"Pre hindi ako komportable dito, gusto kong lumipat ng ibang mauupuan" batid ni Shawn habang nakatingin sa isang lamesa na malayo sa inuupuan nila.
"Ahuh?","talaga bang hindi ko komportable o baka naman may gusto ka lang makita?" tanong ni Theo na may seryosong mukha na kinatahimik ni Shawn
"Anong makita ang sinasabi mo diyan? hindi lang ako komportable kasi naman nakatingin lahat ng estudyante sa atin na para bang hindi tayo nag-aaral dito sa AU at tignan mo nga ni walang kahit isang ceiling fan dito sa napili mong upuan" sabi niya sabay buntong hininga.
"Dadahilan ka pa diyan bakit hindi ka na lang tumayo at lumipat doon sa babaeng kanina mo pang tinitignan." sabi ni Theo na may halong pang aasar.
Natahimik naman si Shawn sa sinabi nito at tiningnan siya ng masama.
"Totoo ba itong nakikita ko ang playboy na si Shawn De Luna natotorpe sa isang babae?" pangaasar muli ni Theo sabay malakas na tumatawa kaya napatingin ang ibang mga estudyante.
Magsasalita na sana muli si Shawn ng nakita niyang tumayo sa tinitignan niyang lamesa ang babaeng nakatapon ng kape sa gamit ng kaibigan. Napailing siya at nagbigay ng mapangasar na ngiti sabay inaya si Theo na tumayo at lumipat ng lamesa.
Agad naman ding sumunod itong si Theo sa kaibigan hanggang sa huminto ito sa harap ng isang lamesa dahilan para bumungo siya sa likod ni Shawn.
"Oh, Hi again Ms. Beautiful" panimula ni Shawn
Agad namang inilipat ni Theo ang tingin sa babaeng sinabihan nito, at naalalang ito ang babaeng nakita niya kanina.
"Ikaw yung nakatapon sa gamit ni Theo, right?" tanong muli ni Shawn
"Yes, I'm so—" hindi na tapos ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang cellphone ni Theo.
"[Bro, nasaan ka na malapit na mag start ang class, kayo na lang ni Shawn ang wala, absent ba kayo?]" ika ni Lance sa kabilang linya.
"Umm, andito na kami sa school kaso nasa Sat Cafe pa kami"
"[Sat Cafe?!?!, anong ginagawa niyo diyan, ang daming kainan na malapit sa Liberal arts building pero bakit diyan kayo pumunta?]"gulat na sabi ng kausap.
"Aba malay ko dito kay Shawn may gusto daw kainin pero di naman nag order, tsk,sige na nga at sasabihan ko na siya kasi mukhang may nilalandi pa eh"
"[Sige bro bilisan niyo na lang kasi baka magalit si prof.]" sabay binababa ang tawag.
***
"Ikaw yung kanina, right?" Tanong muli ni Shawn
"Ummm, OO" diretsong sinagot ng babae.
"Tsk, salamat nga pala sayo ahh" sabi ni Shawn ng nakangiti ng bahagya matapos lingunin ang mga kaibigan ng babae na nakaupo sa lamesa.
"Huh?, bakit naman? wala naman akong ginawa na dapat na ika-pasalamat" sagot ni Vi.
"Salamat sa'yo at—", di nito maiwasang tumingin sa babaeng nasa lamesa kaya naman pansamantala siyang nawalan ng sasabihin.
"At?"
Walang maisip na sasabihin si Shawn pero nakitang papalapit na si Theo at saka sinabing "Salamat sa'yo at nasira lahat ng gamit ni Theo at salamat na din at dahil sayo kailangan niyang ulitin ang mga book reports na pinagpaguran niyang isinulat" sinabi iyon ni Shawn na may halong sarkasmo at pangongonsensya.
"De Luna, tara na malalate na tayo, malapit pa naman ng mag time at malayo pa ang lalakarin natin" ika ni Theo habang hawak ang cellphone.
"Sige pre" tugon naman nito. At tinignan muli ang babaeng kinakausap niya
"Nice meeting you again,Ms.?", naghihintay si Shawn ng tugon mula sa babae.
"Victoria, Victoria Katherihine." Pormal na pagpapakilala ng babae saka inilahad ang kamay kay Shawn.Pero laking gulat na lamang niya na inabot ng katabi nitong lalaki ang kanyang kamay at nagpakilala.
"Theo, Theo Sage Alvarez", "hope you'll remember what happened earlier" pagpapakilala nito sa kanya at hinigpitan ng kaunti ang paghawak sa kamay niya saka pinakawalan.
"Hindi ko naman talaga sinasadya eh,nabunggo ako ng babaeng papasok kaya nabitawan ko yung coffee" pagpapaliwanag muli nito.
"Ok lang 'yon wala naman na akong magagawa 'diba?" Masungit na sumbat nung Theo.
Mahinang napatawa si Shawn sa dalawa na mukhang mag-aaway na. Pero natahimik siya ng biglang napatingin ang isa sa mga kaibigan ni Vi sa kanya.
Hindi mapigilan ni Shawn ang kanyang sarili kaya naman nginitian niya ang nakatingging babae at saka kinawayan ng bahagya bago ituon muli ang atensyon kila Theo at Vi .
"Tama na yan pre,mag move on ka na sa nangyari, wala na tayong magagawa nangyari na ang nangyari, kaya naman itigil mo na din ang kaka-sorry mo Victoria. " pabibong sagot ng bida bidang si Shawn habang natatawa ng kaunti.
Tinignan ni Theo ng masama si Shawn at sinabing "Tara na!".
Nauna nang naglakad si Theo papalayo pero ng napansin niyang hindi sumunod si Shawn kaya tumalikod ito at nakitang lumalandi pa kaya naman agad siyang naglakad pabalik para hilain ito.
"Sige, see you when I see Victoria and—" hindi natapos ang sasabihin ni Shawn ng bigla na lang itong hatakin ni Theo papalayo sa lamesa nila Vi.
Nakatinggin pa din ang ilang estudyante sa kanila habang naglalakad palabas ng Sat Cafe at wala ng pakialam si Theo sa mga ito dahil malapit na silang ma-late sa unang klase.
"Theo!","hintayin mo naman ako ang bilis mo naman maglakad eh" hingal na hingal na sinabi ni Shawn habang hinahabol si Theo.
"Bilisan mo na lang at malalate na tayo! Kapag tayo talaga na late sisiguraduhin kong pagbabayaran mo iyon De Luna" pananakot nito.
"Jusko naman Alvarez, ikaw pa ang may ganang magalit sa ating dalawa Ah. Ako na nga ang pinigilan mong maka score sa babae kanina eh" sabay buntong hininga "hindi mo man lang ako hinayaang magpakilala. Alam mo ba kung gaano ko katagal hinintay na malapitan siya tapos e-eksena ka lang ng ganun ganun kasi malalate na tayo." sinabi ni Shawn na may pagtatampong boses.
"So, tama nga ang hinala ko pumunta tayo sa Sat Cafe dahil may gusto kang makita,Ha!?" Panunumbat naman ni Theo
Natahimik na lang si Shawn habang naglalakad hanggang makarating sa Liberal Arts Building na kung nasaan ang mga classrooms nila.
Nang makarating sila sa harap ng building agad nilang pinatong sa ID scanner ang mga ID nila at saka naman naglakad ng dire diretso. Tahimik pa rin ang dalawa at hindi nagpapansinan kaya naman nakonsensya si Theo sa kanyang ginawa at nagsalita na din.
"Sige na, sasamahan ulit kita mamayang lunch time sa Sat Cafe, para naman makita mo yung crush mo. Kaso siguraduhin mo lang na pahiramin ako ng mga soft copies ng lectures natin" sabi ni Theo sa kaibigang hindi maipinta ang mukha.
"TALAGA!?!?!,papayag ka?!?!". Kita sa mukha ni Shawn ang pagkasabik sa sinabi ni Theo tila ba kumakawala nanaman ang puso ng binata ng marinig ang pagpayag nito na samahan siya.
"Ayaw mo ba?, kung ayaw ko ok lang naman sa akin" sagot ni Theo
"Syempre gusto, gustong gusto, kung gusto mo pati mga ibang books ko ibibigay ko na sa iyo at syempre ililibre din kita ng lunch" sagot nito habang may malaking ngiti sa mukha.
Matapos iyong sabihin ni Theo bumalik na ang dating Shawn na kilala niya, ang Shawn na mingay, makulit at bida bida.
Habang sila ay naglalakad sa hagdan sakto namang tumunog ang campus bell hudyat na 10 minuto na lamang bago magsimula ang unang klase.
Agad napatakbo ang dalawa sa pag-aalalang baka ma-lalate sila, wala na silang pakialam kung may mga nabunggo sila basta makarating sila sa room na wala pa ang prof. At dahil sa kanilang mabilis na pagkilos agad din silang nakarating sa classroom.
"Mukhang dumating na ang dalawang lumalandi sa Medical Arts Building ahh" pambungad ni Lance na nakaupo sa upuan.
"What!?!?! Galing kayo sa M.A.B?!?!" sigaw ni Claire
"Aysus ang aga ata ng landi natin boss SHAWN!!" sinabi namn ni Khiel na nakatayo sa likuran nila
"Huh, bakit ako?, hindi ba pwedeng gusto ko lang kumain doon" pagsisinungaling ni Shawn
"Syempre ikaw lang naman ang malandi sa grupo natin eh dinadamay mo pa si Theo" panunumbat naman ni Audrey.
"Ako na lang ang laging dehado sa grupo na ito AH, bat ba kayo ganyan. Wala man lang ka-support support!" malungkot at pasigaw na sinabi ni Shawn.
"DE LUNA!" seryosong sabi ng isang lalaking nakaupo sa may gilid.
"Oh, Titus pumasok ka na pala long time no see, kala ko nag drodrop out ka na eh" pabirong sabi ni Shawn.
"NANGAASAR KA BA?" sagot ni Titus at tumayo sa kinauupuan at naglakad papalapit kay Shawn
"Chill lang bro ang aga aga away agad" sabi ni Lance saka tinapik ang braso ni Titus
"Totoo naman ang sinabi ko ah" pangangatwiran muli ni Shawn.
"Ano ba Shawn wag mo ng asarin si Titus" ika ni Khiel na naglalakad papunta sa kanyang upuan.
"Sige, ituloy mo ang sasabihin mo." matapang na sinabi ni Titus.
"Totoo naman ang sinabi ko ah, simula noong namatay ang Girlfriend mo kinalimutan mo na kaming mga kaibigan at kaklase mo! Hindi na ikaw yung dating Titus na masiyahin at laging nagpapatawa sa amin. Nag iba ka na kasi eh, simula nung namatay si Amora hindi mo na pinapansin ang mga taong nagmamahal at nag-aalala sayo, hindi mo na kami pinapansin na mga kaibigan mo na laging nandyan kung may problema ka, na laging nandiyan na sumusuporta sayo. Lagi kaming nandito para sayo Titus pero ikaw itong pilit lumalayo sa amin. Tingin mo ba sa ginagawa mo may magandang patutunguhan ang buhay mo, tingin mo ba kung patuloy kang nalulunod sa nakaraan maibabalik nito ang buhay ni Amora. Parang awa mo na Titus hayaan mo kaming mga kaibigan mo na tulungan ka, hayaan mo na kaming pumasok ulit sa buhay mo.Hindi ka naman namin iiwan eh, tandaan mo hindi na kailan pa babalik si Amora. Pero kaming mga kaibigan mo palagi kaming mananatili dito sa tabi mo hanggang sa huli. Patuloy ka pa din naming hihintayin kahit gaano katagal kasi kaibigan ka namin." madamdaming sinabi ni Shawn kay Titus.
"Tingin mo ba hindi ko sinubukan, sinusubukan kong makalimutan ang nakaraan pero ang sakit sakit. Ang sakit isipin na dahil sa kaduwagan ko hindi ko man lang nakita si Amora sa hospital, nangako ako sa kanya na darating ako bago ang operasyon niya pero anong nangyari hinayaan kong mangibabaw ang takot ko sa mga magulang ko at hinayaan ko siyang pumasok sa loob ng operating room nang may takot at pangamba, hindi ko na panghawakan ang pangako ko sa taong mahal ko! Kung nakatakas lang sana ako nung gabing iyon mula sa bahay namin edi sana nasabi ko man lang sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kahit sa huling sandali ng buhay niya hindi ko man lang siya nagawang makita at mahawakan. Ang tanga tanga ko kasi eh bakit ba kasi wala akong lakas ng loob suwayin ang mga utos ng magulang ko bakit ba kasi ako natatakot sa kanila noong panahong iyon. Bakit ba kasi kailangan kong mabuhay ng naayon sa mga gusto nila!" galit na sinabi ni Titus kasabay ng pagtulo ng mga luha.
"Hindi mo naman kasalanan na namatay si Amora. Alam naman nating lahat na nagawa mo lang iyon dahil natatakot ka sa mga magulang mo. At tingin mo ba magiging maayos ang operasyon ni Amora kapag nandoon ka? Alam natin sa simula pa lang na mababa na talaga ang chance of survival niya pero mas pinili pa din niyang lumaban, kaya naman huwag mo sanang isipin na dahil sa'yo kaya siya namatay. Isipin mo na kung sa huling sandali ng buhay niya ay lumalaban pa din siya, dapat ganoon din ang gawin mo. Lumaban ka at bumangon huwag mong sirain ang buhay mo, huwag kang magtanim ng galit sa sarili mo. Dahil kapag mas sinira mo pa ang buhay mo sigurado akong hinding hindi matutuwa si Amora. Batid ni Audrey habang hinahaplos ang likod ni Titus.
Nabalot ng katahimikan ang classroom dahil sa nangyaring sigawan at dramahan nina Titus at Shawn. Sakto din namang tumunog muli ang campus bell na naghuhudyat na magsisimula ang klase. Nagsibalikan na ang iba nilang kaklase sa sarili nitong mga upuan gayun din sina Theo,Lance at Audrey.
"Sorry" maikling sinabi ni Titus habang nakatalikod si Shawn.
"Ano ulit yun?" Pangaasar ni Shawn
"Narinig mo naman diba, magtatanong ka pa" sagot ni Titus sabay inirapan si Shawn.
"Apology not accepted!" sabi ni Shawn ng may malakas na boses
"Huh?" gulat na nasabi ni Titus
"Tatanggapin ko lang ang sorry mo kapag sinabi mo iyon ng nakangiti at with sincer---" naputol ang sinabi ni Shawn ng biglang pumasok ang prof nila, na agad binati ng mga kaklase niya.
Nagsimula na ang klase nila at patuloy lang ang mga ito sa pakikinig, ang iba ay nagsusulat ang iba naman ay nakikipag-usap sa katabi at may ilang estudyanteng inaantok din.
Makalipas ang ilang oras tumunog ulit ang campus bell na naghuhudyat ng lunch break.
"Oh, Theo tara na!" pabibong sabi ni Shawn
"Saan kayo pupunta?, pwede ba akong sumama?" nagulat ang mga magkakaibigan ng bigla na lang nagtanong si Titus.
"Hmmm bakit ka sasama, diba ayaw mo kaming makasama?" pang uusisa ni Shawn.
"Pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang, promise babawi ako sa inyo" sabi ni Titus ng nakangiti
"Sa wakas unti unti na ding bumabalik ang Titus na kaibigan namin" sabi ni Lance saka tinapik ang likod nito
"Hindi na ako yung dating Titus na nakilala niyo"
"Ha? Eh sino ka pala?" panloloko ni Shawn
"Titus 2.0?" dugtong naman ni Claire
"Siguro" maikling sagot nito at sinabing "Saan ba tayo kakain, ililibre ko na kayong lahat"
"Sa Sat Cafe!" masayang sinabi ni Shawn ng nakangiti pa.
"SAT CAFE!?!?!" lahat sila ay nagulat at hindi makapaniwala sa sinabi nito, paano ba naman kasi 15 mins walk ang sat cafe mula sa Liberal Arts Building kung nasaan ang mga classroom nila.
"Pass ako ngayon guys, may i-tutor ako sa library eh" wika ni Khiel
"Sigurado ka bang tutor lang?" pang uusisa naman ni Claire
"Oo naman, pero sasabay na din ako sa inyo papunta kasi same building lang naman ang pupuntahan natin" paglalahad ni Khiel
"Sino ba ang tuturuan mo at mukhang dadayo ka pa sa ibang building" tanong ni Audrey
"Si Vi" sagot muli ni Khiel
Nagulat si Titus nang narinig niya ang pangalan ng tuturuan ni Khiel. Pero hindi na lang siya nagsalita dahil wala din naman siyang karapatang usisain ang personal na buhay ng kanyang nakababatang kapatid.
"Sino yon?" tanong ni Claire
"Hindi niyo siya kilala 1st year med student pa lang siya" sabi muli ni Khiel
"Ahhh ganun ba, pakilala mo naman siya sa amin minsan" sabi ni Lance
"Sige sa susunod ipapakilala ko siya."
"Tara na ang tagal niyo naman" naiinis na sinabi ni Shawn
"Aysus ganyan talaga kapag may gustong makita" sagot ni Theo
"Hoy, ikaw Theo huwag mo akong ginaganyan ahh kung hindi dahil sa akin, hindi mo makukuha ang pangalan niya" mataray na sagot ni Shawn
"Sino?" tanong ni Lance
Sasagutin na sana ni Shawn ang tanong pero tinakpan ni Theo ang bibig niya saka sinipa ng bahagya.
"Buti naman naka move on ka na din kay Raine" sabi ni Audrey.
Natahimik si Theo ng narinig ang pangalan ng EX-girlfriend niya
"Wala na akong magagawa naka move on na siya kaya dapat ako din.Pero masakit pa din isipin na pinagpalit niya ako sa kaibigan ko at minahal lang dahil sa pera ng mga magulang ko" sumabat ni Theo
"Ahhh kaya pala nagalit ka sa kanya kanina kasi akala mo pera lang ang importante sa kanya" pabibong sagot ni Shawn
"Tumahimik ka" batid ni Theo ng may nanlilisik na mga mata
"Ok lang yan bro, maganda nga at unti unti ka na ding naka move on kay Raine eh" sagot naman ni Khiel
"Kung sino man yung crush o nililigawan mo sinusuportahan kita Theo" sabi muli ni Titus
"Paano naman ako?" sagot ni Shawn
"Alam naman natin na hindi ka nagseseryoso sa isang relasyon eh" pangaasar ni Claire
"Hayyy, ganyan talaga wala kasing nakaka-hindi sa gwapong si Shawn De Luna" proud na sabi nito.
"Yabang mo kapag ikaw umiyak dahil sa babae ako ang unang unang magcecelebrate" sabi ni Lance na nakangisi
Huminga ng malalim si Audrey at sinabing "Mukhang sa mga doktor kumakalampag ang mga attorney natin ah, tama ba Claire?"
"Sige kaya niyo yan maganda yan doon kayo sa mga taong kaya kayong alagaan kahit ano mang oras" paglalahad ni Claire sa kanila.
"At syempre dapat kaya nyo din silang ipaglaban hindi lang sa korte" natatawang sabi naman ni Audrey.
"Tama na nga 'yan, lunch time na andito pa din tayo sa room" sinabi ni Khiel at napakamot sa noo.
Sabay sabay lumabas ang mga magkakaibigan at nagtungo na nga sa M.A.B. Si Khiel ay dumiretso sa library ng building at ang iba ay nagtungo naman sa Sat Cafe.
SEE YOU ON NEXT CHAPTER:)))
! PLEASE CONTINUE SUPPORTING !
- CiTrineLily -