"This is not a goodbye, my darling, this is a thank you. Thank you for coming into my life and giving me joy, thank you for loving me and receiving my love in return. Thank you for the memories I will cherish forever. But most of all, thank you for showing me that there will come a time when I can eventually let you go.
I love you, T."
Nicholas Sparks, Message in a Bottle
Unedited
"Jazz, sumama ka muna sa amin ng tito Khen mo. Kailangan lang mag-usap ng Papa at tita Alex mo." Ani Luis saka nilapatan ang dalagitang matamang nakatitig lang kay Alex.
Walang imik si Alex habang nakatitig kay Hector. Nagbabadya na namang tumulo ang kanyang mga luha ngunit pinilit niyang pigilan iyon. Hindi niya maalis-alis ang paningin sa lalaki. Sobrang na-miss niya ito. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit. Kay tagal niyang hinintay na dumating ang araw na ito ngunit hindi niya magawa.
Una dahil kay Khen. Malaki ang respeto niya sa nobyo. Alam niyang naging makasarili na siya noon pa man nang sagutin niya ang lalaki kahit wala siyang nararamdaman para dito. Mahal niya ito, pero bilang isang kaibigan lang. Sa loob ng mahigit isang taon nilang relasyon, wala siyang narinig sa lalaki kahit na minsan ay tinatawag niya itong Hector.
Pangalawa, nasa ospital sila kasama ang anak at asawa ni Hector. Ayaw niyang isipin nila na wala siyang pakialam sa nararamdaman ng mag-ama. Hindi man niya alam kung ano'ng totoong kalagayan ng asawa nito, alam niyang hindi maganda ang kalagayan ng babae.
Umalis sina Luis at Khen kasama si Jazz. Naiwan silang dalawa sa labas ng ICU. Maya-maya lang lumabas na rin ang mga magulang ni Alex na siyang tumitingin sa asawa ni Hector.
Matalim na tinitigan ni Alex ang mga magulang lalo na ang kanyang ama. Tama ito sa sinabi niyang hindi pa nga niya ito napapatawad. Kinamumuhian pa rin niya ang ama. Noon, akala niya ito na ang pinakamabait at mapagmahal na ama sa buong mundo. Lahat ng pangangailangan nila ng kapatid ay ibinigay ng ama. Pero nagkamali pala siya. Front act lang pala ang lahat ng iyon.
"Let's go, Alex--"
"I need to talk to him." Matigas niyang putol sa sasabihin ng ama.
Bumuntong-hininga na lang ang ama ganoon din ang kanyang ina. Sinulyapan ng mag-asawa si Hector na nakatayo sa kaliwa bago tuluyang iniwan ang dalawa.
Napayuko si Alex nang tuluyan ng mawala ang mga magulang. Huminga siya nang malalim bago taas-noong tinitigan si Hector. Nagkasalubong ang kanilang mga mata. Nakipagtitigan siya rito ngunit agad din namang umiwas.
Hindi niya kayang makipagtitigan dito. Baka makalimutan niyang nasa ospital sila at nandito ang asawa't anak ng lalaki.
"I want to see her." Pagkuway saad niya habang deretso ang tingin sa pintuang nasa harapan nila.
Naunang maglakad si Alex na agad naman sinundan ni Hector. Pagkatapos magsuot ng mask, gown at tsinelas, tuluyan na silang pumasok sa loob ng ICU.
Ilang hakbang lang ang ginawa ni Hector mula sa nurse station sa loob ng ICU nang huminto ito sa babaeng nakahiga. Maraming mga nakakabit sa katawan nito na hindi alam ni Alex kung anu-ano ang mga iyon at tanging oxygen lang ang kilala niya.
Humalukipkip si Alex nang makita niya sa malapit ang babae. Nakatayo siya sa likuran ni Hector. Tumindig ang mga balahibo niya sa katawan. Kalunos-lunos ang mukha ng babae. Tumanda na ito at sobrang patay na rin. Mahaba ang maitim nitong buhok. Kulay yellow na rin ang balat nito.
"A--anong nangyari sa kanya?" tanong niya kay Hector.
Lumingon ang lalaki sa kanya. Nagsisisi tuloy siya kung bakit pa niya ginustong makita ito. Nagi-guilty siya dahil hindi lang mura ang sinapit ng babae sa kanyang utak. Kung anu-ano pa ang masasamang iniisip niya tungkol dito.
"Colon cancer ang naging sakit niya." Ani Hector saka muling tiningnan ang nakaratay na babae.
Nanlumo si Alex sa sinabi ni Hector. Ngayon, matutupad na ang sinasabi ng kanyang utak kanina na sana mamatay na ito dahil inagaw ng babae si Hector sa kanya. Makasarili siya! Pakiramdam niya, siya na ang pinakamasamang tao sa balat ng lupa. Sarili lang niya ang kanyang iniisip. Hindi niya inisip na puwede pa lang mawalan anumang oras ng ina ang isang bata.
Isang katahimikan ang namagitan sa kanila. Hindi makapagsalita si Alex. Pakiramdam niya naging bato na siya sa kanyang kinatatayuan. Naramdaman na lang niya na parang may yumuyugyog sa kanyang balikat.
"Okay ka lang ba, Alex? Kanina ka pa tulala riyan,"
Hindi alam ng dalaga kung gaano katagal na siyang tulala at nakatayo lang sa paanan ng nakahigang babae.
"Sir, naghahanap po sa inyo sa labas. Miles daw po ang pangalan." Saad ng nurse kay Hector.
Nabaling agad ang atensyon ni Alex sa lalaki nang marinig ang sinabi ng nurse. Napabuntung-hininga siya. Sapu ang noong umiling na lang. Ilang mga babae pa kaya ang makikita niya sa mga susunod na mga araw?
"Maiwan na muna kita. Kakausapin ko lang si Miles sa labas."
Hindi siya sumagot. Ni hindi na niya ito tiningnan nang magpaalam bago tuluyang lumabas ang lalaki.
Sapu ang noo at nakayuko pa rin si Alex sa kinatatayuan niya nang may marinig itong halos pabulong na ang pagtawag sa kanyang pangalan. Dahan-dahan ang ginawang pag-angat ng ulo ni Alex. Nabigla siya nang makitang gising ang asawa ni Hector. Kahit alam niyang hirap ito sa kalagayan niya, nkuha pa ring ngumiti ng babae sa kanya.
Base sa mga ngiti nito, alam ni Alex na mabait ang babae. Nakikita niya sa mga mata ng babae na masaya ito sa kabila ng hirap na pinagdadaanan nito.
"Sa--salamat-- at--at--nakita na kita." Anitong itinaas ang kaliwang kamay na may nakakabit na pulse, heart and oxygen monitor sa daliri.
Nakita ni Alex na gumalaw ang isang daliri nito. Gusto ng babaeng lumapit siya rito. Nag-aalangan na lumapit si Alex dahil hindi niya alam kung ano ang iniisip ng babae tungkol sa kanya.
Ngumiti ng ubod nang tamis ang babae dahilan upang mawala ang nagdadalawang isip niyang lapitan ito. Mga apat na hakbang lang ang ginawa ni Alex bago niya narating ang mismong higaan ng babae.
Umupo sa bakanteng upuan si Alex na nasa tabi ng higaan ng babae. Tumingin ang ito sa kanya. Nakangiti pa rin ito. Ngiting para bang kay tagal siyang hinihintay ng babae at dahil nagkita na sila, para itong nabunutan ng maraming tinik sa puso.
"Masaya akong nakita kita, bago man lang ako mawala,"
"Huwag kang magsalita ng ganyan. Isipin mong may anak kang higit na masasaktan kapag nawala ka."
"Ramdam ko nang hindi na ako magtatagal Alex. Pagod na rin ang katawan ko. Ngayong nakita na kita, masaya at tahimik akong pupunta sa kabilang buhay. May hihilingin lang sana ako sa 'yo at sana pagbibigyan mo ako, Alex."
Kunot ang noo na tiningnan ni Alex ang babae. Ano naman kaya ang hihilingin nito sa kanya? At bakit sa kanya pa? Nandiyan naman si Hector at ang anak nila. Nasaan ba ang pamilya ng babae? Bakit ang mag-ama lang niya ang kasama nito?
"Hihilingin? Sa akin? Bakit sa akin?" nagtatakang tanong ni Alex.
"Dahil alam kong ikaw lang ang babaeng minahal ni Hector nang higit pa sa kanyang sarili. Alam kong hindi mo pababayaan ang dalawang pinakaimportanteng tao ng buhay ko." Sagot ng babae sa kanya.
Nagsimulang magkuwento ang babae kay Alex. Kahit anong pigil niyang huwag na itong magsalita dahil nakikita niyang nahihirapan na ito, hindi nagpapigil ang babae. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita. Hindi na rin napigilan ni Alex ang umiyak.
Pakiramdam niya, kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon, naging masama ang tingin at pag-iisip niya tungkol sa babae.
"I'm sorry. Hindi ko alam. Wala akong alam," humahagulgol na saad ni Alex. Nakahawak siya sa kamay ng babae na umiiyak na rin.
"Alex---"
"Sshhh... huwag ka nang magsalita. Makakasama lang sa 'yo 'yan--"
"Hayaan mo na akong magsalita, Alex. Alam kong malapit na akong---"
Biglang napatayo si Alex nang mapansing habol na ang hininga habang nagsasalita ang babae. Hindi na nga nito natapos ang dapat pa sanang sabihin.
"Nurse! Tulong!"
Wala nang pakialam si Alex kung may iba mang mga pasiyente sa loob ng ICU. Gusto niyang mailigtas ang babae. Ayaw niyang mawalan nang mabait na ina si Jazz. Ayaw niyang mawalan ng bagong kaibigan.
Lord, please. Lihim niyang dasal habang nakaupo sa labas ng ICU habang nagkakagulo naman ang mga nurse at doctor sa loob. Pinalabas na kasi siya ng kanyang ama nang makitang naroon siya sa loob.
"Alex? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Hector sa kanya nang inabutan siya nitong umiiyak at nakakuyom na naman ang mga palad.
Hindi na nakapagsalita pa si Alex dahil bigla na lang bumukas ang pintuan ng ICU. Kasabay niyon ang paglabas ng kanyang ama. Pawisan ang noo nito. Halatang pagod sa kung anumang nangyari sa loob.
"I'm sorry, Hector. We did our best. Pero hanggang dito na lang talaga siguro siya." Saad ng ama ni Alex sabay tapik ng balikat ng lalaki.
Itutuloy ______
Salamat sa walang sawang paghihintay. Medyo busy dahil marming sinalihang contest. Hehehehe.
Vote and comment kayo please. Salamat.
Love...Love...
iamdreamer28
❤❤❤