Wala talaga dumi no?" aniya sabay kuha ng tissue. Pero bago pa niya ito magamit hinawakan ni Blaize ang kamay niya saka dinilaan ang parteng may ice cream. "Okay na," nakangiting sabi ni Blaize habang pulang-pula naman si Zaira dahil sa pinagkakagawa nito. Samantala, nag-init ang ulo ni Max sa nasaksihan. Sa sobrang galit niya naputol na niya ang plastic na kutsara. Galit siyang tumayo at hinila si Blaize saka sinuntok. Hindi niya gusto ang ginagawa niya kay Zaira. Kung sila talaga matatanggap niya ang paghalik nito sa dalaga pero iba ang usapan kapag wala pa sila. "Pwede bang tigilan mo ang paghalik kay Athena? Hindi pa kayo. Respetuhin ko naman siya," sigaw ni Max pero tinignan lang siya ni Blaize na parang walang narinig. Hindi ito kumilos kahit na pinagsusuntok siya ni Max.  Nakahiga lamang ito sa sahig habang nakatingin kay Max. "Ken, itigil mo yan!"  sigaw ni Zaira. Sinubukan niya awatin ang binata pero nagpumiglas lang ito at aksidenteng naitulak si Zaira. Nawalan ng balanse ang dalaga at nasagi ang waiter na magdedeliver sana ng order. "Sorry," sabi ni Zaira sa waiter. Napalunok si Zaira nang makitang natapon ang ice cream na dala ng waiter sa ulo ni Crystal. "Crystal, ayos ka lang?" Kinakabahang tanong ni Zaira. Hindi niya alam kung galit ba ito dahil natapon ang ice cream na kinakain niya nang bumagsak sa table nila ang waiter o galit ito sa ice cream na nasa ulo niya. Ano man ang dahilan sa dalawang parehong may chance na magalit si Crystal kaya sobrang kaba ni Zaira. Takot siya na baka masunog ang store dahil sa galit ni Crystal. Sa sobrang alala ni Zaira kay Crystal, hindi niya napansin ang pagdilim ng mukha ni Blaize nang makita ang nangyari kay Zaira. Galit itong tinulak si Max saka pinagsusuntok. Pagtingin sa kanila ni Zaira naggantihan na ng suntok ang dalawa. Nag-umpisang magsitayuan ang mga ibang costumer sa takot na madamay. "Tumigil kayo! Ken! Ian! Wag kayo gumawa ng gulo dito," sigaw ni Zaira. Katulad kanina sinubukang niyang awatin ang dalwa pero pareho silang walang narinig. Sa sobrang galit nila sa isa't-isa wala na silang pakialam sa paligid nila. Ang gusto lang nila suntukin ang bawat isa. Sa pangalawang pagkakataon naitulak na nanaman si Zaira. "Aw!" sambit niya nang matumba siya nagkalat na basag na lalagyan ng ice cream. "Zai, ayos ka lang?" tanong ni Rhys habang tinutulungan siyang makatayo. "Ayos lang. Salamat." Mabilis na tinago ni Zaira ang kamay niya nang makita niyang dumudugo na ito. "Umm... Crystal, kalma lang. Yung ice cream sa ulo mo natutunaw na dahil sa init ng ulo mo," sabi ni Kim habang nakatingin kay Crystal. Katulad ni Zaira kinakabahang rin siya. "Naamoy ko ang dugo ni Zai, I think may sugat siya somewhere," sabi ni Alyza dahilan para tuluyang magalit si Crystal. Nagkaroon ng apoy sa pagitan nina Max at Blaize. Kung hindi lang sila lumayo sa isa't-isa baka pareho na silang nasunog. "Oh my ghad! Thea, yung apoy patayin mo," natarantang sabi ni Kim nang mabilis kumalat ang apoy. Tumigil na sila Blaize ngunit masama pa rin ang tingin nila sa isa't-isa. "Ano nangyayari dito?" sigaw ng isang lalaking may pulang buhok. Natigilan ang lahat sa pagpatay ng apoy at napatingin sa lalaki. Napayuko ang mga crew at waiter ng store nang makita ang boss nila. "Nawala lang ako saglit, naging ganito na dito?" sambit ng lalaki sabay tingin kila Blaize na may mga pasa sa mukha. Sa mukha pa lang nila may ideya na siya sa nangyari kaya to niya ng masama ang dalawa. "Kayong dalawa, kung mag-aaway lang kayo, mas mabuting umalis na kayo sa store ko," aniya sabay turo sa glass door. Nilibot niya ng tingin ang paligid hanggang sa huminto ang mata niya kay Crystal. "At ikaw naman, Kailan ka pa matutong kontrolin ang kangpanyarihan mo? Hanggang ngayon, ganito pa rin nangyayari tuwing uminit ulo mo o kapag galit ka," sabi niya kay Crystal. "Sorry sir. Babayaran na lang namin ang lahat ng nasira," sabi ni Zaira. Nang makita ni Max ang nakaawang mukha ni Zaira para siyang binuhasan ng malamig na tubig. Nagtahimik ang lahat habang nakatingin kay Zaira. Kahit ang lalaking may pulang buhok natigilan nang makita ang nakaawang mukha ni Zaira. Natauhan lamang sila nang may bampirang sumugod kay Zaira. Mabilis na gumawa ng apoy ang lalaking may pulang buhok saka ito hinagos sa bampira habang hinila naman ni Blaize si Zaira palayo sa bampira. "May sugat ka," sabi ni Blaize nang makita dumudugong kamay ni Zaira. "Bitawan mo ko," sabi ni Zaira habang masama nagkatingin kay Blaize. Tinulak niya ito saka tumakbo palapit kila Alyza. "Akin na kamay mo, gagamutin ko," sabi ni Crystal. Pagkaabot ni Zaira ng kamay niya, ginamit agad ni Crystal ang healing magic niya. Pinunasan niya rin ang dugo dito. Subalit nagamot man ito, nagkalat na ang amoy ng dugo niya kaya lahat ng bampirang malapit lang sa store, kasalukuyang nakatayo sa harap nito. Iisa lang ang pakay nila kaya nasa labas sila. Walang iba kundi ang dugong naamoy nila. Napansin naman ito ng lalaki kaya tinignan niya sila Zaira. "Dito lang kayo, wag kayong lalabas," aniya bago labanan ang mga bampira sa labas. Tumulong rin sila Gin kaya ang mga babae lang ang naiwan sa loob. Habang ang atensyon ng lahat sa labas, may tatlong costumer na kalmado lang na nakaupo sa sulok. Nakaalis ang ibang lahat ng costumer sa takot nila maliban sa kanila. "I like her. Siya yung sinasabi ko sa inyo noon," sabi ng lalaking bampira habang nakatingin kay Zaira. "Siya yun? Yung nakita mo sa mortal world?" tanong ng lalaking werewolf. "Oo, hindi ako pwede magkamali. Hindi ko makakalimutan ang maganda niyang mukha." Kinilibutan bigla si Zaira nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Sinubukan niya itong hanapin hanggang sa mapatingin siya sa tatlong nakaupo sa sulok. "May natira pa palang costumer," sabi niya kaya napatingin din sila Alyza sa tatlo. "Weird, hindi ko man lang sila naramdaman. Kanina pa ba sila nandiyan?" sabi ni Thea. Napakunot ang noo ni Alyza nang makilala niya ang isa sa tatlo. "Beatriz, what are you doing here? Pinadala ka ba dito ng kapatid mo?" tanong niya sabay lapit sa tatlo. Tumayo ang nag-iisang babae nakaupo. "Para kumain ng ice cream. Ano ba ginagawa dito?" sagot nito sabay irap. Tinaasan siya ng kilay ni Alyza. "Yun nga lang ba ang pinunta niyo dito? Bka naman may masama kayong binabalak? Come on! Alam kong kumampi na kayo kay Haring Linus. Ano kailangan niyo sa amin?" Hinawakan siya sa balikat ni Zaira saka bumulong. "Alyza, kilala mo ba sila?" "Kapatid siya ni Magnus." Tinignan ni Alyza ang babaeng tinatawag niyang Beatriz. Tumawa ito ng mahina "Tama ka, may iba pa nga kaming pinunta dito." Tumingin si Beatriz kay Zaira habang tumayo naman ang dalawang lalaki. Kinutuban na si Zaira kaya dali-dali niyang ginawang espada ang kwintas saka tunutok sa lalaking bampira na nagbabalak lumapit sa kanya. "Sino kayo? Ano kailangan niyo?" tanong ni Zaira. 'Ako na diyan,' rinig niyang sabi ni Zarah sa isipin niya dahilan para magpakunot ang noo niya. Hindi iyon ang unang beses na narinig niya ito. Simula nang matutunan niyang kontrolin ang emosyon niya tuwing gagawa siya ng sandata, hirap na si Zarah na gamitin ang katawan niya kaya wala itong magawa kundi kausapin si Zaira. Nagagawa lang ni Zarah kontrolin ang katawan niya tuwing nakakaramdam ng matinding emosyon si Zaira. Noon madalas kabado siya tuwing gagamit ng armas habang matindi naman ang kagustuhan ni Zarah na pumatay o lumaban kaya madaling nagagamit ni Zarah ang katawan niya. Ngayon iba na. 'Hindi Zarah. Kaya ko na ito,' sagot ni Zaira. "Ako si Henry," sabi ng lalaking bampira. "At siya naman si Alexis." Tinuro niya ang isang lalaking kasama niya. "Ano kailangan niyo?" tanong muli ni Zaira. "Ikaw, pwede ka bang sumama sa amin?" tanong ni Henry. Nagkasalubong ang kilay ni Alyza at masamang tinignan si Henry saka nagsalita. "Bakit naman siya sasama sa inyo? Para gawin niyong alipin? Hindi ko alam kung paano niyo nalaman na nandito ka---" "Malalaman at malalaman nila kung nasaan tayo lalo na kung may matang nakabantay sa atin, diba Stephanie?" Putol sa kanya ni Kaycie sabay tingin kay Kaycie. Nakangiti ito na para bang nanonood ng isang interesadong palabas. "Ha? Oo," sagot ni Stephanie habang hindi mapakali ang kamay. Nagkaroon bigla ng matinding tensyon sa loob ng store. Bawat isa nakabantay sa kilos ng isa't-isa. Naramdaman naman ng mga celestial guardian na may nangaganganib sa eternal child, nag-init ang mga marka nila habang nagliliwanag. Napatingin sila Blaize sa may store kung nasaan sila Zaira. Mabuti na lang salamin ang harapang parte nito kaya kita nila ang nagaganap sa loob. Natigilan naman si Ivan sa pagsunod kay Magnus. Kanina habang papasok sila ice cream parlor, nakita niya ito kaya walang pasabing iniwan niya ang mga kasama niya. Napahawak siya marka niya at mabilis na tumakbo pabalik kila Blaize. Ganun rin ang nangyari kila Liam. "Naramdaman mo ba yun?" tanong ni Liam kay Naomi. Tumango si Naomi bilang sagot. Mabuti na lang nakabihis na sila at kasalukuyang nakaupo sa gilid ng dagat. "Kura," sambit ni Liam. Isang anino ang lumabas sa likod niya saka ito naging dragon. "Tulungan mo kong hanapin sila Athena." Utos niya kay Kura saka niyaya si Naomi na sumakay sa likod nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD