bc

CAPTAIN LUCAZ

book_age18+
229
FOLLOW
2.1K
READ
family
HE
playboy
independent
neighbor
sweet
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

Isang kwento ng pagmamahal, pagkakaibigan, at pagkakamali. Si Lucaz at Queenie, magkababata at malapit na magkaibigan. Ngunit ang kasikatan ni Lucaz sa basketball ay nagdulot ng pagkakalayo. Makakahanap pa ba si Lucaz ng pangalawang pagkakataon para sa kaniyang nawawalang pag-ibig?

chap-preview
Free preview
1
Narito ako sa bar at nag-iinom na mag-isa. Wala akong ibang kabarkada kundi si Archie lamang. At hindi ko pa siya pwedeng yayain dahil may kasama siya. Hindi ko alam na ang tinutukoy niyang girlfriend ay ang kababata kong si Queenie na basta na lang akong iniwan, five years ago. Limang taon akong naghintay sa kanyang pagbabalik. Christmas party ng kompanya ngayon at in-allow na pwedeng magsama ng family members lalo na ang mga bata. Sabi nga nila ang pasko ay para sa mga bata. Wala akong kasama dahil nasa probinsiya ang parents ko para sa isang bakasyon. Ako lang at si Yaya ang nasa bahay. Hindi naman mahilig si yaya na makiharap sa mga tao. Kaya mag-isa lang akong um-attend ng party. Binata pa rin ako sa edad na 26. Akala ko ay namalik-mata ako sa naka-banggaan kong babae kanina. Matagal kaming natulala sa isa't isa. Tama ba ang nakikita ko? Si Queenie ba ito? Bakit kasi napipi ako? Magsasalita pa lang ako ng may nagsalita mula sa aking likuran, kaya hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Naiwang nakabuka ang aking bibig. "Honey, nandyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." sambit ng pamilyar na boses. Kahit hindi ko ito lingunin ay kilala ko ito. Si Archie ang ka-close ko dito sa opisina. "Ah, G-galing lang ako sa rest room." sagot nito kay Archie at itinuro pa ang lugar na kanyang pinanggalingan. Napansin ako ni Archie dahil kaharap ko ang babaeng kausap niya. Halos mabingi ako sa lakas ng boses nito na nasa likuran ko lang. Sobrang proud ba? Kaya ipinaglalakasan. "Bro, kilala mo ba ito? Same school kayo noong College pero sa US siya nagtuloy ng kanyang pag-aaral." natatandaan pa pala niya ang school na pinanggalingan ko. Kung saan naging matunog ang pangalan ko dahil sa paglalaro nang basketball. Magsasalita sana ako nang putulin ako ni Queenie. Kaya muli na namang naiwan na nakabuka ang aking bibig sa ere. Pangalawa na ito, una si Archie ang bumitin sa akin at ngayon ang girlfriend niya na kababata kong si Queenie. "Hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang siya nakita. Hindi. pamilyar sa akin ang mukha niya. " tila iritableng sambit nito. Hindi man lang ako tinapunan nang tingin. Na kay Archie ang kanyang mga mata habang sinasambit ang mga salitang ito. Hindi ko alam, pero ramdam ko sa boses niya na galit siya sa akin. Hindi ako makapaniwala na hindi na niya ako matandaan o maalaala. May sakit ba siya? May amnesia ba siya. Ilang taon kaming magkasama kumpara sa limang taon na hindi kami nagkita. Bakit? Pagkatapos niyang sabihin iyon ay niyaya na niya si Archie. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Ipapakilala pa sana ako ni Archie sa kanya pero umiwas na ito. " Pasensya na bro, mainit yata ang ulo. Baka may period. " sambit pa nito habang nakasunod na sa kanyang girlfriend daw. Parang hindi naman ang tipo ni Archie ang gusto niya noon. Nagkasya na lang akong pagmasdan siya mula sa malayo. Magmumukhang ewan naman siya kung tatakpan niya ang kanyang mukha. Ang laki na nang pinagbago ng hitsura niya. Ang simpleng Queenie noon ay isa nang sopistikadang babae ngayon. Lahat ay mapapalingon kapag dumaan ito. Makikita ang paghanga sa mga nakapalibot sa kanya. Ang kanyang mukha ay nagbibigay ng impresyon ng isang perpektong hugis, may malalaking mata na kulay brown, matangos na ilong, at makinis na mukha. Ang kanyang mga labi ay may natural na kulay at hugis, na nagpapakita ng kanyang nakakawiling ngiti. Ang kanyang katawan ay slim, fit, at may may magandang kurba. Ang kanyang balat ay kayumanggi pa rin kahit na matagal siyang nanirahan sa US. Ang dati niyang buhok na kulay itim, mahaba, at makapal, na nagpapakita ng kanyang natural na ganda ay wala na. Naging brown na ito at may malalaking alon alon na kurba.Sa kabuuan, mas naging kaakit akit siya sa paningin ng sinumang makakasalamuha niya at patunay ang hindi pag-alis ng aking paningin sa kanya. Kitang kita na ibang-iba na siya sa dating Queenie na nakilala ko. Ang babaeng nakikita ko ngayon ay puno ng kumpiyansa at elegansya. Sumali sila ni Archie sa palaro, ang paper dance. Masaya itong sumama kay Archie nang yayain siya at nahuli ko siyang tumingin sa aking direksyon na agad din niyang binawi. Nanatili akong nakamasid sa kanila. Pati ang pag-ngiti nito ay kaka-iba. Bago pa lumiit nang husto ang papel ay nagpasya na akong umalis sa venue. Ayaw Kong makita ang susunod na tagpo. Bago susunod ay yakap na siya ni Archie. At dito sa bar ako napadpad. Ilang taon akong naghintay sa kanyang pagbabalik para malaman ang biglaang desisyon niya na umalis? Hindi man lang niya ako sinabihan? Magkalapit lang ang tirahan namin at nasa isang school at same section kami. Ngunit ngayon na narito na siya ay tila isa akong estranghero sa kanyang paningin. Wala naman nagbago sa akin, nag-mature lang ng kaunti ang aking mukha at pati na rin ang aking pangangatawan. Ngunit sa kanya ay madami, simula sa pisikal na anyo hanggang sa pag-uugali. Napakalayo sa Queenie na nakilala ko. At bakit ganoon na lang ang pagtanggi niya kanina sa tanong ni Archie? Akala ko kapag nagkita kami ay yayakapin niya Ako at sasabihin niyang na - missed niya ako. Pero napakalayo sa iniisip ko ang naging reaction niya. Lahat nang iniisip ko ay walang nagkatotoo. Hindi niya ako kilala. Bakit Queenie? Limang taon akong naghintay sa iyo. Araw-araw akong dumaraan sa bahay nila para alamin kung umuwi ba siya o ang pamilya niya. Ang patao lang nila ang lagi kong nakikita. Hindi ko natunugan na narito na pala siya. Ilang araw lang akong hindi dumaan sa kanila. Sunud - sunod kong tinungga ang alak na nasa bote.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook