Totoo nga sa sinabi ni Theo, tinawagan niya si Vi nang matapos ang kanilang klase at may hatid din siya na isang magandang balita na sila ay naka perfect sa presentation kanina.
Nang makita ni Vi na tumatawag si Theo agad niyang ibinaba ang ilang gamit saka umupo sa isang bench sa hallway ng M.A.B.
[Hey, Vi gusto ko lang sabihin na tapos na ang class ko and guess what… naka perfect kami.] sabi ng nasa kabilang linya.
“Syempre ikaw pa ba” sagot naman nito na may ngiti sa mga labi.
[Tsk, nakatulong ata yung pag play mo ng music kanina kaya naka perfect kami.]
“Aysus, sabihin mo dahil sa akin kaya naka perfect kayo. Kung hindi kita tinawag na ‘LOVE’ at chineer kanina sa labas ng libarts hindi sana kayo makakaperfect” tawa tawang sabi ni Vi habang kausap si Theo.
[Someone’s happy ahuh, Btw, I just called para kamustahin ka, may sundo ka ba? Pwede kitang idrive pauwi if ever wala kang fetcher]
Napatigil sa pagsasalita si Vi sa sinabi nito. Paano ba naman kasi sinabihan niya ang kapatid kanina na sasabay daw siya pauwi. Kung alam lang din sana niya na magvovolunteer si Theo na ihatid siya edi sana hindi na siya nagsabi pa sa kapatid.
“Uhhm, merong susundo sa akin kaso hihintayin ko pa siya kasi may gagawin pa siyang group works” sabi niya na may halong pagsisi.
[Great! Pwede muna tayong mag merienda with my other friends if gusto mo?]
“Sige ba, tutal matagal pa naman yung kasama ko eh. Saan ba tayo kakain?”
[Dadaanan ka na lang namin diyan sa M.A.B.]
“Sige maghihintay na ako sa may gate para makita mo ako agad”
[Sige, We’ll be on our way]
“See yah” sabi niya saka binaba ang tawag at nagmamadaling pumunta sa pinakamalapit na CR para mag ayos.
***
“Bro bakit tayo papuntang M.A.B may dadaanan ba tayo?” tanong ni Lance na puno ng kuryusidad.
“Tumahimik ka nga diyan ikaw na nga itong nakikisakay at ililibre ng merienda eh” singhal naman ni Theo sa kaibigan saka nagpatuloy sa pagmamaneho.
“Sayang naman, kung alam lang siguro ni De Luna na manlilibre ka siya pa mismo ang unang sasakay sa kotse mo” sabi naman ni Khiel na nasa backseat.
“Bayaan mo na yung lokong ‘yon mukhang may nilalandi nanaman eh” sagot niya kay Khiel.
“Tingin mo ilang weeks lang sila nung babae niya?” tanong muli ni Lance sa kanila
“2 weeks?, based from my observation wala atang nagtatagal kay De Luna ng isang buwan eh” sagot ni Khiel
“Masyadong matagal ang 2 Weeks maybe 5 days lang kasi alam naman nating lahat na malandi si De Luna” sagot ni Lance na ikinatawa nilang lahat.
“Wanna make a bet?” suhestyon ni Theo
“G! Kung sino ang matalo manlilibre ng turon at tusok tusok sa tindahan ni Ate Romana” Nakangiting sabi ni Lance
“Sige, miss ko na din yung tindahin ni ate Romana, lagi pa naman akong tambay doon” sabi ni Khiel
“Ok so ilang ‘days or weeks ang bet niyo para sa bagong nilalandi ni Shawn’” tanong ni Lance saka kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa ang binuksan ang ‘notes’ app.
“2 weeks” sabi ni Khiel
“May tiwala ako kay De Luna, kaya 5 days lang ang bet ko” sabi ulit ni Lance saka tiningnan si Theo at nagtanong “Ikaw bro? Ilang days or weeks and bet mo?”
“3 months” sabi niya na ikinagulat ng mga kaibigan niya.
“3---3months?!?!?! Ano ka ba naman Theo ni 1 month walang nakatagal kay Shawn tas sinasabi mo 3 months?!?! Ok ka lang ba?” tanong ni Lance sa kanya na puno ng pagkagulat.
“You must have your reasons bro, mind humoring us” sabi ni Khiel saka tiniganan din siya na puno ng pagtataka.
Bumuntong hininga si Theo bago sinagot ang dalawang kaibigan. “Well i’ve seen De Luna flirting and dating women before but trust me, the woman he’s seeing right now has a different effect on him. And when I say different, it's really different, she can either break him more or make him happy again.” sabi niya saka napahinga ng marahas.
“So you mean this woman has a really strong effect on him,huh?” tanong ulit ni Khiel
“Yes”
“Not just that. We all know that De Luna would always choose us over his women but look at what happened a while ago. The tables have turned. He's really whipped by that woman”. Sabi ni Lance na mayroong seryosong boses.
“Well, we all know him. He might be happy on the outside but very broken on the inside. Shawn Justine De Luna, the great pretender indeed” sabi ni Theo saka na pailingiling.
“What about you bro, kamusta ka naman?” tanong ni Lance saka tinignan si Khiel
“I’m fine, konting tiis na lang makakagraduate na. Well I need to do well para makakuha ulit ako ng scholarship para sa law school”
“Matalino ka naman, sigurado akong may makukuha kang scholarship” sabi ni Lance saka nagthumbs up
“I hope so. Pero kung wala talga edi no choice babalik ako sa probinsya. Hindi naman kasi kaya nila Lolo at Lola na pagaralin ako sa AU, knowing na umaasa lang tlaga kami sa pension ni Lola” sabi nito na may malungkot na boses.
“Huwag kang mag-alala tutulungan ka namin. Kung gusto mo mag part time ka muna sa comoany ni dad” suhestyon naman ni Theo sa kaibigan.
“Pagiisipan ko muna pero kung ganoon nga ang mangyayari kailangan ko mag double effort para matustusan ang mga pangangailangan ko lalo na at madaming libro na kakailanganin sa law school” sabi niya saka bumuga ng malalim na hininga.
“Don’t worry bro we got your back. We’re friends remember” sabi ni Lance at Theo na nakangiti kay Khiel.
Dahil sa kanilang munting pagkwekwentuhan nakarating na sila agad sa parking ng M.A.B. Nang maiparada ni Theo ang sasakyan agad naman siyang bumaba at sinabihan si Lance na umupo sa backseat dahil may uupo sa harap. At agad din naman itong sumunod sa sinabi niya. Siya naman ay iniwan muna ang dalawang kaibigan sa parking lot saka naglakad papuntang gate para sunduin si Vi.
Malayo pa lang siya ay nakita na niya si Vi na nakatayong naghihintay sa kanya kaya naman kinuha niya ang kanyang cellphone saka ito tinawagan.
[Andito ka na ba? Bakit hindi kita makita?] tanong agad ni VI sa kanya.
“Hanapin mo ako” sabi naman niya bilang pangaasar sa dalaga.
[Aysus, nakikipagtaguan ka sa akin]
“Silly, andito na ako sa may gate at nakikita kita ngayon” sabi niya kay Vi saka naglakad papalapit sa kinatatayuan niya.
[Ahah! Huli ka!] sabi ni Vi saka siya pinatayan ng cellphone.
“Kanina ka pa ba naghihintay” bungad niyang tanong saka boluntaryong kinuha ang laptop at librong hawak ni Vi.
“Oo kanina pa ako dito punong puno na nga ako ng pawis at gutom na gutom na din, sana lang masarap ang ipapakain mo kasi ang tagal mo akong pinaghintay” sabi ni Vi na puno ng sarkasmo
“Tsk, let’s go. Kanina pa naghihintay yung mga kaibigan ko” sabi niya saka ito iginaya papunta sa parking lot.
“Sino ba ang mga kasama natin, mamaya wala pala akong kilala nakakahiya naman”
“Well you met one of them earlier and chill lang yung isa so I think you’ll vibe with them” sabi niya saka ito nginitian
“Kanina, nakasama natin? Si Kuya Shawn ba?” tanong niya kay Theo na ikinadlim ng mga mata nito
“Kanina mo pa sinasabi si Shawn mula noong lunch time, bakit crush mo ba siya?” tanong ni Theo sa iritadong boses
“Hindi ah!” sabi ni Vi na ikinagulat nito dahil sa pagtaas ng boses
“Tsk,Anyways si Lance yung kasama natin hindi si Shawn”
“Ahh si Kuya na may galit sa door” sabi nito saka naalala ang nangyari kanina sa lib arts building. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa nakaparadang BMW ni Theo.
“Uy Ms. Coffee ikaw pala kasama namin” sabi ni Lance na nakasandal sa pintuan ng kotse ni Theo.
“Victoria?!?” tinignan niya ang tumawag sa kanya at nakitang si Khiel ito.
“Kuya Riley Khiel Sevilla!?! Anong ginagawa mo dito?” tanong nya na puno nang gulat matapos itong makita.
“Magkakilala kayo?” tanong ni Theo na pumukaw sa dalawa
“Bro, siya yung tinuturuan ko sa M.A.B. library last time, diba naikwento ko na” sabi ni Khiel kay Theo
“Ahh siya ba ‘yon” sagot ni Theo sa mapaklang boses.
Dahil sa rebelasyong nagyari sumipol si Lance saka sinabing “Mukhang hindi lang isa ang kaagaw mo bro” saka tinapik tapik ang balikat ni Theo bago pumasok sa loob ng kotse.
Sila naman ay nagkangitian bago pinagbuksan ni Theo ng pintuan si Vi at hinayaang magisang pumasok si Khiel sa backseat. Nang makapasok ang lahat mabilis na pinatakbo ni Theo ang kotse niya gayun din ang tindi ng pagkahawak nito sa manubela ng sasakyan.
Napailing iling na lang si Khiel sa kanyang nasasaksihan kaya naman kinuha niya ang cellphone niya saka minessage si Vi ng palihim.
@RKSEVILLA [Sabihin mo nga anong na-miss ko at sinundo ka ni Theo kinana?]
@VICTORIAKATE “Hinatid lang naman niya ako kaninag Umaga at sabay din kami nag lunch, kaso kasam namin si Kuya Lance at Shawn kaya medyo nalungkot ako”
@RKSEVILLA [Wow ah malungkot ka pa sa lagay na ‘yan]
@VICTORIAKATE “Shhh, huwag ka ngang panira”
@RKSEVILLA [Sige, goodluck kaya mo yan. Shoot your shot!]
Magrereply pa sana si Vi kaso bigla na lang huminto ang sasakyan dahilan para masubsub silang lahat.
“Masyadong obvious bro.” sabi ni Lance na tumatawa pa
“Ang alin?” tanong naman ni Vi ngunit hindi siya sinagot bagkus nagpatuloy lang ulit ito sa pagmamaneho.
Pagkatapos nang nangyari ay napuno muli ng katahimikan ang buong kotse hanggang sa makarating sila sa parking space ng isang coffee shop. Nang makapagpark si Theo agad din namang bumaba ang mga ito at pumasok sa loob saka naghanap ng mauupuan.
“Theo, libre mo ‘to diba?” tanong ni Lance sa kaibigan na ikinatawa na lang nila saka sabay umupo. Magkatabi nanaman si Lance at Theo at saka si Khiel at Vi naman sa kabilang side ng lamesa.
“Sumusunod ka na ba sa yapak ni De Luna na mahilig sa libre?” sarkastikong sagot naman nito na mas tinawanan lang ni Lance.
Dahil sa mga kaganapan inis na sinipa ni Vi si Khiel sa ilalim nang lamesa na ikinangiwi ng katabi. Kaya naman para makaiwas sa ‘paninipa’ ni Vi si Khiel na mismo ang boluntaryong nakipagpalit ng upuan kay Theo.
“Oh Kuya Khiel bakit ka umalis,ayaw mo ba akong katabi?” tanong ni Vi na may kasiyahan at pangaasar na boses.
“Hindi kasi ako komportable sa upuan” pagsisinungaling naman nito saka sinubukang pilitin si Theo na umupo sa tabi ni Vi pero mukhang hindi na ito kailangan kasi hindi pa lamang siya nakakapagsalita ay nakalipat na siya sa tabi ni Vi.
“So, ano ng order natin Theo, gutom na ako” pangungulit nanaman ni Lance pero bago pa ito sumagot ay tumayo na si Vi saka sinabing “Ako na manlilibre, tutal nilibre niyo na ako kaninang lunch time” sabi niya nang nakangiti saka naglakad poapunta sa cashier.
“Sasamahan ko na si Vi” boluntaryong sabi ni Khiel kaso bago pa ito makatayo ay nagsalita si Theo
“Ako na” sabi ni Theo ng may diin at mata na tila nagbabanta. Kaya naman walang nagawa si Khiel kung hindi mapailing saka tanguan ang kaibigan bago ito naglakad palayo papunta kay Vi.
“Don’t mess up with him, I think he’s falling in love,,, again” sabi ni Lance kay Khiel na may seryoso ding expresyon sa mukha.
Bumuntong hininga si Khiel sa kaibigan bago sinabing “I’m already in love with someone,, who can’t fight for me”
Ngumiti lang ang kausap nito saka sinabing “Love sucks bro”. Parehas silaang napailing saka pinakatitigan si Vi at Theo na may buhat na tray. SI VI ay may hawak na tray na may blueberry cheesecake at si Theo naman ay may hawak sa 4 na frappuccino drinks.
“Mag order ulit tayo if kulang pa ‘yan” sabi ni Vi sakanila saka nagsimulang kumain habang nagkwekwentuhan.
Ilang minuto ang lumipas ay wala pa ding nagsasalita sa kanila kaya naman si Vi na mismo ang nagsalita “So, kamusta naman ang naging presentation niyo kanina. Mahirap ba o keri lang?” inosenteng tanong niya kahit sinabi na ni Theo na nakaperfect sila.
“Ok lang” tipid na sagot ni Theo sa kanya sak sumipsip sa inumin nito.
“Aysus, nahiya ka pang sabihing nakaperfeect tayo” sabad nanaman ni Lance
“Hayaan mo na, ganyan talaga si atty pa-humble” sagot ni Vi saka tinapik tapik ang balikat ni Theo
“Ikaw naman Kuya Khiel, kamusta na kayo? Nagkita na ba kayo sa campus?” tanong nito na ikinailing ng kausap.
“I have the right to remain silent” pangaasar na sagot ni Khiel sa kanya na tinawanan lang niya.
“You may have the right to remain silent but you can’t always hide from her” sagot naman niya ulit.
“Don’t pry too much Vi, you weren’t there when shits happened” sagot niya sa seryosong boses dahilan upang mapatigil si Vi sa pagkain ng cake.
“CHILL, no offense meant” sagot niya kay Khiel saka tinuon ang buong atensyon kay Theo
“So, bakit ang tahimik mo masyado atty?”. Hindi sumagot si Theo bagkus kinuha lang ang libro sa dalang bag saka binuksan sa isang pahina na puno ng sticky notes. “Snob mo naman atty, ikaw ang nag-aya ng merienda eh” sabi muli ni Vi saka sinimangutan ito.
“Tutal busy ka naman, aalis na lang ako kasi baka maisturbo ko pa ang pag-aaral mo” iritadong sabi ni VI saka nagmamadaling inubos ang cake at kinuha ang frappucino at tuluyan na ngang nag walkout sa cafe.
“Sayang yung chance mo atty, yan tuloy nilayassan ka na ni Ms. Coffee” sabi ng isang lalaking na kalaunan ay tumabi sa upuang iniwan ni Vi.
“f**k off De Luna” iritadong sagot nito saka sinipa ng bahagya.
“Tsk, sabihin mo selos ka lang eh” pangaasar ulit ng loko loko
“Bakit ka ba andito Shawn?” tanong ni Lance
“Bakit bawal ba akong pumunta dito?” pabalang na sagot ni Shawn
“Tutal andito naman na kayo may sasabihin akong isang mahalagang bagay” sabi ni Khiel na nakapapatigil sa pag-aaral ni Theo at pang-aasaran ni Lance at Shawn.
“Ano yun bro? May sakit ka ba? Nahihilo ka? Ano sabihin mo?” sabi ni Shawn na umaarteng nag-aalala sa kaibigan.
“Cut the act Shawn” seryosong sabi ni Theo bago tinignan si Khiel “Spill it”
“Well as you may or may not know birthday ko this coming Sunday and alam ko naman na sanay kayo sa lavish parties pero knowing our financial situations right now I can’t afford to spend that much for parties so as a ‘good friend’ I would invite you to my mini b-day celebration sa apartment na nirerentahan ko” sabi ni Khiel sa mga kaibigan
“Aysus yun lang pala, count me in” sabi ni Shawn saka sinabing “Ako ng bahala sa drinks”
“Just send me your address” sabi naman ni Theo saka nagpatuloy sa pagbabasa
“Sino-sino ang mga invited?” may pag-aalinlangang tanong ni Lance
“Ohh, I think she’s coming pero I’m not sure tho co-confirm ko pa kay Vi” sagot niya saka natigilan ng bigla na lang lumapit ang isang babae sa lamesa nila.
“Tara na” sabi ng babae saka tinignan si Shawn na mukhang kinkilig pa.
“Yeah, Let’s go” sagot nito saka tumayo at sinabing “See you around folks”
Napatanga-tanga lang ang mga kaibigan nito sa nasaksihan hanggang sa nagsalita si Theo “Same reaction when I first saw them together”
“He’s really doomed” sabay na sabi ni Lance at Khiel. Napailing na lang si Theo sa itsura ng mga kaibigan at saka kinuha ang cellphone sa bulsa. At laking gulat na lamang niya na may natanggap na message sa taong hindi niya inaasahan.
From: Althea
I’m coming home…
Hindi mawala ang gulat sa mukha ni Theo sa nabasang mensahe pero mas lalo pa itong nagulat ng may nag message ulit sa kanya.
From:Unregistered Number:
Rylen is back.
SEE YOU ON NEXT CHAPTER:)))
! PLEASE CONTINUE SUPPORTING !
- CiTrineLily -