PROLOGUE
SHADON’s POV
Nandito ako ngayon sa simbahan dahil magkakalong ako kay Analyn sa kumpil. Anak siya ng aming katiwala dito sa Santa Monica.
Mag-isa akong nakatira sa aming malaking bahay. Hindi ka naman matatakot dahil secured ang place. Walang tao ang basta basta makakapasok dito. ‘Yung mga binigyan lang ng access ni Daddy ang makakapasok at kasama roon ang pamilya ni Mang Anacleto at Aling Lynda.
Ginaya ko ang hitsura ni Shador. Triplets kami at alam naman dito sa Santa Monica iyon. Kilala ang pamilya namin. Ang ayos at kulay ng buhok ni Shador ay ginaya ko at pati na rin ang kulay ng mata nito. Si Shador ang nakakuha ng kulay ng mat ani Daddy kaya kung titingnan kami sa mga mata ay makikilala agad kung sino si Shador at Shadon.
Hindi ko kailangan magtago dahil ako si Shador ngayong araw. Bilang Shadon, may pinagtataguan kasi ako, ‘yung anak ng binabagsakan ko ng mga gulay sa palengke. Alam ko ay magkakalong din siya sa kumpil. Kumpilang bayan ito kaya maraming tao at isa siya sa pupunta. Nalaman ko sa isa nilang tauhan sa tindahan na magpapakumpil din.
May ginawa akong kalokohan kahapon kaya nagtatago ako ngayon sa katauhan ng aking kapatid na si Shador.