4 Kabanata

1243 Words
MATAPOS ANG KLASE ay agad naglabasan ang magkaklase. Naghintayan pa ang mga ito sa isang sulok para lang masiguro na sasama nga ang mga nagsabi. Nasa isang sulok lamang si Joey habang pinagmamasdan ang isang pigura na papalapit sa kung nasaan sila. Totoong sasama si Feliz dahil na rin sa pamimilit ng kaibigan nito. Iniwan ni Joey ang sasakyan nito sa paaralan. Lahat kasi ay maglalakad at hindi naman kakasya ang mga ito kung isasabay man niya. Ka close naman nito ang bantay sa school kaya kahit gabihin ay hindi ito nag-aalala. Nang masiguro ni Albert na naroroon na ang mga sasama ay nanguna na ang mga ito sa paglakad. Kasunod sila Elsie, Feliz at ang iba pa nilang kaklase. Si Joey naman ay nanatili sa pinaka hulihan na animo'y bantay ng mga ito. Tahimik lang niyang pinagmamasdan ang dalaga mula sa likuran. Waring nag-iisip kung pwede niya muli itong I approach para mawala ang ilangan sa pagitan nilang dalawa. Gusto nita rin maka usap ito tulad ng pagka usap ng iba nilang kaklase. Samatalang si Elsie ay panay naman ang kausap kay Feliz. Kasabay na nila si Albert at sinabayan nito si Elsie. "Elsie ihatid kita mamayang pag-uwi," wika ni Albert kay Elsie. "Ah bawal baka makita ako ng mama at papa ko na may kasabay ay mapingot ako. Kami na lang ni beshie ang sabay sa pag-uwi. Eat and run lang kami ha," sagot nito kay Albert. " Ay ganon ba?! Sige hindi na muna. Masaya na ako na kasama kayo ngayon, " wika naman ng binata dito, na bahagya pang nilingon si Joey ng magpasalamat na nakasama ang dalawa. Tumingin lang din dito si Joey na nagtatanong ang mga mata. Ngiti lang ang isinagot ni Albert dito. Ilang minuto na rin silang naglalakad ng sabihin ni Albert na malapit na sila. Itinuro pa nito kung saan ang bahay nila Aaron na matatanaw na sa lugar nila. Hindi pumasok ang binata dahil sa birthday nito ngayon. Nag-paalam naman siya sa mga teachers nila na liliban muna siya sa klase. Nang marating ng mga ito ang tahanan nila Aaron ay nag kanya kanya na silang upuan. Pinag handaan talaga ang pagdating nila dahil naka ready na ang mga table na may upuan. Mukhang hiniram pa sa barangay dahil may pangalan pa ni Kap. Nag-una unahan ito ng mga upo. Dahil nahuhuli si Joey ay wala na siyang ibang mauupuan kundi sa lamesa kung nasaan sil Elsie at Feliz. Wala pa ring upuan si Albert. Hindi nila alam kung sinadya ba ito ng mga kaklase nila. Hindi agad naupo si Joey dahil nakikiramdam din naman siya. Nakita siya ni Albert na nakatayo pa kaya niyaya siya nito sa table kung nasaan Sila Elsie at Feliz. Akala mo siya ang may birthday at abala siya sa pag-aayos sa mga kaklase nila. "Tara dito boss Joey, dito na tayo maupo. Okay lang naman sa kanila na tumabi tayo. Hindi naman tayo nangangain ng tao," Aya dito ng binata. Kumilos naman si Joey dahil napalakas ang salita ni Albert baka isipin pa ng mga ito ay nag-iinarte siya. "Ehem, okay lang ba na dito kami maupo?" malumanay nitong paalam sa mga nasa lamesa. "Okay lang po, hindi naman amin ito," si Elsie ang sumagot sa binata. Habang si Feliz ay tahimik lamang. Hindi naman ito nag react dahil tama naman ang sinai ni Elsie hindi nila ito pag-aari. "Salamat," iyon na lang ang nasabi ng binata sa mga kaharap na dalaga. "Ayan na pala ang birthday boy!" malakas na anunsyo ni Albert sa grupo. Nagkantahan ang mga ito ng happy birthday habang papalapit sa kanila ang kanilang kaklase. Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday, to you. Tawanan pa dahil hindi sila magkasabay sabay sa pagkanta. Inayos naman ng Mama nito ang table at inilagay doon ang cake para ma blow na nito ang kandila na nasa ibabaw ng cake. "Make a wish!" sigawan pa ng mga kaklase ng may kaarawan. Hinipan na ang kandila at niyaya ng kumain ang mga bisita. "Magsikuha na kayo ng pagkain, bawal ang mahiyain dito," ani ng mama ni Aaron. " Tara na bestie, pila na tayo, " aya ni Elsie kay Feliz. Tumayo naman ito, at pasimplemg sinulyapan ang lalaking nasa harapan nila. Hindi kasi ito tumatayo. " Ikaw Tay? Tara na! " Aya din dito ni Elsie. " Sige sunod na ako sa Inyo," sagot naman nito kay Elsie. Tumayo na nga ito at sumunod sa pila. Pagkakuha ng pagkain ay bumalik na sila sa kanilang table. Muling tumayo si Joey at pagbalik ay kasabay na si Albert na parehas may bitbit na baso na may juice. " Para sa iyo ito Feliz, naikuha na rin ni Albert si Elsie," inporma nito sa dalaga. " Salamat," tipid nitong sagot naman sa binata. Tahimik silang kumain. Si Albert ang nagbukas ng usapan. " Naiinitindihan ba ninyo ang itinuturo ni Sir Gatchalian? Nahihirapan ako. Mabuti pa si boss Joey, easy lang sa kanya. Boss baka pwede mo naman turuan Ako? " saad ni Albert. " Sige sabihin mo lang sa akin kung kailan mo gustong turuan kita!" sagot naman nito sa binata. " Kami tatay Joey baka pwede ding sumama dyan sa tutorial ninyo," sabat ni Elsie. Gusto niya lang mapalagay din si Feliz. At mapapayag niya ito na magpaturo kay Joey. Kailangan talaga ng kaibigan nito na makabawi sa Math at maging top 1 sa klase. "Sige sabihin lang ninyo kung kailan. Pwede naman kapag break time natin gawin ang tutorial." saad din nito sa mga kaharap. Pasimpleng itinuturo ni Elsie si Feliz sa binata. Gusto yata ni Elsie na si Joey pa ang mag offer sa dalaga na sumali sa gagawin nilang tutorial. Na gets naman ng binata ang gustong ipahiwatig ni Elsie. " Feliz, gusto mo bang sumali sa kanila? " malumanay na tanong ng binata dito. " Ah hindi ba nakakahiya?" sa wakas ay tumingin ito ng diretso sa mata ng binata. " Naku, magkaklase naman tayo kaya dapat mag tulungan tayo. Sali ka? " saad ni Joey. " Sige, makisali na rin ako. Salamat. " nahihiyang wika nito. " Albert samahan mo naman akong kumuha ng cake. Kami na lang ni Albert ang kukuha," sabay hila nito sa binata. Talagang nananadya ang dalawa at naiwan sa table si Feliz at Joey. Nagpapakiramdaman ang dalawa, mukhang matatagalan pa ang pagbalik ng dalawa dahil naharang sa kabilang lamesa. Naisipan ni Feliz na kausapin ang kaharap na binata, siya naman ang naglagay ng harang na pader sa pagitan nila kaya marapat na siya ang maunang kumausap dito. "Ahm, Joey," panimula nito. "Pasensya ka na pala kung iniiwasan kita. Hindi naman ako galit o ano pa man. Hindi lang ako handa na mag paligaw." sa wakas ay nasabi ito ng dalawa. "Naiintindihan ko naman. Kung maaari pwede ba tayong maging mag kaibigan?" ani ng binata sa dalaga. "Yon lang pala, pwede naman." sagot ng dalaga. "Friends na tayo, sinabi mo iyan. Wala ng bawian." sambit pa nito at biniro pa ang dalaga. Nagtawanan pa ang mga ito at siyang pagbalik naman ni Elsie at Albert na may dala ng cake. "Parang ang saya natin boss ah," puna ni Albert kay Joey. Ngumiti lang ang binata at inalok na silang kainin ang cake na dala ni Elsie at Albert.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD