Parang mas lalong bumilis ang takbo ng oras dahil ngayon na ang araw ng debate ni Theo. Ibig sabihin lang nito ito na ang araw na tuluyan na niya siyang kakalimutan at iiwanan. Masakit man isipin pero kailangan na ring tanggapin ni Vi na sa araw na ito na mangyayari ang pagtatagpong ayaw niyang mangyari. Ang araw kung saan maririnig niya mula kay Theo kung ano ba ang tunay nitong nararamdaman sa kanya at kung meron nga ba talaga?
“Oh Vi! Saan lakad mo?” tanong sa kanya ng mga kaibigan dahil nakita nila itong matamlay at walang gana kahit uwian na.
“Manonood ako ng debate ni Theo sa libarts building. Sama ba kayo?” matamlay na sagot ni Vi sa mga kaibigan.
“Sigurado ka bang gusto mo siyang mapanood ngayon?” dagdag na tanong ni Sky sa kanya.
“Kailangan eh. Nangako kasi akong manonood ng debate niya.” matamlay pa din na sagot niya na mas nakapagpaalala sa mga kaibigan niya.
“Huwag ka nang pumunta Vi, kasi alam naman nating masasaktan ka lang uli.” payo naman ni Sam.
“Samahan na kita.” seryosong sagot ni Hail na ikinagulat ng lahat.
“Bakir ka naman sasama ha? Hail?” kunot nuong tanong ni Sky
“Bakit masama ba manood?” sarkastikong tugon ng kaibigan.
“Tara na nga baka mamaya wala na tayong maupuan doon.” sagot ni Vi saka nauna ng naglakad papalayo. Kinawayan lang naman ni Hail ang ibang mga kaibigan saka mabilis na hinabol sa Vi.
***
Abala ang logistics committee sa pag aayos ng entablado para sa gaganaping debate. Halos lahat ng students sa libarts ay nagsidatingan na din sa kanilang gymnasium. May ilang mga estudyante ang nag cheer para sa kanilang mga pambato kahit hindi pa man nagsisimula ang programa. May iba din namang estudyante na nakatayo pa at naghahanap ng mauupuan. Kaya naman ng makarating sila Theo ay mas umingay ang mga estudyante at tila kinikilig pa.
“Wooohh Go Kuya Theoooo!!”
“Shawn number oneee!!”
“Kuya Lance lang malakas!!”
“Theo ang gwapo mo lingunin mo naman ako!!”
“Shawn lang sapat na!!”
“Lance jowain mo ako!!”
“Kuya Khiel crush kita kaya mo yan!!”
“Khiel kaya mo yan!!”
“Wooohh gooo Kuya Theo!!”
Napuno ng na sigawan ang buong gymnasium sa pagdating na ibang pang participants kanya kanyang cheer ang bawat students sa mga representatives nila pero mas nangingibabaw ang pag checheer nila sa grupo nila Theo.
Naupo naman si Theo sa isang bakanteng upuan malayo sa mga estudyante upang mas makapaghanda sa debate.
“Kinakabahan ka ba?” tanong ni Titus na pumukaw sa atensyon niya. Hindi kasi kasali sa debate si Titus dahil ayaw niyang abalahin ang sarili at ayaw din niyang humarap sa maraming tao.
“Sa debate hindi pero sa mangyayari pagkatapos ng debate. Yun ang ikinababahala ko.” matamlay at malumanay na sagot ni Theo.
“Tsk! Ikaw ang nagdala niyan sa sarili mo kaya tiisin mo.” sarkastikong sabi ni Titus saka naghanap na din ng mauupuan.
Tinignan lang ni Theo ang papalayong si Titus ng biglang may yumakap mula sa likuran niya.
Nagtatakang tinignan ni Theo ang nagmamay-ari ng mga kamay na ‘yon at laking gulat na lamang niya ng makita si Vi.
“Let me hug you, kahit ngayon lang.” sabi nito saka mas hinigpitan ang pagkakayakap kay Theo. “Kahit ngayon lang iparamdam mo naman sa akin na naging parte ako ng buhay mo,, kahit kasinungalingan pa iyon ayos lang”. Sabi ni Vi saka isinubsob ang mukha sa likod niya.
“I’m sorry Vi ayaw na kitang mas paasahin pa kaya pwede bang bitawan mo na ako.” sabi nito saka binaklas ang kamay ni Vi.
“Kahit sandali lang naman hayaan mo ako Theo. Kahit sandali lang pwede mo ba akong pagbigyan. Kahit sandali lang magpanggap ka naman sana na may gusto ka din sakin. Kasi kahit anong isip ang gawin ko hindi ko maintindihan ang mga naging pakikitungo mo sa akin. Hindi ko lubos maisip kung bakit mo yun ginawa, bakit mo nagawang magselos kay Kuya Rylen kung wala ka naman palang nararamdaman para sa akin.” nagmamakaawa at malungkot na boses ni Vi.
“Vi, ganoon ako sa lahat ng babae hindi lang sa’yo. Ganoon ako sa lahat kahit tanungin mo pa ang mga kaibigan ko. Pero, mukhang mali ang naging pag-intindi mo sa mga ginagawa ko.” sagot ni Theo saka bumuntong hininga. “Hindi ko na kasalanang umasa ka at higit sa lahat hindi ko na kasalanang mas nasasaktan ka, kasi simula’t sapul hindi kita nagustuhan.Ang tingin ko lang sa’yo ay isang kaibigan at hanggang doon na lang ang lahat” sabi ni Theo saka tinignan ng seryoso si Vi na halos paiyak na.
“Paasa ka!” sigaw ni Vi saka binigyan ng magkabilang sampal si Theo at tumakbo palayo sa binata.
“That’s too much bro!” sagot ni Shawn na lumabas sa pagkakatago sa isang pader.
“Maganda ng alam niya kaysa naman mas umasa pa siya.” sagot nito saka yumuko.
“Kahit kailan ba wala ka talagang nararamdaman para kay Vi?” tanong muli sa kanya ni Shawn.
“Alam mo na ang sagot dyan Shawn. Maaaring minahal ko siya maaari ring hindi. Pero mas masakit naman na paasahin ko siya kahit na alam kong hindi ko naman talaga siya matutunang mahalin.” sagot niya ulit sa kaibigan saka bumuntong hininga.
“Falling in love with Raine was the best decision you made but losing Victoria will be much more painful than being cheated on.” sabi ni Shawn saka siya tinalikuran.
Dahil sa mga sinabi ni Shawn napaisip muli si Theo. Tama bang paasahin ko siya o dapat lang na i-klaro ko na ang lahat. Gulong gulo si Theo kung ano ang gagawin kaya naman napagdesisyunan niyang lumapit sa ilang kakilala saka inantay na pormal nang magsimula ang debate.
“Good Afternoon Ladies and Gentlemen!” magiliw na bati ng emcee sa kanilang lahat.
“As you all know ngayon ang debate competition between Team Theo Alvarez and Team Kelvin De Chavez!” excited at kinikilig na sabi ng emcee nila.
“Parehas na gwapo, matalino at macho ang ating mga debaters ngayon kaya inaasahan nating hindi lang tayo basta basta matuto kundi kikiligin din!” sabi ng emcee saka isa isang tinawag ang mga participants.
“Let’s all give a warm round of applause to our first team. Mr. Theo Alvarez, Shawn De Luna and Lance Delos Reyes!” sabay sabay na umakyat sa entablado ang team ni Theo saka kumaway kaway sa mga manonood.
“Let’s all give another warm round of applause for the second team. Mr. Kairen Luciano,Kelvin De Chavez and Khiel Sevilla
Sunod sunod ang sigawan ng mga kababaihan at cheer ng tuluyang makaakyat ang lahat sa entablado.
Naging maayos naman ang round 1 ng debate nila parehas na nakasagot ang bawat team ang tanong na ‘Will you legalize the use of marijuana.’
Nasa affirmative team sina Alvares, De Luna at Delos Reyes. Samantala nasa opposition team naman sina Luciano,De Chaves at Sevilla.
[TEAM AFFIRMATIVE]
Theo: I think legalizing the use of m*******a would be beneficial to all since it can be used as a medical aid. Additionally research says that m*******a can relieve nausea, vomiting and other chronic pain including neuropathic pain.
[TEAM OPPOSITION]
Kairen: I don’t think it’s beneficial to legalize the use of m*******a since it can cause addiction to the patient and at the same time cause more serious illnesses like cancer and impaired cognitive ability.
ROUND 2: ‘SHOULD OBESITY LABELED AS A DISEASE’
[TEAM AFFIRMATIVE]
Shawn: Obesity should be labeled as a disease because it can give awareness to people about what or what will happen to them if they continue living an unhealthy lifestyle. Also, labeling obesity as a disease gives an idea of other health related illnesses like hypertension,heart attack and stroke. Lastly, labelling obesity as a disease encourages doctors and other medical practitioners to provide detailed counselling to their patients.
[TEAM OPPOSITION]
Kelvin: Unlike what Mr. De Luna mentioned, I firmly believe that it should not be labeled as a disease since there’s no clear way on how to measure obesity and at the same time poor health doesn’t always reflect obesity. Being an obese person can have many health related risks but it doesn’t always gurantee that it can give a negative health effects.
ROUND 3: ‘ARE PRIVATE SCHOOLS BETTER THAN PUBLIC’
[TEAM AFFIRMATIVE]
Lance: Studying in private school can give more career opportunities to students. Students who graduated from the private school can gain recognition that can be recognised by everyone worldwide. Additionally, students who graduated from the private school can gain job offers with high paying jobs.
[TEAM OPPOSITION]
Khiel: Studying in public school was never a hindrance for me to achieve my dreams in life. It has always been my dream to study in a private university, but with the financial circumstances my family had I feel like my dreams would fall apart. But, being granted by a full scholarship from the Valerio Group of Companies I made it here, I made it here in the Aster University and little by little I can say that I can already achieve my dream which is to become a lawyer and be an inspiration to my fellow neighbors in Pangasinan. That is why I can say that success is not seen on how privilege you are but with the hardwork and perseverance you have.
Matapos ang 3rd round ay agad namang umakyat sa stage ang emcee para i congratulate ang mga participants. Abala din naman sa pagcompute ng mga scores ang mga judges kaya naman naisipan ng mc na magkaroon ng mini debate.
“Tutal naman abala pa din ang mga judges natin sa pagcompute. Baka gusto niyo pang humirit ng isang round.” Biro at pilyong boses ng emcee.
“Ok lang sa amin basta wag lang masyadong mahirap ang topic” biro naman ni Lance
“Syempre fafa Lance para sa’yo ez lang ang topic na ibibigay ko. Crush kaya kita” sabi pa ng emcee saka hinagod ang buhok sa tenga.
“Ano naman ang topic natin” nakangiting tanong ni Kairen.
“Simple lang naman, about love and friendship ang gusto kong topic kasi mukhang malamig ang pasko ko ngayong taon.” biro ng emcee saka nagtawag ng representative per team.
Sa unang mini debate ay magkalaban sina Lance at Kairen
“Dalian mo ah, ayaw ko ng mag isip pa” nakangiting sabi ni Lance sa emcee na mas kinikilig pa.
“Sige, dahil malakas ka ang topic natin ay ‘Do you believe in second chances?” sabi ng emcee saka hinayaang maglaban ang dalawa sa gitna ng stage.
Lance: Para sa akin naniniwala ako sa 2nd chances dahil kung mahal mo ang isang tao hindi mo siya basta basta lamang makakalimutan at kung talagang minahal mo siya ipaglalaban mo siya sa kahit paanong paraang alam mo.
Kairen: Hindi ako naniniwala diyan sa 2nd chances na yan dahil kung talagang mahal mo siya at hangad ang kasiyahan niya hahayaan mo maging masaya siya sa piling ng iba. At higit sa lahat kung mahal mo talaga ang isang tao hindi ka gagawa ng paraan para masaktan siya at hiwalayan ka. Kaya sa tingin ko dapat wala ng 2nd chances, kung hiniwalayan ka niya tanggapin mo na lang ata mag move on ka na.
Dahil sa sagot ng dalawa may ilang estudyante ang napa “oohhh” at pumapalakpak. Kaya naman pareho na lang bumalik ang dalawa sa kani kanilang upuan.
“Sa susunod na round gusto ko namang maglaban si Shawn at Khiel” sabi ng emcee saka naglakad papunta sa gitna ang dalawa. “Ang topic nyo naman ay ‘Do you believe in love at first sight.”
Shawn: Ako naniniwala ako diyan sa love at first sight na ‘yan. Kasi sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang gwapong katulad ko. Joke lang. Pero totoo ang love at first sight para sa akin, kasi bihira mo lang ‘yon maramdaman at saka kapag nahanap mo na ang taong mahal mo matatameme ka na lang at mababalisa. Parang siya na lang ang iniisip mo at siya ang magiging sentro ng buhay mo. Kaya sa tingin ko totoo ang love at first sight kasi na-experience ko na ’yan this school year.
Khiel: Para sa akin naman hindi yan totoo dahil hindi naman magwowork ang relasyon niyo kong titigan nyo lang ang isa’t isa . Kung hindi ka kikilos agad baka ikaw pa mismo ang mawalan at masaktan sa huli. Kaya ‘yang love at first sight imahinasyon lang ‘yan kasi ang totoong pagmamahal hindi nababase sa unang pagkikita kundi sa magiging proseso ng samahan.
Muli namang nagpalakpakan ang lahat dahil sa naging bangyan ng dalawang magkaibigan kaya walang nagawa ang emcee kung hindi paghiwalayin ang mga ito saka tawagin sina Theo at Kelvin na huling manlalaro para sa ‘mine debate game’.
“Para sa huli nating manlalaro medyo intense naman ang ating tanong para may thrill” sabi ng emcee saka pinagmasdan si Theo at Kelvin. “If your partner cheated on you will you still forgive him or her?”
Ikinagulat ni Theo ang tanong kaya naman pinauna na lamang niya si Kelvin na sumagot.
Kelvin: Walang manloloko kung walang magpapaloko. Kaya lang naman nagchecheat ang mga partner natin dahil hindi na nila maramdaman ang pagmamahal natin sa kanila. Pwede din na dahilan kung bakit sila nagchecheat ay nasasakal na sila sa atin at hindi na natin mabigay ang mga bagay na gusto nila. Kaya sa tingin ko hindi ko na mapapatawad ang partner ko kapag nag cheat siya sa akin kasi hindi lang niya ako sinasaktan emotionally, dinurog din niya ang pagkatao at p*********i ko. At saka kung mahal ka talaga ng partner mo hinding hindi ka niya magagawang lokohin pa.
Theo: Para sa akin naman mapapatawad ko parin ang partner ko kahit nag cheat siya sa akin dahi--
Kelvin: Kalokohan, katangahan ang patawarin ang mga cheaters. Kasi, once a cheater always a cheater.
Theo: Hindi naman porket nagloko eh hindi na pwedeng magbago. Maraming tao diyan na nagbabago at nagpapatawad kahit na nag cheat ang mga partner nila. At saka kung mangyari man sa akin ‘yon mapapatawad ko pa din ang partner ko dahil mahal ko siya at kaya ko siyang patawarin sa pagkakamali niya.
Kelvin: ‘Yan ang problema sa mga marurupok eh konting lambing lang bibigay na agad. Kaya maraming manloloko dahil dumadami din ang nakukuha sa mga matatamis na salita.
Theo: Hindi din naman kasi inaasahan ang mga problema at tukso sa isang relasyon kaya may mga nagchecheat.
Kelvin: Kalokohan na talaga ‘yan dahil kung mahal ka talaga ng partner mo kailanman ay hinding hindi niya maiisip na lokohin ka sa kahit anong paraan pa ‘yan.
Theo: Pero hindi tayo Diyos para hindi magpatawad.
Kelvin: Kung sa una pwede ka pang magpatawad pero kapag paulit ulit ka ng niloko mapapatawad mo pa din kaya.
Dahil sa tensyon sa pagitan ni Theo at Kelvin ay pumagitna muli ang emcee at pinabalik ang dalawa sa kinauupuan nila. Hindi din nagtagal ay bumaling ang isang teacher sa emcee at ibinigay ang result ng naturang debate.
“Good Afternoon again Ladies and Gentlemen!” bati ng emcee saka iwinagayway ang envelope kung saan nandoon ang resulta ng naturang debate.
“As you can all see hawak ko na ang results!” masayang sabi ng emcee saka binuksan ang envelope.
“The winner for this afternoon debate is,,,” nag drumroll sound effect pa ang ibang estudyante saka pigil hininga hinintay ang ibang sasabihin ng emcee.
“The winner for this debate is none other than the TEAM OF,,,”
“THE TEAM OF MR.LUCIANO, DE CHAVEZ AND SEVILLA” napasigaw ang ibang estudyante sa naging result ng debate. Nagyakapan pa silang tatlo saka sabay sabay na pumunta sa gitna upang tuluyang tanggaping ang medalya at trophy. Habang sumunod naman na pinarangalan sina Theo,Lance at Shawn ng kani-kanilang certificate.
Nang makababa ang lahat ay may ilang nagpapicture sa kanila pero mas nakatuon ang atensyon ni Theo kay Vi na taimtim na tinitingnan siya.
“Oh Ms. Coffee!” sigaw ni Shawn saka kinawayan si Vi. Agad namang sinundan ni Lance at Theo si Shawn na naglalakad palapit kay VI.
“Pano ba yan talo kayo edi manlilibre ako” sabi ni Vi saka nakangiti.
“Sabi mo ‘yan ah” biro ni Shawn sakanya
“Sige saan niyo ba gusto?” tanong ni Vi pero agad na umiling si Shawn at Lance
“Wag na, si Theo na lang ang ilibre mo” sabi ni Lance saka hinila si Shawn paalis.
“Saan tayo mag-uusap?” tanong ni Vi kay Theo nang nakangiti
“Handa ka na ba?” tanong ni Theo kay VI na hindi matitigan sa mata.
“Wala na akong choice kundi tanggapin pa, kaya tara na!” sabi ni Vi saka naglakad papalabas ng gymnasium.
“Bakit parang ang sakit sa aking pakawalan ka Vi. Minahal na nga ba kita o baka naman kathang isip ko lang ang mga nararamdaman ko.” bulong ng isip ni Theo saka sinundan si Vi.