Nang makapasok sila sa loob ng apartment ni Khiel bumungad agad sa kanila ang mga kaibigang nakaupo sa sahig, nagkwekwentuhan at nanonood ng tv. Magkaakbay na pumasok si Vi at Titus kaya naman tabi din silang naupo sa sa bakanteng upuan malapit sa lamesa na may pagkain.
“Happy Birthday Kuya Khiel” bati ni VI sabay yakap dito.
“Happy Birthday Bro” bati namin ng kapatid niya na nag man-hug pa. “Hintayin lang natin yung iba, paparating na din siguro sila”. Sabi nito saka sila iniwan upang tignan ang ilang kaibigang nagkakatuwaan sa salas.
Hindi ganoon kalakihan ang apartment ni Khiel. Mayroon itong 2 bedroom (1 may kama at ang isa naman ay puno ng mga gamit niya), 1 maliit na kusina at isang CR na kung saan pwede kang maglaba. Habang pinapalibot ni Vi ang tingin sa apartment nito natanaw niya ang isang photo album, kaya naman agad siyang tumayo at kinuha iyon.
Nang mabuksan niya ito nagulat siya ng makita ang ilang larawan ni Khiel noong kabataan pa siya at naglalaro sa kanilang probinsya sa Pangasinan. Kaya naman kinuhanan niya ng picture ang ilang larawan hanggang sa nahuli siya mismo ni Khiel.
“Ehem, ehem, crush mo ba ako at ganyan ka ka-obssesed sa mga picture ko” sabi nito saka kinuha ang photo album na hawak ni Vi.
“‘Wag ka ngang assuming gagamitin ko ‘to pang blackmail sa’yo. Wag kang tamang hinala diyan. Di bagay sa’yo” singhal naman nito sa kanya.
“Aysus nahuli na pero deny pa ng deny” pabalik na sagot ni Khiel hanggang sa may tumawag sa pangalan nito. At laking gulat na lamang niya ng makita kung sino iyon.
“Kian?!?!, anong ginagawa mo dito? Magkakilala kayo ni Kuya Khiel? Anong--” nauutal na tanong niya ng pumasok si Kian sa apartment ni Khiel.
“Sorry Khiel medyo na late ako, traffic kasi” pagdadahilan ni Kian saka lumapit sa kanila ni Titus, pero nagulat na lang siya ng nawala sa tabi niya ang kapatid, marahil ay umalis ito sa tabi niya noong tinitignan niya ang photo album ni Khiel kanina.
“Oh Vi, bakit mukhang magisa ka lang, wala kang kasama?” tanong ng kararating na kaibigan saka umupo sa kaninang kinauupuan ni Titus.
“Bakit?Bakit magkakilala kayo ni Khiel?” naguguluhang tanong niya dito.
“Bakit naman kami hindi magiging magkakilala eh, parehas kami ng probinsya at saka iskolar ng kumpanya namin si Khiel kaya malamang kilala ko siya” pagpapaliwanag ni Kian sa kanya na mas lalo niyang ikinagulat.
“Bakit hindi mo sinabi na magkakilala pala kayo?” tanong uli niya saka sinagot ni Kian ng “ Bakit nagtanong ka ba?”. Napabuntong na lang siya sa sagot nito sak muling pinalibot ang tingin at hinanap kung kasama ba nito ang kaibigang nakaaway ni Theo noong Friday.
“Huwag kang mag-alala wala si Rylen dito.” sagot niya sa kaibigang kanina pa pinapalibot ang tingin. “Mahirap na baka may gulong mangyari nanaman, birthday pa naman ni Kuya Khiel”. sabi ni Vi upang masigurong wala na muling masasaksihang taong nagbubugubugan.
“Btw, naikwento ko na ba sa’yo na sa Pangasinan lang ako magbabakasyon buong summer break” Ika ni Kian na labis na ikanagulat ni Vi “Ha?Bakit?”
“Malay ko din eh, noong una ayaw ko talaga, pero kasi birthday din ni lola kaya wala din akong choice kung hindi sumama at saka gusto daw akong makasama ni lola kaya doon muna ako pansamantala” pagpapaliwanag ng kausap.
Bumuntong hininga si Vi saka sinabing “lahat na lang kayo aalis, paano na lang ang summer ko kung wala ang mga kaibigan ko”. Reklamo nito sa kausap saka muling tinignan ang kanilang mga kaibigan at nakita niyang magkatabi ang kapatid niya at saka si Sam na para bang masayang nagkukwentuhan pero mas napukaw ang atensyon niya ng makita ang nakangiting kapatid niya, na minsan lang kung ngumiti, simula noong namatay si Amora.
“Mukhang masaya na si Titus bro” sabi ni Shawn na kumakain ng kwek-kwek kasama si Lance.
“Kuya Shawn, saan ka nakabili niyan, gusto ko din” tanong niya ng masigla kay Shawn na ikinagulat ng dalawa.
“Ahh, Ms. Coffee anong ginagawa mo dito. Bakit ka nandito at sino ‘yang kasama mo?” Sunod na sunod at kunot na nuong tanong ni Shawn sa kanya. Saka lang pumasok sa memorya niya na hindi pala nila ito kasamang lumabas noong isang araw kaya wala siyang kaalam alam na magkakilala sila ni Khiel.
“Magkaibigan kasi kami ni Kuya Khiel at saka tinuturuan niya ako sa Math, Statistics at Chemistry kaya masasabi mo na ding close na kami” sabi nito ngunit mas sumama ang mukha ni Shawn ng makita ang tao sa likod niya.
“Sino ka naman at, Bakit ka nandito?” Mataray na tanong nito.
Tumayo ang binata at saka pormal na nagpakilala kay Shawn at Lance saka nakipagkamay “Kian Ezekiel Valerio”. “Pleasure to meet you”. Nakipagkamay ang dalawa saka din nagpakilala “Shawn Justine De Luna”, “Lance Delos Reyes”, “Theo Sage Alvarez”. Nagulat si Vi ng bigla na lang sumulpot si Theo pero napalitan ang ngiti na expresyon sa gulat, ng makita niyang may pasa ito sa mukha, sugat ang labi at bandage ang kanang kamao.
“A-anong nangyari sa’yo? Sinong gumawa niyan ?” Gulat na tanong niya saka mas nilapitan ito at akmang hahawakan ang mukha nya kaso tinabig ni Theo ang kamay niya sabay sabing “Don’t Touch Me” sa malamig na boses, kaya naman bumagsak ang balikat ni Vi at saka nalungkot pero bigla na lang siyang hinila palabas ni Shawn. “Tara na, ililibre kita ng kwek-kwek”. Wala sa sariling nagpagaya naman siya dito at iniwan si Kian kasama si Lance at Theo.
*** *** ***
“Bro, ano bang iniisip mo na at nakikipag away ka sa mga tao sa bar, pano na lang kapag nakita ito ni Tita at Tito siguradong grounded ka at pababalikin ka sa bahay niyo.” ika ni Lance ng makita ang kalagayan ni Theo na bugbog sarado sa harap ng “LYRA BAR”.
“Nakikinig ka ba sa sinasabi naman huh?” Ika naman ni Shawn na tinutulungan itong tumayo.
“Bro, para ka namang tanga eh nakita mo lang si Rylen naging ganyan ka na. Eh pano pa kaya kapag nakita mo si Raine baka mas malala na ang itsura mo.” Sabi ni Lance sabay pulot sa wallet at cellphone nitong nasa sahig na.
“f**k! s**t! f**k. Huwag kang magsusuka parang awa mo na Theo” natatakot at nanginginig na sabi ni Shawn habang inaalalayan nila si Theo sa nakapark na sasakyan.
At ng mahanap iyon ay kinapa ni Lance ang susi sa bulsa ng pantalon nito at saka binuksan ang sasakyan at pinagtulungan muli nila itong ipasok sa backseat. Si Shawn naman ay nagsabing iuwi muna ni Lance si Theo sa condo niya dahil siguradong walang mag-aalaga dito.
Saka bumalik sa nakaparadang ducati na ginamit nila ni Lance papunta, nang tawagan ng staff sa BAR na napaaway daw ang kaibigan.
*** *** ***
“Kuya Shawn bakit mo ba ako hinila palabas eh, kawawa tuloy si Kian sa loob wala siyang makausap”.
“Hindi ba sabi mo gusto mo ng kwek-kwek ito na nga at ililibre ulit kita eh.” ikaw ni Shawn saka naglakd papunta sa foodcart na nagtitindan ng mga fishball,kikiam,squidball at kwek-kwek. “Oh, Ms. Coffee tusok ka na, pero syempre wag marami ah kasi baka mamaya wala akong pambayad” ika ni Shawn na tumutusok na ng kikiam.
Nagulat sii Vi ng bigla bigla na lang sumulpot sina Sky at Maky sa kung nasaan sina Shawn at saka bumili din ang mga ito ng fishball at kikiam pero hindi nakawala sa paningin niya ang masamang tingin ni Maky kay Shawn, yung tinggin na apra bang may halong pag-aakusa, galit at inggit.
“Bakit niyo iniwan sina Hail at Sam sa loob? Sino na lang kasama nila?” tanong ni VI sa dalawang kaibigan na masayang kumakain.
“Eh bigla naman din nila kaming iniwan eh kaya lumabas kami” ika ni Sky
“Tapos nakita ka naming kasama ang gamuhong ito” ika naman ni Maky sabay turo kay Shawn na napangiwi sa sinabi nito. Nagulat naman si Vi dahil ang kilala niyang Khiel ay mahilig magbiro at mahilig ding mamilosopo at managasar ng kaibigan, pero nung nagsalita na si Maky ay bigla itong na tahimik sa di niya malamang kadahilanan.
“Oh siya, maiwan ko na kayo diyan at babalik na ako kila Theo” sabi naman ni Shawn saka binilisan ang pagkain ng kikiam at fishball kaya nabilaukan. Kaya nagulat muli siya ng biglang napabili ng gulaman si Maky at nag-aalalang ibinigay ito kay Shawn.
“Bakit ka kasi nagmamadaling kumain ,yan tuloy nabilaukan ka” inis na sabi ni Maky kay
Shawn na iki-nailang nila ni Sky kaya naman nagpatuloy na lang ang dalawa sa pagkain. Saka nito naalala ang sinabi ni Rylen sa kanya.
Kaya naman naisipan niyang tanungin si Shawn kung sino nga ba si Rylen at bakit ganoon na lang ang galit ni Theo sa kanya. Pero mukhang kahit ilang beses siyang tumikhim at umubo ubo ay hindi siya nito pinapansin dahil nakatuon ang buong atensyon nito kay Maky. Kay anaman naubos na ang pasensya niya at tinawag na ito mismo “Kuya Shawn pwede ba tayong mag-usap, yung tayong dalawa lang sana”.
“At ano naman ang paguusapan niyo na kayong dalawa lang ha, Vi !?” iritado at galit na tanong ni Maky sa kanya na ikinagulat nito.
“Bakit kung maka-arte ka parang mag jowa kayo” singhal naman ni Sky na kumakain pa din ng fishball at kikiam.
“Ano namang masama kung umaakto silang magjowa, palibhasa kasi inggit ka lang” ika naman ng isang lalaki na bumibili ng gulaman. Na kaagad din nilang tinignan ng masama.
“Kung makapagsalita yung ibang tao diyan sa tabi-tabi kala mo kinakausap” pabulong na akto ni Sky sa malakas na boses para marinig ng lalaking bumibili ng gulaman.
“Bitter ka lang, kasi wala kang jowa.” sabi ng lalaki saka naglakad papalayo.
“Panira naman ng mood yung lalaking yun, kung maka akto kala mo naman kinakausap” iritadong sabi nito muli saka ituon ang atensyon sa kanila.
“Btw, Ms. Coffee saan mo tayo gustong mag-usap?” panimulang tanong ni Shawn sa kanya. Saka lumingon sa paligid kung saan sila pwedeng mag usap nang walang ibang makakarinig ng makita nito ang sasakyan ng kapatid.
“Doon tayo sa kotse ni Kuya Titus” ika niya saka naglakad papalapit sa kotse ng kapatid pero umiling iling si Shawn saka sinabing “Wala akong susi ng kotse ni Titus” saka naman sinagot ni Vi ng “Nasa akin yung susi ng kotse nya kaya ok lang”. Nang binuksan ni Vi ang pintuan ng kotse ng kapatid sumunod naman ding pumasok si Shawn saka sumeryoso ang mukha nilang dalawa.
Para hindi sila mainitan sinindihan ni Vi ang makina ng kotse nito saka nilakasan ang aircon.
“So, mukhang isang seryosong bagay ang pag-uusapan natin. Dapat na ba akong matakot” ika ni Vi saka mas sumeryoso ang mukha niya at tinitigan ng masinsinan nsi Vi.
“Gusto ko lang namang malaman ano ba ang meron kay Theo at Rylen Santilian. Noong nakaraang araw kasi nag away sila sa mall at sabi ni Rylen may alam ka daw sa nangyari dati.” ika nito.
“Ano ba ang sinabi ni Rylen sa’yo para tanungin ako ng ganyang kaseryosong tanong huh?” pabalik na tanong ni Shawn na wala na ang bakas na pagiging isang loko lokong tao.
“Sabi lang niya kung may gusto daw akong malaman ikaw ang tanungin ko kasi sa panahong walang wala si Theo nandyan k at sa panahong walang wala ka andyan namana si Theo para sa’yo. Yun ang sabi niya kaya gusto sana kitang makausap ng masinsinan tungkol doon Kuya Shawn, kung ok lang naman sa’yo.” ika niya muli saka nginitian ito ng bahagya.
“Sigurado ka bang iyon lang ang sinabi niya sa’yo? Wala ba siyang sinabi tungkol kay Raine?” Natahimik si Vi sa tanong nito at napaisip. Raine? Sino si Raine? Yun ba yung babaeng kayakap niya sa DP niya dati?. Tanong niya sa isipan na mukhang nabasa naman ni Shawn.
“Alexandra Raine Salazar, batchmate namin siya, best friends niya si Theo and Rylen and siya din ang ex-girlfriend at first love ni Theo.”
Hindi maipinta ang mukha ni Vi sa kanyang nalaman, hindi lang niya ito basta ex-girlfriend. Best friend at first love pa.
“Best friend, first love at ex-girlfriend siya ni Theo siguradong wala na akong pag-asa nito” sabi niya sa malumanay at malungkot na boses.
“Vi, ngayon pa lang sinasabihan na kita, maaaring nagpapakita ng motibo sayo si Theo pero ang totoo niyan, hindi pa din siya naka move-on kay Raine.” ika ni Shawn saka bumuntong hininga. “Si Raine ang naging sandalan niya noong iniwan siya ng kapatid niya para mag-aral abroad, si Raine ang andyaan tuwing special occasion o kaya naman competition o kahit anong school event at sa lahat ng oras laging andyan si Raine tuwing kailangan niya ng karamay sa panahong gusto na niyang sumuko.Masakit man itong marinig pero ang totoo niyan ay may pagkakahawig kayo ng ugali at itsura ni Raine”
“Tama na Kuya Shawn!” napalakas na sabi ni Vi saka humihikbi ngunit pinagpatuloy pa din ni Shawn ang pagsasalita.
“Masakit umasa Vi kaya ngayon pa lang subukan mo nang maghanap ng ibang taong mamahalin, kasi kung si Theo ang gusto mo kailangan mo pang dumaan sa maraming butas ng karayom para lamang mapansin ka niya” tuloy tuloy na sabi niya habang umiiyak si Vi.
“A-alam ko naman na ganito ang mangyayari pero bakit pa ba ako umaasa na mapapansin pa niya ako” sabi ni VI pinupunasan ang mga luha. “Noong nagaway sila ni Rylen alam mo din ba ang dahilan?”
“Oo” maikli nitong sagot “Pero sa tingin ko mas masasaktan ka lang kapag malaman mo ang tunay na dahilan kaya, mas mabuting huwag mo munang malaman” ika ni Shawn saka iniwan si Vi sa loob ng kotse ni Titus.
Habang pinapakalma ni Vi ang sarili naisipan niyang kunin ang cellphone at tawagan ang taong maaaring makatulong sa kanya upang kumalma siya kahit papaano.
“Ate Ellie ang sakit sakit hindi ko na ata kakayanin” ika niya sa taong nasa kabilang linya.
[“Sinabihan na kita Vi bakit kasi hindi ka nakinig sa akin”] ika ng ate-atehan niya na estudyante din sa AU.
“Akala ko gusto din niya ako pero ‘yun pala nilapitan lang niya ako,, dahil nakikita niya ang first love niya sa akin.”
SEE YOU ON NEXT CHAPTER:)))
! PLEASE CONTINUE SUPPORTING !
- CiTrineLily -