"You are, and always have been, my dream."
Nicholas Sparks, The Notebook
Unedited
Huling gabi na ng lamay para sa ina ni Jazz. At dahil wala namang mga kamag-anak ang babae dahil namatay ang mga magulang nito noong kasagsagan ng bagyong Yolanda. Masuwerte lang ang mag-ina dahil kasama sila ni Hector ng mga panahong iyon. Dahil kaarawan ni Jazz kaya lumuwas sila ng Maynila, tatlong araw bago nagnap ang trahedya.
Mga kaibigan at kapitbahay lang ng mag-ina ang pumunta at nakiramay sa tatlong araw na burol. Naroon din ang halos kompletong kaibigan ni Hector.
Dinala ang mga labi ng namayapa sa Tacloban City kung saan sila nanirahan ni Jazz bago sila dinala ni Hector sa ibang bansa upang ipagamot ang babae dalawang taon na ang nakararaan.
Dahil sa suporta ni Hector sa mag-ina, namuhay ang mga ito nang mapayapa. Si Hector ang tumayong ama ni Jazz nang iwanan ito ng kanyang ama na mayroon na pa lang pamilya.
Isang araw nabalitaan na lang ni Hector na isinugod ng ospital ang babae. Nang mga panahong iyon, nasa ospital din si Alex nang tumawag si Jazz sa kanya. Nahulog sa hagdanan ang dalaga sa kadahilanang nadulas ito habang bitbit ang aso ng lalaki na dinala ni Luis sa bahay nila nang hindi nagpapaalam sa kaibigan.
"Anong nangyari sa mama mo?" tanong ni Hector.
Hindi agad nakasagot ang anak. Inabutan niya itong nanginginig na nakatayo sa paanan ng walang malay na ina. Niyakap niya nang mahigpit ang anak. Doon pa lang naramdaman ni Jazz na nasa tabi na pala niya ang kinikilalang ama.
Inilayo niya ang dalagita. Dinala niya ito sa labas ng ospital matapos kausapin ang doctor na tumingin kay Riza. Maging si Hector ay hindi makapaniwala sa sinapit ng kanyang kaibigan, kapatid, at babae na sa tingin niya ay una niyang minahal.
Anak ng katiwala nila si Riza. Pareho silang nag-aaral ng elementarya sa isang pribadong eskuwelahan kung saan may malaking share din ang pamilya ni Hector. Alam ni Hector na bata pa sila at maaaring nahuhumaling lang siya sa kalaro dahil wala itong kapatid na babae. Pinangarap niya na magkaroon ng kapatid ngunit hindi na maaaring magbuntis ang kanyang ina dahil sa may sakit ito sa puso.
Nang maka-graduate ng elementary, bumalik sa Tacloban si Riza at doon na nagpatuloy ng pag-aaral. Magkalayo man ang dalawa hindi iyon naging hadlang upang mawalan din sila ng komunikasyon. Lagi pa rin silang nagtatawanan. Si Hector rin ang nagbibigay ng load kay Riza kapag wala itong load.
Sa pagdaan ng mga araw, napagtanto ni Hector na bilang kapatid lang ang pagmamahal na meron siya para sa kababata. Napatunayan niya iyon nang malamang may boyfriend na ito. Hindi siya nasaktan o kung anuman. Masaya pa nga siya dahil may boyfriend na ang dalaga at masaya ito.
Isang araw nakita ni Hector ang ina ng dalaga na umiiyak sa likod ng kanilang bahay. nabalitaan na lang ni Hector na buntis na ito ngunit iniwan ng nobyo si Riza sa kadahilanang may una itong pamilya lingid sa kaalaman ng dalaga.
Simula noon, naging malapit ulit si Hector at Riza. Ito ang tumayong ama sa dinadala ng kaibigan. Kinuha ng mga magulang ni Hector mula sa Tacloban ang dalaga na malapit ng maging ina. Sinasamahan niya si Riza sa mga check-up nito hanggang sa makapanganak ang babae saka bumalik ng Tacloban. Nanatiling lihim ang lahat ng iyon. Tanging pamilya niya at ni Riza lang ang may alam. Maging ang mga kaibigan ni Hector ay walang kaalam-alam sa mga nangyari kahit pa minsan na ring nakilala ng mga ito si Riza.
***
"Puwede ba akong umupo?" tanong ni Alex kay Jazz na nakaupo sa harapan malapit sa kulay puting kabaong ng ina.
Tumingala ang dalagita sa kanya. Nanunubig ang mg mata nitong nakatitig kay Alex. Umupo siya sa tabi nito. Tahimik nilang pinagmamasdan ang nakahimlay na katawan ni Riza.
"She loves you so much," saad ni Alex pagkaraan ng ilang minutong katahimikan sa pagitan nila. Sinulyapan niya ang katabi na ngayon ay nakayuko na habang walang tigil ang pagtaas-baba ng mga balikat nito.
Sobrang naaawa si Alex sa dalagita. Gusto niya itong yakapin at iparamdam dito na nasa tabi lang siya kung kailangan niya ng makakausap. Karamay na puwede niyang pahingahan kung pagod na ito sa kaiiyak. Ngunit pinili niyang hayaan na lang muna ito.Alam niyang hindi biro ang mawalan dahil minsan na rin siyang nawalan.
"Tita Alex?" maya-maya ay tawag ni Jazz sa kanya.
"Hhmmm?"
"Sabi ni Mama, kapag hindi raw kayo nagkabati ni Papa, tutulungan ko raw kayo na magkaayos," anito sabay punas ng mga luha.
"Jazz, hayaan mo na kami ng Papa mo. Matatanda na kami. Kaya na naming lutasin ang kung anumang problema meron kami. Ayaw kong dagdag pa iyon sa mga iisipin mo. Alam ko na ang lahat. Sinabi na sa akin ng Mama mo. Kailangan lang namin mag-usap ng Papa mo. Pero hindi pa ngayon. Saka na lang siguro kapag okay ka na. Ikaw ang importante para sa kanya at naiintindihan ko 'yon," ani Alex.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Jazz. "I can be your friend, if you want to," nakangiti niyang sambit.
Nakita ni Alex ang paliwanag ng mukha ni Jazz. Pakiramdam ng dalagita ay nabunutan siya ng maraming tinik sa dibdib. Tama nga ang kanyang Papa Hector. Mabait at maunawaing babae si Alex. Ngayon alam na ni Jazz kung bakit ganoon lang ang kagustuhan ng kanyang mama na makita ito sa huling pagkakataon.
Gusto ng kanyang Mama na humihingi ng tawad dito dahil iniwan ni Hector ang babaeng pinakamamahal niya para dalhin siya sa ibang bansa upang magpagamot. Minsan na ring marinig ni Jazz na nagkukuwentuhan ang Papa at Mama niya tungkol sa babae. Sa murang edad na katorse, naiintindihan na ni Jazz ang lahat. Dahil na rin sigurong lumaki itong tanging ina lang ang kasama. Maaagang mamulat ang kaisipan sa mg bagay-bagay sa kanyang paligid.
Hating gabi na ng makatulog si Jazz sa balikat ni Alex habang nakaupo pa rin sila.
Sa labas naman ng bahay nina Jazz naroon ang magkakaibigan. Naglalaro ang mga ito ng baraha kasama ng iba pang pumunta at makiramay sa huling gabi ng burol.
"Ikaw na, Luis. Ang tagal mo naman magtapon ng baraha," nayayamot na saad ni Julian.
"Hindi ko alam kung ano'ng itatapon ko,"
"Itapon mo lahat," natatawang sagot naman ni Diego.
Naglalaro ang mga ito ng tong-it. Halos kompleto ang mga kaibigan ng lalaki, maliban kay Luigi na isang buwan pa lang nang makasakay ulit ng barko.
Nakaupo malapit sa pintuan si Hector kung saan nakikita niya si Alex. Sobrang nami-miss niya ang dalaga. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit ngunit iniiwasan siya ni Alex. Alam niyang galit ito sa kanya. Dahil hindi nito tinupad ang pangako niya noon na maghihintay siya sa muli nitong pagkakita.
At sa tingin niya ay mas lalo pa itong nagalit ngayon. Alam ni Hector na sa mga oras na iyon, alam na ni Alex ang totoo. Na hindi niya anak si Jazz. Na hindi niya asawa si Riza.
"Tulog na si Jazz. Dalhin mo ma raw sa kuwarto niya sabi ni Alex," bulong ni Franco na kagagaling lang sa loob at kumuha ng kape.
Agad namang tumayo si Hector pagkatapos magpaalam sa mga kaibigan. Dahan-dahan siyang naglakad papasok sa 'di kalakihang bahay ngunit gawa pa rin sa purong semento. Pinagawa iyon ng mga magulang niya para may maayos na matirhan ang mag-ina pagkatapos ng malakas na bagyo na siyang dahilan ng pagkawala ng mga magulang ni Riza.
Ilang hakbang na lang ang layo niya mula sa dalawa ay siya namang paglingon ni Alex. Nagkasalubong ang mga paningin nila. Ilang minuto rin silang nagtitigan. Katulad ng dati, si Alex pa rin ang unang nagbawi ng paningin.
"Dalhin mo na siya sa kuwarto niya. Napagod sa kaiiyak kaya nakatulog na," saad niya na pilit pinapakalma ang sarili dahil malapit na naman sa kanya ang lalaki.
Nagpatuloy sa paglalakad si Hector hanggang s tuluyan na itong makalapit. Umupo ito sa tabi ng anak. Kinuha niya ang ulo ng dalagita saka inilipat sa balikat niya.
"Iiyak lang siya kapag ipinasok ko sa kanyang kuwarto," sagot naman ni Hector.
Nanatili silang nakaupo roon na walang imikan hanggang sa hindi na nila namalayan na umaga na pala.
"Hindi ka ba napapagod, Alex? Mahaba ang naging byahe n'yo kahapon. Puwede kang matulog muna kahit sandali---"
Napatigil sa pagsasalita si Hector nang sulyapan at makitang pilit nilalabanan ni Alex ang antok. Napadilat ito nang mahulog ang ulo na nakapatong sa kanyang kamao. Sinulyapan nito si Hector bago pumikit ulit.
"Papa, tabihan mo po siya," pabulong na saad ni Jazz. Nagising na rin kasi ito.
Nagpalit ng puwesto ang mag-ama. Nasa gitna na ngayon si Hector habang nasa magkabilang gilid naman niya ang dalawang babae na mahalaga sa kanya.
Dahan-dahan ang ginawa niyang paghawak sa ulo ni Alex saka isinamdal sa kanyang balikat.
"I love you, sweetheart. I missed you so much," sabay dampi ng halik sa noo ng dalaga.
Itutuloy _______
Magulo ba? Pasensya na. Salamat pa rin sa nag-vote, magbo-voye, nag-comment at magko-comment.
Love...Love...
iamdreamer28
❤❤❤