"Sometimes the questions are complicated and the answers are simple."
Dr. Seuss
Unedited
"Hindi magtatagal, malalaman din ni Alex, ang totoo, Luis,"
"It's okay, Dad. Mahal ni Alex si Khen. Kung magkita man ulit silang dalawa ni Hector, panahon na rin siguro para tapusin nila nang tuluyan ang kung anumang namagitan sa kanila noon." Ani Luis na nakaupo sa malawak na sofa na nasa harapan lang ng ama. Abala rin ito sa harapan ng kanyang laptop.
Marahas na bumuntong-hininga ang ama na mapuputi na rin ang mga buhok. Nakaupo ito sa swivel chair na hawak-hawak ang kanilang family picture.
"Kasalanan ko 'tong lahat. I ruin my own daughter's life. Ako ang pinagmulan ng paghihirap ng kapatid mo, Luis. We both know that Alex, doesn't love, Khen," anitong nakapatong ang kanang pisngi sa isang kamay.
Ibinaba ni Luis ang hawak na laptop sa mesa na nasa harapan niya bago humarap sa ama. "Dad, tapos na po 'yon. Pinatawad ka na ni Mommy. Pinatawad na rin kita,"
"But not Alex," matamlay na wika ng ama.
"Mapapatawad ka rin niya, Dad---"
Napahinto sa pagsasalita si Luis nang marinig ang pagtunog ng telepono sa mesa ng ama. Nakita niya ang pagsalubong ng mga kilay nito habang nakikipag-usap sa kung sinuman ang nasa kabilang linya.
"Hello? Yes, speaking. What?! Okay! Papunta na ako na ako riyan." Sabay baba ng telepono.
"Dad, who was that?"
"Ang Mommy mo. Inabutan niya sa loob ng ICU na umiiyak ang anak ni Hector, at mahigpit na yumayakap sa kanyang ina." Sagot nito habang nagmamadali sa pagkuha ng susi ng kanyang sasakyan sa drawer na nasa gilid ng kanyang mesa.
"Dad, sasama ako!" ani Luis na agad tumayo at sumunod sa papalabas ng ama.
Dumausdos pababa ang nakalapat sa dingding na likod ni Alex hanggang sa tuluyan na itong maupo sa marble na sahig ng kanilang bahay. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig.
All this time, may alam ang pamilya niya tungkol kay Hector at itinago nila iyon sa kanya. Isa pa sa ikinagulat niya ang ang katotohanan na may alam din ng kanyang kapatid tungkol sa kanilang ama. Ang buong akala niya'y siya lang ang tanging nakakaalam ng lahat. Nagkakamali pala siya. Siya lang pala ang nagdusa na humantong pa sa puntong hindi na niya ginustong muli pang makakita.
Pakiramdam niya, pinagkaisahan siya ng kanyang buong pamilya. Ang dami niyang hindi alam sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Dahil ba sa hindi siya nakakakita noon kaya inisip ng pamilya niyang mas mabuti ng wala siyang alam? Paano naman siya? Hindi alam ng pamilya niya ang tunay na dahil kung bakit ginusto niyang hindi na muling makakita.
"Bakit? Bakit!" Sigaw niya saka humagulgol sa katabing kuwarto ng kanilang library. Pumasok siya roon nang marinig niyang palabas na ang kanyang ama at kapatid.
Pinahid niya ang mga tubig na walang patid ang pagdaloy sa kanyang pisngi bago tumayo. Kailangan niyang malaman kung ano ang totoong nangyari. Patakbong tinungo ni Alex ang kanyang kotse. Ni hindi na niya napansin ang pagtawag ng boyfriend sa kanya. Dere-deretso siyang tumatakbo hanggang sa makarating sa garahe. Bubuksan na sana niya ang pintuan nang hawakan ni Khen ang kangyang kaliwang kamay.
"Alex!" Tumaas na ang boses ni Khen. Kanina pa kasi niya kinakausap ang dalaga ngunit hindi na ito nakikinig. "Think of me as your bestfriend even just for now... Just like the old times. Please? Hindi kita hahayaang magmaneho na ganyan ang kondisyon mo. Alam kong may posibilidad na mawawala ang babaeng pinakamamahal ko pero, hindi ko hahayaan na pati ang bestfriend ko ay mawala rin. Kaya please, let me drive for you, okay?"
Biglang natauhan si Alex nang makita ang nagmamakaawang mukha ng kanyang boyfriend. Ang laki niyang tanga! Sa isang iglap nakuha niyang kalimutan si Khen nang dahil sa kagustuhan niyang malaman ang totoong nangyari kay Hector.
"Khen...?"
"Pumasok ka na. Ihahatid na kita sa ospital." Ani Khen sa kanya.
Wala sa sariling nagpatangay na lang si Alex nang aalalayan siya ng binata papasok sa passenger side ng BMW na kotse.
Habang binabagtas ang kahabaan ng daan, walang imikan ang dalawa. Seryoso sa pagmamaneho si Khen. Si Alex naman, deretso lang ang tingin sa harapan ng sasakyan. Iniisip pa rin niya ang mga narinig kanina.
Pagkalipas ng tatlumpung minuto, nakarating na sila sa mismong harapan ng ospital kung saan meron ding puwedeng magpag-parking-an. Sinulyapan ni Khen ang katabing dalaga. Nakatingin lang ito sa mga taong labas-masok sa ospital. Napakagat labi ito, tanda na kinakabahan sa binabalak niyang gawin.
Ginagap ni Khen ang kamay ng nobya na nakapatong sa magkabilang tuhod nito.
"Gusto mong samahan kita sa loob?"
Hinarap siya ni Alex. Nanginginig ang mga kamay nito. May namumuo na namang mga luha sa mga mata ng dalaga na alam niyang anumang oras ay mag-uunahan na naman ang mga iyon sa pagpatak.
"H--hindi ko yata kaya, Khen. Natatakot ako,"
"Sasamahan kita. Hindi ba bestfriend mo ako? Paano pa ako naging bestfriend kung hindi man lang kita kayang damayan sa problema mo ngayon?"
Tuluyan nang tumulo ang mga luha na pinipigil ni Alex. Pakiramdam niya, napakamakasarili niya. Baliw na nga siguro siya dahil hindi man lang niya naiisip ang nararamdaman ng kanyang boyfriend. Ito siya, umiiyak dahil sa ibang tao. Pero hindi iba si Hector sa kanya. Ito ang lalaking minahal niya noon hanggang ngayon.
"I'm sorry. Sorry kung naging makasarili ako. Hindi ko na inisip ang nararamdaman mo ngayon. Sorry, Khen."
"Sshhh... Ako ang may gusto nito. At hindi mo ako boyfriend ngayon. Ako 'to Si Khen. Ang bestfriend mo noon hanggang ngayon." Saad ng lalaki saka nito hinalikan ang dalawang kamay ng nobya.
~~~
"Ano'ng nangyari sa kanya?" tanong ni Hector nang maratnan ang mga doctor sa higaan ng ina ng kanyang anak.
"Papa..." Halos pabulong na saad ng anak sabay yakap sa kanya.
"Sshhh... I'm sorry. May inasikaso lang si Papa. Sorry sweetheart. Hindi na ulit aalis si Papa." Aniya saka hinalikan ang ulo ng anak na nakataas kanyang beywang.
"Tumaas daw ang blood pressure niya at nag-seizure. Pero okay na siya ngayon. Mabuti na lang at naiisipan ni Mommy na dalawin bago sana siya uuwi," ani Luis na tumayo sa tabi ng kaibigan.
"Thanks,"
Tumango lang nang bahagya si Luis bago niya tiningnan si Hector na yakap pa rin ang anak.
"Nagkita na ba kayo ni Alex?"
Tumango naman si Hector saka bumaling sa kanya. "Kumain kami kanina sa restaurant niya. Nakilala na rin niya ang anak ko."
"Sa labas kayo mag-usap. Kailangan ng pasiyente ang pahinga. Okay na siya for now, Mr. Montefalco. Hindi ko lang matitiyak sa mga susunod na araw." Baling ng ama ni Luis sa kanila.
Kapwa sila natahimik. Mas lalo namang humigpit ang yakap ni Jazz sa ama sa mga narinig nito. Hindi na siya bata para hindi maintindihan ang ibig sabihin ng doctor. She is turning sixteen years old next year.
Nagpasya si Hector na dalhin ang anak sa kuwarto na tinutuluyan nila upang makapagpahinga ang anak. Halos hindi na kasi ito natutulog simula nang dumating sila sa ospital.
Sumabay na rin si Luis sa paglabas ng kaibigan. Nauna itong naglakad kasunod si Jazz at Hector. Pagbukas niya ng pintuan, bigla siyang napahinto nang makita si Alex at Khen na nakatayo sa harapan.
"Sir, pakisarado po ng pintuan," bulong ng isang babaeng nurse sa kanila.
Humingi ng paumanhin si Luis saka tuluyan nang lumabas saka nilapitan ang dalawa.
Si Hector naman ang tila napako sa kanyang kinatatayuan nang makita si Alex at Khen na nakaakbay sa dalaga. Deretsong tinitigan niya ang dalaga sa mga mata.
Puno ng hinagpis at mga katanungan ang mga mata ng dalaga. Gusto man niyang sagutin isa-isa ang mga iyon, pero hindi pa ito ang tamang panahon. Nag-aagaw buhay ang ina ng kanyang anak. Hindi niya puwedeng unahin ang sarili. Isa pa, May boyfriend na ang dalaga. Wala na siyang karapatan pa rito. Siguro ang tanging magagawa na lang niya ay ang ipaliwanag kay Alex kung ano ang totoong nangyari sa kanya.
"Tita Alex..." Tawag ni Jazz sa dalaga.
Itutuloy _______
Thank you sa suporta mga dearest!
Sana subaybayan n'yo rin ito gaya ng pagsubaybay ninyo kay Luis.
Salamat!
Love...Love...
iamdreamer28
❤❤❤