Unedited Hindi ako makapaniwala na mahal ako ni Jerviz. Akala ko hindi ko na mararanasan kung paano mahalin ng taong una at huli kong mamahalin. "Jerviz?" Tawag ko sa kanya. Tinanggal nito ang pagkakayakap sa akin saka hinila ang upuan na inuupuan niya kanina at umupo sa harapan ko. "Huwag ka ng umiyak. Nakakatanda ang laging pag-iyak alam mo ba 'yon?" Nakangiting sabi nito sa akin sabay punas ng pisngi ko. "Ganun?" Sabi ko na parang bata at pinunasan narin ang mga natitirang luha sa mga mata ko. "Pwede mo ba akong sampalin Jerviz? Baka kasi panaginip lang ang lahat ng ito." Sabay tagilid ko para sampalin niya. "Grabe ka naman Kate. Ayaw nga kitang masaktan o makitang umiiyak tapos sasabihin mong sampalin kita? Pwede naman na kurutin bakit sampal pa talaga ang naisipan mo?" Na

