APAT NA ARAW ang mabilis na dumaan, mas nakilala niya kung anong klaseng pamilya mayroon sina Basty. Tunay na mababait ang mga magulang niya at nakatutuwang ang Ate Berna nito ay magiliw din na kausap. Sa sobrang bait nito ay binigay pa sa kaniya ang mga damit nito na bago pa. Nakakabit pa ang pricetags ng ilan sa mga iyon. "Talaga bang ibibigay mo sa akin ang mga ito, Ate Berna?" ani Bea na hindi pa rin makapaniwala. Nasa loob sila ng kwarto nitong tila prinsesa ang natutulog. Well, pwede namang i-consider si Berna na prinsesa dahil nag-iisa itong anak ng mag-asawang Gregorio. Kulay gold, black and white ang makikita sa buong silid. Sa tatlong kulay lang naglalaro ang mga bagay na nandoon. Naalala niya bigla ang silid ni Basty. Kulay asul, itim at puti naman ang tema ng kulay ng silid n

