Diane’s Point of View Nanginginig ako sa galit. Impit ang pag-iyak ko nang maisarado ko ang pintuan ng kwarto ni Lolo. Nanlalamig ang buo kong katawan but I felt the heat of the room. It's like lolo is still here with me. Embracing me. Naririnig ko ang mga kasambahay na paro't parito. Ako ang may-ari ng bahay. Kailangan ako ng mga tauhan ko. Kailangan kong maging matatag. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakahiga sa kama ni lolo. Nakarinig ako ng katok at ang boses ni Nana Puring. “Diane. Anak, pwede ko bang buksan ang pintuan?” Garalgal ang boses na tawag ni Nana Puring. “Tuloy po kayo, Nana,” Sagot ko. Walang lakas para tumayo at pagbuksan ang matanda. Bumukas ang pintuan at pumasok si Nana Puring. Siya ang katiwala ni lola dito sa Hacienda Vicente. Yumakap ako sa matanda at ma

