Isang normal na araw lang ang Lunes para kay Theo. Gigising mula sa tunog ng alarm,maliligo sa shower,kakain ng agahang tinapay at kape saka papasok sa eskwelahan. Pero mukhang mag-iiba ang pasok ng lunes niya sa linggong ito. Umagang umaga pa lamang ay narinig na niya ang cellphone niya na tumutunog, at ng tignan niya ito ay nagdalawang isip siyang sagutin ang tumatawag.
Hindi niya sinagot ang tumutunog na cellphone bagkus hinayaan lang niya ito sa lamesa at naghanap ng isusuot na damit pagpasok sa eskwelahan.
Makatapos ang ilang minuto nakapili na siya ng kanyang damit. Ang napiling niyang pangitaas ay isang stripes button up shirt na mayroong kulay yellow,white at black na pattern at pang ibaba na black maong pants. Hinayaan din niyang nakabukas ang dalawang butones ng kanyang damit upang makita ang suot niyang kwintas.Tinernuhan naman niya ang kanyang damit ng white adidas sneakers. At syempre hindi magiging kumpleto ang isang Theo Alvarez kung hindi niya suot ang necklace na regalo ng kanyang kapatid, na kaniyang isinusuot araw-araw.
Nang matapos na siyang magbihis ay patuloy pa rin ang pagtunog ng kanyang cellphone kaya walang choice si Theo kung hindi sagutin ang tawag ng kanyang kaibigan na si Shawn.
“Theo Alvarez speaking?”
“Pre! Kanina pa ako tumatawag bakit ang tagal mo namang sagutin?” ika ni Shawn na nasa kabilang linya.
“Ummm,Kagigising ko lang kasi eh, ano ba kailangan mo?” pagsisinungaling ni Theo habang naghahanda ng kape at tinapay.
“Ahh, kagigising mo lang pala edi good timing breakfast tayo pre libre ko, hintayin mo na lang ako sa Jollibee yung sa tapat ng school” pabibong sinabi ni Shawn
“Wala akong gana kumain pre. Magaaral pa ako para sa quiz mamaya, kita na lang tayo sa school” sabi ni Theo habang umiinom ng kape.
“Maaga pa naman pre at saka hapon pa naman yung quiz so pwede pa tayo mag aral mamayang lunch break”
Natahimik na lang si Theo sa sinabi ng kaibigan, alam niya kasing hindi niya ito titigilan hanggat pumapayag ito. Kaya naman laking pagsisisi na nga lang niya at nagsinungaling ito sa kanya na kagigising lang.
“Bahala na libre naman niya” sinabi ni Theo habang inaayos ang pinagkainan.
Hinugasan niya ang kanyang pinagkainan at saka pumasok sa kanyang kwarto upang ayusin ang mga dadalhing libro at makakapal na readings, hindi ito lahat nagkasya sa backpack kaya naman binuhat na lang niya sa kamay ang isang libro at ilan pang makakapal na papel. Pagkatapos kuhanin ang mga gamit lumabas na ito upang hanapin at kunin ang susi ng kanyang sasakyan, malapit lamang ang eskwelahan sa kanyang tinitirahan pero dahil makikipag kita siya kay Shawn ay naisipan niyang magdala ng sasakyan.
Nang mahanap ang susi ay dali dali siyang lumabas at sinara ang pinto ng penthouse. Naglakad siya patungo sa elevator at saka pinindot ang going down button at naghintay na bumukas ito. Nang bumukas ang mga pinto binati niya ang liftman ng “Good morning” saka sinabing “upper parking”.
Pagkatapos ng ilang sandali tumunog na ang elevator at naglakad na siya palabas upang hanapin ang kanyang sasakyan na nakapark doon.
Nang makita niya ang kanyang itim na BMW agad niyang pinindot ang susi nito na naroon sa kanyang bulsa, saka inilagay ang mga gamit sa backseat at tuluyang pumasok sa drivers seat at pinaandar ang kotse, naghintay siya ng ilang segundo para uminit ang makina nito, at pagkatapos ay nag drive na siya paalis ng parking lot at nag tungo na nga sa Jollibee na kung saan sila magkikita ni Shawn.
Nang malapit na ito sa Jollibee tinawagan niya si Shawn upang tanungin kung nasa loob na ba ito.
“Malapit na ako nasaan ka na?”
“Umm, pre papunta na ako, malapit na” sabi ni Shawn.
“Ok” sumbat ni Theo at binaba ang cellphone.
Nang makarating sa tapat ng kainan tinawagan ulit ni Theo si Shawn ngunit hindi ito sumasagot kaya nag park na lang ito sa bakanteng parking lot at kinuha ang mga gamit sa backseat saka pumasok sa loob.
Ramdam na ramdam niya ang titig ng mga tao sa kanya nang makapasok ito, paano ba naman kasi lahat ng mata ng mga kababaihan maging ang mga empleyado ay nakatitig sa kanya, na tila ba ngayon lang sila nakakita ng matangkad, maputi at may dimples na lalaki.
Walang mahanap na bakanteng upuan si Theo kaya nagtanong siya sa grupo ng mga kababaihan kung may nakaupo ba sa isang upuan na puro gamit nila ang laman.
“Excuse me, is there someone sitting here” tanong ni Theo sa mga kababaihan na kumakain.
Laking gulat na lamang ni Theo na hindi sumagot ang mga kababaihan at bigla na lang nagsitayuan at agad kinuha ang mga gamit.
“Ok, na po kuya pwede ka na umupo” ika ng isang babae na tila kinikilig pa
“Thank you” sambit niya at nginitian ang mga ito. Hinila naman niya ang upuan papunta sa isang bakanteng lamesa at saka doon naisipang tumambay habang naghihintay kay Shawn.
Sa sobrang kilig ng mga kababaihan ay hindi napigilang umiling ni Theo saka umupo.
Nang umupo na ito, kinuha ulit niya ang kanyang cellphone saka tinawagan si Shawn. Nakailang tawag din ito hanggang sa ito ay sumagot.
“Saan ka na kanina pa ako nandito” bungad ni Theo
“Papunta na pre naglalakad na ako” sagot ni Shawn
Hindi kumbinsido si Theo na malapit na ang kaibigan dahil naririnig pa niya ang tumutunog nitong TV, kaya naman sigurado ito na nasa condo parin si Shawn.
“Binabalaan kita Shawn Justine De Luna, kapag hindi ka pa makarating dito in 15 mins hindi na kita isasama sa group project!” galit na sinabi ni Theo.
“Pre chill ka la—“ hindi na niya pinatapos ang sasabihin ni Shawn at binaba ang cellphone.
Walang nagawa si Theo kung hindi huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili at syempre umorder na rin siya ng pagkain para hindi siya mukhang kahiya hiya.
5 minutes na simula noong tinawagan niya si Shawn at dumating na ang inorder niyang pancakes pero wala pa rin ito kaya naman naisipan na lamang niya na magbabasa ng mga readings niya.
Habang nagbabasa si Theo, napatingin siya sa babaeng kapapasok lang sa kainan, nabighani siya sa babaeng iyon. Tinitigan niya ang babaeng ito ng matagal at napansin niyang ito ay simpleng manamit, may katamtaman na height,morena ang kulay ng balat, at higit sa lahat maganda.
“Ang ganda naman niya” nagulat si Theo sa kanyang nasabi
Napakamot si Theo sa kanyang ulo dahil sa kanyang nasabi, pero hindi nito napigilang titigan ang babae hanggang nakapila na ito sa counter at maka order ng pagkain. Nawala na sa focus mag-aral si Theo kahit anong pilit niyang unawain at basahin ang nakasulat sa libro ay hindi parin mawala sa isip niya ang babaeng iyon.
Kaya naman sumulyap ulit siya sa counter at nakitang wala na ang babae. Tila ba nalungkot si Theo nung hindi na niya ito mahanap kaya naman pina libot niya ang tingin sa kainan at ayun nakita nga niya ang babae na nakatayo sa take-out counter naghihintay ng kanyang mga binili.
“Lapitan ko kaya siya at magpakilala” bulong ng isip niya.
Nagbabalak pa naman sana siyang lapitan ang babae pero tila tadhana na ang gumawa ng paraan para magkausap sila, kaso sa hindi kaaya-ayang pangyayari.
Hindi maalis ang tingin ni Theo sa babae habang naglalakad ito palabas pero nagalala ito ng nabunggo siya ng taong papasok, pero napalitan ang pagaalala ng gulat nang matapunan ng babae ang mga gamit niya.
Napatayo siya sa sobrang gulat akmang sisigawan na sana ang taong may gawa noon pero nanlambot ang puso niya ng makitang ang babaeng gusto niyang makausap ang nakatapon dito.
“I’m sorry, I’m sorry,I’m sorry” paulit-ulit na sinasabi nung babae “What can I do to help?” sabi muli ng babae na may nag aalala at nakakaawang boses.
Pero dahil sa sobrang inis niya sa nangyari hindi niya napigilang sigawan ang babae.
“Wala! Umalis ka na wala ka namang maitutulong, baka mas dumami pa ang mabasa kapag tumulong ka” pagalit na sabi ni Theo
“I’m so sorry I didn’t mean it” panumbat naman niya
Napakamot na lang siya sa ulo ng makita ang kanyang mga gamit at ang nagpapaawang mukha ng babae. “Ano ka ba Theo andyan na siya tanungin mo na kung anong pangalan niya” bulong ng isip niya sa kanya.
“Hayaan mo na wala na tayong magagawa nabasa na eh”,sabay huminga ng malalim ok ka lang ba na tapunan ata ang kamay mo ng kape, may masakit ba?”
Sasagot na sana ang babae pero may bigla na lang may sumigaw na lalake na kakapasok lang ng kainan.
“Pre anyare sa readings mo bakit basang basa sinong may gawa niyan, anong nangyari, pano ka na magaaral para sa quiz mamaya,mahal ang libro na yan ah” bungad ni Shawn na naglalakad papunta sa kanya.
“Ano ba naman yan bakit ngayon pa dumating itong lokong ito, panira talaga, kung pwede lang sakalin ko ito ngayon at itulak sa labas gagawin ko na, panira talaga!!!” bulong ng isip ni Theo.
“Ohh, Hi there Ms. Beautiful” sabi ni Shawn at inabot ang kanyang kanang kamay sa babaeng nakatayo sa harap ng lamesa ni Theo.
“Loko uunahan pa ako” bulong muli ng isip ni Theo, binabalot na ng selos ang isip ni Theo kaya naman umubo siya ng makitang makikipagkamay na sana ang babae kay Shawn.”hindi ako papayag na maagaw mo siya sakin, kahit kaibigan pa kita” bulong muli ng isip niya at tinignan ng masama so Shawn, na agad napailing at umatras palayo sa babae.
“I’m so sorry hindi ko talaga sinasadya, magkano ba iyang libro na yan at babayaran ko na lang?” bungad ng babae na kaagad kinainis ni Theo. “Sige na babayaran ko na ayaw ko namang makonsensya sa ginawa ko” pagpupumilit nito.
“Makonsensya,,tsk”.“Hindi lahat ng bagay matutumbasan ng pera, at hindi ba sabi ko umalis ka na bakit andito ka pa?”. Masungit na sagot ni Theo.
Hindi iyon ang gustong niyang sabihin pero dahil nilamon ng pagseselos ang isip niya iyon ang nasabi niya sa babae.
Natahimik na lamang ang babae sa sagot nito, hanggang sa may sinabi ulit si Theo na siyang kinainit ng ulo nito.
”At higit sa lahat hindi ko kailangan ng pera mo”. Matapos niyang bitawan ang mga salita na iyon umalis ng naiinis ang babae.
“Siya na nga nag offer ng help hindi mo po tinanggap” panimula ni Shawn
Hindi niya sinagot si Shawn dahil baka masuntok niya ito sa sobrang inis at selos.
“Excuse me, pwede bang palinis nung table” sabi ni Theo sa napadaang service crew.
Agad namang nilinis ng crew ang lamesa at sinabing “Sir basang basa na po ang mga papel na ito mukhang hindi na po ito magagamit.”
Huminga ng malalim si Theo at sinabing “Hindi ko na kailangan ang mga iyan pakitapon na lang”
“Pre sayang naman ang mga iyan lalo na yung libro mahal yan” ikaw ni Shawn
Napailing na lang siya at sinabing “Bibili na lang ako ulit”, at saka inis na lumabas sa kainan patungo sa kotse niya.
Aalis na sana siya kaso biglang nagbukas ang shotgun seat at saka pumasok si Shawn.
“Baba!” inis na sabi ni Theo
“Huh?, baket ako bababa eh same school, same classroom, same class schedule naman tayo ah” pabibong sagot ni Shawn
Mababaliw na ata si Theo sa presensya ng kaibigan niya pero hinayaan lang niya itong makasakay, habang nag dridrive si Theo puno pa rin ng selos ang utak niya kaya naman grabe ang higpit ng kapit niya sa steering wheel at kitang kita na ang mga ugat nito.
Binasag si Shawn ang katahimikan sa loob ng kotse at sinabing “Pre ang ganda nung babae noh” agad din naman siyang tinignan ng masama ni Theo saka bumalik ang mata sa kalsada.
“Aanuhin mo ang ganda kung pangit naman ang ugali, tingin niya lahat na lang ng problema ay maayos ng pera” Panumbat ni Theo
“ Siya na nga yung nag offer tinangihan mo pa”
“Wala akong pake at saka may pambili ako!” pagalit ulit niyang sinabi
“Sige pre sabi mo eh, kalma ka lang hindi ko siya aagawin sayo” nakangising sabi ni Shawn
“Subukan mo lang lumapit ulit sa kanya hindi lang kita sa group project tatanggalin”
“Yes boss promise di na ako lalapit, at isa pa may iba na akong gusto eh”
“Huh, sino naman?” sabi ni Theo na mukhang nagaalala pero deep inside tuwang tuwa ito.
“Kaibigan din siya noong babaeng nakatapon ng kape, kaya nga gusto ko siyang makilala eh pero mukhang mas mauuna mo pa akong mapatay kaya hinayaan ko na lang” nakangiting sabi ni Shawn
“Tsk, bakit naman kita papatayin” batid ni Theo
“So, kung liligawan ko yung babae kanina ok lang sayo?” biglang napakapit si Shawn sa inuupuan niya ng tapakan ni Theo ang accelerator ng kotse. “Ito naman hindi mabiro joke lang” agad siyang nakahinga ng malalim ng unti unting bumagal ang takbo ng kotse at makarating sa parking lot ng eskwelahan.
“Kala ko ba hindi mo siya magugustuhan eh bakit nagseselos ka nung lumapit ako sa kanya at nung sinabi kong liligawan ko siya” batid ni Shawn na pababa ng kotse.
“Hindi ko din alam eh” pagsisinungaling ulit ni Theo, ayaw niyang aminin sa kaibigan niya na nahuhulog na siya sa babaeng iyon kasi ayaw na niyang umasa ulit dahil baka saktan lang siya nito gaya ng ginagawa ng ex niya na si Raine.
“Aysus kapag ikaw tinamaan diyan sigurado ako iiyak ka pre” Pangaasar ulit ni Shawn
“Sa itsura pa lang niya tingin mo magkakagusto ako?” masungit na sagot ni Theo
“Wala ba?” tanong muli ni Shawn na nangaasar.
Napaisip siya sa sinabi ng kaibigan kaya wala siya sa sariling naglalakad papunta sa Sat Cafe, malayo ang Sat Cafe sa building nila pero sabi kasi ni Shawn may gusto daw siyang tikman doon na pagkain kaya doon sila pumunta.
Habang naglalakad sila ni Shawn at naghahanap ng mauupuan ramdam na ramdam nito ang mga titig ng mga estudyante sa kanila. Pero hinayaan na lang niya ito at saka umupo sa isang lamesa.
SEE YOU NEXT CHAPTER :)))