Oras pa ng klase ng maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko na nasa loob ng aking bag. Hindi naman siguro ako itetext ni Joey dahil lahat kami ay nakatuon ang atensyon kay Sir Gatchalian. Mamaya ko na lang kukunin pagkatapos ng subject na ito. TUtal ay lunch break na. Matapos ang klase ay binasa ko na ang text message. Mula ito kay Sir Jay. “Feliz, hindi ka masusundo ni Manong Rey. Nagpaalam ito kanina at nakatanggap ng tawag na may sakit ang Nanay niya. Kailangan niyang umuwi. Wala akong available na driver, mag-grab ka na lang mamaya pag-uwi mo.” message ni Sir Jay. Kawawa naman si Manong Rey, wika no sa isip ko. “Anong binabasa mo , love? “ may biglang bumulong sa akin. Napatingin ako sa paligid namin. Mabuti at wala na ang mga kaklase ko. Si Joey ang lumapit sa akin at sa tainga ko

