SHADON's POV
Magdedeliver kami ng gulay ngayon sa palengke. Ayos na ayos ako at alam kong siya ang bantay tuwing weekend. Kaya hindi ako um-absent sa pagsama sa mga tauhan ko.
“Grabe ang bango mo, Manong. Mapapalingon ang makaka-amoy sa iyo.” Bati ng aking driver na si Mamerto.
“Oo nga po, Manong. Ang layo pa ninyo umaalingasaw na ang amoy ninyo. May nililigawan po ba kayo? Parang wala pa po kayo naging girlfriend. Sa tagal na po namin na kasama kayo ay wala pa kaming nakitang kasa-kasama ninyo.”
Manong ang tawag nila sa akin dahil mas matanda ako sa kanila. Ang tawag ng iba ay Manong instead of Kuya.
“Bilisan na ninyo at tatanghaliin tayo.” Utos ko pa sa dalawa.
NGSB ako, nakakahiya mang aminin ito ang totoo. Magkaiba kami ng kapatid kong si Shador. Ang dami niyang naging girlfriend. May mga naging kaibigan akong babae at talagang kaibigan lang. Wala akong nagugustuhan pa pero hindi na ngayon.
Sisilay ako sa anak ni Aling Donielyn. Basta pagkakita ko rito minsan ay gusto ko na siyang laging makita. Noon kapag weekdays lang ako sumasama kaya kapag papasok ito sa school saka ko lang siya nakikita. Humihingi siya ng baon sa kanyang Mommy.
Bata siya sa akin ng apat na taon. Twenty-five ako at Twenty-one naman siya. Graduating siya at nursing ang course. Balita ko ay intern ito sa hospital sa bayan. Pero kapag weekend siya pala ang bantay kaya naman weekend ako hindi um-absent sa pagsama sa kanila. Maaga pa lang ay umaalis na ako sa bahay at pumupunta ako rito sa aming taniman.
Depende sa napapanahong gulay ang aming tinatanim. Ngayon ang aming idedeliver sa kanila ay talong, okra at mga talbos ng kamote at kangkong. Puno ang truck. Doon na lang kami kumukuha ng additional kargador. Pati naman ako ay tumutulong sa paghahakot para mapabilis.
Pagdating namin sa palengke ay naka-abang na ang mga taga-hakot. May babagsakan na ito na mga pwesto at isa ang pwesto nina Aling Donielyn.
Ako ang magdadala sa kanila ng order nilang gulay. Dahil madaling araw pa ay nagbubukas pa lang ang ibang tindahan. Pero kanila Aling Donielyn ay maagap laging bukas kaya pagdating namin ay ready na ang pwesto nila. May tauhan sila rito at maaga silang dumarating dito sa pwesto.
Si Zel at Mae.
Walang tao at busy pa ang iba. Pumasok ako sa loob ng pwesto para puntahan ang anak ni Aling Donielyn. May pagka-masungit ito sa akin. Hindi ako nito pinapansin at kapag nakikita ako ay umiirap pa ito.
Siya lang ang tao rito. Natutulog. Naka-tabingi ang mukha nito at himbing na himbing. Baka puyat pa siya dahil dumu-duty siya sa hospital.
Kitang kita ko ang mapupula nitong mga labi. Hindi ako sigurado kung may liptint itong nakalagay kaya mapula. Uso kasi iyon sa mga kabataan. Gusto ko sana na maging close sa kanya. Gusto ko siyang maging kaibigan para mas makilala ko pa siya.
Wala pa rin ang mga kasama niya rito. Baka um-order ng pagkain o kape dahil ina-antok ang crush ko.
Nakalapit na ako rito. Kapag si Aling Donielyn ay nakakaupo pa ako sa upuan sa harapan ng table niya at nakakausap ko pa ito. Sa kanya ko rin nalaman ang ilang detalye tungkol sa anak niyang si Diane Jessica. DJ ang naririnig kong tawag ng mga kasama nila rito. Ayaw kong tawagin siyang DJ, ang gusto kong itawag sa kanya ay Diane. Dahil kapag nakikita ko siya, ang pakiramdam ko ay heaven.
Ganito pala kapag may crush, para akong nasa alapaap. Paano pa kaya kung mapansin na niya ako?
Nahihiya akong magtanong sa kapatid ko dahil tatanungin ako no’n at baka kantyawan pa ako.
Para sa akin siguro ang umagang ito. Solo ko rito si Diane. Kumikibot-kibot pa ang mga labi nito kaya naman natutukso talaga akong halikan ito. Hindi naman niya siguro mararamdaman lalo na kung dampi lang.
Isang tingin pa sa labas ng tindahan at wala pa naman bumibili at wala rin ang mga kasama niya kaya unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kanya.
Malapit na at magdidikit na ang aming mga labi nang biglang may bumili. Napabalikwas si Diane at hindi sinasadya ay nagtama ang mga labi naming dalawa.
“Ay ang sweet naman. May morning kiss.” Wika pa ng bumibili. Pumasok na rin ito at pipili siguro ng mga gulay.
Hindi niya pinansin ito at ako hindi makakilos sa kinatatayuan ko.
“Bakit mo ako hinalikan?” masungit nitong tanong sa akin.
“Hindi kita hinalikan. Nagtama lang ang mga labi natin. May ipis kasi akong nakita kaya papatayin ko sana bigla naman lumipad. Tapos nagsalita siya kaya nagising ka. Hindi pa ako nakakalayo kaya tumama ang mga labi mo sa akin. Kinuha mo ang first kiss ko.” Napatitig pa ito sa akin. Ngayon ko lang mas lalong napagmasdan ng malapitan ang kanyang mukha. Mas maganda siya kapag malapit kahit na chubby siya. Hindi ako tumitingin sa katawan. Wala rin naman dating sa akin kahit ‘yung mga modelo na girlfriend ni Shador. Anong mayayakap ko sa kanila?
“Ako pa talaga ang kumuha ng first kiss mo?” itinuro pa niya ang sarili niya. “Paano naman ako? Ako ang nagbigay ng first kiss ko sa iyo? Ayos ka. Anong ipinaglalaban mo ngayon? Parang ikaw pa ang lugi sa ating dalawa.”
“Ako ang saksi sa mga pangyayari. Totoo ang sinabi ni gwapo na may ipis at nakita ko ang paglipad nito kaya magpasalamat ka sa kanya. Nagulat ka yata kaya hindi pa siya nakakatayo bigla ka naman nagising at ang pag-angat mo ng mukha at diretso naman sa mga labi niya ang mga labi mo. Wlaang may kasalanan sa inyong dalawa. Para fair sa inyong dalawa at sinabi naman ninyo na parehong first kiss ninyo ang nangyari kanina, why not maging kayo na. Boyfriend mo siya at girlfriend ka niya. Walang lugi na sa inyo. Pwede pa ninyong ulitin nang ulitin.”
“Anong meron dito at parang ang aga ay nagdidiskusyon kayo rito?” tanong ni Zel.
“Wala ito. Paki-assist na po siya at hindi ko kabisado ang mga presyo.” Wika nito kay Zel na mabilis naman inilapag ang kape sa ibabaw ng table.
“Ikaw? Ano pang itinatayo mo d’yan? Naibaba mo na naman ang gulay, di ba? Pwede ka ng umalis. Kalimutan na lang natin ang nangyari kanina.” Mahinang wika nito sa akin. Baka ayaw niyang ipaalam kanila Zel ang nangyari sa aming dalawa.
Sayang iyon, may girlfriend na sana ako.
“Ayaw mo bang subukan ang suggestion niya?” tanong ko rito pero tiningnan lang niya ako.
“Subukan mong mag-isa mo.” masungit nitong sambit sa akin.
“Manong Shadon, ilang tali po itong dala mo?” tanong ni Mae.
“Ito ang listahan. Pa-double check na lang, Mae.” Inilabas ko mula sa aking bulsa ang papel.
“Alis na muna ako, Zel, Mae. Hindi pa naman ma-tao kayo na muna ang bahala rito.”
“Saan ka pupunta, DJ?” tanong ni Mae kay Diane.
“Hahahanap ng magandang tanawin at sariwang hangin. Ang sakit sa ilong ng amoy rito.” Hindi na ako tiningnan ni Diane at umalis na siya.
“Ano bang nangyari sa inyo ni DJ, Manong? Parang pinag-aayos kayo nung costumer kanina?” usisa ni Mae.
“Wala naman. May ipinapaliwanag lang sa amin. Gano’n ba talaga ang amo ninyo?”
“Anong gano’n po ba talaga?”
“Masungit.” Natawa naman si Mae sa sinabi ko.
“Hindi naman masungit si DJ sa amin. Baka sa iyo lang po. Baka crush ka niya kaya masungit siya.” Sa isip ko, kung crush ako no’n dapat kinilig siya. Kabaligtaran e. Kinilig dahil galit siya sa akin.
“Ang lakas mo ring mang-uto.”
“Sayang, sana ikaw na lang ang nakuha kong Ninong sa kumpil para kayo ni DJ ang magkatuwang. Hindi makakapunta si Nanay Donielyn kaya si DJ ang a-attend bukas sa Cathedral.”
“Pupunta raw ba siya?” paniniguro ko rito dahil bukas ay pupunta ako dahil magkakalong ako kay Analyn.
“Opo, Manong. Pupunta si DJ para maging substitute siya ni Nanay Donielyn.” Ulit sa akin ni Mae.
“Hindi ako pupunta dahil wala naman akong kakalungin. Ang kapatid kong si Shador ang pupunta bukas.” Sagot ko rito. Kapag ako ang pupunta baka sungitan na naman ako ni Diane. Kaya bukas ako muna si Shador.
“Sayang naman. Nandoon pa naman si DJ. Makakasilay ka.” wika pa ni Mae.
“Anong pinagsasabi mo?”
“Kunwari ka pa, Manong Shadon. Halatang halata ka. Crush mo si JD.” Hindi ko na lang sinagot itong si Mae. Kaya lang may naalala akong bigla.
“Mabaho ba ako?” tanong ko kay Mae kasi ang alam ko mabango ako. Umaalingasaw pa nga ang amoy ko.
“Ang bango mo po, Manong Shadon. Bakit mo po naitanong?”
“Para kasing bahong-baho ang amo ninyo.”
“Huwag mo pong pansinin si DJ. Baka nagpapansin lang sa iyo, Manong.” May bumibili na kaya nagpaalam na rin sa akin si Mae.
Mukhang matatagalan pa ang pagbalik ni Diane kaya nagpasya na akong umalis. Makikita ko naman siya bukas - sa kumpilang bayan