A familiar face
Some love stories begin with a confession. Others begin with a lie. But theirs began with one unforgettable night and a secret that only one of them knew.
"Jane, are you seriously going to that party just to see him?"
Napatingin si Jane sa kaibigan niyang si Sophia habang inaayos nito ang laylayan ng kaniyang simpleng itim na dress.
"I'm not going there just to see him."
"Really?" taas-kilay na tanong ni Sophia. "Then why have you changed your outfit four times?"
"Because I don't know what to wear."
"Exactly. And whose fault is that?"
Hindi sumagot si Jane. Sa halip, kinuha niya ang kaniyang maliit na handbag at tumayo sa harap ng salamin.
Thomas.
Kahit pangalan pa lamang nito ay sapat nang magpagulo sa kaniyang isip.
Matagal na niyang crush ang lalaking iyon. Bago pa man siya maging kilala sa mundo ng negosyo, bago pa man siya tawaging isa sa pinakamakapangyarihang babae sa mundo, at bago pa man malaman ng publiko ang tunay na lawak ng kaniyang impluwensiya.
Noon pa man, kilala na niya si Thomas.
Nagsimula ang lahat ilang taon na ang nakalilipas nang mapanood niya ang isang interview nito. Hindi dahil mayaman ito. Hindi rin dahil sa hitsura nitong kayang makahuli ng atensiyon ng halos lahat ng babaeng makakakita sa kaniya.
Kundi dahil sa isang sagot nito.
Tinanong si Thomas kung ano ang pinakamahalagang bagay na gusto niyang makamit sa buhay.
"To build something that remains even after I'm gone."
Simple lang ang sagot, pero hindi iyon nakalimutan ni Jane.
Mula noon, paminsan-minsan na niyang sinusubaybayan ang mga balita tungkol dito. Alam niya ang mga negosyong pinasok nito, ang mga kumpanyang binuo, at maging ang mga pagkakataong tinanggihan nito ang mga alok na para sa ibang tao ay imposibleng tanggihan.
Hindi niya kailanman inamin sa publiko ang kaniyang paghanga.
Paano niya naman ipaliliwanag na ang isang babaeng kayang makipag-usap sa pinakamakapangyarihang mga tao sa mundo ay kinakabahan sa ideyang makaharap lamang ang isang lalaking matagal na niyang crush?
"Last chance," sabi ni Sophia habang binubuksan ang pinto. "Are you ready to meet your future husband?"
"Shut up."
"I'm just saying!"
"I'm leaving you here."
Tumawa si Sophia at naunang lumabas.
Hindi alam ni Jane na sa gabing iyon, ang matagal na niyang lihim na paghanga ay hahantong sa isang pangyayaring hindi niya kailanman naiplano.
At higit sa lahat, hindi niya alam kung kaya ba niyang harapin ang umagang kasunod nito.
Hindi naman talaga dapat pumunta si Thomas sa party na iyon.
May meeting siya kinabukasan, may ilang dokumentong kailangan niyang pirmahan, at may negosyong naghihintay sa kaniyang desisyon. Ngunit dahil sa paulit-ulit na pangungulit ng mga kaibigan niya sa BUDSTARD MAN, napilitan siyang magpakita kahit isang oras lamang.
"Relax, man. You look like you're attending a funeral," natatawang sabi ni Adrian.
"Maybe because I'd rather be somewhere else."
"You're rich, successful, and single. At least pretend you're enjoying your life."
"I'm enjoying my life."
"Then smile."
"No."
Umiling si Adrian. "You're hopeless."
"Can you two stop flirting with each other and get a room?" singit ng isa nilang kaibigan.
Nagtawanan ang grupo.
Thomas shook his head, taking his drink before glancing around the ballroom.
Sanay na siya sa ganoong klase ng pagtitipon. Puno ng mga negosyante, artista, at personalidad na may kanya-kanyang interes. Halos lahat ay may gustong makuha sa gabing iyon—isang koneksiyon, isang kontrata, o kahit isang pagkakataong makalapit sa mga taong may impluwensiya.
Walang bago sa kaniya.
Hanggang sa may isang babaeng muntik nang mabangga ang kaniyang balikat.
"Oh, sorry!"
Napahinto siya.
The woman looked up.
At sa loob ng ilang segundo, tila humina ang ingay sa paligid nila.
Hindi dahil sa mamahaling suot nito. Hindi rin dahil sa paraan ng pagngiti nito.
May kakaiba lamang sa mga mata ng babae—parang may gustong sabihin, ngunit pinipili nitong itago.
"It's fine," sagot ni Thomas.
Tumango ito at bahagyang ngumiti.
"Thank you."
Dapat ay nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Dapat ay bumalik na siya sa mga kaibigan niya.
Dapat ay nakalimutan na niya ang simpleng pagkikitang iyon makalipas ang ilang minuto.
Pero nang makitang lumayo ang babae, hindi niya napigilang muling lumingon.
"Who is that?" tanong niya kay Adrian.
Sinundan nito ang kaniyang tingin.
"Who?"
"The girl in black."
Tumingin si Adrian sa paligid bago muling bumaling sa kaniya.
"Bro, are you asking me about a woman? Should I call a doctor?"
"Just answer the question."
"Don't know. Maybe she's a guest."
Napakunot ang noo ni Thomas.
"Find out."
Lalong lumawak ang ngiti ni Adrian.
"Oh, this is interesting."
"Adrian."
"Fine, fine."
Ngunit bago pa makalapit si Adrian sa mga bisita, may isang babaeng lumapit kay Thomas.
"Looking for someone?"
Napatingin siya sa babae.
Si Jane.
"Maybe," sagot niya.
"Did you find her?"
"Not yet."
Bahagyang ngumiti si Jane. "That's unfortunate."
"Do you always ask strangers about their business?"
"Only when they look like they need a distraction."
Napatawa nang mahina si Thomas.
"Do I look like I need a distraction?"
"You look like you want to leave."
"Maybe I do."
"Then why are you still here?"
Hindi agad nakasagot si Thomas.
Dahil sa unang pagkakataon nang gabing iyon, mayroon siyang kausap na hindi sinusubukang humingi ng pabor, magbenta ng ideya, o makakuha ng koneksiyon mula sa kaniya.
At hindi niya alam kung bakit gusto niyang magtagal sa tabi nito.
"What's your name?" tanong niya.
Sandaling natigilan si Jane.
Ito na.
Ang pagkakataong matagal na niyang pinapangarap.
Sa isip niya, napakaraming beses na niyang inensayo kung paano niya sasagutin ang tanong na iyon. May mga pagkakataong naiisip niyang diretsahang ipakilala ang sarili. May mga pagkakataon ding gusto niyang magpanggap na wala siyang ideya kung sino si Thomas.
Ngunit nang aktuwal na itong nasa harapan niya, iisa lamang ang nagawa niya.
"Jane."
"Just Jane?"
"Is there a problem with that?"
"No. I just thought you'd give me your full name."
"Maybe when we know each other better."
Tinitigan siya ni Thomas bago ngumiti.
"That's fair."
Hindi alam ni Thomas na ilang taon nang alam ni Jane ang buong pangalan nito.
Hindi niya alam na alam ni Jane ang paborito nitong kape, ang mga negosyong pinaghirapan nitong itayo, at ang isang lumang interview na paulit-ulit nitong sinabing hindi na nito naaalala.
Hindi niya alam na ang babaeng kausap niya ay matagal nang may puwang para sa kaniya sa puso nito.
At lalong hindi niya alam na ang babaeng iyon ay may mga lihim na mas malaki kaysa sa mundong nakasanayan niya.
Sa gabing iyon, para lamang silang dalawang estrangherong nagkataong nagkakilala.
At gusto ni Jane na manatili muna itong ganoon.
Makalipas ang halos isang oras, nasa labas na sila ng venue.
Hindi niya namalayang ganoon na pala katagal ang lumipas. Sa halip na makipag-usap sa mga taong kilala niya, naupo siya sa isang tahimik na bahagi ng terrace kasama si Thomas.
"Can I ask you something?" tanong nito.
"Depends."
"Why do you keep looking at me like that?"
Muntik nang mabilaukan si Jane sa iniinom niyang tubig.
"Like what?"
"Like you know me."
Sandaling natahimik ang babae.
Then she smiled.
"Maybe you just have a familiar face."
"That's the worst excuse I've heard all night."
"Then stop asking questions you don't want the answers to."
Napatingin si Thomas sa kaniya.
For some reason, the answer stayed with him.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila may bigat ang bawat salitang binibitawan ni Jane. Para bang may pinto sa pagitan nila na bahagya lamang nakabukas, at sa tuwing susubukan niyang silipin kung ano ang nasa kabila, isasara naman nito iyon.
"Are you always this mysterious?" tanong niya.
"Are you always this curious?"
"Only when someone refuses to tell me anything."
"Then perhaps you should stop trying to figure me out."
"Perhaps you should give me a reason not to."
Nagtagpo ang kanilang mga mata.
At sa sandaling iyon, muntik nang makalimutan ni Jane kung bakit kailangan niyang mag-ingat.
Dahil sa kabila ng lahat ng bagay na mayroon siya, sa kabila ng kapangyarihan at kalayaang kayang ibigay ng kaniyang pangalan, may isang bagay pa rin siyang hindi kayang kontrolin.
Ang t***k ng puso niya kapag nakatingin sa kaniya si Thomas.
Biglang tumunog ang telepono ni Thomas.
Sinagot niya iyon, at agad na nagbago ang kaniyang ekspresyon.
"What do you mean the road is closed?"
May sinabi ang nasa kabilang linya.
Napatingin siya sa madilim na kalangitan.
"Fine. I'll figure something out."
Pinatay niya ang tawag at napabuntong-hininga.
"Problem?" tanong ni Jane.
"My driver can't get through. There's an accident on the main road, and the hotel I booked is on the other side of the city."
"That's unfortunate."
"Apparently, the universe doesn't want me to sleep tonight."
Napangiti si Jane.
"Maybe you should stop arguing with it."
"Do you have a better suggestion?"
May ilang segundong katahimikan bago sumagot si Jane.
"I know a place nearby."
Hindi agad siya sumagot.
"Are you inviting me somewhere, Jane?"
"I'm offering you a place to stay until the roads clear."
"Those sound suspiciously similar."
"Then you can stay here and argue with the universe."
Napatawa si Thomas.
At sa unang pagkakataon sa gabing iyon, hindi na niya inisip kung dapat ba siyang magtiwala sa isang babaeng ilang oras pa lamang niyang nakikilala.
Dahil sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, gusto niyang malaman kung ano ang mangyayari kapag hindi siya umalis.
"Lead the way," sabi niya.
Hindi ngumiti si Jane hanggang sa nakatalikod na ito.
Dahil kung alam lamang ni Thomas kung gaano katagal niyang hinintay ang pagkakataong ito, marahil ay hindi niya ito sasamahan.
O baka iyon mismo ang dahilan kung bakit niya ito sasamahan.
Hindi nagtagal, nakarating sila sa isang tahimik na hotel na malayo sa ingay ng lungsod.
Walang nagtanong kay Jane kung sino siya. Walang humarang sa kanilang pagpasok. At nang humarap sila sa reception, tila sapat na ang isang maikling tawag upang maihanda ang silid na kailangan nila.
Napansin iyon ni Thomas.
"You seem to know this place well."
"Maybe I do."
"Do you live nearby?"
"Something like that."
"Jane."
She looked at him.
"You really don't like answering questions, do you?"
"Not when the questions come from someone I barely know."
"Fair enough."
Ngunit nang makapasok sila sa silid, muling bumalik ang katahimikan sa pagitan nila.
Malawak ang bintana, at tanaw mula roon ang mga ilaw ng lungsod. May dalawang magkahiwalay na upuan sa sala at isang malaking kama sa loob ng silid.
Nang makita iyon ni Thomas, napatingin siya kay Jane.
"You could've mentioned that there's only one bed."
"Would you have preferred the floor?"
"I was thinking the couch."
"Then the couch is yours."
Napailing siya habang natatawa.
"You're unbelievable."
"And you're still here."
Wala siyang naisagot.
Dahil tama si Jane.
Nandoon pa rin siya.
At sa kabila ng lahat ng pagkakataong maaari na siyang umalis, hindi niya magawang gawin iyon.
Habang nagpapalit si Thomas ng damit sa banyo, nanatiling nakatayo si Jane sa tabi ng bintana. Kinuha niya ang kaniyang telepono at tiningnan ang mga mensaheng sunod-sunod na dumarating.
Where are you?
The board is asking for you.
Your security team needs confirmation.
Hindi niya pinansin ang mga iyon.
Sa halip, binuksan niya ang isang lumang larawan na matagal na niyang itinatago sa kaniyang telepono.
Si Thomas.
Mas bata ito sa larawan, nakangiti habang may hawak na tropeo. Hindi iyon larawan mula sa isang business event o magazine cover. Kuha iyon sa isang ordinaryong araw, noong hindi pa niya lubusang nauunawaan kung gaano kalaki ang magiging epekto ng lalaking iyon sa kaniyang buhay.
Hinaplos niya ang screen gamit ang hinlalaki.
"I finally met you," bulong niya.
"Who did you meet?"
Mabilis niyang pinatay ang screen.
Nasa pintuan ng banyo si Thomas, nakasuot ng simpleng damit at may tuwalya sa balikat.
"No one."
"That's the second time you've lied to me tonight."
"Maybe you ask too many questions."
"Maybe you give too many reasons to ask."
Nagkatinginan sila.
Pagkatapos ay tumawa si Jane, at sa unang pagkakataon ay hindi niya kailangang magpanggap na wala siyang nararamdaman.
Lumapit si Thomas at naupo sa kabilang dulo ng sofa.
"Can I tell you something, Jane?"
"Go ahead."
"I don't know why, but I feel like I've been waiting to meet someone like you."
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Jane.
Dahil iyon mismo ang pangungusap na ilang taon niyang gustong marinig mula sa kaniya.
Ngunit hindi niya inaasahang maririnig iyon ngayong gabi.
"Maybe you have," sagot niya nang mahina.
"Have we met before?"
Tumingin siya sa mga mata nito.
Napakaraming pagkakataong maaari niyang sabihin ang totoo.
Na matagal na niya itong crush.
Na kilala niya ito bago pa man siya nito makilala.
Na ang unang pagkakataong nakita niya si Thomas ay naging dahilan upang may isang bahagi ng kaniyang puso na hindi na niya maibalik sa dati.
Ngunit sa halip na sabihin ang lahat ng iyon, ngumiti lamang siya.
"Maybe in another life."
Thomas laughed softly.
"That's a strange answer."
"I'm a strange person."
"I noticed."
At sa gabing iyon, sa pagitan ng mga tanong na hindi nasagot at mga lihim na hindi pa handang ibunyag, unti-unting nawala ang distansiya sa pagitan nila.
Hindi na nila pinag-usapan ang trabaho.
Hindi na nila pinag-usapan ang mga bagay na karaniwang tinatanong ng dalawang taong nagkakakilala pa lamang.
Nagkuwentuhan sila tungkol sa mga pangarap, sa mga pagkakamali, at sa mga pagkakataong may mga bagay na kailangang bitawan upang makapagsimula muli.
Hanggang sa dumating ang sandaling hindi na sapat ang mga salita.
Tumingin si Thomas kay Jane.
"Can I kiss you?"
Sandaling hindi nakapagsalita ang babae.
Pagkatapos ng lahat ng taong ginugol niya sa paghanga rito mula sa malayo, hindi niya inakalang darating ang gabing tatanungin siya nito nang ganoon.
"Yes," bulong niya.
At nang magtagpo ang kanilang mga labi, tuluyang nagbago ang lahat.
Hindi iyon isang halik na minadali.
Hindi rin iyon isang pangakong kayang magbigay ng kasiguruhan sa kinabukasan.
Isa lamang iyong sandaling pareho nilang pinili—isang sandaling hindi na kailangang ipaliwanag ni Jane kung bakit pamilyar sa kaniya ang lalaking kaharap niya, at hindi na kailangang unawain ni Thomas kung bakit ayaw niyang umalis.
Nang gabing iyon, pinili nilang manatili sa isa't isa.
At nang tuluyang pumikit ang kanilang mga mata, ang mga tanong na hindi nila nasagot ay nanatiling nakatago sa dilim.
Kinabukasan, unang nagising si Thomas.
Ilang sandali siyang nakatitig sa kisame bago niya napansing hindi siya nasa sarili niyang kuwarto.
Pagkatapos ay naalala niya ang party, ang aksidenteng pagkikita, at ang babaeng nakilala niya sa pangalang Jane.
Napalingon siya.
Nakahiga ito sa tabi niya, mahimbing na natutulog.
Hindi niya alam kung bakit, ngunit may kakaibang pakiramdam sa kaniyang dibdib. Para bang may isang bagay siyang natagpuan nang hindi niya hinahanap, at ngayon ay hindi niya alam kung paano iyon hahawakan nang hindi nawawala.
Dahan-dahan siyang bumangon.
Ngunit bago pa siya tuluyang makaupo, napansin niya ang isang maliit na kuwintas sa ibabaw ng mesa.
Isang gintong kuwintas na may pendant na hugis korona.
Sa likod nito ay may nakaukit na mga titik.
J.L.
Kinuha niya iyon at sinuri.
Hindi naman iyon kakaiba sa unang tingin.
Ngunit nang buksan niya ang maliit na pendant, may nakita siyang larawan sa loob.
Siya.
At si Jane.
Magkasama sa isang lumang litrato na tila kuha ilang taon na ang nakalilipas.
Nanlamig ang kaniyang mga daliri.
Imposible.
Hindi niya matandaan na nagkaroon sila ng litrato noon. Hindi niya rin matandaan na nagkakilala sila bago ang gabing iyon.
"Jane."
Nagising ang babae sa pagtawag niya.
Nang makita ang hawak nitong kuwintas, bigla itong napaupo.
"Where did you get that?"
"It's on the table."
Mabilis niya iyong kinuha mula sa kamay ni Thomas.
"It's nothing."
"Nothing?" ulit niya. "Why is there a picture of us inside?"
Hindi sumagot si Jane.
"Jane, who are you?"
Saglit siyang tumingin sa kaniya, at sa mga mata nito ay may isang damdaming hindi kayang itago ng kahit anong kasinungalingan.
"Someone you weren't supposed to meet."
Bago pa siya makapagtanong muli, tumayo si Jane at kinuha ang kaniyang mga gamit.
"I'm sorry, Thomas."
"Sorry for what?"
"For last night."
Napakunot ang noo niya.
"Do you regret it?"
Huminto si Jane sa may pintuan.
Matagal siyang hindi sumagot.
Then she turned around.
"No."
Isang salita lamang iyon, ngunit sapat na upang maunawaan ni Thomas na hindi ganoon kasimple ang lahat.
"Then why are you leaving?"
Dahan-dahang ngumiti si Jane, kahit may lungkot sa kaniyang mga mata.
"Because if I stay, you'll start asking questions."
"And if I ask?"
"Then I'll have to lie."
Hindi siya nakasagot.
At bago pa niya maisip ang susunod na sasabihin, lumabas na si Jane at tuluyang isinara ang pinto.
Naiwan si Thomas sa loob ng silid, hawak ang kuwintas na hindi na niya naibalik.
Hindi niya alam kung bakit may litrato silang dalawa sa loob nito.
Hindi niya alam kung bakit tila masakit para kay Jane ang manatili.
At hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay hindi iyon ang huli nilang pagkikita.
Maya-maya, tumunog ang kaniyang telepono.
Isang mensahe mula kay Adrian.
Bro, where the hell are you? The invitation for tonight's private gala just arrived. You better come. Apparently, the most powerful woman in the world will finally make a public appearance.
Hindi iyon pinansin ni Thomas.
Sa halip, muli niyang binuksan ang pendant.
Tiningnan niya ang larawan.
At sa likod nito, may napansin siyang maliliit na salitang hindi niya nakita kanina.
For the boy I loved before he ever knew my name.
Napahinto siya sa paghinga.
Hindi niya alam kung sino ang sumulat niyon.
Ngunit sa unang pagkakataon, gusto niyang hanapin si Jane hindi dahil sa kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi.
Kundi dahil gusto niyang malaman kung bakit pakiramdam niya ay may isang bahagi ng kaniyang buhay na matagal nang nakaugnay sa babaeng iyon.
At sa gabing iyon, sa isang event na dinaluhan ng pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang tao sa mundo, muling magtatagpo ang kanilang mga landas.
Hindi na bilang dalawang estrangherong nagkataong nagkakilala.
Kundi bilang isang lalaking naghahanap ng sagot at isang babaeng matagal nang nagtatago ng katotohanan.
At sa gabing iyon, malalaman ni Thomas ang pangalang hindi niya kailanman inakalang maririnig mula sa entablado.
JANE LAURENT.
Ang babaeng nakasama niya kagabi.
Ang babaeng biglang nawala ngayong umaga.
At ang babaeng, ayon sa buong mundo, ay walang katumbas na kapangyarihan.