CHAPTER THREE.. ANG KAHON

1254 Words
Humakbang na ako papasok sa loob nito, napatingin ako sa mga nagtatayugang mga puno sa paligid, nakakatuwa isipin na ang dating tanim na nakapaligid doong maliliit na puno ng mangga ngayo'y malalaki na at may mga bunga pa, manggang kalabaw ito kung tawagin. Ilang mabilis na hakbang pa ng aking paa ay nakaharap na ako sa aming tahanan. Napakalaki na pala ng pinagbago ng bahay namin. Mas naging moderno na ayos nito katulad ng ibang bahay sa Maynila. Pinalawak ito at pinataas ang bubong. Mukha din itong bagong pintura dahil sa tingkad ng kulay ng mga pader nito na nakakasilaw sa mata. Madami din iba't ibang uri ng halaman na tanim sa may gilid ng aming bahay. Ang mommy ko talaga masasabi kong certified plantita dahil sa dami ng halaman. "Hmmm bakit wala man lang ako nakasalubong," ang pagtataka ko, "sa bagay, hindi naman nila alam na uuwi ako" nasabi ko nalang sa aking sarili habang naglalakad papalapit na sa aming tahanan. Malapit na ako sa terrace ng may tumili sa aking likuran. "A-ate Ericka..Ate Ericka!" sigaw ng aking bunso ng kapatid na si Carey. Nakita pala ako nito. Dalawa lang kaming magkapatid, walong na taon lang ang tanda ko dito. Mabilis itong humakbang pumunta sa akin at yumakap ng mahigpit. "Ate,miss na miss na kita sobra, ang tagal mong hindi umuwi. Ate bakit ngayon kalang umuwi?" maluha luha pa nitong sabi sa akin. "Ikaw namn Carey! Lagi naman tayo nagtatawagan ah, saka lagi din naman tayong nagvivideo call!" natatawang sagot ko na lamang dito. Feeling kasi nito naka isang dekada na kami na hindi nagkikita eh, noong nakaraang taon lang naman nagbakasyon ito sa Maynila sa aking tinitirhan. " Si Ate naman! Iba pa rin yong personal na nakikita at naha hawakan ka diba! At saka talaga naman na ngayon kalang umuwi dito sa atin eh! " medyo nagtatampo nitong sabi. 'oo nga pala, seven years old palang si Carey noon nung umalis ako dito pero lagi naman ito kasama sa pagbisita sakin kaya alam ko na ang ugali nito' sabi ko sa aking sarili. " Sige na nga, I miss you my baby sister!" sabi ko dito at mahigpit na niyakap kong muli. "Ate naman, dalaga na ako I'm 17 na kaya. Magdedebu na ako diba? " Maarte nitong sabi. "hmmm ikaw talaga Carey," ginulo ko ang buhok nito at niyakap ko muli ito. "Teka lang asan si Mommy at Daddy?" tanong ko nang kumalas ako sa pagkakayakap dito. Kinuha nito ang aking dala, napatigil ako sa pagbaba ng aking bag dahil may narinig akong ingay na alam kong nagmumula sa likod ng aming bahay. Mga nagkwekwentuhan at nagtatawanan. "Ay oo nga pala ate, si mommy nasa kitchen, nagluluto. Si Daddy naman ayon nakikipag inuman sa likod bahay," Dere-deretso nitong sabi. "Nakikipaginuman? Sino naman kainuman?" Tanong kong muli dito. "Ah si Kuya John ate, at si Kuya Richard, kadarating lang nung nakaraang linggo galing Canada. Kada uwi kasi nun, pumupunta dito iyon at inaaya naman lagi ni Daddy mag inum para matikman daw nila ang pasalubong nitong alak ." paliwanag nito sa akin. Tila may bumundol sa aking dibdib ng marinig ko ang pangalan iyon. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Parang may tumatambol dito na hindi ko napigilan ang kamay ko na natumapat sa aking dibdib. Nais ko sanang pigilan ang kabog sa dibdib ko ngunit hindi ko alam kung paano. " T-talaga? Si R-Richard? " medyo nauutal ko pang nasabi na hindi ako makapaniwala. "Oo nga talaga ate! Lagi nga kaming may pasalubong galing sa kanya eh," kinikilig pang sagot ni Carey. Oo nga pala nasabi nito sa akin noon na kinukuha siya ng kanyang Uncle sa ibang bansa para pag aralin. Hindi ko na kasi ito kinausap at hindi na nagpakita dito mula noong nakipaghiwalay ako sa kanya. "Dumadalaw pa rin pala sya dito sa amin kahit wala ako, sabagay naging malapit talaga ito sa pamilya ko itinuring na rin kasi ng magulang ko ito bilang anak" nabulong ko nalang sa sarili. Pinili ko nalang manahimik kahit na gustong gusto kong magtanong tungkol kay Richard. Pinipigilan ko ang aking sarili at alisin na lamang ito sa aking isip. Inalalayan ako ni Carey papasok ng aming bahay. Namangha akong muli dahil sa ayos nito sa loob, napaka aliwalas tignan nito kahit hindi man ganun ka mamahalin ang mga bagay na nakadisplay dito. "Carey anak, can you help me t--" naputol ang sinabi ni mommy paglabas nito sa kusina nang makita ako. "Ericka! You're here! " mabilis itong tumungo sa akin at yumakap sa akin. "Why you didn't told us you're going home ? " tanong agad sa akin ni mommy ng bumitaw sa aming pagkakayakap. "Mommy naman pwede po bang magtagalog nalang tayo, Umay na umay na ako sa kaka English sa opisina eh, doon may penalty pag mag tatagalog eh dito naman wala po.. " natatawa kong sabi kay mommy na nagpakunot ng noo nito. Pero maya maya ay tumatawa na din ito. "Miss na kita mommy ko," muli akong yumakap dito. "Hay naku ikaw talaga Ericka, miss na din kita anak ko" medyo naiiyak na sabi ni mommy sa akin. "Oh anak, kumusta ba biyahe mo, sinupresa mo naman kami, wala ka naman sinabing darating ka, sigurado pagod ka sa byahe mo, nagugutom ka na ba, teka maghahanda muna ako ng makakain mo ha, alam kong pagod ka magpahinga ka muna sa kwarto mo," hindi magkandaugagang sabi ni Mommy. " Carey asikasuhin mo muna a ng ate mo. " " Yes mommy" ang tugon nito. Sinamahan ako ni Carey sa dati kong kwarto. Malinis ito at napakaaliwas ng kulay rosas na pintura. Natutuwa naman ako dahil kahit nagbago ang itsura ng bahay namin pati ang kwarto ko ay nandoon pa rin ang mga lumang gamit ko na naiwan ko at hindi tinapon. Iniwan muna ako mag isa ni Carey at may gagawin ito. Ibinilin ko rin ang mga pasalubong ko dito na ibigay sa pamangkin at pinsan namin. Inasikaso ko muna ang aking dalang gamit at inilagay ng maayos sa walang lamang cabinet na para bang nakalaan dahil bago pa ito. Matapos kong maiayos ang aking dala ay nagbihis na din ako.Nakakatuwa na kasya pa rin ang ibang damit ko sa akin. Maya maya pa ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na hanapin ang isang bagay na pinakakatago ko noon. Madali ko naman itong nahanap sa isa pang lumang cabinet. Inilabas ko agad ito at naupo sa gilid ng kama. Isa itong maliit na kahon. Kung titignan mo ito parang malapit na itong masira,pero kahit pa paano ay buo pa din. Binuksan ko ito, nandoon pa din ang mga maliliit bagay na itinago ko noong nagaaral pa ako. Napatingin ako sa mga ito. Naalala ko kung paano ko ito pinahalagahan noon. Napatingin sa lumang notebook na natatabunan ng ibang nakalagay doon. Binuksan ko iyon, naalala ko akong may inilagay ako dun at nakita ko nga ang isang tuyo't na tuyo't na maliit na tangkay ng bougainvillea. Wala na itong dahon at bulaklak dahil nadurog na ito at nahalo sa pahina ng notebook. Napangiti na lamang ako ng maalala na ito ang pinaka unang binigay ni Richard na bougainvillea sa akin noong nag-umpisa siyang manligaw. Napasandal ako sa gilid ng kama. Muling kong ibinalik iyon sa loob ng notebook. Naitapat ko ito sa aking dibdib at napapikit ako. Hindi ko din namalayan na may nangilid na luha ko sa magkabilang mga mata ko. Alam ko naman, sa sarili ko na hindi ko na maibabalik pa ang dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD