Unedited Hindi ko alam kung may problema ba si Jerviz. Gustuhin ko mang tanungin si Ma'am Jessica pero nahihiya naman ako kaya pinili ko nalang ang manahimik. Isinama ako ni Ma'am Jessica para dumalaw sa burol ni Ma'am Lolita. Pagdating namin ng funeral home, inabutan namin ang buong pamilya nito na nag-uusap sa harapan ng kabaong ni Ma'am Lolita. Nang mapansin ng kabiyak nitong dumating kami. Agad naman itong lumapit sa amin. "Lolita, Miss Santiago. Salamat at pumunta kayo. Tuloy, upo kayo," Nakangiting salubong nito sa amin. "Larry, nakikiramay kami sa pagkawala ni Lolita," saad ni Ma'am Jessica na hindi na napigilan ang pag-iyak. Umupo kami sa upuan na nasa bandang likuran ng private accommodation na kinalalagyan ng mga labi ni Ma'am Lolita. "Nawalan ka ng matalik na kaibi

