bc

HIS UGLY, CHUBBY SECRETARY

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
opposites attract
playboy
badboy
mafia
gangster
heir/heiress
drama
sweet
bxg
serious
kicking
campus
city
office/work place
secrets
assistant
wild
like
intro-logo
Blurb

Itinapon siya ng kanyang ex nang tumaba siya. Itinuring siyang basahan, at iniwang sugatan ang puso. Kaya para makaligtas sa mga nakaraan, muling binuo ni Tamara ang sarili sa ilalim ng bagong pagkatao, manang na pananamit, makapal na salamn, at walang ayos. Siya ang tinaguriang "Ugly, Curvy Secretary." Walang nagkakamaling pag-interesan siya, at 'yun ang perpektong proteksyon niya.

Until she met her new boss-Rossi D'Angelo.

Si Rossi ay ang kinakatakutan at walang awang pinuno ng kilalang pamilyang D'Angelo sa underground world. Wala siyang pakialam sa ganda o alindog ng sinumang babae.

Pero kay Tamara, may kakaibang magnetismo na humihila sa kanya. Sa bawat pag-aabot nito ng papeles, sa bawat pagsuot ng tie, at sa bawat gabi na silang dalawa lang ang nasa executive suite, unti-unting nababaliw ang Mafia Boss sa mga kurbang pilit itinatago ng kanyang secretary.

"Hindi ka pangit, Tamara. You are a masterpiece wrapped in oversized clothes. And starting tonight, you belong to me."

Paano kapag ang lalaking nagtago sa kanya sa dilim ang siya ring magiging dahilan para lumabas ang tunay niyang alindog?

At ano ang gagawin ng isang Rossi kapag ang ex ni Tamara ay nagbanta na bawiin ito mula sa kanya?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1: UGLY, CHUBBY SECRETARY X MAFIA BOSS
"Manang, liempo pa po!" "Ano? Liempo raw?" "Almusal pa lang ba niya iyon?" "Hindi ba naha-highblood ang balyena na 'yan?" Umuugong ang bulungan ng mga kasambahay na nasa kusina nang marinig ang isang sigaw. Sa haba ng dining table ng mansyon ng mga D’Angelo, mag-isa lang na nakaupo si Tamara. At sa harap niya? May tatlong platong pancake na may umuapaw na maple syrup, limang piraso ng sunny-side-up, isang bundok ng bacon, at apat na pandesal na pinalalaman ng makapal na butter. Habang maingay na kumakain si Tamara, hindi magkandatuto ang mga kasambahay sa di-kalayuan habang nagbubulungan na sadyang naririnig din naman niya. “Grabe talaga ang almusal ni Ma’am Tammy, 'no? Parang nagpapakain ng tatlong construction worker!” bulong ng isa. “Shh! Hayaan mo na. At least maasahan sa mga numero! Pero 'teh, tingnan mo 'yung mukha niya ngayon, parang sinabugan ng sesame seed ang pisngi. tapos kasing kapal ng balat niya ang salamin niya sa mga mata. Paano kaya 'yan natitiis ni Sir Rossi sa bahay?” Hindi man lang natigil sa pagnguya si Tamara buhat sa narinig. Kinuha niya ang pandesal at pilit na pinagkasya sa bibig. Pangit kung pangit, at baboy kung baboy, sigaw ng isip niya. Mas pabor sa kanya na isipin ng lahat na pangit at patay-gutom siya. Nang kagatin niya ang hulingpandesal, tumunog ang cellphone niya sa tabi ng kanyang plato. Ipinatong niya ang kamay sa lamesa at pormal na sinagot ang tawag habang puno pa rin ang bibig. “Good morning, office of the CEO. How may I assist your illegal operations today?” pormal niyang sagot. "Tammy." Nabitin ang pagnguya niya sa narinig na boses. Huminga siya nang malalim at ngumit. "Signor?" matamis niyang tugon. Sa isang abandoned warehouse, nakatayo si Rossi. Inalis nito ang hithit na sigarilyo habang nakatutok ang baril sa noo ng isang duguang lalake. Kitang-kita ang nagliliyab na mga tattoo sa kanyang braso at dibdib dahil nakabukas ang tatlong button ng kanyang itim na polo. Isang putok ng baril ang umalingawngaw bago dahan-dahang bumagsak ang katawan ng lalaki sa semento. Inilayo ni Rossi ang sigarilyo, iniluwa ang usok, at inilagay cellphone sa tainga. “Sino ang mga naka-aasign sa budget allocation meeting mamayang alas-tres, Tammy?" malamig at baritonong tanong ni Rossi habang ipinapagpag ang abo ng sigarilyo. Umere sa utak ni Tamara ang mga numero nang walang tinitingnang papel. “Ang Board of Directors ng D’Angelo Shipping, kasama ang tatlong Italian representatives, Signor. Naipasa ko na sa encrypted email niyo ang financial breakdown. Walang kulang kahit isang sentimo.” "Very good." Pinatay ni Rossi ang tawag at naglakad palabas ng bodega, handa nang umuwi sa mansyon. Pagkabalik ni Rossi sa mansyon, nakatayo si Tamara sa entrada ng pintuan, kipkip ang tablet at ilang libro. Mabilis niyang sinubo ang tinapay na may palaman. "Welcome back, Signor," bati niya nang makapasok ito. Tinaas lang nito and kamay. Nang magsimulang maglakad si Rossi habang inaalis ang butones ng polo dire-diretso patungo executive suite sa ikalawang palapag. Mabilis na sumunod si Tamara sa likod nito. Dahil sa bilis ng lakad ng boss at sa bigat ng kanyang katawan, literal na tumatalbog-talbog ang bawat hakbang niya habang yakap-yakap ang kanyang iPad at scheduler. Nang makapasok sila sa napakalaking kwarto ni Rossi, bigla siyang napa-dighay nang malakas mula sa naparaming almusal. Mabilis na huminto si Rossi at dahan-dahang lumingon. Mabilis siyang tumuwid ng tayo, at inayos ang makapal niyang salamin. "E-Excuse me, Signor." Nakatitig lang si Rossi sa kanya. Kumurap ang nga mata niya nang humakbang ito palapit sa kanya. Ang isang kamay nito ay nakabulsa habang dahan-dahan nitong itinataas ang kabilang kamay. Nanigas siya sa kinatatayuan. Hindi siya gumalaw o kumurap man lang habang dahan-dahang lumalapit ang hinlalaki ni Rossi sa gilid ng kanyang labi. Doon, may maliit na natirang tirang palaman ng pandesal. Pinunasan iyon ng hinlalaki ni Rossi. Nagtama ang mga mata nila. At sa harap mismo niya ay sinubo nito ang nasa hinlalaki habang nakatitig sa kanya. Napalunok si Tamara nang malalim. “Si-Signor, bakit niyo po kinain? Akin po 'yon, e! Sayang naman!” reklamo ni Tamara na may halong gulat at panghihinayang. Isang munting ngiti ang gumuhit sa labi ni Rossi bago ito tumalikod, nakasubsob pa rin ang hinlalaki sa sariling labi. “Ready my bath, Tammy." Bumagsak ang mataba niyang mga balikat at tumalikod. Ito ang totoong trabaho ni Tamara Delos Reyes. Hindi lang siya basta humahawak ng milyun-milyong accounting data ni Rossi, siya rin ang personal executive assistant nito sa loob ng mansyon. Inilapag niya ang iPad at agad na lumapit kay Rossi para hubaran ito. Ang mga mata niya ay pokus sa pagtatrabaho. Dahan-dahan niyang inalis ang mamahaling suit jacket nito, isinunod ang necktie, at isa-isang tinanggal ang mga button ng polo. Sa bawat pagkabukas ng tela, lumilitaw ang malalaking muscles at nakatakip na mga tattoo sa dibdib ng amo. Si Rossi naman ay seryosong pinagmamasdan ang kaharap na sekretarya. Hanggang sa boxer brief na lang ang matira sa katawan ng Mafia Boss. Naglakad si Rossi pumasok sa malaking banyo at dahan-dahang humiga sa bathtub na puno ng malamig na tubig at bula. “Tammy, get the tablet.” "Yes, Signor!" “Tammy, adjust the temperature.” "Yes, Signor!" “Tammy, hand me the glass.” "Yes, Signor!" Sunod-sunod ang utos ni Rossi habang nakapikit ang mga mata sa tubig. Natatarantang pasunod-sunod si Tamara sa tabi ng bathtub. Bitbit ang lahat ng kailangan nito nang lumapit siya sa amo. "Ito na po—WOAH!” Sa pagmamadali ng matatabang paa niya aksidenteng nadulas siya sa basang tiles. Bumagsak si Tamara diretso sa loob ng napakalaking bathub. Mas naging mariin ang pagkakapikit ni Rossi dahil malakas ang talamsik ng tubig sa mukha niya. Tumapon ang napakaraming tubig sa sahig dahil sa lakas ng impak ng kanyang katawan. Nakatagilid niyang nilinga ang si Rossi. "Pasensiya na po, Signor." Akma siyang babangon nang lumapit si Rossi. Ang mga kamay nito ay nasa ilalim ng katawan niya, inangat siya pero kusa rin natigilan habang namumula ang leeg at labas ang mga ugat dahil sa pwersa. Nagkatitigan sila dahil hindi siya nito mabuhat. Walang emosyon siyang umiling dito. "Hindi mo ako kaya, Sir. 80 kilos ho ako," aniya. Ngumiti ang amo habang nakatitig sa mga mata niya. "Really?" Napasinghap siya nang umangat siya sa ere. Ang mga braso ni Rossi ay galit na galit at namumutok ang masel nang buhatin siya at ilagay siya sa kandungan nito. Naglapit ang mukha nila. Nanatiling nakangiti si Rossi nang abutin nito ang salamin niya sa mga mata at ihagis kung saan. "Signor," bulalas ni Tamara. Kitang-kita ni Rossi ang totoong ganda ng mga mata ni Tamara. Ngumisi siya at bumaba ang tingin sa mataba nitong katawan habang nakahawak pa rin sa bawang ng sekretarya. "Pwede kang salbabida pero mas bagay kang kasabay maligo rito sa bathtub," makuhulugan wika ng mafia boss. Matigas na napalunok si Tamara habang nakatitig sa magagandang mga mata pero delikado kung titigan. Napapikit siya nang mas ilapit nito ang mukha sa kanya. "What do you think?" Nagmulat siya at pasimpleng napatingin sa paligid ng bathtub na halos wala nang natirang tubig dahil umapaw at tumapon sa sahig nang bumagsak siya. Muli siyang tumingin nang diretso sa mga mata ni Rossi at sumagot. “Kulang ang tubig na 'to, Signor. Para akong balyena rito." Napapikit at napailing na lang si Rossi habang patagong tumatawa. Inalis ng sekretarya ang pagkakapit ng kamay niya sa bewang. Nang magtangka namang tumayo si Tamara para umalis, lalong tumalsik ang natitirang tubig sa paligid bago pa siya tuluyang nakatindig. Nang makatayo sa gilid ng bathtub. Inayos niya ang dumikit na basang damit sa kanyang matabang katawan at hinarap ang tumatawang amo. Tiningala siya nito. "If we can't fit in this bathtub together, we might as well take this to the pool." Nahugot niya ang hininga. Paano ba niya tatanggihan ang alok na iyon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
483.6K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
834.7K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.0K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
14.5K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.2K
bc

In Bed With Kuya Red

read
52.4K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook