"You know it's love when all you want is that person to be happy, even if you're not part of their happiness."
- Julia Roberts
Unedited
Pakiramdam ni Alex, siya na ang pinakamasamang tao sa buong mundo lalo na kay Khen. Mabait ang binata ngunit ayaw niyang patuloy itong umasa sa kanya. Sa loob ng halos dalawang taon nilang pagsasama, wala itong narinig na reklamo mula sa lalaki. Ni minsan hindi niya ito narinig na pinagsalitaan siya nang masama sa tuwing magkasama sila. Na ang nasa isip niya ay si Hector.
Isang buwan mula nang mailibing si Riza. Isang buwan na rin niyang pinag-isipan ang tungkol sa kanila ni Khen. At kagabi, napagdesisyunan niyang tapusin na ang namamagitan sa kanila ng binata.
Alas-tres ng hapon ang napagkasunduan nilang oras na magkikita sa Heaven Scent Restaurant. Oras kasi iyon ng pahinga ni Alex. Linggo naman kaya alam niyang walang pasok sa opisina ang binata.
Habang naghihintay na dumating ang lalaki, hindi mapakali si Alex sa loob ng opisina nito. panay ang lakad niya sa harapan ng kanyang mesa at paminsan-minsan ay tiningnan ang relong pambisig nito. Kinakabahan siya sa maaaring maging reaksyon ni Khen. Ipinagdarasal na lang niya na sana ay matanggap ng lalaki ang pakikipag-break nito sa kanya.
Eksaktong alas-tres ng hapon nang may marinig na tatlong magkasunud-sunod na katok sa pintuan ng kanyang opisina si Alex. Parang itong bata na may malaking kasalanan sa kanyang ama. Natataranta siya sa 'di malamang kadahilanan. Siguro dahil sobrang kinakabahan siya sa gagawing pakikipag-break sa nobyo.
First boyfriend niya si Khen. Ang namagitan sa kanila ni Hector noon ay hindi pa umabot sa pagiging mag-boyfriend at girlfriend kahit sabihin pang iisa ang itinitibok ng kanilang mga puso.
Pagkabukas ng pintuan, nakita ni Alex ang nakatayo at nakangiting binata ngunit wala na sa mga labi nito ang dating mga ngiti sa tuwing dumadalaw ito sa kanya. Naawa man siya rito ngunit mas mabuti ng ngayon pa lang kausapin na niya ito.
"Tuloy ka," saad ni Alex bago nilakihan ang pagkabukas ng pintuan.
Pumasok ang binata. Isinara naman ni Alex ang pinto bago sumunod kay Khen. Umupo ang lalaki sa harapan ng kanyang mesa. Tumingin ito sa kanya nang makaupo na rin ito sa kanyang swivel chair.
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Pareho nilang pinapakiramdaman ang isa't-isa. Tiningnan niya si Khen. Nakatitig lang ang nobyo sa larawan nilang dalawa sa ibabaw ng kanyang mesa. Kuha nila iyon, limang buwan na ang nakararaan.
Ang saya nila sa larawang iyon. They celebrate their first year anniversary. Pumunta sila sa isang amusement park. Sumakay ng mga rides, kumain ng cotton candy, naglaro ng bump car at marami pang iba. Pagkatapos may nakita silang photo booth. Niyaya siya ni Khen na magpa-picture. Ayaw pa sana niya ngunit naging mapilit ang lalaki. Wala pa raw kasi silang picture together.
Ramdam niya kung gaano ka saya si Khen ng mga panahong iyon. Masaya rin naman siya. Ngunit iniisip pa rin niya na mas masaya siguro kung si Hector ang kasama niyang gumawa ng lahat nang iyon.
"May gusto ka bang sabihin, Alex?" basag ng nobyo sa nakakabinging katahimikan.
Bumuntong-hininga si Alex. Kung hindi ngayon, kailan pa niya kakausapin ang lalaki. Kung magalit na ito nang tuluyan?
Hindi niya gugustuhing magalit ang lalaki sa kanya. Mahal niya ito at pinapahalagahan, bilang kaibigan nga lang. Hindi sa paraang ikaliligaya nito.
"Kumakain ka na ba? Gusto mong sabay na tayo---"
"Hindi mo naman ako pinapunta rito para lang itanong kung kumain na ako, hindi ba? Say it, Alex. At pagkatapos no'n saka na tayo kumain," malumanay pa rin ang boses na saad nito.
Mas lalo tuloy nakokonsensya si Alex. Alam niyang may hinala na ang lalaki kung bakit niya ito gustong kausapin. Kagabi pa lang baho siya matulog napag-usapan na nila ang tungkol kay Hector.
Tinanong siya ni Khen kung ano na ang gagawin niya ngayong nagbalik na ang lalaki. Pumiyok pa nga ito nang banggitin ang pangalan ni Hector. Napag-alaman niyang uminom pala ito kasama ang kuya Luis niya sa bahay nila. Bumisita kasi ang nobyo roon at nakipaglaro sa mga anak ng kanyang kuya.
"Khe--Khen. Hhhmm...ano kasi," haist! Paano ko ba ito sasabihin! Kastigo niya sa sarili.
"Ganoon ba kahirap sabihin sa akin na nakikipaghiwalay ka na? Iyon ba ang gusto mong sabihin, Alex?" malungkot na saad nito. "Okay. Kung hindi mo kaya, ako na lang," huminga nang malalim si Khen bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Pinapalaya na kita, Alex. Siguro nga, hanggang magkaibigan lang talaga tayo. Ganoon pa man, hindi ko pa rin pinagsisisihan nang ipinagpilitan ko ang sarili sa 'yo. Umaasa na balang araw ay mahalin mo rin katulad ng pagmamahal mo sa kanya. Ngunit sadyang ganito na yata ang tadhana natin. Ako bilang kaibigan mo at siya bilang taong minahal mo nang higit pa sa isang kaibigan. Pagmamahal na inakala kong maging akin sa paglipas ng mga panahon,"
"Khen, mahal kita,"
"Alam ko. Pero hindi sa paraang gusto ko. Wala akong laban sa kanya, Alex. Siya ang naging dahilan mo sa lahat ng bagay. Ginusto mong makakita ulit dahil sa kanya. Nagmahal ka sa unang pagkakataon nang dahil sa kanya."
Sinaktan na naman niya ang kanyang bestfriend. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang iparamdam dito na kailanman ay hindi niya ito kayang mahalin nang higit pa sa isang kaibigan.
Inisang lagok ni Khen ang laman ng kanyang baso. Nasa isang kilalang bar siya at mag-isang nagdiriwang nang pagiging single ulit.
Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Alex, agad na itong umalis. Hindi na rin niya napagbigyan ang kahilingan ng dating nobya na sabay na silang kumain. Hindi niya kayang tingnan si Alex. At mas lalong wala siyang ganang kumain. Kaya ito siya ngayon. Nag-iisang nagdiriwang ng pagiging single ulit.
"Happy singles day!" saad niya sabay taas ng basong may lamang alak.
Nagkatinginan naman ang mga kasama niyang nakaupo sa pahabang couter ng bar. Medyo tinamaan na rin kasi ito ng ispiritu ng alak. Kanina pa siya naroon. Pagkagaling sa Heaven Scent Restaurant, sa bar na siya dinala ng kanyang mga paa.
"Magandang gabi sa iyong lahat. Ang susunod ko pong kanta ay para sa mga taong heart-broken diyan. Kaya natin 'to. Hindi ka nag-iisa," rinig niyang saad ng babaeng kumakanta kanina pagdating niya.
Umo-order ng isang beer si Khen. Matapos ibigay sa kanya ang order, pumihit ito paharap sa may katamtamang laki ng stage sa gitna ng malawak na bar. Hindi na niya masyadong namumukhaan ang babae. Lumalabo na ang paningin niya dahil sa epekto ng hard na ininom niya kanina. Ang malinaw lang sa nakita niya ay, maliit ang mukha nito habang deretso ang mga tingin sa kanya.
Nagsimula nang kumanta ang babae. Napakalamig ng boses nito. Ang gaan sa tainga. Parang nakikipag-usap lang sa kanya dahil sa inaawit nito ngayon na kanta ng isang sikat na local band sa Pilipinas. Ang Side A.
If loving you is all that means to me
When being happy is all I hope you'd be
Then loving you must mean
I really have to set you free
Pati lyrics ng kanta tugma sa kaniya. Siya na ang dakilang best friend ng bansa. Gustuhin man niyang ipaglaban ang pagmamahal para sa dalaga alam niyang wala naman itong patutunguhan. Masasaktan lang si Alex at ayaw niyang mangyari iyon.
Muli siyang humarap sa counter at humingi ulit ng isa pang bote ng beer na agad din niyang ininom nang dere-deretso.
Nang gabing iyon, hindi makatulog si Alex hindi dahil sa pakikipag-break nito kay Khen. Kundi dahil sa nami-miss niya si Hector. Hindi na sila nagkita pa pagkatapos ng libing ni Riza.
Naalala rin niya ang pagtawag ulit nang sweetheart sa kanya noong huling gabi ng burol. Pero dahil sobrang antok at pagod na siya, nakatulog siya sa balikat ni Hector. Iyon na yata ang pinaka mahimbing niyang tulog simula nang mawala ang lalaki.
Bumangon siya at nagtungo sa labas ng kanyang opisina kung saan naroon ang personal refrigerator niya. Kumuha siya ng bottled water at dinala iyon sa kanyang kuwarto. Akmang bubuksan na sana niya ang dalang tubig nang makitang umiilaw ang naka-silent mode niyang cell phone sa bed side table.
Nagmadali siyang isara ang pintuan at patakbong kinuha ang cell phone.
Bigla na lang parang may mga kabayo sa loob ng kanyang dibdib nang makita kung sino ang tumatawag.
Parang may mga sariling isip ang kanyang mga daliri. Agad nitong pinindot ang answer button.
"He---hello?"
"Alex, ko 'to. Si Hector,"
Alam niyang si Hector iyon. Dahil hindi naman niya binura ang number ng lalaki. Nasa phonebook pa rin niya iyon. Kahit pa na dalawang taon din niya itong hindi ginamit. Umaasa pa rin kasi si Alex noon na baka isang araw ay tawagn siya ng binata.
"Bakit ka napatawag?" Casual na tanong niya. Ayaw niyang maramdaman ng lalaki na pinanabikan niyang marinig ang boses nito.
"I missed you, so much sweetheart,"
Sa sinabing iyon ni Hector tuluyan nang nawala ang mga kabayong kanina lang ay tumatakbo sa kanyang puso. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang puso. Parang katulad lang noon nang yayain siyang mag-date ni Hector sa unang pagkakataon.
Itutuloy ______
Sinipag ang utk kong mag-isip kaya, ito ulit ang update ko. Salamat sa suporta!
Love...Love...
imadreamer28
❤❤❤