"Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage."
Lao Tzu
Unedited
Halos hindi na nakatulog si Alex pagkatapos nang pag-uusap nila ni Hector. Masaya siya at ramdam din niyang masaya ang lalaki dahil sa wakas ay kinausap na niya ito. Mag-isang buwan na rin siyang sinusuyo ni Hector maging ng kanyang pamilya. Ngunit wala siyang pinakinggan ni isa sa mga ito.
Hindi pa rin kasi niya matanggap na naglihim ang mga ito sa kanya. Pakiramdam niya pinagkaisahan siya ng lahat. Subalit ang mas masakit ay ang malaman niyang sarili niyang kapatid ang dahilan ng paglayo ni Hector sa kanya.
Sa pag-uusap nila ni Hector kagabi, napagtanto niyang, kaya siguro nangyari ang lahat para malaman din niya ang katotohanan. May alam pala ang mommy at kuya Luis niya sa naging affair ng kanilang ama. Ang buong akala niya siya lang ang nakakaalam ng lahat. Dahil sa pag-aalala niya na baka masira ang kanilang pamilya, isinarili niya ang nalaman tungkol sa ama.
Third year high school siya nang aksidenteng makita ang pakikipaghalikan ng kanyang ama sa sekretarya nito sa loob mismo ng opisina nito. Ugali na niyang hindi kumatok kapag dinadalaw ang ama sa hospital na pinagtatrabahuan nito bilang isang oncologist doctor.
Parang na pako ang mga paa ni Alex sa labas ng opisina ng kanyang ama habang tinatanaw ang mainit na eksena sa pagitan ng sekretarya nito.
Akmang huhubarin na ng ama ang pang-itaas na suot ng babae nang sumigaw siya. Parehong napalingon ang dalawa sa labas ng pintuan kung saan siya nakatayo. Ilang segundo lang ang lumipas nang tuluyang makabawi sa pagkabigla si Alex habang ang dalawa naman ang tulala at 'di alam ang gagawin. Agad tumalikod at tumakbo palabas ng ospital si Alex.
Halos hindi na niya nakikita ang dinadaanan dahil sa mga luhang walang tigil sa pagpatak. Palisin man niya iyon wala pa ring silbi. Nagpatuloy siya sa pagtakbo hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng ospital. Ang hindi niya namalayan ay ang taxi na mabilis ang pagtakbo. Tumawid siya sa pedestrian lane sa harapan ng ospital at doon na siya nabangga ng taxi.
Sa lakas ng impact, gumulong si Alex sa harapan ng taxi papunta sa likod. Nawalan na siya ng malay pagkatapos no'n. Lumabas sa imbestigasyon na walang kasalanan ang driver dahil tumawid si Alex na naka-go ang signal ng traffic light. Huli na para umiwas ang driver ng taxi dahil sa bilis nang takbo nito sakay ang isang pasiyente na nag-aagaw buhay.
Iyon ang naging dahilan nang pagkabulag ni Alex. Ginawa lahat ng mga magulang nito na muli siyang makakita ngunit siya mismo ang umayaw. Nagkaroon siya ng cornea transplant mula sa pasahero ng taxi na hindi na umabot nang buhay sa ospital ngunit hindi rin iyon tinanggap ng kanyang sistema.
Ang sabi ng mga doktor, mismong ang pasiyente ang ayaw nang makakita pang muli. Hindi lang ang mata ni Alex ang na trauma. Kundi ang buong pagkatao niya. Hindi niya lubos maisip na magagawa iyon ng ama sa kanila. Daddy's girl siya. Hinahangaan niya ang ama higit na kaninuman.
Isa itong mabuting ama sa kanila ni Luis. Lahat ng pangangailangan nila ay ibinigay ng ama. Naging mabuting kabiyak din ito sa kanilang ina. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit nagawa ng kanyang ama ang pagtaksilan sila lalo na ang kanyang ina. Hindi niya iyon matanggap. Hindi niya mapapatawad ang ama kahit kailan.
Nang dumating si Hector sa buhay niya, nagbago ang lahat. Ipinakita sa kanya ng lalaki ang kahalagahan ng isang pamilya. Ang kahalagahan ng pagpapatawad lalo na kung ito'y pinagsisisihan na ng taong nagkasala. Ipinakita ng lalaki sa kanya ang tunay na kahulugan ng buhay kasama ang mga taong mahalaga sa kanya.
Unti-unti niyang napatawad ang ama. Unti-unti na bumalik ang loob niya rito. Ngunit nitong nakaraang buwan nalaman niyang alam pala ng buong pamilya niya ang tungkol doon. Muling nanumbalik sa kanya ang lahat ng mga nakita niya noon. Mas lalo pa siyang nagalit at nadismaya nang malamang ang pamilya niya mismo ang dahilan ng paglayo ni Hector.
Nasa kalagitnaan nang pagbabasa ng newspaper si Alex habang nakapatong ang dalawang paa sa ibabaw ng kanyang mesa. Hawak ang tasa na may lamang umuusok pang kape sa loob ng kanyang opisina nang may hindi inaasahang bisitang dumating.
Bigla siyang na patayo.
"Ahhh!" sigaw nito nang mabuhos sa damit niya ang umuusok pang kape na dapat ay iinumin niya.
"Sweetheart! Okay ka lang?" agad na tanong ni Hector sa kanya habang nagkakandarapa ito sa pagkuha ng tissue at iniabot iyon kay Alex. Tinulungan na rin niyang punasan ang basang damit ng babae.
"Bigla-bigla ka na lang kung pumasok. Ni hindi ka man lang kumatok muna!" angal ng babae habang nagpupunas pa rin ng nabasa nitong damit pati na ang pantalon nitong nabasa rin. Itinaas niya ang kulay pink at sleeveless na damit na hanggang beywang. Namumula ang pipis niyang tiyan. Manipis kasi ang damit na suot niya.
Nakita iyon ni Hector na nakayuko sa bandang tiyan na. Walang anu-ano'y hinalikan iyon ni Hector.
"I'm sorry. Mahapdi pa ba sweetheart?" tanong nito matapos halikan ang tiyan niya.
Hindi nakasagot si Alex. Paano pa niya magagawang sumagot kung sa simpleng halik lang na iyon ni Hector ay nawala ang nararamdaman niyang paghapdi ng balat sa tiyan.
Ilang beses ding napalunok si Alex lalo na nang magtama ang mga mata nila ng lalaki. Hindi niya maikakaila na iba pa rin ang pakiramdam niya rito. Lumipas man ang dalawang taon na hindi niya ito nakita, masaya siya na hindi niya maipaliwanag. Masaya na siya noon paman kahit hindi pa niya ito nakikita. Kakaiba ang hatid ng presensya ng lalaki sa kanya. Hindi lang ang kanyang puso ang masaya. Kundi buong pagkatao niya.
"O--okay lang ako. Ma--mahapdi lang talaga 'yong tiyan ko,"
"I'm sorry. Nasaktan na naman kita."
Hahalikan na naman sana ni Hector ang namumula pa ring tiyan nito nang biglang dumating ang anak nito.
"Tita Alex!---"
Napahinto ang dalaga sa nakabukas na pintuan nang makita ang ayos ng dalawa.
Mabilis na naibaba ni Alex ang damit habang tuluyan namang napaupo sa sahig si Hector.
"Like father, like daughter," pabulong na usal ni Alex.
"Indeed." Sagot naman ni Hector.
"Nakakaistorbo yata ako? Sige ipagpatuloy n'yo lang 'yan. Lalabas na muna ako!"
Nanunuksong mga titig ang ibinato nito sa dalawa bago umikot palabas ng opisina ni Alex.
Nang mawala ang dalaga, hindi napigilan nina Hector at Alex ang humalakhak.
"Masakit pa ba?"
Parang bata namang tumango si Alex sabay taas ulit ng kanyang damit. Wala ng sinayang na oras pa si Hector. Agad niyang sinunggaban ang dalaga. Pinaliguan niya ng mga halik ang tiyan ni Alex.
"Kuya Hector!" sigaw niya nang hindi na mapigilan ang kakaibang unti-unting bumabalot sa kanya.
Tumigil si Hector sa ginagawang paghalik sa kanyang tiyan. Tumayo ito saka hinawakan ang maliit niyang pisngi.
"Call me again," halos pabulong na wika ng lalaki.
Ilang dangkal lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Tumatama sa mukha ni Alex ang mabangong hininga ng lalaki na kay tagal niyang pinanabikan.
"Kuya Hector..."
Napangiti si Hector. Ngayon, alam niyang nasa harapan na nga niya ang babae. Alam niyang hindi na ito panaginip na ilang gabi na ring dumadalaw sa kanya.
"I missed that. Calling me kuya Hector while I'm kissing, you,"
Unti-unting bumaba ang mukha ni Hector sa mukha ni Alex habang ang mga mata nito ay deretsong nakatitig sa mapupulang at maninipis na mga labi ng dalaga.
Nakapikit si Alex nang unti-unting lumalapit ang mukha ni Hector sa kanya. Nakaliliyo ang amoy nito. Pinaghalong bango ng sabong pampaligo at perfume na gamit ng lalaki. Nanghihina ang kanyang mga tuhod. Para siyang natutunaw sa maiinit na mga palad nitong nakahawak sa kanyang pisngi.
"I missed you, so much. Akala ko titiisin mo pa rin ako hanggang sa birthday ko," nangingislap ang mga matang wika ni Hector.
"Kapag inulit mo pang---"
Hindi na natapos ni Alex ang sasabihin pa sana nang angkinin ni Hector ang kanyang mga labi. Nakangiting pumikit si Alex at tinugon ang maalab na halik ni Hector. Kusa nang pumulupot ang dalawang braso nito sa liig ng binata.
Itutuloy_____
Ayun oh! Hehehehe. Salamat guys!
Love...Love...
iamdreamer28
❤❤❤