CHAPTER TWO.. PARA PO

1007 Words
Pagbaba ko ng bus ay sumalubong agad ang init ng paligid sa akin, malamig kasi sa loob ng bus kaya naman pinagpawisan na ako habang naglalakad papunta ng terminal ng jeep pauwi sa bayan namin. May nag-aalok na buhatin ang dala ko ngunit tinanggihan ko at hindi naman ako nabibigatan sa kaunting dala ko. Nakita ko ang karatula ng jeep at sumakay ako dito dahil papunta ito sa amin. Isang oras ulit na akong uupo bago makarating sa amin. Nakakatuwa isipin na naririto akong muli sa aking bayang sinilangan. Halos sampong taon na mula ng ako ay lumisan dito sa probinsya para mag aral sa Maynila, dati kasi tuwing bakasyon lang ako lumuluwas ng Maynila at tumutuloy ako sa aking tiya na nakatira doon dahil may sariling bahay ito doon. At noong nakatapos na ako ng high-school ay ipinasya na ng magulang ko na doon na din ako magaral ng college at hindi ko naman tinutulan pa. Doon na rin ako nakahanap ng maganda at permanenteng trabaho ng makatapos ako ng kolehiyo. Hindi ko na din naisipan pang umuwi noon dahil taon taon akong dinadalaw ng aking mga magulang at kapatid. "Ericka, para sayo oh" sabi ni Richard habang inaabot sa akin ang isang kumpol ng camachile . "Richard naman, pupurgahin mo ba ako sa puro kamachile, wala bang iba jan" ang nasabi ko dito habang hindi ko pa kinukuha ang camachile sa kanyang kamay. "Eh Ericka, alam mo naman na pinaghihirapan ko itong makuha para sa iyo, tignan mo nagsugat sugat na nga ang kamay ko sa pag akyat at alam ko namang paborito mo ito, saka matamis itong nakuha ko," Wika nito sabay na ipinapakita ang kamay na may sugat at ang isang kamay ay kumakamot ng ulo. Oo nga pala napaka hirap kumuha nito lalo na pag mataas ang puno madaming mga tinik kang mahahawakan bago ka makaakyat at makakuha ng bunga nito. " O sige na nga, Thank you My Richard" ang sabi ko dito at Tila nagningning ang mga mata nito at sumilay ang ngiti nito sa labi sa aking sinabi. "Welcome, my Ericka!" sabi din nito na ikinakilig ko. "Hayaan mo Ericka, sa susunod bibili ako ng siomai, paborito mo 'yon diba" nakangiting wikq nito. Hawak kamay kaming tumayo at naglakad kami papunta sa may kubo dito sa tabi ng ilog. Dito kami madalas tumambay lalo na tuwing sabado at linggo. Inumpisahan na namin kainin ang camachile na dala nito. Binalatan ni Richard ang mga nakuha niyang bunga at tinanggal ang mga buto nito nilagay sa plastic na dala. Ibinigay niya sakin iyon at kinuha ko naman. Napakasweet talaga nito. Sa totoo lang hindi ako nagsasawa dito kahit pa minsan nakakabara ng lalamunan,minsan lang kasi sa isang taon ito kaya sinusulit ni Richard ang pagkuha nito kapag may bunga na at may hinog na sa puno. Sixteen years old lang si Richard, fourth year high school noon at ako naman ay fifteen years old 3rd year high school , nang umamin sa akin si Richard na gusto niya ako. Kaya pala lagi niya akong inaabangan sa bahay para sabay kami sa pagpasok sa school at sabay din kami umuwi. Natutuwa ako sa kanya dahil lahat ng assignments ko at projects sa school ay siya ang gumagawa. Minsan din tinuturuan n'ya ako sa ibang subject na hindi ko alam. Matalino kasi ito. Kaya nga kahit pa paano mataas ang grado ko sa school. Halos lahat ng kaklase kong babae ay kinikilig tuwing dumarating ito para sunduin ako lalo na at may dala ito palaging bougainvillea para sa akin na hindi ko alam kung saan niya kinuha. Hindi ko na din napigilan ang aking sarili na mahulog dito. Kahit parang aso't pusa kami noong mga bata ay nagtiyaga pa rin ito sa akin. Kaya naman sa halos tatlong buwan na pagliligaw niya sa akin ay sinagot ko na siya. At hindi mapagsidlang kasiyahang nadarama niya na makikita sa kanyang mga mata. Masayang masaya ito pati na rin ako. Ang mga magulang namin ay magkaibigan at malapit lang naman ang bahay nila sa amin kaya lagi naman ito pumupunta sa aming bahay. Hindi nila alam ang aming inililihim na relasyon. Itinago lang namin dahil baka pagalitan kami ng mga ito dahil masyado pa kaming kung tutuusin sa ganitong relasyon. Napapangiti nalang talaga ako sa aking sarili sa mga alaala n iyon, napakabata pa namin noon. Paano kaya kung kami pa rin hanggang ngayon? Ang natanong ng aking isip. Napasubsob ako sa gilid ng aking kinauupuan, ang madiing tapak sa preno ng driver ang nagpa balik sa akin sa kasalukuyan, "Kuya, dahan dahan naman po" sabi ko habang hawak ang noo. "Pasensya na miss, may dumaan kasing kambing eh baka masagasaan ko kaya nagpreno ako bigla. " pag hihingi nito ng dispensa. Napatingin ako sa may bintana ng jeep at nabaling naman ang mga mata ko sa gilid ng kalsada, madami ngang mga kambing na dumadaan at iniangat ko ang aking tingin sa poste at nakita ang karatula ng aming baryo. " Welcome Brgy. Talasur" ang nakasulat dito. "Malapit na ako" natutuwa kong sabi sa sarili. Ang magandang tanawing muli kong nasisilayan. Malalawak na bukirin, na palay ang tanim. Ilang minuto pa ang nagdaan, Nang matawan ko na ang lumang tarangkahan ng aming bahay. "Para... Para po Manong!" ang mabilis na sabi ko sa driver ng jeep. Dahan dahan naman itong tumigil sa harapan ng aming gate. Nagmamadali man ay dahan dahan kong inayos ang aking mga dala. Pinaabot ko ang mga ito nang makababa na ako. Tila nangnining ang aking mga mata dahil sa labis na kasiyahan. Muli akong makakatapak sa aming tahanan. Napakagaan sa kalooban dahil sa matagal na panahon na aking pag alis ay nandito akong muli. Hindi ko tuloy mapigilang ang pangingilid ng luha sa aking mga mata. Sobrang naliligayahan ang aking puso sa oras na ito. Marami tuloy akong naisip na bagay na gusto kong gawin at mga pagkain na gusto kong kainin pagdating ko dito. Pumapalakpak na nga ang aking tainga sa tunog ng pagbukas ko ng aming gate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD