bc

FELIZ Ang babaeng haliparot

book_age18+
685
FOLLOW
6.9K
READ
HE
lighthearted
office/work place
secrets
like
intro-logo
Blurb

Ako si Feliz, isang ulila at laki sa hirap. Labindalawang taong gulang pa lamang ako ng mamatay ang aking Inay. Biktima siya ng hit and run. Hindi na nahuli kung sino ang may sala sa kanyang pagpanaw. Kaya naman ay lumaki akong mag-isa. Ngayon ay 20 years old na ako at nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral. Grade 12 na ako, ilang taon din akong natigil sa pag-aaral ng mawala si Inay. Ngayon ay nagtatrabaho ako sa isang club kaya naman ang tawag sa akin dito sa aming lugar ay isang Haliparot.

chap-preview
Free preview
1 Kabanata
"Feliz," tawag ni Elsie sa kanyang kaklase. Huminto naman ang dalagitang tinawag. "Bakit?" baling ng isa sa kaibigan miyang tumawag sa kanya. "May assignment ka na ba sa Math?" ito pala ang itatanong nito. "Meron pero hindi ako sigurado sa sagot ko. Ang hirap eh. Basta may assignment na ipapasa, iyon na lang ang habol ko kesa walang ipasa," sagot nito kay Elsie. Nagkibit balikat na lang si Elsie at sabay na silang naglakad ni Feliz papunta sa kanilang klase. Maganda si Feliz, parang hindi mo iisipin na anak ng mahirap. Ang kulay pa lang ng buhok nito ay di na pang karaniwan. Natural na brown ang buhok niya na napagkakamalan pa ng marami na pinakulayan niya. Ang malalim nitong mata na kulay brown din ang bilog. Lalong gumaganda kapag nasisinagan ng araw. Ang kanyang matangos na ilong at ang magaganda nitong labi. Halos perpekto na siya plus ang magandang hubog ng katawan kaya hindi iisipin na 20 years old lamang siya. Mag-isa lang sa buhay si Feliz kung kaya kailangan niyang magtrabaho para itaguyod ang sarili. Wala na siyang magulang na matatakbuhan. Ang pangarap lang niya ay makatapos ng pag-aaral, makapag trabaho, at makaipon ng sapat na salapi para makahanap ng magandang lugar na malilipatan. Sa squatters area lang nakatayo ang bahay na iniwan sa kanya ng kanyang Inay. Sa lugar na puro toxic ang mga tao. Minsan hindi niya maisip kung paano siya naka survived sa loob ng walong taon pagkawala ng kanyang Inay. Namatay ito dahil nasagasaan habang naghahanap ng kalakal. Iyon ang trabaho ng Inay niya. Hindi na niya nakilala ang kanyang ama. Sabi ng kanyang Inay ay matagal ng patay ang kanyang ama, nasa tiyan pa lamang daw siya ng pumanaw na ito. Wala din naipakita itong larawan kay Feliz kaya wala siyang maimagine na mukha ng kanyang ama. Sila lang ng kanyang Inay ang magkasama sa kanyang paglaki. Nang mamatay ang Inay niya ay tinulungan naman siya ng mga kapitbahay nila, ito yung may magaganda pang kalooban. Hindi tulad ng mga tao ngayon sa squatters puro masasama ang ugali. Iyong may magagandang loob mga wala na rin ang mga iyon dahil sa katandaan at nangamatay noong panahon ng pandemic. Mabuti may mga ayuda na ibinigay ang gobyerno at pribadong individuals kaya naman nalampasan iyon ni Feliz. Nalampasan niya ang mga panahong halos wala na siyang makain. Kuntodo tipid siya sa mga bigas at groceries na nakukuha niya. Isang sardinas ay uulamin niya sa buong araw. Minsan dalawang beses lang siya kung kumain at may araw na isang beses lang talaga . Ngayon ang mga kapitbahay niya ay lagi na lang siya ang laman ng mga bulung bulungan at tsismisan. Napakabata pa daw niya ay haliparot na siya. Isa daw siyang malanding babae dahil nilalandi daw niya ang mga kalalakihan sa lugar nila at nagtatrabaho pa daw siya sa club. Grabe ang mga paratang nila sa dalaga. Pero lahat ng iyon ay pinapalampas na lamang niya. May mga pagkakataon talaga na may nasagot na rin siya. Sa gabi ay pumapasok siya sa club malapit lang sa lugar nila. Hindi siya nandoon para magbenta ng aliw o ng laman. Siya ay isang serbidora at taga linis lamang doon..Hindi naman kita ang mukha niya dahil naka mask siya at nakasuot ng cap. Kailangan din niyang mag ingat dahil hindi alam sa paaralan nila na nagtatrabaho siya sa club. Kung meron mang nakakaalam, ang hiling na lang niya ay hindi ito ipagkalat. Kung malaman man ng iba ay okay lang din dahil wala naman siyang ginagawang masama. Ngunit hindi ganon kalawak ang isipan ng mga tao. May sadyang mapanghusga tulad na lang ng mga kapit bahay niya. "Hoy Feliz, kanina ka pa Dyan tulala?" puna ni Elsie kay Feliz. "May iniisip lang ako. Kung dapat bang ipasa ko ang assignment ko kahit di ako sigurado sa sagot?" palusot ni Feliz dito. "Bakit hindi ka kaya magpaturo kay Tatay Joey? Magaling iyon, hindi iyon tatanggi sa iyo." bulong nito kay Feliz. May gusto kasi si Joey kay Feliz kaya naman talagang hindi iyon tatanggi. Mayaman ang binata, tulad niya ay may edad na rin si Joey dahil pinabayaan nito ang pag aaral. May panahon na tumitigil ito dahil nauunahan na ng katamaran. Matanda pa ito ng dalawang taon sa kanya. Sa klase sila ang matandang dalawa kaya naman sila ang tinatawag na nanay at tatay sa klase nila. Kinikilig naman si Joey kapag naririnig iyon. Samantalang si Feliz ay naiilang. May hitsura si Joey kaya lang ay may pagka siga, akala mo ay Mayor sa loob ng kulungan este sa paaralan. Kulang na lang ay maglagay ito ng sigarilyo sa bibig. Minsan na din nitong inapproach si Feliz na ihahatid sa bahay nito na agad na tinanggihan ng dalaga. Hindi sa ikinakahiya ni Feliz ang bahay niya kundi ang iisipin na naman ng mg kapithabay nila may nilalandi siyang lalaki. Kaya hanggang palipad hangin na lang ang binata sa dalaga. Pag-aaral ang focus ni Feliz dahil pangarap niyang umalis sa lugar kung nasaan siya ngayon. Matalino si Joey kaya lang ay tamad, pero simula ng lumipat ito sa public school at nakita si Feliz ay nagbago ito. Masipag na itong mag aral kaya nga siya ang top 1 sa klase sumunod lang si Feliz na hirap talaga sa Math. Madaling marahuyo si Joey kaya naman puro barkada ang inaatupag niya. Huling pagkakataon na itong ibinigay sa kanya ng kanyang magulang para makatapos ng grade 12. May kaya si Joey at alam ng mga kaklase nila. Lagi niyang inililibre ang mga ito lalo na ang mga tropa niya. Kaya naman halos lahat ng kaklase niyang lalaki ay dumidikit sa kanya. Mayabang siye pero hindi kasama sa ipinagyayabang niya ang estado nila sa buhay. Siya lang ang may kotse sa kanilang magkaklase. Hindi naman bago ang sasakyan ni Joey. Sa hitsura nga nito ay baka itirik pa siya sa kung saang Lugar. Sa ngayon masaya na siya na nakikita si Feliz. Masilayan lang ito ay sapat na. Buo na ang araw niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook