Chapter 13

2072 Words
"Sometimes you forgive people' simply because you still want them in your life."  Unedited Tinupad ni Hector ang sinabi nitong ihahatid siya pabalik sa restaurant kinabukasan. Ngunit sa halip na sa restaurant, sa bahay ng mga magulang siya nagpahatid. "Sigurado ka na ba? Puwede kitang samahan muna. May oras pa naman ako," nag-aalang tanong ng binata nang pumarada na ang sports car nito sa harapan ng mansion ng mga Alcantara. "Okay lang ako, Hector. Mga magulang ko sila kaya wala kang dapat na ipag-alala," nakangiting sagot ni Alex bago ito dinampian ng halik sa labi. "Isa pa nga sweetheart. Ang sarap e," Agad namang sumunod si Alex sa hiling ng binata. Muli niyang hinalikan ang nakanguso ng bibig ni Hector. Inaasahan na niya na hindi lang magiging basta halik ang mangyayari dahil sa nakikitang niyang kakaibang kinang sa mga nito. Niyakap siya ng binata at mas lumalalim ang kanina lang simpleng dampi ng kanilang mga labi. Natawa na lang si Alex. Kagabi lang nang halos hindi na sila natulog at magdamag na binusog ang isa't isa. At ngayon, ito ulit sila. Hindi niya napigilan ang mapaungol sa kakaibang damdamin na nagsisimula na namang buhayin ng lalaki sa kaloob-looban niya. Kapwa sila naghahabol ng hininga nang tumunog ang cell phone ni Hector. Nagpaalam na rin siya pagkatapos ayusin ang necktie ng binata na bahagyang natanggal dahil sa higpit ng pagkakahawak niya kanina. "I'll pick you up later," habol na saad ng binata sa kanya bago pa man niya maisara ang pintuan. Ilang minuto na nang makaalis ang sasakyan ni Hector ngunit naroon pa rin siya sa labas ng kanilang bahay. Nakabukas na rin ang mataas na gate ng bahay na kanina pa naghihintay sa kanyang pagpaasok. Isang buwan din niyang tiniis na hindi makita ang mga magulang. Nami-miss niya ang mga ito ngunit mas nangibabaw ang galit sa kanyang puso at hindi na siya nagpakita pa sa mga ito. Tama nga si Hector sa sinabi nito kagabi. Mali man ang paraan na ginamit ng kanyang pamilya upang protektahan siya, pamilya pa rin niya ito. Kahit ano'ng mangyari, ang pamilya ay pamilya. Huminga siya nang malalim bago tuluyang naglakad papasok ng gate. Nakangiti naman siyang sinalubong ng may edad na nilang driver na kanina pa nakatingin sa kanya at pilit siyang pinapapasok. "Magandang umaga hija," bati nito sa kanya na sinuklian naman niya nang matamis na mga ngiti. Muli siyang huminga nang malalim bago binuksan ang pintuan na gawa sa mamahaling kahoy na nagdulot ng kaunting ingay dahilan upang mapalingon ang ina nitong nakaupo sa malawak at kulay puti nilang sofa. Tumayo ito. Nanunubig ang mga matang nakatitig sa kanya. Maya-maya pa, inilahad niti ang dalawang kamay at tinawag siya. "Baby ko..." at tuluyan na itong humagulgol. Higit na kaninuman ang kanyang ina ang hindi niya kayang tiisin. Hindi man niya ito nakikita sa loob ng isang buwan, linggo-linggo naman siyang nakikipag-usap dito sa telepono. "Mommy...!" aniya saka tumakbo papalapit sa ina. Kapwa nananabik kaya mahigpit ang mga yakap na iginawad nila sa isa't isa. Kapwa sila humahagulgol. Panay halik ng ina sa kanya. Isinubsob naman niya ang mukha sa leeg ng nito. "Mabuti naman at naisipan mo nang umuwi, Alex. Gusto na talaga kitang puntahan sa restaurant dahil nami-miss na kita," "Sorry, Mommy. Hindi na po mauulit." Umiling ang ina. "You don't have to say sorry, Baby. Kasalanan namin ang lahat. Sa pag-aakalang mas makabubuti para sa 'yo ang lumayo si Hector. Hindi namin alam kung ano ang pinagdadaanan mo anak. Patawad," "Naiintindihan ko na po kayo, Mommy. Sorry rin at mas inintindi ko lang ang sarili kong damdamin. Hindi ko rin kayo inisip. Hindi ko inisip kung gaano kasakit para sa inyo ang tanggapin na lang lahat ng ginawa ni Daddy," Umiling ang kanyang ina. Kumalas ito sa pagyakap sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. "Pinili kong patawarin ang daddy, mo dahil iyon ang alam kong tama. Hindi ko hahayaang masira ang pamilya natin sa isang pagkakamali lang. Ang mahalaga, humingi siya nang tawad. Na pinagsisihan niya ang lahat na nangyari. Sino ako para hindi ibigay ang kapatawaran ko sa kanya? Naging mabuti siyang ama at asawa. Alam kong may pagkukulang din ako bilang asawa kaya naiintindihan ko ang daddy ninyo. Ang mahalaga, buo na ulit tayo. Nandito ka na!" Sabay yaka ulit ng ina sa kanya. Nang mga oras na iyon, gumaan ang pakiramdam ni Alex sa mga sinabi ng kanyang ina. Tama nga naman ito. Lahat ng tao ay nagkakamali. Ang mahalaga, pinagsisisihan nila iyon at humingi ng tawad. Ang lahat ay may karapatang mabigyan ng pangalawang pagkakataon. Nasa sa kanila na kung sasayangin nila ang pagkakataon iyon. "Siya nga pala, sabi ni Hector, hindi ka raw masyadong kumain ng agahan? Gutom ka na ba? Tamang-tama ang dating mo. Nakahanda na ang almusal," nakangiting saad ng ina. "Si Hector?" kunot-noo na tanong niya. "Tumawag siya sa akin. Nasa labas ka raw. Nag-aalala siya dahil hindi ka raw masyadong kumain kanina bago ka niya inihatid dito." Umiling na lang si Alex. Mukha yatang nagkaayos na rin ang kanyang pamilya at ang lalaki. Masaya siya sa isiping iyon. "Wala lang po akong ganang kumain kanina, Mommy. Alam n'yo naman po na bihira lang akong kumain nang almusal," Tumangu-tango naman ang kanyang ina. Pero ang totoo no'n, pagod lang talaga siya sa magdamag na ginawa nila ni Hector. Nasa kusina na sila nang dumating ang kanyang daddy at kuya Luis kasama ang mga pamangkin niya. Nakaupo siya paharap sa pintuan ng kusina. Kaya naman nang makita siya ng mga pamangkin, agad tumakbo papalapit sa kanya si Vaughn. Kasunod naman ni Luis si Annykka at ang bunsong si Gwenneth na buhat-buhat ng kanyang ama. "Tita Alex! You're here!" ani Vaughn sabaya yaka sa kanya. "I missed you, Copycat!" "I missed you too, hard headed." Natawa na lang si Alex. Laging tawag sa kanya ni Luis noon ay hard headed dahil sa hindi siya nakikinig kaninuman noong mga panahong hindi niya alam kung saan hahagilapin si Hector. Umupo sa harapan niya si Luis katabi ng kanilang mga magulang habang ang tatlong bata naman ay tumabi sa kanya sa pahabang mesa. "Ano'ng nangyari sa bibig mo?" tanong niya nang makitang pumutok ang kaliwang bahagi ng bibig ni Luis. "I deserved this." Iyon lang ang sagot ng kapatid sa kanya. Hindi na siya nagtanong pa. Marahil iyon na nga ang sinabi ni Hector na nag-usap na raw sila ng kaibigan. "Here," ani ng daddy niya sabay abot ng paborito niyang ulam, ang nilasing na hipon. "Araw-araw nagluluto ang mommy mo ng mga paborito mong pagkain. Baka kasi isang araw, maisipan mo kaming dalawin," Tiningnan niya ang ama bago tinanggap ang pagkain. Ngumiti siya. "I missed you, Dad," "Oh! Com'n! Baka umiyak na naman 'yan si Lolo, Tita Alex. Umiyak na 'yan kanina habang kausap si Daddy, sa library," singit naman ni Vaughn nang makitang nangingilid ang mga luha ng kanyang lolo. Sa halip na umiyak, natawa na lang silang lahat. Naging napaka sinsitibo na ng kanilang ama. Dala na rin siguro ng katandaan. Mas naging emosyonal pa nga ito kaysa sa mommy nila na hindi hamak naman na mas matanda rito ng tatlong taon sa edad na animnapu't isang taong gulang. Habang masaya at sabay-sabay na kumain ng almusal ang pamilya Alacantara maliban na lang kay Sophia na may exhibit na naman kasama ang kaibigang si Cecilia, si Hector naman ay sinalubong ng kanyang mga empleyado. Matapos maihatid si Alex, nakatanggap ito ng tawag mula sa kanyang sekretarya. May emergency raw na kinakailangan niyang puntahan kaagad. Sa pag-aakalang may mga board members na naman ang gustong patalsikin siya katulad noong nalaman ng mga ito na wala siya sa Pilipinas. Ngunit dahil nagawa pa rin niya ang trabaho kahit nasa malayo ito, hindi na naulit ang pagtatangka ng mga itong patalsikin ang pasaway na tulad niya. Mabilis na tinungo ni Hector ang opisina. Papasok na siya sa 38 stories na building nang pagbukas niya ng salaming pintuan, bumungad sa kanya ang mga nakahilerang empleyado na mula sa pa iba't ibang departamento base na rin sa mga unipormeng nakikita niya. Napakamot sa batok si Hector lalo na nang magsimula nang kumanta ng happy birthday song nang sabay-sabay ang mga ito. Isa pa sa ikinagulat niya ay ang makita ang ilan sa mga kaibigan niya roon pati na ang anak na si Jazz na may dala-dalang cake. Nagsimulang maglakad ang dalagita patungo sa ama na hindi makapagsalita sa sobrang saya. Napagtanto na ni Hector kung bakit naging busy ang anak nitong nakaraang mga araw. Madalas itong gabi na umuwi pagkagaling ng eskuwelahan. Hindi niya ito pinapakialaman sa kung anumang gagawin nito. Ang tanging bilin lang niya ay ang mag-ingat ito palagi. Ayaw niyang maging mahigpit kay Jazz. Gusto niyang matuto ang anak na tumayo sa sarili nitong mga paa. "Happy birthday to you...! Happy birthday Papa!" Malapad ang mga ngiting bati ng anak sa kanya. "Thank you. Kaya ka pala nawala sa bahay nang maaga at gabi na kung umuwi. Ito pala ang pinagkakaabalahan mo," "Namin." Sagot naman ng kaibigan niyang si Julian. "Thanks bro," Tumangu-tango naman ang mga kaibigan niya. Naroon din si Diego na kagagaling pa sa honeymoon nito. "Sir, happy birthday!" Sabay-sabay na bati ng mga empleyado sa kanya kasabay ng pagsabog ng mga confetti. Ang malawak na reception area ng kanilang gusali ay nagmistulang concert hall at siya ang sikat na singer na dinumog ng kanyang libo-libong tagasuporta. "Make a wish, Papa!" sumigaw na si Jazz dahil sa ingay ng mga empleyado. Ano pa ba ang hihilingin niya? Wala na. May anak siya na hindi magtatagal ay masusundan rin kapag ikinasal na sila ni Alex. Naging maayos na ang lahat sa kanila ni Alex pati na ang kaunting hindi pagkakaunawaan nila ng pamilya ng dalaga. Hindi man buo ang kanyang pamilya, alam niyang nandyan naman ang mga kaibigan niya na handang umalalay sa kanya. Na alam niyang hindi siya iiwan ng mga ito sa oras na kailanganin niya ang mga ito. "Sir! Kami rin po may wish!" anang boses ng isang lalaki na hindi na niya makita dahil sa dami ng tao. "Ano 'yon?!" "Sa 'yo ang pulutan! Sa 'yo ang inuman! Sa 'yo ang kantahan! Happy happy happy birthday!" sagot nito sa kanya. "Your wish is my command!" aniya saka hinipan ang nag-iisang kandila sa pabilog niyang cake na alam niyang ang anak ang may gawa. Dahil sa disenyo nitong sasakyan. "Ginawa mo akong bata rito sa cake mo," sabay kindat sa anak. "Para po hindi halata." Nakangiting sagot naman ng anak bago hinalikan ang magkabilang pisngi nito. Wala na siyang mahihiling pa. Sobra-sobra na ang mga biyayang natanggap niya buong buhay niya. Thank you, Lord. Pagkatapos kumain ng almusal, nakipaglaro si Alex sa mga pamangkin. Parang kailan lang, ang liit pa ni Vaughn. Pero ngayon, nababalitaan niyang may napupusuan na raw ito sa eskuwelahang pinapasukan. Hindi malayong mangyari na marami ang mahuhumaling sa batang Luis. Mas lalo itong naging guwapo sa pagdaan ng panahon. Hindi na siya magtataka kung isang araw ang po-problemahin ng kanyang kuya ang kanyang pamangkin. "Puwede ba tayong mag-usap?" Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses. Ngunit bigla ring nabaling ang atensiyon sa mga pamangkin. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niyang itinulak ni Vaughn si Annykka kaya nahulog ito sa swimming pool. Limang taon lang ang batang babae na may maliit na pangangatawan. Kinabahan siya dahil baka kung may mangyaring masama sa pamangkin. "Vaughn! Why did you do that?" sigaw na tanong niya. Akmang pupuntahan na sana niya ang pamangkin nang pigilan siya ni Luis. "Mas magaling pa silang lumangoy kaysa sa sa akin. Tingnan mo," Huminto sa paghakbang si Alex nang makitang parang maliit na isda lang ang pamangkin habang ginagawa ang butterfly stroke na klase nang paglangoy. "Baka naman mas marunong pa silang lumangoy kaysa sa sa 'yo ang ibig mong sabihin," natatawang baling niya sa kapatid. "Bati na ba tayo sa 'pag ngiti mong 'yan?" Mas malapad na mga ngiti ang isinagot ni Alex sa kapatid. Itutuloy ______ Salamat sa inyong lahat! Dalawa na lang at magtatapos na ang kuwento Nina Hector at Alex. Salamat sa walang sawang pagsubaybay. Love... Love... iamdreamer28 ❤❤❤ Pasilip naman tayo kay Luigi ng Bachelor Series 3: Luigi Gomez at Althea Hidalgo "Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako nagsumikap na marating ang kinatatayuan ko ngayon, Thea. Dahil gusto kong ipakita sa pamilya mo na hindi habambuhay na mananatili akong dukha." Ani Luigi sa babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD