1
SHAO’s POV
“Angkinin mo na ako, ito ang binayaran mo, ‘di ba?” Inalis ni Bebeng ang kanyang suot na dress na humahakab sa maganda niyang katawan. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero alam ko na pwede rin na epekto ito ng alak sa kanyang katawan.
“Ang pera, para sa ‘yo lang, Bebeng. Hindi mo kailangan gawin ito.” Mahina kong wika sa kanya. Gusto kong pigilan siya sa kanyang ginagawa pero natuod ako dahil sa pagkabigla.
Nandito kami sa isang kwarto sa club. Hinila niya ako matapos malaman na binayaran ko siya sa cashier. Bayad ang gabi niya.
“Hindi ko tatanggapin ang pera kung hindi mo kukunin ang binayaran mo. Ito ang binayaran mo, Sir, kaya pwede mong gawin ang gusto mo. Kung ayaw mo, kunin mo ang pera mo at maghahanap ako ng ibang customer na siyang pwede akong galawin sa gabing ito.” Wika niya sa akin. Ganito na ba talaga siya? Parang bagay na lang ang katawan na pwedeng ibigay sa iba?
Hindi ako makakilos sa kinakatayuan ko dahil sa mga sinasabi niya. Wala akong inaasahang kapalit ng pera, gusto ko lang tulungan siya at makauwi na. Ang gusto ko lang ay bigyan siya ng pera para hindi na siya ma-i-table ng iba. Para makapagpahinga na siya sa bahay nila. Hindi ko pa alam ang kwento kung paano siya napunta rito dahil wala pa kaming matinong pag-uusap.
Umiiwas siya sa akin at may galit sa boses niya. Ano bang nagawa ko sa kanya? Siya ang hindi sumasagot sa mga messages ko noon.
“Kung gagawin ko ang s-sinasabi mo? Kukunin mo na ba ang pera na ibinigay ko sa iyo?” ulit ko pa sa kanya.
“Trabaho ko na mag-serbisyo sa iyo. Painitin ang gabi mo at paligayahin ka. Iyon naman ang dahilan kung bakit pumupunta ang mga lalaki sa ganitong lugar – para sa sarap at mailabas ang init.” Ang Bebeng ko ba ito?
Pero siya si Bebeng ang kababata ko. Umaasa ako sa pagbalik ko rito ay hindi ko na siya makikita dahil malakaing halaga ang ibinigay ko sa kanya nung una kaming magtagpo. Pero kanina nang makita ko siyang may ka-table na ibang lalaki at mukhang may plano sa kanya ay pinaki-usapan ko ang manager na ibigay sa akin si Bebeng kapalit ng malaking halaga.
Siya ang humila sa akin sa kwartong ito at mabilis na naghubad. Hindi naman siya ganito nung nakaraan.
Wala na siya ni isang saplot. Hindi ko mabakas sa kanyang mukha na nahihiya siya sa ginagawa niya. Ganito na ba talaga siya?
Lumapit siya sa akin at kinuha niya ang aking mga kamay at ipinatong niya sa kanyang dalawang bund0k. Ramdam ko ang malambot niyang mga dibdib at ang naninigas na mga ut0ng. Siya ang umiipit sa mga kamay ko para simulan na masahehin ang mga bund0k niya.
“Bebeng, ito ba ang gusto mo?” mahina kong tanong sa kanya at nagsimula na rin kumilos ang mga kamay ko. Gusto ko ang hinahawakan ko. Sa panaginip ko lang ito nakikita pero ngayon ay totoo na ang lahat pero hindi sa ganitong lugar.
Narinig kong napasinghap si Bebeng sa ginawa kong paglalaro sa kanyang mga ut0ng. Nadala na ako sa init ng pangyayari. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na siilin siya ng halik. Gumanti siya at kumapit pa siya sa batok ko.
Nawala na ang pagtitimpi ko sa katawan. Bumaba na ang halik ko sa kanyang leeg papunta sa gitna ng kanyang mga svso. Napaliyad naman siya at sinabunutan ang aking buhok. Inihiga ko siya sa kamang nasa likuran niya.
Inalis ko na rin ang suot kong mga damit. Wala nang makakapigil. Dahil mainit na mainit na rin ang aking katawan at naghahanap ng paglalabasan. Kung ito ang trabaho niya rito, ibibigay ko sa kanya ang gusto niya kaysa ibang lalaki ang makinabang sa kanya ngayong gabi.
Ako na ang gagawa kaysa ang lalaking kasama niya sa table kanina. Isinubo ko ang kanyang ut0ng habang ang aking pagkalala ki ay nakapwesto na sa kanyang pagkababa e. Kung ito ba ang tamang gawin ay hindi ko alam. Tila may sariling buhay ang alaga ko at nang maramdaman niya ang butas sa pagkababa e ni Bebeng ay kusa itong bumabaon. Masikip at kinailangan kong idiin para makapasok.
“Ahhh!” sigaw ni Bebeng at tila may napunit ako sa ginawa kong pag-ulos. Dahil galit na ang alaga ko ay binigla ko ito nang pasok at nasaktan si Bebeng sa aking ginawa.
“Bebeng?” iniwan ko ang mga svso niya at tiningnan ko ang kanyang mukha. Nakaawang ang mga labi niya at halatang nasaktan siya. Kitang-kita ang sakit sa mata niya dahil may luha sa gilid ng kanyang mga mata.
“I’m sorry, Bebeng. Hindi ko alam na first time mo.” bulong ko rito at hindi na niya napigilan na lumuha.
Gusto kong saktan ang sarili ko dahil nagpadala ako sa init ng aking katawan. Naging marupok din ako.
“Ituloy mo, Shao. Bayad ka na naman.” Sambit ni Bebeng matapos punasan ang mga luha sa kanyang mga mata.
Umiling naman ako.
“Itutuloy mo o isasauli kong muli ang pera mo?” matigas niyang wika sa akin.
Pikit-mata kong itinuloy ang paggalaw ko sa kanyang loob hanggang sa tuluyan namin maabot ang sukdulan. Bumangon agad ako at kinumutan ko ang hubad na katawan ni Bebeng. Nakatulog siya. Maaaring gawa ng alak at pagod. Nagbihis na ako at naupo na lamang sa isang upuan na narito sa maliit na silid. Pinagmasdan ko siya habang natutulog at banayad ang paghinga. Kailangan niyang magpahinga muna.
Baka sa paggising niya ay maka-usap ko na siya ng maayos. Pag-usapan namin ang mga nangyari.
Ipinikit ko na rin muna ang mga mata ko. Sumasakit ang ulo ko dahil sa mga pangyayari.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Kung hindi pa ako ginising ng boy rito, hindi ko malalaman na nakatulugan ko ang paghihintay kay Bebeng na magising ito.
“Nasaan na ang kasama ko?” tanong ko rito.
“Si Vienne po? Kanina pa po siya umalis. Nagmamadali nga po. Akala ko nga rin po ay wala ng tao rito.”
Wala na si Bebeng dito sa loob ng kwarto. Nakita kong inaalis na ang bedsheet na ginamit namin ni Bebeng. May bakas ito ng dugo ng dalaga.