Tristan’s Point of View Nahalikan ko na eh. Kung hindi ba naman salot ang lalaking iyon bigla na lang sumulpot. “Hoy. Ang aga mo namang nakasimangot,” Puna ni Trisha nang makita niya ako sa Starbucks. “Bakit nandito ka?” tanong ko. “Saan ka natulog?” “Kay Cheska. Ang sungit mo?” nilapag nito ang coffe niya at ininvite ang sarili na maki-share ng table. “Ligawan mo na kasi,” Dagdag nito. “Don't start with me, Trish.” Gusto kong manapak. Sumeryoso ang mukha ni Trisha. “Anong problema, Tristan?” tanong nito. “At huwag mo sabihing wala. I am your twin, remember? I can guess, at alam mong malalaman ko rin. So sabihin mo na.” “Sino iyong kasama ni Diane?” I asked. “Oh. That,” Sagot ni Trisha. “Iyong bagong vet dito sa Country Club.” “It looks like magkakilala sila.” “They are friend

