CHAPTER 08

2533 Words
Dahil sa natanggap na message ni Theo hindi siya mapakali paulit ulit na nagrereplay sa memorya niya ang nabasa "Rylen is back". Bumalik na siya, bumalik na nga ba talaga si Rylen, tanong niya sa sarili. Pero dahil sa kaguluhan ng isip hindi niya na namalayan na tapos ng kumain sina Khiel at Lance. “Earth to Atty. Alvarez” sabi ni Lance “Huh- eh anong meron, may kailangan ka ba?” nauutal na tanong nito sa mga kaibigan. “Sabi namin, may bibilhin kami sa mall tapos tinatanong ka namin kung gusto mong sumama pero di ka naman sumasagot. May problema ba? “Huh,eh wala naman,tara na sama ako hatid ko na kayo” boluntaryo niyang sagot saka inayos ang mga gamit saka sabay sabay na lumabas. *** Inis na inis si Vi ng makalabas sa kanilang kinainan kaya naman padabog siyang naglakad papalayo hanggang sa makapunta sa mall na di kalayuan sa coffee shop, habang inis na inis hindi niya na namalayan na may mga bumati sa kanyang mga kakilala. Kaya naman labis na lang ang ikinagulat niya ng may tuwag sa pangalan niya ng malakas. “Victoria!” Ani ng boses na tumatawag sa kanya sa di kalayuan na kumakaway pa. “Oh, bakit parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa” tanong ng isang lalaki ng makalapit sakanya na agad din naman niyang tinignan ng taimtim. “Eh, bakit kayo pagala-gala dito sa mall. Hindi ba’t busy din kayo sa school.” Pasungit niyang sumbat sa dalawang lalaki “Aysus papaalala ko lang sa’yo pamilya ko ang may-ari ng mall na ito kaya syempre may karapatan kaming gumala dito, hindi ba, Rylen?” sabi ng lalaki sa kasama nito. “Pake ko kung kayo may-ari” Umiling iling na lang ang lalaki saka sanabing “Bakit ka mag-isa?” “Wala ka ng pake” sagot muli niya na ikinainis na ng kausap. “Isa pang pabalang na sagot mo isusumbong kita kay Tita Vien” “Ito naman di mabiro, alam mo naman nag jojoke lang ako Kian” sabi ni Vi na puno ng sarkasmo. “Btw, Vi meet my friend Rylen, Rylen Santilian. Kakarating lang niya dito sa bansa kaninang umaga. At kaya kami andito sa mall namin kasi tutulungan ko siyang bumili ng mga gamit niya” pormal at iritadong sagot ni Kian sa kanya. “Ahhh, nice to meet you Kuya Rylen” makikipagkamay na sana si Vi ng nagsalita ang nagngangalang Rylen. “What’s your relationship with him?” Tanong nito kay Vi. “Him?” Pabalik niyang tanong. Saka tinuro ni Rylen ang lalaking nasa likod niya. Na agad din naman niyang nakilala. “Excuse me, do we know yo-“ hindi na natuloy pa ni Kian ang sasabihin ng bigla na lang atakihin ni Theo ng suntok si Rylen na ikinagulat nila. Nagsuntukan ang dalawa na para bang wala ng bukas. Pilit niyang inawat ang mga ito pero walang nagpapapigil hanggang sa dumating na din sina Kuya Lance at Khiel para sana awatin si Theo ngunit hindi pa din nila ito napigilan, kaya naman napagdesisyunan na niyang yakapin si Theo mula sa likuran upang makatulong sana sa pagpapakalma. “Tama na please,natatakot na ako Theo” sabi niya sa malumanay na boses habang yakap yakap si Theo. Naramdaman niyang nawala na ang tensyon sa balikat nito kaya agad niyang tinignan ang binata. “Kalmado ka na?” tumango naman ang kausap bilang tugon. “Pasensya ka na Vi, natakot ba kita?” Masuyong tanong niya habang pinupunasan ang ilang luha sa pisngi nito. “Ayos lang pero wag mo na sanang uulitin yun.” Tugon ni Vi na may pagmamakaawa. “Tsk. Hindi ka parin pala nagbabago Theo Sage Alavarez” sabi ni Rylen na pumukaw sa atensyon nila “Tumahimik ka nga diyan kung ayaw mong bigwasan ulit kita” sagot nya saka nagtagis muli ang bagang. “Bakit? Insecure ka nanaman ba ha?” Pagmamataas na sabi muli ni Rylen. Akmang susuntukin muli ni Theo ang binata ngunit inawat na siya ng pwersahan nina Lance at Khiel. “Bro, huwag kang mag eskandalo dito”. “Kaya nga bro, huminahon ka muna”. Pagpapakalma ng mga ito sa kaibigan. “Itong tatandaan mo STAY AWAY FROM ME!” Malakas at madiin na sabi ni Theo saka umalis ng tuluyan. “Sorry, Ry hindi namin nagawang pigilan si Theo”. Sabi ni Lance na nakipagkamay dito. “Tsk.Pagsabihan mo yang kaibigan nyo” tugon nito habang pinupunasan ang dumudugong labi. “Mauna na kami Vi, susundan pa namin si Theo baka kung ano na pa ang magawa nun” pagpapalam sa kanya ni Khiel. Saka tuluyan ng umalis ang dalawa upang hanapin at sundan si Theo. Tinuon naman ni Vi ang atensyon sa dalawang kalalakihan. Si Rylen na dumudugo ang labi at si Kian na tinatanong kung may iba pa ba itong nararamdaman bukod sa pagdudugo ng labi. Siya naman ay hindi din makapaniwala sa nakita at napatanong sa sarili. “Bakit kaya ganun na lang ang reaksyon ni Theo, at talagang sinuntok pa niya si Rylen”. “Victoria, gusto mo bang sumama muna sa amin?, pupunta lang kami sa mall infirmary para malanis ang sugat ni Rylen.” pagpapaliwanag ni Kian sa kanya. “Ah,eh sige tara na.” Sabi niya saka tuminggin sa binata “Ayos ka lang ba?, pagpasensyahan mo na si Theo ah” sabi nya dito saka kinuha ang panyo sa bulsa at inabot sa kanya. “Thank you” ika nito saka nila sinundan si Kian papuntang infirmary. *** “Are you out of your f*****g mind? Bakit mo sinuntok si Rylen?” Galit na utas ni Lance habang nasa loob ng kotse ni Theo. “Shut the f**k up Lance.” Sabi lng nito saka sinindihan ang makina ng kotse. “Ano bang pumasok sa isip ko at sinuntok mo si Santilian, eh wala naman siyang ginawang mali sa’yo” pangangatwiran ni Khiel na nakaupo sa likuran. “Can the two of you shut up, hindi naman kayo ang nabugbug at hindi din naman kayo ang nasaktan. So please shut up” galit at madiin na sabi ni Theo sa dalawa. “Is it because of Raine? Kaya mo siya sinuntok dahil sa nangyari?” Tanong muli ni Lance sa kanya ngunit hindi siya sumagot “What? Cats bit your tongue?” iritadong sabi niya muli sa kaibigan. “Papaalala ko lang victim lang din naman si Santilian sa ginawa ni Raine. Kaya please lang huwag mong ibaon ang galit mo sa ibang tao.” ika ni Khiel saka napabuntong hininga. “Kahit anong sabihin niyo, it won’t justify what he did. I trusted him, I believed him but look what happened he just fooled and made fun of me in front of everyone. He humiliated me. He's the one to blame, not Raine.” Iritado nitong sagot na napagpatahimik sa kanilang lahat. “Come on bro, we both know that Raine was the one behind all of this, so please don’t be blinded by your love for her.” sagot ulit ni Lance sa kanya “Wala kayong alam-“ “Oo wala kaming alam sa nararamdaman mo noong niloko ka ni Raine at Rylen pero sana naman mag move-on ka na. Para mo ng awa kung hindi ka pa nakaka move on kay Raine huwag kang magbigay ng motibo kay Vi. You better sort you feelings out or else masasaktan mo lang si Vi. At kapag nangyari ‘yon kahit na magkaibigan tayo hindi kita sasantuhin. Tandaan mo sana yan Alvarez” sabi ni Khiel saka lumabas ng kotse ni Theo. “He’s right, kung hindi ka pa naka move on kay Raine, better yet leave Ms. Coffee alone. She’s fragile and delicate, she has this smile and aura within her that could ooze anyone around her. So please don’t hurt her if you can’t also love her back” sabi ni Lance saka hinilot ang sintido. “I don’t know, I like her but I don't think I can love her” sabi niya saka tuluyang pinaandar ang kotse at hindi na inantay na makabalik pa si Khiel. Matapos maipagamot nina Vi at Kian si Rylen, nagpaalam naman na si Vi na uuwi at susunduin ng kanyang kapatid. “Vi, sigurado ka bang may susundo sa’yo, pwede naman kitang idaan sa bahay niyo” boluntaryong sagot ni Kian “Hindi na, parating na din si Kuya Titus at saka napakalaking abala na ng naidulot ko sa inyo kaya wag na lang” mahinahon niyang sabi sa dalawa. “Hindi mo naman kasalanan na sinuntok ako ni Theo, sadyang may galit lang talaga siya sa aking noon pa” sabi ni Rylen para hindi makaramdam si Vi ng pagsisisi. “Noon pa? Bakit ano ba ang nangyari kay Theo?” Puno ng kuryusidad na tanong nito. “Mas mabuting siya na lang ang tanungin mo o di kaya si De Luna ang tanungin mo tutal best of friends naman ang dalawang ‘yon” sabi ni Rylen saka napailing ng bahagya. “De Luna? Si Shawn ba ang tinutukoy mo?” “Oo, sa pagkakatanda ko laging magkasama ang dalawang ‘yon. Sa panahong walang wala si Shawn andiyan si Theo at sa panahon namang walang wala si Theo andyan si Shawn. Well, hindi ko nga lang din sure kung talaga bang magkaibigan ang dalawang ‘yon dahil isa si Theo sa mga taong nagtago kay Shawn sa tunay na nangyari sa kanyang ina.” “Ina? Ano ba ang nangyari sa Mommy ni Shawn, mukha kasing laging masaya si Shawn yung tipong walang problema.” ika ni Vi “He may not seem like it but he's broken and grieving inside. Pain becomes her ally and it’s what keeps him alive” sagot ni Rylen na ikinagulat nito. “Rylen,I think we should go” pagputol ni Kian sa paguusap nila. “If you want to know more about what happened before, don’t hesitate to give me a call” sabi ni Rylen saka may binigay na maliit na papel na kung saan nandoon ang numero niya at pangalan. ‘Rylen Lexus Santilian’ CEO of SANTILIAN SHIPPING COMPANY “CEO ka?!” gulat at pasigaw na tanong ni Vi dito “Well, you can say that. Wala na kaming aasahan ng mga kapatid ko kaya with the money and other businesses from our parents we decided to continue and be the leader of our own.” “Woaah young, wild and filthy rich. Sana all” sabi ni Vi saka nakipagkamay at pormal na nagpakilala kay Rylen. “Vcitoria Katherine Perez, 1st year leapmed student from Aster University” “Rylen Lexus Santilian, 3rd year student from Marigold University and at the same time CEO OF SANTILIAN SHIPPING COMPANY” “See you around Ms. Perez” “Likewise Mr. Santilian” pagkatapos noon ay umalis na ang dalawa at siya naman ay nagantay sa mall entrance upang hintaying dumating ang kapatid. Makalipas ang ilang minuto ay huminto na din sa harap niya ang kotse ng kapatid, saka siya agad pumasok at hindi umimik buong byahe hanggang makarating sa bahay nila. “You okay?” Tanong ng kapatid ng makababa sila sa kotse at naglalakad papuntang salas “Yea” sagot nito kapag kuwan ay may naisipang itanong sa kapatid. “Do you know Rylen Santilian?” “Santilian? Who among the 3 of them?” Tanong nito na ikinagulat niya “What do you mean?, may kapatid pala siya” gulat na sabi ni Vi “Well, sino ba ang nakilala mo sa magkakapatid na iyon” “Si Rylen, Rylen Santilian” sagot ni Vi na ikinakunot ng nuo ng kapatid. “Avoid him as much as possible, kung mayroong dapat mong iwasan sa tatlong iyon. Yun ay si Rylen, he’s very scary Vi and I swear to God you can’t imagine how he is, as a person and as a businessman” sabi ng kapatid sa kanya na namumutla ang mukha na may halong pag-aalala. “Pero mukha naman siyang mabait at hindi nangangagat” “He’s ruthless. He can build an empire in a snap of a finger and also destroy someone’s life in no time. So don’t meddle in his business, as much as possible avoid him if you can. Please?” sabi ni Titus na iritado at puno ng pagaalala. “O—kay, hindi naman siya nag-aaral sa AU so I think madali ko siyang maiiwasan”. Sabi ni Vi saka tuluyan ng umakyat sa kwarto upang magpahinga.Ngunit hindi siya agad nagpahinga dahil kinuha niya muli ang calling card ni Rylen saka ito pinakatitigan ng matagal hanggang sa maisipang i-search ito sa social media. “Hindi ka makakawala sa akin, aalamin ko ang lahat ng tungkol sa’yo Rylen Santilian” sabi niya saka tinatype ang pangalan nito sa f*******:. At hindi nagtagal lumabas agad ang panglan niya at ang profile picture na nasa isang cruise ship. Hindi na nagatubili pang pinidut ni Vi ang “Add Friend” at laking gulat na lamang niya na agad itong inacdept ni Rylen. Nagscroll down agad si Vi sa timeline ni Rylen at nakita niyang kung hindi nasa barko, cruise ship or yacht ay nasa beach lagi ang binata. At habang nagscroscroll down siya ay may nag notif na message sa kanya, [Rylen Santilian] : Need anything? [Victoria Perez] : Uy, online ka pala hihi na curios lang ako kaya inadd kita. No worries di kita istastalk. Pagsisinungaling ni Vi kahit na scroll siya ng scroll sa timeline nito. [Rylen Santilian] : Why do you sound so defensive. [Victoria Perez] : Huwag kang tamang hinala diyan. Sige na nga matulog na tayo. [Rylen Santilian] : Okay, g’night then.See you around Ms. Perez [Victoria Perez] : Enebe, so formal naman Vi na lang. [Rylen Santilian] : Well then goodnight Vi. Sweet dreams agapi mou Pagkatapos ng kanilang paguusap ay agad na nilagay ni Vi sa side table ang kanyang phone at nagpahinga. Hanggang sa sumapit na ang Linggo, ang birthday ni Khiel. Inimbitahan siya nito at saka silang magkakaibigan pero hindi nga lang siya sigurado kung pupunta ang taong pinaka gustong makita ni Khiel. Kaya naman noong araw na iyon ay nagsuot lang siya ng isang simpleng blue halter dress at saka tinernuhan ito ng beige sandals. “Tara na” sabi ng kapatid niya na naghihintay sakanya sa kanilang living room. “Yes yes yes” masiglang sabi nito saka sabay silang naglakad papunta palabas. Nagusap lang silang magkapatid habang nasa biyahe hanggang sa makarating sila sa apartment ni Khiel at nagpark sa harap nito. “Mukhang andito na sila” ika ng kapatid niya sabay turo sa 2 kotse at isang ducati na nakapark din sa harap ng bahay nito. Ang isa ay ang kotse ni Theo at ang isa naman ay ang kotse ni Sky at hindi niya alam kung kanino ang ducati. “Tara na nga baka wala na tayong makain” magiliw na sagot ni Vi saka pumasok sa apartment ni Khiel. SEE YOU ON NEXT CHAPTER:))) ! PLEASE CONTINUE SUPPORTING ! - CiTrineLily -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD