Chapter 4

1320 Words
"A woman knows the face of the man she loves as a sailor knows the open sea." Honoré de Balzac Unedited Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Alex. Alas- tres pa lang ng madaling araw nang tingnan niya ang relong nakasabit sa ding-ding sa harapan niya. Bumuntong-hininga na lang si Alex. Ilang araw din niyang hindi napanaginipan ang lalaki. Akala niya, okay na siya. Dahil sa loob ng mahigit dalawang taon, walang araw na hindi siya nito dinadalaw. Dalawang taon na rin ang lumipas simula nang iniwan siya ni Hector. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin siya kung bakit bigla na lang itong nawala gayong nangako ito na hinding-hindi siya iiwan. Na magkasabay nilang haharapin ang kanyang pamilya. Pero ano'ng nangyari? Umasa siya na sa pagmulat niya ng mga mata ay makikita ang lalaking naging dahilan na muli niyang ginustong makakita. "Bakit? Bakit bigla ka na lang nawala, kuya Hector? Isa rin ba ako sa mga babaeng pinaglaruan mo lang ang mga damdamin? Pero bakit naramdaman kong mahalaga ako sa 'yo? O baka naman dahil iyon ang gusto kong maramdaman." Aniya sa isipan. Hindi na muling nakatulog pa si Alex kung kaya, nagpasya siyang magluto na lang ng almusal. Inabutan niyang naghahanda na sa kusina ang tagapagluto nila sa restaurant. Sa restaurant na natutulog si Alex. Hinati niya ang malaking opisina sa dalawang kuwarto at doon na tumira simula nang makakita siya'y makakita nang muli. Katulad niya, may sariling kuwrto rin ang kaibigang si Marvin, chief sa restaurant. Malapi naman sa kusina ang kuwarto nito na ginagamit lang ng lalaki sa tuwing opener ang schedule nito. "Bad dream again?" tanong niya nang makitang naghahanda ang dalaga para sa alumsal nila. Alam na ng lalaki kung bakit maaga na namang nagising ang kaibigan. Sigurado siyang nang dahil na naman iyon kay Hector. "Usual. May iba pa bang dahilan? Ano'ng gusto mong kainin?" "Ayan ang gusto ko kapag nagigising ka nang maaga e. May maghahanda ng almusal ko!" sabay lingon nito sa likuran kung saan nagsisimula ng magluto ng fried rice ang dalaga, "and--don't forget my hotdog, sweetheart." Saka pilyong ngumiti. Umiiling na nagpatuloy sa pagluluto si Alex. Kahit naman siya ay masaya rin kapag ang kaibigan ang kasama sa pagbubukas ng restaurant. Nawawala kasi ang lungkot niya dahil sa pagpapatawa nito. Eksaktong alas-otso nang umaga, nagbukas ang Heaven Scent Restaurant. One of the most popular 5-star restaurant in the Philippines. May tatlo itong branch na solong pinamamahalaan ni Alex noon. Ngunit ng maikasal ang kanyang kuya Luis at ang asawa nitong si Sophia, tinulungan na siya ng kanyang sister-in law sa pamamalakad ng dalawa pa nitong branches. Naghahanda na si Alex sa pag-uwi nito sa bahay ng mga magulang. Araw kasi ng linggo at gusto ng mga ito ay sabay-sabay silang kumain ng tanggahalian. Nakaugalian na iyon sa pamilya nila simula nang magkaroon ng sariling pamilya ang kanyang kuya. Gusto ng mga magulang nila na magsasama pa rin sila kahit isang araw lang sa isang linggo. Pagkatapos maglagay ng light make-up sa mukha, kinuha na niya ang bag na nasa kama saka tuluyan ng lumabas ng silid. "Happy Sunday, ma'am Alex!" nakangiting bati ng kanyang assistant manager. "Happy Sunday rin sa 'yo, Marz. Pasensya ka na huh? Maiiwan na naman kita," "Naku ma'am! Huwag po kayong mag-alala. Sanay na po ako na laging na lang iniiwan. Hindi ko nga rin alam kung bakit e." Sabay kindat nito sa kanya. "Wala akong baon ngayon, Marz. Baka mamaya pagbalik, magbaon na akong hugot." Natatawang sagot niya sa babae na nasa harapan ng counter. Late na naman kasi ang cashier nila kaya ito na muna ang pumalit. Lumabas na siya ng restaurant at tinungo ang red BMW nito na naka-park sa harapan lang mismo ng restaurant. "Salamat tatay Fred," aniya sa matandang inabutan niyang katatapos lang linisin ang kanyang kotse. "Walang anuman man hija. Mag-ingat ka sa pagmamaneho, madulas ang daan ngayon," "Opo. Aalis na po ako." Paalam niya rito bago tuluyang isinara ang pintuan ng kotse. Kumaway ang matanda sa kanya pagkatapos nitong mailigpit ang ginamit sa paglilinis ng kanyang kotse saka bumalik sa puwesto nito. Guard din kasi sa restaurant ang tatay Fred niya. Maliit pa lang siya nasa kanila na nagtatrabaho ang lalaki. Kaya parang ama na rin ang turing niya rito. Hindi paman nakakalayo si Alex sa restaurant nang makatanggap ito ng tawag mula kay Marz. Alam niyang may nangyari na namang hindi maganda. Hindi basta-basta tumatawag ang babae sa kanya kung kaya pa nitong i-handle ang sitwasyon sa restaurant. "Yes, Marz?" "Someone is asking where the hell are you! Ang kapal ng mukha niya! Balikan mo 'to ngayon din! Baka mailampaso ko ang mukha nitong singkapal ng make-up niya sa sahig!" "Okay. Pabalik na ako. Relax ka lang!" "Basta. Bumalik ka na rito dahil kung hindi talaga ako makapapigil--ay naku!" Natatawa na lang si Alex. Alam niyang mainitin ang ulo ng assistant niya. Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit ang aga naman yata uminit ang ulo nito. Hindi pa naman ganoon ka rami ang kumakain nang umalis siya. Ipinarad niya ang sasakyan sa dati nitong puwesto saka mabilis na bumalik sa loob ng restaurant. Dumeretso agad siya sa opisina ng babae na katabi rin ng opisina niya. Inabutan niya itong minumura ang monitor ng kanyang computer. "Ano bang problema mo?" sabay upo sa harapan ng mesa nito. Hinarap niya kay Alex ang laptop. "Ito. Itong babae na 'to ang problema ko. May buhok daw ang buttermilk pancake niya. Kaya niya itinapon sa mukha ng waiter na nag-serve sa kanya! Ang sarap niyang tirisin!" nanggigil na sabi ni Marz. Pinagmasdan niya nang mabuti ang babae mula sa screen ng laptop. 24 hours ang CCTV sa loob at labas ng Heaven Scent. Nakikita rin ito nang malapitan dahil sa zoom fiction ng camera. Tinangnan niya ang babae nanag mas malapitan. May kasama itong dalagita na nakaupo sa harapan ng babae. "Anak ba niya itong batang babae sa harapan niya?" "Hindi ko alam. Hindi naman niya kamukha. Mas lamukha ng tatay." "Kasama nila ang ama ng bata?" tanong niya sa assistant habang nakatingin pa rin sa monitor. "Oo. Bakit?" Habang pinagmamasdan niya ang ang batang babae sa monitor, hindi niya maiwasang ihambing kay Hector ang mukha ng bata. Matagal man na panahon na hindi niya nakita ang lalaki, ngunit mas matagal rin niyang nakilala si Hector noong hindi pa siya bulag. Nanginginig ang mga tuhod niyang tumayo. Kailangan niyang makasiguro. Kailangan niyang makita ang ama ng bata. "Ma'am Alex! Okay ka lang? Bakit namumutla ka?" tanong ni Marz sa kanya. Hindi niya pinansin ang dalag. Mabilis ang mga hakbang niyang tinungo ang mesa na kinaroroonan ng batang babae. Hindi siya mapalagay hangga't hindi niya nakikita ang ama ng bata. Gusto niya siguruhin na hindi si Hector ang ama nito. "Lord, please. Huwag naman sana." Ilang hakbang na lang siya mula sa mesa ng bata. Nakikita na niya ito. Mas lalo pang nanginig ang buo niyang katawan nang makita ang bahagyang pagngiti nito. Alam niya ang mga ngiting iyon! Napahinto siya nang mga tatlong hakbang na lang ang layo niya mula rito nang may tumawag sa kanya mula sa likuran. "Alex..." Mahina lang ang pagtawag nito sa pangalan niya. Subalit alam na alam niya ang boses na iyon. Napahawak sa kanyang dibdib si Alex. Parang may nag-uunahang mga kabayo roon sa sobrang lakas ng pagtibok ng kanyang puso. Dahan-dahan siyang humarap. Nag-unahan na ang kanyang mga luha nang tumambad sa kanya ang lalaking kay tagal na niyang hinihintay. Napahawak siya sa upuan sa kanyang tabi. Baka kasi bigla siyang matumba dahil sa pangangatog ng kanyang mga tuhod. "H--hecto?" "Papa!" Nakita ni Alex na tumakbo ang batang kanina lang ay tinitingnan niya sa monitor at yumakap nang mahigpit sa beywang ng lalaki. Itutuloy______ Pasensya na sa matagal na update guys. Focus na ako ngayon kay fafa Hector dahil tapos na si Fafa Luis. Vote and Comment po kayo. Salamat. Love...Love... iamdreamer28 ❤❤❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD