“Maam gising na po kayo at malalate na kayo sa school” sabi ng isa sa kanilang kasambahay. “sige manang pababa na po ako, salamat sa paggising”. Agad agad tumayo at nagayos ng gamit si Victoria na kaniyang gagamitin sa pagpasok, inilagay na niya ang kanyang mga libro, laptop at iba pang gamit sa loob ng backpack at saka naligo.
Pagkalabas niya ng shower ay agad namang siyang pumunta sa kanyang walk-in closet upang pumili ng kanyang susuotin sa eskwelahan sapagkat wala namang silang required na uniform.
Simple lang ang napili niyang i-damit ang pangitaas niya ay isang white na t-shirt na may floral print sa gitna at ang pang ibaba niya naman ay blue maong ripped jeans. Pagkatapos mag damit ay nag-ayos na siya ng buhok, sinuklay niya ito at itinirintas ng pa french braid. Pagkatapos niyang magayos ay kinuha niya ang kanyang ID na nakalagay sa kanyang lamesa at sinuot ito at agad ding bumaba.
“Good Morning” bungad ng kanyang ina na nakaupo sa lamesa. “Good morning po” sumbat naman ni Victoria. Umupo si Victoria sa bakanteng upuan at sa ngayon ay kaharap na niya ang kanyang ina. Nabalot ng katahimikan ang kanilang dining table hanggang sa may narinig silang pagkalabog ng pintuan, agad naman silang napatinging ng kanyang ina at nakita ang kanyang kapatid na si Titus na mukhang lasing at wala sa tamang katinuan.
“Lasing ka nanaman!, lagi ka na lang lasing! tingin mo ba may patutunguhan ang pag inom mo, tandaan mo sakit lang ang makukuha mo diyan” ika ng kanyang ama na naglalakad pababa ng hagdan.
“Tsk, ano naman ang pake mo, eh ikaw nga lagi ka namang wala pero nangialam ba ako?” ika ni Titus
Bumilis ang paglakad ng kanyang ama hanggang sa makalapit ito kay Titus. “Anong sinabi mo?”.“Hindi mo ba narinig?” sumbat naman ni Titus. Kinuwelyuhan nito si Titus at mayroong nanlilisik na mga mata.
“Itigil nyo na ‘yan!” lumapit ang kanilang ina sa ama at agad hinawakan ang kanyang braso.Nang bitawan nito ang anak agad namang padabog na umakyat si Titus sa kanyang kwarto.
“Hon, intindihin mo na lamang si Titus alam mo naman marami din siyang pinagdadaanan ngayon, alam mo namang kamamatay lang ni Amora” batid ng kanilang ina sa pumanaw na kasintahan ni Titus. “Kung hindi siya magbabago tuluyan ng masisira ang kanyang buhay paano na lamang ang pangarap niyang maging abogado.’’ huminga ng malalim ang kanilang ama at nagtungo na lang sa dining table.
“Good Morning dad” batid ni Victoria. Tinanguan lang siya ng kanyang ama at sumipsip sa kape na nasa lamesa.
Binalot muli ng katahimikan ang kanilang hapagkainan lalo na at nagkaroon ng bangayan ang mag ama. Upang hindi masira ang araw ni Victoria agad niyang inubos ang kanyang pagkain at saka nag paalam na papasok na sa kanilang eskwelahan.
Pagkatapos magpaalam ay lumabas na ito patungo sa kanilang garahe, ng makita siya ng kanyang driver agad namang nitong pinagbuksan ng pinto si Victoria at sinira ng makitang nakapasok na. “Tara na po maam, pakilagay lang po yung seatbelt niyo para safe tayo” tumango lang ito at nilagay ang seatbelt. Umandar na ang sasakyan paalis ng kanilang bahay. At nang nakita niya na nakalabas na sila sa kanilang village siya ay nagpakawala ng isang buntong hininga.
Habang nasa sasakyan nag ring ang cellphone ni Victoria. Kinuha niya ito at nakitang tumatawag ang kanyang kaibigan na si Sam. Huminga ng malalim si Victoria bago sagutin ang telepono.
[Whats up may baby Vi] bungad ni Sam
Anong kailangan mo ang aga aga ahh?
[Hindi ba pwedeng miss lang kita kaya ako tumawag]
“Ano ako jowa mo para tawagan ng ganito kaaga” panumbat ni Victoria
[Bakit jowa lang ba ang pwedeng tawagan! HA!?]
*sigh* “Ano ba ang kailangan mo Sam? di ka naman madalas tumawag ng ganitong oras ah at kung tatawag ka man siguradong may ipapabili ka o kaya naman may hinihinging pabor. Alin dun sa dalawa, mamili ka?!”
[Grabe ka naman Vi ang harsh mo ang aga aga galit ka agad]
“ Kung wala kang matinong sasabihin papatayin ko na”
[Wait lang ito naman hindi mabiro, sige na nga makikisuyo sana ako kung pwede mo akong bilhan ng pagkain, nagmamadali kasi akong umalis kanina sa bahay at ayun di ako naka breakfast] Batid ni Sam sa kabilang linya na may malungkot at nag papaawang boses.
“May magagawa pa ba ako? Ano ba ang gusto mo?”
[Kahit ano ikaw na bahala baby Vi]
“Sige bibilhan kita ng bottled water”
[Anubayan may panulak nga pero wala namang pagkain]
“Sige na bibilhan na lang kita ng burger sa jollibee”
[Pwede padagdag na din ng pancakes at coffee]
“Aba nag req----”, tinignan ni Vi ang kanyang phone ng marinig na binabaan na siya ng tawag ni Sam.
Wala siyang ibang nagawa kung hindi huminga ng malalim at sinabihan ang driver na pumunta sa pinakamalapit na jollibee.
Nang nakarating sila sa fast food ay agad namang pumila si Vi upang bilhin ang pinabibili ni Sam. Wala na siyang ibang magawa kung hindi mapakamot sa ulo dahil ginawan na naman niya ng pabor ang kaibigan. Ngunit ano nga naman ang magagawa niya kaibigan niya ito eh.
“Jolly morning ma'am what's your order” ika ng cashier
“Ummm 5 yumburger, 1order of 2pcs pancakes and coffee for take-out”
“Ok Ma'am, 280pesos po”
Inabot ni Vi ang pera at naghintay tawagin ang kanyang numero para sa kanyang order.
“Number 10”, agad lumapit si Vi sa counter ng tawagin ang kanyang numero ibinigay niya ang numero at kinuha ang pagkain na naka paper bag, agad din niyang hinawakan ang coffee na nakahiwalay upang hindi ito matapon.
“Thank you Maam” Ngumiti lang si Vi at naglakad palabas hanggang sa nabunggo siya ng isang babae na papasok sa jollibee
Dahil sa impact ng pagkabunggo nabitawan ni Vi ang kanyang hawak na coffee at natapon ito sa mga papel na naroon sa table.
Agad na napatayo ang lalaki ng makitang natapunan ng kape ang kanyang mga gamit.
Lumaki naman ang mata ni Vi ng makitang basang basa ng kape ang mga papel ng binata.
“I’m sorry, I’m sorry,I’m sorry” paulit na sinasabi ni Vi “What can I do to help?” tanong ni Vi sa lalaki habang nakatingin sa mga nabasang papel.
“Wala! Umalis ka na wala ka namang naitutulong, baka mas dumami pa ang mabasa kapag tumulong ka” ika ng lalaki
“I’m so sorry I didn’t mean it”
Napakamot na lang sa ulo ang lalaki ng makita ang mga gamit niyang basang basa ng kape.
“Pre anyare sa readings mo bakit basang basa sinong may gawa niyan, anong nangyari, pa'no ka na mag aaral para sa quiz mamaya,mahal ang libro na yan ah…” sunod sunod na bungad ng isa pang lalaking kapapasok lang at hinihingal pa.
“I’m so sorry hindi ko talaga sinasadya, magkano ba iyang libro na yan at babayaran ko na lang?”
Napakunot ang ulo ng lalaki sa sinabi ni Victoria
“Sige na babayaran ko na ayaw ko namang makonsensya sa ginawa ko”
“Makonsensya--tsk”.“Hindi lahat ng bagay matutumbasan ng pera, hindi ba sabi ko umalis ka na bakit andito ka pa?”. Batid ng lalaki kay Vi
Natahimik na lamang si Vi sa sobrang gulat sa pagkasigaw sa kaniya ng binata.
”At higit sa lahat hindi ko kailangan ng pera mo” sabi ng lalaki at naglakad papalayo kasama ang kaibigan upang humingi ng tulong sa fast food crew.
Inis na inis si Vi ng makalabas, lunes na lunes sirang sira ang araw niya, wala syang magawa kung hindi bumuntong hininga at maghintay na lamang hanggang makarating sa eskwelahan.
Dahil sa sobrang kalinisan hindi nito namalayan na nakarating na pala siya sa eskwelahan.
“Ingat po kayo ma'am” ika ng kanyang driver at saka lumabas.
Hindi maipinta ang mukha ni Vi habang naglalakad sapagkat siya ay inis na inis pa rin, naglalakad lang siya hanggang sa makapunta siya sa SATELLITE CAFETERIA o mas kilala bilang sat cafe
“Hi baby Vi” bungad naman ni Sam ng makita si Vi
“Ang aga aga bad mood agad” ika naman ni Skylar
“Aysus anong meron red days mo ba ngayon gurl?” Ika naman ni Maky
“Hayy wag niyo yang inaasar kasi baka mamaya kagatin kayo niyan (rawwwr!)” ika naman ni Hail
Nagtawanan ang lahat ng kaibigan niya sa sinabi ni Hail maging siya ay umiling ng kaunti
“So anyare nga?” batid ni Hail
Sisimulan na sana ni Vi ang pagkukwento ng may natanaw siyang pamilyar na mukha.
“Anong ginagawa niya dito” habang nakatingin sa malayo
“Huh” batid ng mga kaibigan niya, at agad din namang tumingin kung saan siya nakatitig.
“Omaygad ang gwapo niya talaga” kinikilig na sinabi ni Maky
“Ang sarap na ng pagkain ko pero mas masarap siya” sabi ni Sam habang nilalabas ang pagkain sa paper bag
Nakakunot ang noo ni Vi ng mas makita niya na ang lalaking iyon! Ang lalaking natapunan niya ng kape kanina.
“Tama na pagnanasa Vi baka matunaw na yan” sabi ni Hail
“What!!! Pagnanasa!?!?! Ano ka ba naman Hail”. Umiling na lang si Hail
“Wait, kilala niyo siya?!?!?!” batid ni Victoria sa mga kaibigan niya
“DUH sinong hindi makakakilala sa kanya, the most handsome and smartest student, actually lahat naman silang magkakaibigan ay gwapo eh kaya swerte mo kapag makalapit o kaya makausap mo sila” pagpapaliwanag ni Maky habang nakatingin sa table nung mga lalaki.
“Bakit crush mo ba?” singit ni Sky
“AKO!?!? Crush yan?!?, mas pipiliin ko nalang mamatay kaysa magkagusto sakanya,, tsk”
“Bat ka galet nagtatanong lang naman”
“Omaygad don’t tell me nagmeet na kayo ni Theo?” singgit naman ni Sam sa pasigaw na boses.
“Theo?” napaisip saglit si Vi
“Oo si Theo, si Theo na pinagnanasaan mo” sabi ni Hail na may pang asar na paningin
“Tigilan niyo nga ako, bakit ko naman magugustuhan ang Theo na iyan eh ang sama sama ng ugali niya. Ako na nga itong nakonsensya at nag offer na bayaran ang nabasa kong libro tas sasabihan ba naman ako na “hindi lahat ng bagay matutumbasan ng pera” tas ano makikita ko siya dito sa school. Aba mayaman naman pala ang lokong iyon!” gigil na sinabi ni Vi
“Kaya naman pala eh” tumatawang sabi ni Sam habang kumakain ng pancakes.
“Aysus na reject pala ni crush kaya ganyan” Mapang asar na tumatawa si Hail
“OUCH naman” sabi ni Sky na kumakain ng burger na dala ni Vi
“Mukhang nakahanap ka na nag katapat mo Vi” Sabi ni Maky na may seryosong mukha
“Tsk! ako pa hindi ako umiiyak sa lalake. Ako ang nagpapaiyak ng lalaki!” proud na sinabi ni Vi
“Sana nga pangatwiranan mo yan hanggang huli, Dr. Victoria Katherihine Perez” sabi ni Maky.
“Wag mo muna akong tawaging Dr. baka mamaya hindi matuloy eh, 1st year pa lang naman tayo”
Itinawa na lang nilang magkakaibigan ang sinabi ni Vi.
Walang nagawa si Vi sa mga pinagsasabi ng kanyang mga kaibigan kaya naman ay bumuntong hininga na lang siya at saka inabot ang burger na nasa paper bag.
“Theo?” sabi ni Victoria bago kumagat sa burger niya
SEE YOU NEXT CHAPTER :)))