bc

ALEX (COMPLETED)

book_age16+
1.0K
FOLLOW
8.3K
READ
city
addiction
like
intro-logo
Blurb

Si Alex ay isang simpleng dalaga na lumaki sa kanyang lola. Na inlove sa batang edad, ngunit ito ay kanyang sinabi lamang sa kanyang best friend. Sinubukan niyang kalimutan ang pag-ibig na ito sa pamamagitan ng pagpasok sa isang relasyon na ang involved ay pinsang buo pa ng kanyang lalaking napupusuan. May pag-asa ba na magkaroon ng katugon ang pag-ibig ng dalaga mula kay Hubert gayung may kasintahan na ito?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Ang agap kong nagising mag alas - singko pa lang ng umaga. Sabihin nating excited na akong mag-bakasyon sa probinsya kung saan ang kinagisnan kong bayan. Maagap daw akong dadaanan ni tito dahil pupunta din sya ng Manila, para bumili ng mga materyales na kailangang kailangan na. Isasabay na nya ako sa pagbalik nya ng probinsya para masigurado rin ang aking kaligtasan at makatipid na rin sa pambayad sa sasakyan. Naka pag paalam na rin naman ako sa aming land lady na si Nanay Vicky. Nanay na tawag namin sa kanya, di na kami iba sa kanya, pamilya na ang turing nya sa amin. Simple lang ang ni re rentahan namin ng mga kasama ko. Apat kaming magkakasama sa boarding house. At sila na rin ang mga naging ka close ko dito ng mag simula akong mag-aral ng College. Sila si Weng, si Flor at si Liza. I have had my best friend since childhood na na iwan don sa probinsya, mas pinili nya doon mag College dahil walang maka kasama ang Mama nya, nag ka hiwalay man kami ni Christine nitong College pero mag bff pa rin kami. Lagi kaming updated sa isa't isa. Ako ay solo lang na anak, wala akong kapatid, pero ang aking Daddy ay panganay sa tatlo na mag kakapatid. Si tito Andrei ko ang bunso. Ang pangalawa ay si tita Ann na nasa ibang bansa at doon nag ta trabaho. Hindi kami mayaman at di rin naman mahirap. Sakto lang para ma-enjoy ang buhay. Tulog pa yung tatlo at ako pa lang ang gising. Sabi ni tito mga 8:00 am baka dumating na sya. Maaga raw kami na aalis para di ma traffic. Kaya magluluto na muna ako, para pag gising noong tatlo at may ready ng pagkain. Ganon din si tito, baka gutom na yon kasi maagap sya umalis sa bahay namin sa probinsya. Nag saing ako at nakita kong may manok pa sa fridge kaya i a adobo ko na lang. Mag seven thirty na ng ma ka luto ako. Nagpasya na rin akong maligo para naka ready na ako, at handa ng umalis once dumating si tito. Kakain lang ng breakfast. Kaunting pahinga at aalis na kami para maka dating ng maagap sa probinsya. Pagpasok ko sa kwarto para kumuha ng damit na abutan ko si Weng, halata na bagong gising. Siya ang katabi ko sa kama. "Dumating na ba si tito Andrei?" Tanong ni Weng sa akin. "Hindi pa pero baka padating na yon. Naka luto na ako, maliligo muna para naka basta na ako pagdating nya. Pwede bang makisuyo? Ipaghain mo si tito kapag dumating, habang ako ay busy sa pag peprepare." Saad ko kay Weng. "Okay Lex, ako na bahala habang nag reready ka. Sige punta na ko sa labas baka anytime dumating na si tito". Tugon ni Weng. Tito na rin tawag nila kay tito Andrei, ganon din ang iba kong kasama at ganoon din kami sa family nila. Na meet na namin dahil napupuntahan naman nila kami dito sa boarding house Naka ligo at naka bihis na ako wala na rin sila Liza at Flor sa kama nila. Sabagay, tanghali na. At sila rin ay mga uuwi sa province nila, mauna lang ako. Habang palabas ng aming kwarto, narinig ko ang mga tawanan nila. For sure bangka na naman si tito. Masayahin kasi si tito, ang daming baon na mga kwento, na bentang benta naman sa amin. Pero parang dalawa yung boses ng lalaki, ang naririnig ko. Kasama ni tito ang best friend nya, si Hubert. "Lex tara na kain ka na." Yaya sa akin ni Weng. "Kaka umpisa pa lang namin heto daming baong jokes ni tito." Dagdag pa nya. Yung dalawa tawa lang ng tawa lalo na si Liza. Si Hubert naman nakatingin lang sa akin. Bata pa ako kilala ko na sya. Lagi syang nasa bahay ng lola ko. Tropa nga kasi ni tito. Pero di ko sya tinatawag na tito o kuya. Ewan ko kung bakit Hubert lang tawag ko sa kanya. Minsan nga nasabihan ako ni Lola bakit daw ganon lang tawag ko. Sabi ko " La sanay na po akong tawagin sya ng ganon. Hubert din po tawag ninyo tito sa kanya. Kaya po siguro ganon, kasi yon po naririnig ko." Sa huli hinayaan na nila ako. Nginitian ko ng tipid si Hubert habang papalapit ako sa kinauupuan ni tito. Humalik ako kay tito sa pisngi bilang pagbigay galang. Pinaupo nya ako sa katabing upuan kaya kaharap ko si Hubert, na nakatingin pa rin pala. Nagulat na lang ako ng sitahin sya ni tito. "Pre baka naman matunaw si Alex eh mawalan ako ng pamangkin." Patawang sabi ni tito kaya nagtawanan din ang lahat. Maliban kay Hubert na parang biglang nahiya, kaya ibinaling ang tingin kay Tito "Nagulat lang naman ako pre, sa ilang buwan na di ko nakita si Alex ay parang madaming nag bago. " Nahihiyang sambit ni Hubert na tumingin saglit sa akin. "Tito ikaw talaga! Nagsisimula ka na namang mambuska." Sabi ko dito. "O sya, sige biro lang naman yon. Kumain na tayo at nang tayo ay maka uwi na." Sabi ni tito. Natapos ang aming almusal, na masaya pa rin may kamustahan, at tawanan pa rin. Ngunit, napansin ko ang panaka nakang pagtitig ni Hubert sa akin. O ako ang tumititig, kaya nakikita ko rin. Hahahaha. Nagpaalam na ako sa tatlo kong kaibigan at kay Nanay Vicky. Bago kami umalis. Pick-up dala ni tito na pwede ang limang tao. Silang dalawa ni Hubert sa harapan at ako naman sa likuran nila. Pwede nga akong humiga kasi pang tatluhan ito. Di naman ako antukin sa byahe, gustung gusto ko ang magagandang tanawin na dinadaanan namin. Habang nasa byahe, nag kukwentuhan kami. Tinanong ako ni tito. "Lex kumusta naman pag-aaral mo?" Baka may boyfriend ka na di mo lang sinasabi sa amin." Dagdag pa nya. "Okay lang naman po tito ang schooling. Kaya pa. Saka syempre kakayanin ko pa rin kahit mahirap, ayaw ko naman masayang ang pag tatrabaho ni Daddy." Tugon ko sa kanya. Wala na akong Mommy, nasa elementary pa lang ako ng mamatay si Mommy. Nagkaroon sya ng cancer at late na ng matuklasan ang sakit. Kaya si Daddy ay talagang binuhos sa trabaho ang oras. Nagpasya syang magwork sa ibang bansa. Paraan na rin daw yon ng kanyang pag move on. Kaya ako , lumaki kay Lola, kasama si Tita Ann at Tito Andrei. Pero si tita Ann nag decide na rin na magwork sa ibang bansa. Mas malaki daw ang offer sa kanya doon. Ang nasa bahay na lang ay sina Lola, tito at si Manang Gaying, na bata pa lang ako kasama na ni Lola sa pag maintain ng kabahayan. Tumanda na si Manang Gaying sa piling ni Lola kaya di na rin ito nagkaroon ng sarili nyang pamilya. Ibinigay nya na lang ang oras sa pag lilingkod sa pamilya namin. Ganoon pa man ang kinikita ni Manang Gaying ay pinapadala nya sa kanyang mga pamangkin. Ilan na nga napatapos nya? Kaya noong mga mag katrabaho gusto na syang kunin. Si Manang Gaying lang ang ayaw umalis sa poder ni Lola. Iniisip nya kasi na tumatanda si Lola at wala na rin kaagapay ito. Kaya madalas habang nag aayos ng mga halaman sa may bakuran, bonding na rin nilang dalawa. Bigla akong nagulat, ang dami na pa lang tinatanong ni tito na di ko na naintindihan, o mas tamang di ko narinig dahil sa mga iniisip ko. "HOY Alex! Naririnig mo ba ako?" Medyo naaasar ng pag tatanong nya "Ha!? Ano po ba yon tito? Pasensya na may naalala lang po ako. Di ko po narinig na may mga tinatanong ka. Ano po ba yon? " Tanong ko kay Tito. " Wala kalimutan mo na." Mukhang tuluyan na syang nainis. Napatingin naman ako sa salamin, nagtama ang mga mata namin ni Hubert." Ewan ko ba dito tingin ng tingin. Nagpasya na lang akong matulog, mga isang oras pa bago kami makadating sa amin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook