Story By Dreame Catcher
author-avatar

Dreame Catcher

ABOUTquote
Gusto kong abutin ang mga pangarap ko sa pamamagitan nang pagsusulat.
bc
KUYA DOZ ADDICTION (SSPG)
Updated at Dec 14, 2025, 19:12
Si Iza ay isang dalaga na lumaki sa piling ng pamilya na kumupkop sa kaniya matapos mamatay ang kaniyang mga magulang. Ang kaniyang Mama Cindy ay may bilin sa kaniya na huwag munang mag-boyfriend hanggat hindi pa siya tapos mag-aral, na naging dahilan ng pagiging maingat niya sa mga lalaki. Lagi rin siyang may mga bantay, ang mga Martin, na tila mga kapatid na rin niya. Ngunit ang lahat ay nagbago ng pumasok si Doz Martin, ang guapo at matalinong professor sa Pamantasan na pinapasukan niya. Hindi niya alam kung paano sisikilin ang nararamdaman niyang paghanga sa lalaki na lagi na lang laman ng kaniyang isipan, lalo na't naging Professor niya ito sa isa niyang subject. Sa gitna ng mga pagsubok at tukso, kailangang harapin ni Iza ang kaniyang damdamin at ang bilin ng kaniyang Mama Cindy, at alamin kung ano ang tunay na mahalaga sa buhay. Ngunit paano niya ito gagawin kung ang lalaki na kaniyang napupusuan ay ang lalaki na ipinagbabawal sa kaniya?
like
bc
MANONG SHADON (SPG)
Updated at Dec 14, 2025, 16:03
"Si Shadon Enriquez, ang panganay sa triplets nina Sophie at Aki Enriquez, ay ipinanganak na may hilig sa pagtatanim. Kaya naman, kinuha niya ang kursong pang-agrikultura at pagkatapos ng pag-aaral, mas piniling manirahan sa probinsiya ng Santa Monica, kung saan nagmamay-ari ang kanilang pamilya ng mga lupain. Bilang isang 25-taong-gulang na binata na kilala bilang "no girlfriend since birth," hindi inaasahan ni Shadon na ma-inlove siya sa isang dalagang mas bata sa kanya — si Diane Jessica Dominguez. Saan sila dadalhin ng isang di-sinasadyang paglalapat ng kanilang mga labi?"
like
bc
SHAOLYN (R-18)
Updated at Dec 14, 2025, 05:33
Si Shaolyn at Bebeng ay matalik na magkaibigan mula pagkabata na may matinding sumpaan sa isa't isa. Ngunit ang panahon at ang mga pagsubok sa buhay ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang mga landas. Nang sila'y muling magkita matapos ang ilang taon, nakita ni Shaolyn na si Bebeng ay hindi na ang dating babae na kilala niya. Si Bebeng ay napunta sa isang bahay aliwan at tila nawalan na ng pag-asa sa buhay.Habang si Shaolyn ay nanatiling tapat sa kanyang sinumpaan at pagmamahal para kay Bebeng. Siya'y nagdadalawang-isip kung paano niya muling sisimulan ang kanilang relasyon. Ngunit ang tanong ay: handa na ba si Bebeng na bumalik sa nakaraan at tuparin ang kanilang sumpaan?Sa gitna ng mga pagsubok at pagbabago, magagawa kaya ni Shaolyn na makuha ang pag-ibig ni Bebeng? O huli na ba para sa iningatan niyang pagmamahal para sa kababata?
like
bc
DADDY DAX SECRET OBSESSION (SSPG)
Updated at Nov 30, 2025, 07:25
DIAMOND AWARDEE IN NOW YOU WANT ME? WRITING CONTEST Isang byudong lalaki, na twenty-two years na walang karelasyon ay hindi inaasahang magkagusto sa kanyang bagong katulong na dalaga at mas bata pa ng ilang buwan sa kanyang nag-iisang anak. Sa gitna ng kanilang magkaibang estado sa buhay, si Dax Martin ay nahaharap sa isang mahirap na desisyon: ang sundin ang kanyang puso o ang kanyang prinsipyo bilang isang ama at isang byudo. Si Karyssa De Belen ba ang babaeng magpapatibok ng kanyang pusong matagal nang nakatulog? Samahan ninyo ako sa istorya na puno ng maiinit na tagpo sa pagitan ng mag-amo.
like
bc
SEÑORITO HEINZ (SPG)
Updated at Oct 1, 2025, 08:15
Si Heinz Sandoval ang panganay na anak ng mag-asawang Honrado at Conchita Sandoval. Ilang taon din siyang nanirahan sa America para mag-aral. Ngayon na nagbalik siya ng bansa, inatasan na siya ng kanyang ama na si Señor Honrado na pamahalaan ang kanilang hacienda sa Santa Fe. Sa lugar na puno ng ala-ala simula sa kanyang pagkabata.Si Elisa ang dalaga na kasing edaran ng kanyang nakakabatang kapatid na si Henry. Ito ang laging kalaro nito at madalas ay nagkakampihan pa ang dalawa sa pang-aasar sa kanya. Batid ni Heinz ang pagkakagusto ni Henry sa dalaga dahil sa kanya ito nagkukwento.Sa isang banda si Elisa ay hindi nahihiyang sabihin na gusto niya si Heinz o dahil bata pa ito kaya hindi alam ang salitang binibitawan nito.Samantala si Heinz ay hindi nagmamahal dahil sa babaeng nasa larawan na nakalagay sa kanyang wallet. Larawan na pinapaka-ingatan at walang may alam. Sino ang babaeng nararapat para kay Heinz?
like
bc
NINONG SHADOR (R-18)
Updated at Sep 6, 2025, 16:46
Si Analyn ay isang babae na lumaki na walang pakialam sa kanyang pangangatawan. Kahit 20 years old na Siya, hindi niya iniintindi kung seksi ba siya o hindi, basta may pagkain ay kumakain lang siya hanggang kaya niya. Nagkataon na hindi siya pinagpala na tulad ng mga kaibigan na kahit gaano kadami ang kainin ay hindi lumalaki ang mga katawan.Kaya hindi niya akalain na mararanasan niya ang isang bagay na hindi niya kailanman naisip. Na isang mayaman at gwapong lalaki ang magnanasa sa kanyang katawan. At ang lalaking iyon ay ang kanyang Ninong Shador. Ang Ninong niya sa kumpil.Nalaman ito ng mga magulang ni Analyn kaya nag-demand silang panagutan ng binata ang nangyari sa kanilang dalawa.Ano ang kahihinatnan ng pagsasama nina Shador at Analyn? Gayung ang mga naka-relasyon ni Shador ay mga modelo at galing sa mayayamang pamilya.
like
bc
CASTOR PEREZ
Updated at Aug 25, 2025, 03:26
Matapos ang isang nakaraan ng di pagkakaunawaan, muling nagkatagpo sina Castor at Chariz.Naulila si Chariz. Ang pamilya nina Bea at Hector Perez ang tumulong sa dalaga para makapag-aral ito sa kolehiyo.Kapwa nagkaroon ng karelasyon ang dalawa. Si Mark at Chariz ay hindi nagtagal dahil hindi magawa ni Chariz na mahalin si Mark. Sa umpisa pa lang ay malinaw na ito sa part ni Mark. Dahil sa pangingialam ng pamilya ni Mark, nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila.Si Castor at Julianne ay naghiwalay dahil sa selos. Lahat na ay pinagseselosan ni Julianne. Kaya si Castor ang humiwalay sa dalaga.Nagkalapit muli sina Castor at Chariz. Sinamantala ito ni Castor na ligawan ang dalaga katulong ang kanyang mga kapatid na sina Cassie at Callie. Sa pagkakataong ito, handa na silang magbigay ng isa pang tsansa sa kanilang pag-ibig. Magtatagal ba ang kanilang pagmamahalan sa pagkakataong ito? May mga hamon pa ba na darating upang subukin ang kanilang pag-ibig?Samahan ninyo ako sa pag-iibigan nina Castor at Chariz.
like
bc
HEARTBREAKER HANZ
Updated at Jul 27, 2025, 14:56
Si Thisa Martin ay isang babae na nahulog sa isang grade 10 student noong siya ay grade 7 student. Ngunit hindi siya napapansin ng lalaki dahil sa kanilang agwat sa edad at dahil may nobya na ito. Lumipas ang mga taon, at nakita muli ni Thisa ang binata sa kolehiyo. Dito nagkaroon ng pagkakataon para magkakilala ang dalawa. Ang tanong kung may pag-asa pa ba ang kanyang pag-ibig para sa binata? Magkakaroon ba ng katugon ang kanyang pagmamahal, o ito ba ay mananatiling isang one-sided love?
like
bc
FELIZ Ang babaeng haliparot
Updated at May 22, 2025, 15:33
Ako si Feliz, isang ulila at laki sa hirap. Labindalawang taong gulang pa lamang ako ng mamatay ang aking Inay. Biktima siya ng hit and run. Hindi na nahuli kung sino ang may sala sa kanyang pagpanaw. Kaya naman ay lumaki akong mag-isa. Ngayon ay 20 years old na ako at nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral. Grade 12 na ako, ilang taon din akong natigil sa pag-aaral ng mawala si Inay. Ngayon ay nagtatrabaho ako sa isang club kaya naman ang tawag sa akin dito sa aming lugar ay isang Haliparot.
like
bc
NINANG PATRIZ (SPG)
Updated at Apr 30, 2025, 21:52
Matapos mahuli ang kanyang nobyo sa pagtataksil, nakilala ni Patriz si Antonio Alexander, ang anak ng kanyang kumareng si Sonia. Sa gitna ng kanyang paghihinagpis, natagpuan ni Patriz ang kanyang bagong pag-asa sa pag-ibig sa pamamagitan ni Antonio. Ngunit may mga hamon ba silang haharapin sa kanilang pagmamahalan?
like
bc
TITO DOUGZ (SPG)
Updated at Apr 30, 2025, 15:22
Si Dougz, ang itinuturing na "black sheep" ng kaniyang pamilya, ay kilala sa kaniyang pasaway at mapasakit na pag-uugali. Ngunit sa pagkakataong ito, nahumaling siya kay Ivy, ang masunurin at maaasahang anak ng kanilang karatig-pamilya. Paano niya mapapaibig ang isang taong tulad ni Ivy, na napakalayo sa kaniyang sariling pagkatao? Makakaya ba ni Dougz na magbago at maging isang taong karapat-dapat sa pagmamahal ni Ivy? O mananatili siya sa kaniyang dating pagkatao at mawawala ang pagkakataong mapasakanya ang dalaga?
like
bc
NINONG HECTOR (SPG)
Updated at Apr 27, 2025, 19:36
Kasal na lang ang kulang at tuluyan na niyang magiging Ninong si Hector Perez, ang fiance ng kanyang Ninang Fiona. Hindi batid ni Beatriz na may itinatago pala na malubhang sakit ang kanyang Ninang Fiona. Ano ang magiging papel ni Hector Perez sa kanyang buhay?
like
bc
CAPTAIN LUCAZ
Updated at Feb 11, 2025, 06:04
Isang kwento ng pagmamahal, pagkakaibigan, at pagkakamali. Si Lucaz at Queenie, magkababata at malapit na magkaibigan. Ngunit ang kasikatan ni Lucaz sa basketball ay nagdulot ng pagkakalayo. Makakahanap pa ba si Lucaz ng pangalawang pagkakataon para sa kaniyang nawawalang pag-ibig?
like
bc
AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG
Updated at Jan 28, 2025, 06:18
Si Blake Enriquez, isang mahusay na Agent ng Philippine Army, ay may bagong misyon: protektahan si Sophie Paige laban sa mga nagtatangka sa buhay nito. Anak ng isang kilalang business tycoon na si Solomon Paige. Sa kalagitnaan ng misyon ay nahulog ang loob ng dalaga kay Blake. Sa panahon na magkasama sila ay nakilala rin ni Blake ang totoong Sophie na lumaki sa marangyang buhay. Hindi niya namamalayan na sa paglipas ng mga buwan na magkasama sila ay naging mahalaga na rin ang buhay ng dalaga, hindi bilang isang misyon kundi pag-ibig? Ngunit, may mga hadlang sa kanilang kapayapaan. Isa na si Violeta ang babaeng handang ibigay ang lahat kay Blake. Makakayanan ba ni Blake na protektahan ang dalaga lalo na ang damdamin nito?
like
bc
PROFESSOR EKZ (SPG)
Updated at Oct 18, 2024, 19:08
Si Ekzekiel Alonte ay isang certified bachelor. Nagpasya siyang magturo kaysa tutukan ang business ng kanyang mga magulang. Madaming estudyante ang nagpapantasya at gustong makuha ang atensyon niya subalit wala itong oras para sa ganoong bagay. Hanggang magtagpo ang kanilang landas ng isang pasaway na estudyante.Dito napukaw ang kanyang atensyon at tuluyang ginulo ang sistema ng kanyang pagkatao.Si Wyeth ba ang babae na makakakuha ng puso ni Professor Ekz.
like
bc
ALEX (COMPLETED)
Updated at Oct 11, 2024, 05:49
Si Alex ay isang simpleng dalaga na lumaki sa kanyang lola. Na inlove sa batang edad, ngunit ito ay kanyang sinabi lamang sa kanyang best friend. Sinubukan niyang kalimutan ang pag-ibig na ito sa pamamagitan ng pagpasok sa isang relasyon na ang involved ay pinsang buo pa ng kanyang lalaking napupusuan. May pag-asa ba na magkaroon ng katugon ang pag-ibig ng dalaga mula kay Hubert gayung may kasintahan na ito?
like