Unedited
May dinaluhang exhibit si Luis nang makatanggap ito ng tawag mula sa kaibigang si Hector.
Kasalukuyang nasa ospital daw ang lalaki dahil inabutan niyang nahulog sa hagdanan ang kapatid niyang si Alex. Wala ang mga magulang nila na kapwa mag-out of town dahil may pagtitipong dinaluhan ang mga ito. Wala rin ang katulong nila dahil nasa palengke raw at tanging ang kapatid lang ang nandoon. Dala-dala raw ng kapatid niya ang aso ng kaibigan nang mahulog ito.
Nagmadaling pumunta si Luis ng ospital dahil sa pag-aalala sa kalagayan ng kapatid. Kahit pa sinabi ng kaibigan niyang hindi naman daw malala ang kalagayan ng dalaga, nag-aalala pa rin siya.
Pagdating ng ospital, dumeretso na agad si Luis sa numero ng kuwarto na ibinigay ng kaibigan sa kanya. Ilang hakbang na lang ang layo nito sa kuwartong kinaroroonan ng kapatid nang makita niyang lumabas mula roon si Hector. Tatawagin na sana niya ito nang may bigla namang yumakap sa lalaki.
May mahabang buhok at katamtaman ang taas. Maputi rin ang kulay ng babae na sa tingin niya ay bata pa. Hello kitty ang suot nitong t-shirt at maong na short naman ang pang-ibaba nito.
Sinundan niya ang mga ito. Nang malaman niyang nasa ika-apat na palapag lang din kung saan naroon ang kanyang kapatid ang kuwarto na pinasukan ng kaibigan kasama ang babaeng yumakap dito, bumalik na siya sa kinaroroonan ng kapatid.
Tulog pa rin ang dalaga nang madatnan niya ito. Namamaga ang isang binti nito at may galos din ang braso kanang braso. Pagkaraan ng ilang minuto, binalikan ni Luis ang kinaroroonan ng kaibigan. Hindi siya mapakali sa kanyang nakita. Maraming isipin ang naglalaro sa kanyang isipan.
Alam niyang may namamagitan sa kapatid at kaibigan. Hindi siya tumututol doon. Mas gugustuhin pa nga niya na mapunta sa isa sa kanyang mga kaibigan ang kapatid dahil kilala na niya ang mga ito. Kaya nang malaman niyang may namamagitan sa dalawa kahit hindi pa man nila ito sinasabi, masaya siya, dahil alam niyang nasa mabuting kamay ang kapatid.
Alam ni Luis na mahal ni Hector ang kanyang kapatid. Nakikita niya iyon noon pa man. Nakita niya kung paano pahalagahan ni Hector si Akex. Ni minsan hindi niya nakita ang kaibigan na ganoon ka alaga sa ibang mga babae.
Marami ang naging babae ni Hector. Kaliwa't kanan. Pero hindi iyon naging hadlang upang pagkatiwalaan niya ang kaibigan pagdating sa nararamdaman nito kay Alex. Ramdam niya ang pagpipigil ni Hector sa tuwing nasa paligid lang si Alex. Hanggang sa dumating ang araw na nakita niyang hinalikan ng kaibigan ang kanyang kapatid.
Pinapunta niya si Hector sa bahay nila dahil kailangan niya ang tulong ng kaibigan sa gagawin nitong medical mission sa isang liblib na lugar sa Quezon Province. At si Hector lang ang alam niyang makakatulong sa kanya, dahil ito lang ang may sariling chopper sa kanila.
Masaya siya para sa dalawa. Alam niyang pinipigilan lang ng kaibigan ang espesyal na damdamin para sa kapatid dahil ayaw masira ni Hector ang pagkakaibigan nila.
Ngunit tila yata pinagsisisihan na niyang pinagkatiwalaan pa niya ang kaibigan sa nakita niya ngayon.
Sana nga hindi totoo ang iniisip ko. Sana mali ako.
Ilang hakbang na lang ang layo niya mula sa kuwartog pinasukan ni Hector kanina. Ngunit agad siyang napahinto nang may marinig na nag-uusap mula sa Nurse station na madadaanan niya bago makarating sa kuwarto kung saan pumasok ang kaibigan.
"Papa, iligtas n'yo po si Mama. Ayaw ko pong mawala ang Mama ko!" Rinig niyang sigaw ng babaeng umiiyak.
Nagpatuloy sa paghakbang si Luis na agad din namang napahinto nang makita si Hector sa Nurse station na kausap ang isang babaeng Doctor.Nakayakap din ang batang babae sa kanya habang umiiyak.
Kinabahan si Luis.
Wala siyang ibang nakikita na umiiyak sa Nurse station kundi ang batang babae lang na yumayakap sa kaibigan.
Mabilis na kumubli si Luis at nagmadaling naglakad pabalik sa kuwarto ng kapatid.
Gising na si Alex nang pumasok ang kanyang kuya. Sa pag-aakalang ang kasintahan ang pumasok, agad niya itong tinawag.
"Sweetheart? Ikaw ba 'yan?"
"Ako 'to." Sagot ni Luis pagkatapos maisara ang pintuan.
Natigilan si Alex. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng kapatid. Ang alam niya, pumunta ito sa exhibit ng isa nitong pasiyente.
"Hanggang kailan mo itatago sa akin ang relasyon ninyo ni Hector, ha? Alex? Kailan ka pa natutong maglihim sa akin?"
"Ku---Kuya...."
"Sweetheart---"
Natigilan si Hector sa tangkang paglapit sa dalaga nang makita si Luis na nakatayo sa gilid ng dalaga. Nasa bulsa ng suit nitong pantalon ang dalawang kamay na matamang nakatitig sa kanya.
"Luis! Nandito ka na pala. Mabuti naman at may makakasama na si Alex,"
"Bakit, Hector? May pupuntahan ka?" Tiimbagang tanong niya sa kaibigan.
"May---aasikasuhin lang ako. Babalik din agad ako, Alex," anitong lumapit at dinampian ng halik ang kamay ng dalaga.
"Kailangan nating mag-usap, Hector,"
"Babalik ako at ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat, Luis."
Hindi nagtagal si Hector at agad ding umalis. Naiwan silang magkapatid sa loob ng private room na kinaroroonan ni Alex.
Nanatili itong nakahiga habang umupo naman si Luis sa maliit na sofa na naroon sa paanan ng kapatid. Maya-maya pa, nagsidatingan na rin ang iba pa nilang mga kaibigan.
Kinagabihan, isa sa mga kaibigan ni Luis ang nagbantay kay Alex sa ospital. Hindi pa rin kasi nakauwi ang mga magulang nila at bukas pa ng hapon babalik.
Tinawagan niya si Hector. Niyaya niya itong pumunta sa sarili niyang bahay. Nasa swimming pool sila na parehong nakaupo habang ang mga paa ay naglalaro sa tubig.
"Mahal ko si Alex, Luis," pagsisimula ni Hector pagkatapos buksan at inumin ang beer na ibinibigay ng kaibigan.
"Alam ko." Sagot nito sabay inom din. "Huwag mo lang sasaktan ang kapatid ko Hector. Hindi ako magdadalawang isip na kalimutan ang pagiging magkaibigan natin oras na pinaiyak mo so Alex. Ngayon pa lang, sabihin mo na ang lahat sa kanya. Lahat ng mga bagay na mismong kaming mga kaibigan mo ay hindi namin alam."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong nito.
"Alam mo na kung ano ang ibig kung sabihin. Hindi ko na kailangang sabihin pa sa 'yo kung anu-ano ang mga iyon dahil ikaw ang mas higit na nakakaalam kung ano ang mga iyon."
Gusto ni Luis na kusang sabihin ni Hector sa kanila lalong na kay Alex ang tungkol sa nakita niya. Ayaw niyang saka pa lang sasabihin ng kaibigan ang tungkol doon dahil lang sa sinabi niya.
Mas lumalalim ang naramdaman ng dalawa sa isa't isa. Lalo na dahil alam na ng pamilya ni Alex ang tungkol doon.
Isang linggo na lang at ooperahan na si Alex. Isang linggo naring ang dumaan nang mag-usap ang magkaibigan.
Dumaan pa ang mga araw na hinayaan lang no Luis ang kaibigan at kapatid na kapwa masaya. Ngunit alam din niyang pinipilit ni Hector na maging masaya kapag kasama nito si Alex. Dahil ang totoo, mabigat ang dinadala nito.
Muli niyang kinakausap ang kaibigan.
"Ngayon pa lang, layuan mo na ang kapatid ko, Hector."
"Hindi ko magagawa 'yan, Luis! Mahal ko si Alex at alam mo 'yan!"
"Mahal? Kung totoong mahal mo siya, dapat inayos mo na ang dapat mong ayusin. Mahigit isang linggo na ang nakalilipas, Hector. Pero wala ka pa ring ginagawa. Hindi mo pa rin sinasabi sa kanya ang mga bagay na ngayon pa lang ay dapat na niyang malaman!"
" Hindi kita maintindihan. Ano bang ibig mong sabihin?"
"Alam mo kung ano ang ibig kung sabihin."
Naguguluhan si Hector. Hindi niya maintindihan ang ibig ipahiwatig ng kaibigan. Wala siyang alam na puwedeng maging dahilan na layuan niya ang kasintahan.
Dumating ang araw na nagtipon-tipon ang magkaibigan. Araw iyon ng ika-labing dalawang taong anibersaryo nina Luis at Sophia isang linggo bago ang operasyon ng dalaga.
Nasa Heaven Scent Restaurant sila na pagmamay-ari ng pamilya ni Luis na pinamamahalaan na ni Alex.
Hindi man ito nakakakita, nakuha pa rin nitong patakbuhin ang restaurant. Sa ngayon mas lumago pa ito at magkakaroon na ng isang pang branch.
Itinapon ni Hector ang upos ng sigarilyo kahit hindi pa ito tapos. Ayaw naman talaga niya ang paninigarilyo. Ngunit ng mga oras na iyon, hindi niya alam kung bakit bigla na lang niya kinuha ang sigarilyo na hawak ng kakaibang si Diego. Siguro dahil gusto niyang tikman kung ano ang lasa niyon.
"Naninigarilyo ka na pala ngayon? Alam mo bang bawal magtapon ng basura diyan? May basurahan naman malapit sa 'yo."
Bumuntong-hininga si Hector. Hindi na niya kailangan pang lumingon upang makilala ang may-ari ng pinakamalamig na boses na narinig niya sa tanang buhay niya.
"Tinikman ko lang. Mapait pala," nakapamulsa ang dalawang kamay na sagot niya saka sinulyapan ang kaibigan na nakatayo na rin sa tabi niya.
"Sumunod ka sa usapan natin, Hector. Lalayuan mo si Alex, pagkatapos ng operasyon niya."
Bago ang anniversary celebration ng kaibigan, muli siyang kinausap ni Luis. Wala siya sa katinuan ng mga sandaling nag-uusap sila. Gulong-gulo ang isip niya dahil sa nalalapit din niyang pag-alis.
"Nasubukan mo na ba ang manigarilyo, Luis?" tanong niya rito sa halip na sagutin ang tanong nito. " Mapait, masakit sa ilong ang usok. Hindi ka makakahinga nang maayos."
"Ano'ng kinalaman ng sigarilyo sa paglayo mo sa kapatid ko?" kunot-noo na tanong niya rito.
"Sa oras na layuan ko ang kapatid mo, para na rin akong tumikim ng sigarilyo sa unang pagkakataon. Masakit, Luis. Iniisip ko pa lang na hindi ko na siya makikita sa mga susunod na araw, buwan at taon, sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga. Ikamamatay ko iyon, Luis. Ikaw ang mas nakakaalam niyan dahil minsan ka nang iniwan," bahagyang pumiyok na saad ni Hector. Pinahid niya ang mga luhang kanina pa niya pilit na itinatago.
Ayaw niyang lumayo kay Alex pero wala siyang magawa. Ayaw niyang tuluyang masira ang pagkakaibigan nila ni Luis. Mahal niya si Alex. Sigurado siya roon. Ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganoon sa isang babae.
"Kilala kita, Hector, kaya gusto kong layuan mo ang kapatid ko. Gusto kita bilang kaibigan. Pero ibang usapan na pagdating kay Alex. Ayaw kong balang araw, makikita kong umiiyak siya nang dahil sa 'yo. Nang dahil sa mga babae mo." Mariing saad niya sa huling mga salita.
Hindi na sumagot pa si Hector. Kahit ano'ng paliwanag ang gagawin niya, balewala rin. Sarado na ang utak ni Luis. Hindi rin naman niya ito masisisi. Kung siya rin naman siguro ang nasa kalagayan ng kaibigan at may kapatid na babae, po-protekhan din niya ito sa mga lalaking katulad niyang playboy
Dumating ang araw ng operasyon ni Alex. Kompleto ang pamilya at mga kaibigan nila maliban kay Hector.
Nasa ospital din si Hector ng araw na tatanggalin na ang mga bendahe sa mga mata ng nobya. Nasa labas lang siya ng pintuan at naghihintay na may lumabas mula sa loob. Hindi nagtagal, lumabas na ang mga doctor. Masaya ang mga ito dahil nakakakita na raw ulit ang pasiyente.
Tumayo na siya ang naglakad papalayo.
"Paalam sweetheart. Mami-miss kita. I love you."
Dumaan ang mga araw na iyak lang nang iyak si Alex. Hindi niya makita si Hector. King saan-saan na niya ito hinahanap ngunit niya ito matagpuan. Hindi rin siya pinayagang makapasok sa opisina ng lalaki dahil wala raw ang lalaki at hindi nila puwedeng sabihin kung nasaan ito.
Lagi siyang nagkukulong ng kuwarto. Miminsan na rin itong hindi kumain na ikinabahala ng kanyang pamilya.
"Ang daya mo! Ang sabi mo, ikaw ang una kong makikita oras na tanggalin na ang bendahe sa mga mata ko. Ano'ng nangyari? Nasaan ka na....! Hector!" Humagulgol na tawag niya sa lalaki.
Pagkalipas ng ilang buwan, muling nagkrus ang landas ng dating magkaklase at mag-bestfriend.
Niligawan si ni Khen. Sinagot niya ang binata sa kagustuhang makalimutan n nang tuluyan si Hector.
Wala siyang itinago kay Khen. Sinabi niya ang lahat ng tungkol kay Hector. Tinanggap ng binata ang tungkol sa relasyon nila ng lalaki.
Naging napakabait ni Khen sa kanya. Alam niyang unfair siya sa lalaki dahil kahit ano'ng pilit niyang ibaling kay Khen ang nararamdaman para kay Hector, mas lalo lang niyang naramdaman ang pagmamahal sa dating nobyo.
Two years later, hindi na naagapan pa ang sakit ng ina ni Jazz. Stage 4 na ang cancer nito.
"Umuwi na lang tayo, Hector. Gusto kong sa Pilipinas ako bawian ng buhay. Gusto ko ring humingi ng tawad kay Alex dahil kinuha ka namin sa kanya," anito.
Nasa bahay sila ni Hector sa New York kung saan siya dinala ng lalaki upang ipagamot.
"Ano pa ang silbi ko bilang ama ni Jazz kung hindi ko man lang kayo matulungan? Para saan pa ang pagiging magkaibigan natin kung hindi kita tutulungan?"
"Ngunit nasasaktan ka Hector. Gabi-gabi kitang nakikitang umiiyak mag-isa. Akala mo lang natutulog ako pero hindi. Gabi-gabi rin kitang binabantayan gaya ng pagbabantay mo sa akin. Nasasaktan ka. Nami-miss mo siya,"
"Magkikita pa kami, Riza. At sana may pag-asa pang maayos namin 'to. Sana nga hindi pa huli ang lahat,"
"Sana nga Hector. Ipinapanalangin ko na sana maayos n'yo ang lahat. Sana mabigyan ulit kayo ng pagkakataon na maisaayos ang lahat sa inyong dalawa."
Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik na ng Pilipinas sina Hector sakay ng kanyang private plane.
Pagkaraan ng dalawang araw, muli niyang isinugod sa ospital si Riza na hindi nagtagal ay binawian na rin ng buhay.
Itutuloy ______
Salamat po sa lahat ng mga sumusuporta sa kuwento ko.
God bless us all!
Love...Love...
iamdreamer28
❤❤❤