CHAPTER 18 PART 2

1308 Words
Nang tuluyang makalabas si Vi ay agad naman niyang nilingon si Theo at nakita niya itong kumakaway sa ilang mga kakilala na nakakasalubong. “Kung sakaling ngingiti ka din kapag kasama ako edi sana hindi na ako masasaktan ng ganito” bulong niya sa sarili saka hinintay na makalapit si Theo. “Tara na.” sabi ni Theo sa kanya saka nauna na sa parking lot ng libarts building habang nakasunod naman siya sa kanya. “Saan ba tayo pupunta?” muling tanong ni Vi ng makapasok na sa loob ng kotse nito “Sa ‘the seaside’.” tipid muling sagot ni Theo saka pinaandar ang kotse at nagmaneho papuntang the seaside. Buong biyahe ay naging tahimik lang si Vi at kung minsan ay nababaling ang atensyon niya sa mga kotseng dumadaan sa labas ng bintana. Sinabihan na niya ang Kuya niya kanina na magkasama sila ni Theo kaya naman hindi na siya nag-aalala kung sakaling hanapin siya nito mamaya. “Andito na tayo” pukaw ni Theo sa atensyon niya saka pinagmasdan ang sinasabing ‘the seaside’. Gaya nga ng inaasahan sa tabi nga talaga ito ng dagat at may ilang tindero din na nagtitinda ng mga keychains at accessories at mga tinderang nagbebenta naman ng turon, banana que at kakanin. Pero mas nabaling ang atensyon ni Vi sa ganda ng tanawin sa ‘the seaside’ mapapansin ding palubog na ang inang araw sa kinatatayuan nila. “Gusto mo ba munang kumain?” tanong ni Theo sa kanya habang nililibot ang tingin sa mga nagtitinda ng meryenda. “Syempre naman!” masiglang sabi ni Vi saka sinabing “Ako na ang magbabayad dahil may pustahan tayo diba.” nakangiti pang sagot muli niya saka naglakad sa pilahan ng tusok tusok. “Mahilig ka pala sa fishball?” tanong ni Theo habnag tinitignan si Vi na tumusok mula sa kawali ng tindero. “Hindi naman sa mahilig pero saks lang. Masarap kasi ang tusok tusok kung bagong luto.” sagot pa din nito saka nagpatuloy sa pagtusok ng fishball, kikiam at squidball. “Sigurado ka bang mauubos mo yan?” nagtatakang tanong ni Theo ng makita kung gaano karami ang kinuha ni Vi. “Oo naman! Gutom ako eh” sagot muli nito saka sinawsaw ang mga tinusok sa sauce. Habang si Theo naman ay kumuha lang 2 stick ng tusok tusok. Saka muling pinagmasdan si Vi na may hawak ng 5 stick na punong puno. Napansin din niyang nakikipagkwentuhan pa ito sa nagtitinda at ilang costumers. “Oo Tay! Bigyan mo ako ng discount tas bibigyan din kita ng discount kapag naging doctor na ako!” proud pang sabi ni Vi saka nag thumbs up. “Eh hija pano ba yan baka di na kita maabutong maging doctor sa tanda kon ito.” sabi nito saka nagpatuloy lang sa pagluluto. “Hay nako Tay! Wag kang nega! Basta gumigising sa umaga may pag-asa” sabi muli niya saka nagpatuloy na sa pagkain. “Hay nako kumain ka na lang diyan at mukhang hinihintay ka pa ng boyfriend mo” sabi ng matanda na agad namang ikinalungkot ng mukha ni Vi. “Hindi ko po siya boyfriend.” mahinang sabi niya saka linapitan si Theo na kumakain din. “Malapit na pala lumubog yung araw noh” sabi ni Vi saka tinignan ang gawi ng dagat. Saka inilabas ang cellphone mula sa bulsa at pinicturan ang tanawin. “Ig story?” tanong ni Theo sa kanya “Oo, ang ganda kasi eh” sagot naman niya saka muling itinago ang cellphone sa bulsa. “Gusto mo bang maglakad lakad muna o umupo sa dalampasigan?” tanong ni Theo saka itinapon ang 2 stick sa isang malapit na basurahan. “Maglakad muna tayo, tapos umupo tayo doon.” turo ni Vi sa isang buhangin malapit sa karagatan. “Gusto kong makita ng mas malapit ang sunset.” sagot muli niya saka minadaling ubusin ang mga hawak na pagkain. Habang naglalakad ay parehas lang silang tahimik at walang imikan. Kaya naman ng makarating sa tinurong pwesto ni Vi ay agad naman silang nagkatinginan at umupo. Dahil sa katahimikan hindi mapigilan ni Vi ang mailang. Kaya naman nagsimula siyang magkwento. “Noong unang beses na nakita kita, hindi ko talaga aakalain na magkakagusto ako sa’yo. Paano pa ba naman kasi ang sungit mo tapos ayaw mo pa akong pabayarin sa mga nabasa kong libro mo. Tapos noong pangalawang pagkikita naman natin sa sat cafe inagaw mo naman ang kamay ko kay Shawn at saka pormal na nagpakilala. At simula noong ginawa mo ‘yon pakiramdam ko ay may gusto ka na sa akin. Isipin mo naman kasi bakit mo aagawin ang kamay ko para lang magpakilala” sabi ni Vi saka natawa ng bahagya. “At saka noong nakita mo kami ni Kuya Kian at Rylen sa mall” NApailing si i saka nagpatuloy. “Noong sinapak mo si Kuya Rylen akala ko talaga nagseselos ka, yun pala hindi naman. Kasi ang dahilan kung bakit ka nagalit sa kanya ay dahil siya ang pinili ng ex girlfriend mo kaysa sa’yo. Syempre ako naman si tanga na umasa na gusto mo ako pero hindi naman pala. At noong lagi ka ng kumaikain sa sat cafe akala ko din ay gusto mo akong makita, yun pala sinasamahan mo lang si Shawn dahil para makachansing sa taong gusto niya. At ang pinaka memorable para sa akin na ginawa mo ay yung sinamahan mo akong kumain sa labas. Yung pumayag ka na kumain kasama ko, yung pumuyag ka lang pala dahil napipilitan ka at gaya ngayon dahil nahihiya ka ng humindi, dahil sa napipilitan ka kaya ka pumayag na lumabas kasama ako at ihatid ako pauwi. Pero alam mo kung anong ang nakakahiya?” Tanong ni Vi saka tinignan si Theo sa mata. “Yun yung dinala kita sa bahay at nakilala ka pa ng mga magulang ko. Hiyang hiya ako ngayon dahil sa mga kathang isip ko pero kahit papaano naramdaman ko din umasa at masaktan. Tama ka naman hindi mo naman sinabi na mahal mo ako, dahil ako ang kusang nag isip at nagpadalos dalos. Kaya sorry Theo. Sorry dahil nagawa kitang sisihin kahit na hindi mo din intensyon na paasahin ako.” sabi muli ni Vi saka tumawa ng bahagya. “Victoria” mahinang sabi ni Theo pero hindi siya nilingon ni Vi “Wala kang dapat sabihin, wala kang dapat gawin at higit sa lahat wag kang humingi ng tawad. Naiintindihan ko naman at maiinitindihan ko din, hindi ko kontrolado ang puso mo. Hindi ko kontrolado kung gaano mo kamahal yung ex mo. Pero hiling ko lang sana makinig ka sa mga sasabihin ko dahil hindi ko na ‘to uulitin pa” sabi ni Vi saka tumingin sa papalubog na araw. "Sa paglubog ng araw maghahari ang kadiliman na magiging hudyat ng pagtatapos ng isang umaga. Gaya na lang ng naramdaman ko sa'yo dito na magtatapos ang lahat at hindi na magpapatuloy pa, dahil sa paglubog ng araw hindi na muling makikita pa ang liwanag ng mga nagdaang oras at pangyayari. Hayaan mong kalimutan kita Theo. Hayaan mong ako ang tumapos sa mga nararamdaman ko para sa'yo dahil kahit kailanman man hindi ko na iisipin pang magkagusto sa'yo. Paalam at hanggang dito na lang kasi susubukan ko ng kalimutan ka." sabi ni Vi saka tumayo at naglakad papalayo. Hindi na magawang magsalita pa ni Theo, tinignan na lang niya ang papalayong bulto ni Vi. At gaya nga ng paglubog ng araw, bumuhos din ang sakit na nararamdaman niya sa paglayo nito sa kanya. "Parting ways with Raine was very painful but hearing Victoria say goodbye is much worse and unbearable. Hearing the person who loves me the most say those words are very painful and at the same time,, regretful. Sabi niya sa sarili saka niyakap ang mga tuhod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD