Unedited A/N: wala po akong nilalagay na POV. Pero malalaman niyo parin kung sino ang nasasalita. Enjoy! Nakita kong pumasok si Jerviz na hindi man lang namalayan nina Kate at Larry. Agad niyang niyakap si Kate mula sa likuran at hinalikan ang ulo ng babaeng pinakamamahal niya. Napakasaya ko dahil sa wakas nagkita ulit ang dalawa. Nasaksihan ko pa noon kung paano magmakaawa si Jerviz sa kinilala nitong ina na huwag siyang ipadala sa America. Flashback Isang linggo bago ito ipinadala ng Mommy niya sa America, sinabi na niya sa akin na ayaw niyang malayo kay Kate. Mahal daw niya ang dalaga. Kaya lang hindi nito masabi-sabi dahil nahihiya siya na baka hindi siya nito pansinin. "Mommy please? Dito nalang ako mag-aaral please..please..please?" Habang nakaluhod sa harapan nh Mommy n

