1
Guys, ito po ang karugtong ng story nina Chariz at Castor. Nauna ko na pong isulat ang kanilang kwento sa story ni Ninong Hector. Sa mga naghihintay po nito ay nagpapasalamat na po ako sa inyong lahat. Paki-add to your library lang po para ma-notify po kayo sa tuwing may update po ako. Maraming salamat po sa inyong pagtangkilik.
TOR’s POV
Maaga pa lang ay gising na ako. Excited lang na makasilay sa aking girlfriend.
Mamayang hapon pa ang klase ko pero nasanay na akong pumasok ng maaga. Nasa library lang naman ako at tumatambay. Kaya lang ay sinabihan ako ni Cha na mag-aral ako habang nandoon. Para hindi naman daw sayang ang oras ko. Kung siya lang ang makikita ko kahit maghapon pa akong nakaupo lang doon ay hindi pagsasayang ng oras iyon. Makita ko lang siya ay parang bonding moment na namin itong dalawa.
Gusto ko sana siyang kumbinsihin na dito na muling tumira sa bahay. Kaya lang sa pagkakakilala ko sa kanya, mas lalo na siyang hindi papayag dahil may relasyon na kaming dalawa. Noong wala pa nga, umalis na siya dahil darating na ako. Ngayon pa kaya.
Kagabi, ang kulit kasi ng mga kapatid ko, pinapauna ko na silang umuwi pero gusto pa magkakasabay kami kaya hindi na ako naka-request ng kiss. Di bale mayroon pang mamaya at maraming araw pa.
“Kumain ka na muna bago ka magbantay este bago ka pumasok,” ani Ate Yolly.
“Ate, igagawa ko ng sandwich si Cha. Para may meryenda siya habang naka-duty. Baka napapabayaan na niya ang sarili niya eh. Hindi ko alam kung ano ang breakfast niya. Siguro kapag nalaman niya na ako ang nag-prepare ay kakainin niya di ba po, Ate?”
“Alam ko na kung kanino nagmana ang ugali mo,” wika ni Ate Yolly habang papunta kami sa kitchen.
“Kanino po? Kay Mommy po ba? “ gasgas na ang linya sa akin ni Ate Yolly. Lagi naman niya itong sinasabi sa akin. Simula ng niligawan ko si Cha ay ito ang sinasabi ni Ate Yolly kapag naiisip ko ang aking Cha noon kahit hindi pa ako sinasagot.
“Pareho! Maalaga ang Mommy mo noon sa Daddy mo. Ganoon din naman ang Daddy mo, pero dinaan ng Mommy moo d’yan sa pagbibigay ng pagkain.” Dagdag pa ni Ate Yolly.
Ginawan ko ng tuna sandwich ang aking girlfriend. Gusto niya ang mga isda kaya magugustuhan din niya ito.
Mabilis lang akong nag-breakfast at nagpunta na ako sa school bitbit ang aking ginawang sandwich. Naisip ko na mas kailangan ko siyang bantayan dahil sa nangyaring confrontation kahapon. Napagbintangan pa ang girlfriend ko kahit na ang boyfriend niya ang lumalapit dito.
Masaya ako habang papunta na ako sa library. Sinilip ko pa ang laman ng paper bag kaya nawala sa daan ang paningin ko.
“Ouch!” sigaw ng babae. Nagulat ako dahil may nabangga ako. Wala naman akong nakita kanina na paparating at saglit lang akong yumuko. Pero dahil lalaki ako at babae itong nabunggo ko ay agad ko rin na kinuha ang gamit niyang nahulog.
“I’m sorry, Miss. Hindi kita napansin.” Hinging pasensya ko at totoo naman na hindi ko siya nakita kanina. Inabot ko sa kanya ang mga book na dinampot ko.
“Next time, titingin ka sa dinaraanan mo,” sambit pa nito. Napatingin ako sa dibdib nito na lumilitaw dahil sa pagpagpag niya sa kanyang tuhod. Hindi naman ako interesado sa kanya. Parang may kahawig siya hindi ko lang masabi kung sino.
“Okay, pasensya na. Mauna na ako.” Itutuloy ko na ang paglalakad ko papuntang library pero humabol pa ito.
“Wait! Saan pala ang library? Hihiram sana ako ng book,” tanong nito sa akin.
“Papunta ako sa library. Sumabay ka na para maituro ko sa iyo.” Sagot ko na lang sa kanya. Hindi ko na siya tiningnan dahil hindi ko naman siya kakilala at nagtanong lang naman siya sa akin. Ilang buwan at linggo na nagsimula ang pasukan, hindi pa niya alam. Nagpapapansin lang itong babaeng ito.
Pagdating namin sa library ay hindi naman siya pumasok.
“Thanks! Alam ko na ngayon kung saan ang library. Bye!” Ang weird ng babaeng iyon. Hihiram pero hindi na pumasok.
Pumasok na ako sa loob ng library at nakatuon agad ang aking paningin sa aking girlfriend. Nagtama naman ang aming mga paningin at mas lalong lumawak ang aking ngiti.
Lumapit ako sa kanya. Dahil bawal mag-ingay ay halos buka na lang ng bibig ko ang nakita niya. May note naman na nakalagay sa loob.
“Good morning, hon! Kainin mo ito, ako ang nag-prepare nito. I love you, Cha! Love, Tor.” Iyon ang isinulat ko sa maliit na papel dahil alam ko na bawal ang mag-ingay rito.
Isang magandang ngiti ang kapalit nito kaya naman masayang-masaya na ako.
Nagtungo na ako sa paborito kong pwesto kung saan kitang-kita ko ang aking girlfriend. Hindi ko napansin na kasunod ko pala siya. Kaya pag-upo ko ay may ipinatong ito sa harap ko na isang note.
“Good morning too, hon! I love you too!” pagkapatong niya ay umalis din agad siya saka ko pa lang nabasa. Kung pwede lang sumigaw, baka ginawa ko na. Kaya lang baka forever akong i-ban ng librarian kapag ginawa ko iyon. Hinintay kong tumingin sa aking pwesto ang aking girlfriend. At ng tumingin ito ay isang mabilis na flying kiss ang ginawa ko.
Ang sarap pala sa pakiramdam na girlfriend ko na ang babaeng pinakamamahal ko.