Chapter 11

1539 Words
"Roses are red, Violets are blue. The sun is hot. And so are you." Unedited Napaiktad si Alex nang maramdamang nasa loob na ng kanyang basang blouse ang isang kamay ni Hector habang patuloy pa rin ito sa pag angkin ng kanyang mga labi. "Ahh!" ungol niya nang pisil-pisilin ni Hector ang malusog niyang dibdib. Unti-unting nararamdaman ni Alex ang kakaibang init ng katawan dala ng mga halik at haplos ni Hector. Bumaba ang halik ng lalaki sa kanyang leeg pababa sa kanyang balikat. Tinanggal nito ang maluwang na strap ng kanyang blouse gamit ang mga bibig. Maya-maya pa, tinulungan na niya ni Hector na hubarin ang kanyang pang-itaas na damit at tanging bra na lang niya ang naiwan. Binuhat siya ni Hector. Awtomatikong pumulupot ang mga binti niya sa beywang ng lalaki nang hindi nagkakahiwalay ang kanilang mga labi. "Where is your room?" tanong ni Hector sa kanya sa pagitan ng mga halik nila. Itinuro niya ang direksyon kung san naroon ng kanyang kuwarto. Katamtaman lang ang laki niyon. Hindi man ito kasing laki at lawak ng kuwarto niya sa bahay ng mga magulang, komportable pa rin siyang nakakatulog doon. Binuksan ni Hector ang pintuan gamit ang kaliwang kamay at isinara naman iyon gaming ng isang paa nang tuluyan na silang makapasok. Sumandal ito sa likod ng pintuan at pansamantalang binitawan ang mga labi niya saka matamang tinitigan ang kanyang mukha pababa sa malulusog niyang dibdib. "Parang bumigat ka yata? O baka naninibago lang ako dahil matagal-tagal din bago kita nakarga uli," ani Hector saka dinampian ng halik ang gitnang bahagi ng dibdib nito. "Talaga? Ang lakas ko kasing kumain, e," sagot naman niyang napahigpit lalo ang paghawak sa leeg ng lalaki. "Pero bakit ang payat mo pa rin? Sinasayang mo lang ang pagkain hindi ka naman tumataba," "Hindi a!" sabay hampas sa balikat ng binata. Natawa lang si Hector. Namiss nito ang mga asaran nila ni Alex noon. Aliw na aliw ito sa tuwing inaasar ang dalaga. Mas lalo kasi itong gumaganda sa paningin niya dahil sa pamumula ng pisngi ni Alex. Nasa braso ni Hector ang ulo ni Alex habang nakahiga na ang mga ito sa single size bed ng dalaga. Magkayakap silang binalikan ang mga masasayang alaala nila noon. "Kailan mo nga pala naramdaman na mahal mo na ako?" tanong ni Alex saka sumiksik pa lalo sa matipunong dibdib ng lalaki. "Hindi ko alam. Siguro dati pa. Ngunit dahil kapatid ka ng matalik kong kaibigan, hindi ko pinansin ang kakaibang damdamin sa tuwing malapit tayo sa isa't isa. Noon pa man, kapag magkasama tayo, pakiramdam ko, ang bilis-bilis ng oras. Sa tuwing ihahatid na kita pauwi, nalulungkot ang puso ko. Pero sa tuwing tinatawagan mo naman ako at kumustahin kung nakauwi ba ako nang maayos, sumasaya na ulit ako," Niyakap siya ni Hector nang mahigpit. Hinalikan ang kanyang ulo, pababa sa kanyang noo hanggang sa tuluyan nang bumaba ang mga halik ng lalaki sa mga labi niya. "Mahal kita, Alex. Mahal na mahal. Kaya nang sabihin ni Luis sa akin na layuan ka, hindi ko alam kung susunod ba ako sa kanya o, ipaglalaban kita. Bandang huli, lumayo pa rin ako dahil kay Jazz. Hindi ko man siya tunay na anak, dala-dala pa rin niya ang apelyido ko. Wala ng ibang makakatulong sa kanila. Ano pa ang silbi ko bilang adoptive father niya kung hindi ko sila matutulungan ng mama niya," "Kung hindi ko lang talaga alam, iisipin kong totoong anak mo siya," "Ewan ko ba kay Riza, ba't ako pa ang pinaglihian niya noon. Sabi naman ni Mommy, naghahanap daw ng father figure ang baby, kaya ako ang napaglihihan ni Riza. Late ko na rin nalaman. Nagtataka man ako noong una kung bakit panay ang tingin ni Riza sa labi at mata ko, hinayaan ko na lang. Isang beses kasi na sinita ko siya, umiyak siya. Napagalitan pa nga ako ni Mommy," pagkukuwento niya. "Kawawa naman. Napagalitan tuloy..." yumakap na rin nang mahigpit si Alex sa lalaki. "Wait?" bahagya siyang lumayo. "Sino naman 'yong kung makakapit parang linta? Baka manggulo 'yon katulad ng ginawa niya nang una tayong magkita. Makakatikim na talaga siya sa akin," may pagbabata sa boses na sabi niya. "Wala na kami. Wala namang kami. Simula pa lang nilinaw ko na sa kanya na hanggang kama lang ang relasyon namin," "Sigurado ka?" "Yes. Siguradung-sigurado." Muli siyang kinabig ng lalaki palapit dito. Kinagabihan, magkasama silang tatlo ni Jazz at na kumain ng hapunan sa isang Korean restaurants na paborito ng dalagita. Habang pinagmamasdan ni Alex ang kaharap na babae, hindi niya napigilang alalahanin ang bilin ni Riza sa kanya. Makakaya kaya niyang maging isang ina kay Jazz? Oo at malaki na nga ito pero mas lubos itong nangangailangan ng gabay ng isang ina. Lalo na sa panahon ngayon. Nagkalat na ng puwedeng maging masamang impluwensya sa dalagita. Kabilin-bilinan pa naman ninRiza na dapat hindi muna ito magkakaroon ng boyfriend hangga't hindi pa ito tapos ng pag-aaral. Makikinig kaya ang babae sa kanya? Bumuntong-hininga siya. Saka ko na lang isipin 'yon. Aniya sa sarili. Isa pa, hindi pa naman nagpo-propose si Hector sa kanya. Hindi pa niya masasabing magiging ina nga siya ng dalagita. Oo at okay na sila ng lalaki pero ibig sabihin no'n ay mauuwi na sila sa kasalan. Sa isiping hindi mauuwi sa kasalan ang namamagitan sa kanila ni Hector, nalungkot ang isang bahagi ng kanyang utak. Nakaramdam din siya ng kirot sa puso. Paano nga kaya kung hindi mauuwi sa kasalan ang relasyon nila ni Hector? Tiningnan niya ang katabing lalaki na naghihimay ng pagkain bago ibinigay sa anak. Nakangiting kinuha rin nito ang plato niya at pinaghimay na rin siya. "Kumain ka na sweetheart," sabay abot ng plato sa kanya. "Thank you. Ikaw rin. Kumain ka na," Pagkatapos ng hapunan, nagyaya ng umuwi si Jazz dahil inaantok na raw ito. Pero nahalata ni Alex na hindi pa naman ito inaantok. Ayaw lang yata makaistorbo sa kanila kaya ito nagyaya na umuwi. Pagdating sa bahay ni Hector, sa labas pa lang, magpaalam na si Jazz na mauuna na sa kanila. Napangiti naman si Hector sa inasal ng anak. "Gusto na yata niya ng kapatid sweetheart. Kaya ayun, iniwan na lang tayo," anito sabay kindat sa kanya. Sa sinabing iyon ng lalaki, alam ni Alex na namumula na ang kanyang pisngi. They were maybe into an intimate act kaninang umaga at half naked siya ngunit hindi pa rin mapigilan ni Alex ang pamulahan ng mukha. Isipin pa lang niyang wala siya ni isang saplot, para na siyang matutunaw sa hiya. Ganoon siguro talaga kapag wala pa ni isang nakakakita sa hubo't hubad mong katawan. Malaki ang respni Khen sa kanya. Ni halik sa labi hindi nagawa ng dating nobyo. Hanggang pisngi at noo lang ang lalaki. Hindi kagaya nila ni Hector na umabot na agad sa tanggalan ng kanyang blouse. "Sweetheart, okay ka lang? Halika ka na sa loob. Dito ka na magpalipas ng gabi. Ihahatid na lang kita bukas bago ako pumunta na opisina," untag ni Hector sa kanya. Hindi niya namalayan na nakalabas na pala ng kotse ang lalaki at ngayon nga ay nasa gawi na niya ito at pinagbuksan na siya ng pintuan. Pareho na silang nakahiga ngayon. Nasa kama si Alex habang nasa sofa naman si Hector nakahiga. Hindi makatulog si Alex. Balot na balot ang buong katawan niya ng makapal na comforter. Panay sulyap niya kay Hector na tila tulog na tulog na yata dahil kanina pa ito hindi gumagalaw. Bumangon siya at nagtungo ng CR. Hindi naman siya naiihi pero gusto lang niyang bumangon at mag-CR. Agad din naman siyang bumalik sa higaan at sinubukan ulit na makatulog. Mag-iisang oras na niyang pinipilit ang sarili na makatulog ngunit hindi pa rin ito makatulog. Bumangon siya at umupo sa king size bed ni Hector. Sumandal siya sa head board ng kama saka sinulyapan sa kanang bahagi ng silid ang natutulog na lalaki. Ramdam ni Hector ang bawat kilos ni Alex. Alam niyang hindi ito makatulog katulad niya. Sino ba naman ang makakatulog sa lagay nilang dalawa? Isang babae at lalaki na nasa tamang edad na. Lampas na nga ng kalendaryo ay matutulog lang. Pagkatapos nang nakakabitin nilang eksena ni Alex kanina sa opisina nito, gusto ni Hector na ipagpatuloy nila iyon ngayon. Right now, right here. Hindi na napigilan ni Hector ang sarili. Nakita niyang nagulat si Alex nang bumangon ito saka naglakad papalapit sa babae na nagbabasa ng libro. "He--Hector, nagising ba kita? Pa----" Hindi na nagawang tapusin pa ni Alex ang mga sasabihin nang walang anu-ano'y hinawakan ni Hector ang kanyang mukha saka marahas na mga halik ang iginawad ng lalaki sa kanya. Tila uhaw na uhaw ito habang sinisipsip ang ang kanyang dila. "Ahh...!" ungol ni Alex nang himasin ni Hector ang dalawa nitong dibdib na kung sinusuwerte nga naman ay wala pang suot na bra ang babae. Mas lalong nag-init si Hector sa mga ungol ni Alex. Mas lalong nagwawala ang kanyang sistema nang kusa na ring naglalakbay ang mga kamay ng babae sa kanyang katawan. Itutuloy ________ Hahaha! Okay! Next na please! Hahahahaha. Magre-research muna ako kung anong posisyon ilalagay ko at kung paano 'yon ginagawa. Hahahahah. Chapter 12 na 'yon. Bubusugin ko kayo. Hahahahaha. Love...Love... iamdreamer28 ❤❤❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD