CHAPTER 1
Diane’s Point of View
Nagulat ako nang makita ko si Marites kagabi. Wala naman kasing nakakaalam kung sino talaga ako. Maliban kay Red. Pero siguro mayro’n na silang idea ngayon.
Medyo nagtatampo ang mga kaibigan ko, ramdam ko iyon. Pero bawat isa naman sa amin ay mayro’ng tinatago— like Trisha. Nagulantang talaga ako noong malaman kong kasal na pala siya.
Hindi ako pumunta sa clinic ngayon. Gusto kong mag-isip. Nakasanla ang Hacienda. Wala na raw ang ibang gamit ni Lolo at mama. Si papa ay nalulong daw sa sugal. Pero wala namang bago doon.
Hindi alam ni Marites kung magkano nakasanla ang hacienda pero isa lang ang tiyak ko, hindi ako papayag na mawala ang lupa ni lolo.
Ala-una ng hapon ng mag-dingdong ang doorbell ng quarters ko. Kapag sinabi kong quarters, ibig sabihin bungalow house with two bedrooms and full of furnitures. Libre ‘to ni Red sa akin as the main Vet dito sa Country Club.
The perks of being a good employee is to live in the land of riches for free.
“Sino ‘yan?” tanong ko.
“Kami,” Sagot ng mga kaibigan ko. Huminga muna ako nang malalim bago binuksan ang pintuan. Hindi na kailangan ng paanyaya, kusa na silang pumasok. Kasama si Marie. May dalang mga pagkain. Kung ano-anong drinks. Himala at walang nakabuntot na mga guardia civil sa kanila.
“Buti pinayagan ka ni Red,” Puna ko kay buntis.
“Kailangan kong maglakad lakad eh,” sagot nito sapo-sapo ang balakang.
“Nang ala-una ng hapon?” tanong ko. Umupo sila sa sofa at kanya-kanya ng higa. Tinaas ni Marie ang paa sa center table.
“Sorry, ha. Kailangan kong itaas paa ko. Pupulikatin kapag hindi eh,” sabi nito.
“Okay lang. Ano ka ba,” sagot ko. Sa kanila rin naman lahat ng ito. “Kulang kayo. Nasaan si Sam?” tanong ko.
“Baka nag-ve-Versace on the floor pa,” sagot ni Cheska. Nagtawanan kaming lahat. Kasi nga naman eh.
“Lokong Sam iyon. Kulang na lang hubaran si Kyle kagabi sa stage,” Puna ni Lise.
“Yuck. Kapatid ko iyon. I don't want to hear this.” Tinakpan ni Marie ang tainga. Nagtatawanan kami noong dumating si Sam.
“Topic ako, ano?” tanong nito. Umupo ito sa tabi ni Marie. Wow, sisters ang peg.
“Syempre, late ka eh,” sagot ko naman. “Nakailang Versace on the floor kayo?” tanong ni Kaye.
“Grabe kayo,” Sagot ni Sam. Namula ang mukha. “Naka-tatlo lang.”
“Too much information,” Reklamo ni Marie.
“Takpan mo na lang tainga mo,” Sagot ni Cheska. Tawa kami nang tawa. The calm before the storm ika nga.
Sudddenly, nanahimik kami bigla. Walang kumikibo. Alam ko kung bakit sila nandito. Kailangan ko pa bang itago?
“So ano na, Señorita?” simula ni Trisha. OMG. Ito na.
“Ugh!” nagtakip ako ng mukha. “Huwag niyo akong tawagin ganyan. Hindi ko lang maalis sa amin, pero ayaw ko n’yan. Diane lang or D. Okay na iyon.”
“Okay, D. Ano iyong kwento mo? Simulan mo sa una,” Sagot ni Kaye. “Saka huwag kang sumigaw.”