CHAPTER 07

1618 Words
TAMA nga si Liam. Kinabukasan, lumipas ang maghapon ay wala siyang natanggap na tawag mula kay Miss Sally. Hindi na rin siya nagtangka pang bumalik sa opisina ng mga ito dahil mag-aaksaya lang siya ng energy at pamasahe. Ipagpapasa-Diyos na lang niya ang panloloko ng mga ito sa kapwa. Ang araw na iyon din ang araw kung kailan kakausapin nila ang may-ari ng boyslive.com. Sa video call daw nila ito makakausap at hindi daw ito nagpapakita ng mukha. Kahit si Liam ay walang idea kung ano ang hitsura ng tao sa likod ng boyslive.com. Basta, alam lang nito ay lalaki ito at ang tawag nila dito ay Big Boss. Nalaman daw ni Liam ang tungkol sa boyslive.com dahil sa isa nitong kakilala na nagtatrabaho doon. Inaya daw nito si Liam na maging performer at nang pumasa ito kay Big Boss ay doon na nag-umpisa ang trabaho ni Liam. Nasa harapan silang dalawa ng laptop. Nakaupo sila sa kama nito. Kakausapin na kasi sila ni Big Boss. Hinihintay lang nila na mag-online ito sa Skype. Kinakabahan siya. Bukod sa trabahong papasukin niya ay dahil din kay Big Boss. Paano kung hindi siya nito magustuhan? Ito na lang ang pag-asa niya para kumita ng malaki. Maya maya ay nag-online na si Big Boss. Agad itong tinawagan ni Liam sa pamamagitan ng video call. Isang lalaki na nakasuot ng maskarang itim ang bumungad sa kanila. Tanging bibig, ilong at mata lang ang kita dito. Talagang napaka misteryoso ng pagkatao ni Big Boss. “Good morning, Liam. Siya ba iyong sinasabi mo sa akin?” Malalim ang boses nito. Ngunit halatang may ginagamit ito upang magbago ang boses. Alam ni Earl na hindi iyon ang natural na boses ni Big Boss. “Good morning din, Big Boss! Opo, siya po si Earl Piamonte. Na-send ko na po sa email niyo 'yong resume niya. Nakita niyo na po ba?” “Yes. Pwede bang iwanan mo muna kami ni Earl, Liam. Gusto kong makita kung papasa ba siya bilang isang performer sa boyslive.com.” “Okay po, Big Boss.” Habang papaalis si Liam ay nagtama ang kanilang mga mata. Parang sinasabi nito na huwag siyang kabahan. Isinara nito ang kurtina at narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng apartment. “Earl…” “P-po?” Nate-tense talaga siya. Hindi niya alam kung paano magre-relax ngayong kausap na niya si Big Boss at silang dalawa lamang. “Sinabi na ba sa iyo ni Liam kung anong klase ng trabaho ang papasukin mo?” “O-opo. Nasabi na po niya sa akin lahat.” “Very good. Ngayon, titignan ko kung pasado ka ba bilang performer. Hubarin mo lahat ng damit mo.” Hindi na nagulat si Earl sa inutos ni Big Boss. Nasabi na sa kanya ni Liam ang lahat ng gagawin niya. Walang pag-aalinlangan na naghubad siya sa harapan ng webcam. Inuna niya ang kanyang damit, sunod ay ang shorts at brief. Wala siyang itinira. Kahit isa. “Nice… Tumayo ka at gusto kong makita ang buong katawan mo.” Sumunod siya. Tumayo si Earl at inayos ang webcam kung saan makikita doon ang buong katawan niya. Pinaikot siya nito nang mabagal. Matapos iyon ay umupo ulit siya. “Maganda ang katawan mo. Smooth… Pero I suggest na mag-gym ka para magkaroon ka ng muscles. Gusto iyon ng mga watchers natin.” “Sige po, Big Boss. Sasama na po ako kay Liam sa paggy-gym sa susunod.” “Ngayon, gusto kong patigasin mo ang ari mo. Gusto kong makita kung gaano ba iyan kalaki.” Napalunok siya. Alam na rin niya na gagawin niya ito pero ngayong nasa actual na siya ay parang hindi niya kaya. Earl, para ito sa pamilya mo. Isipin mo lang sila… Nang maisip niya iyon ay nawala kahit papaano ang alinlangan niya. Umayos siya ng pagkakaupo at bahagyang bumukaka sa harap ng webcam. Hinimas niya ang kanyang p*********i at nag-isip ng bagay na makakapagpatigas niyon. Tila biro naman na pumasok sa imahinasyon niya si Liam habang nagsasarili ito. Mabilis na tumigas ang kanyang ari. Lumaki iyon at nakita niya ang ngiti sa labi ni Big Boss. “Wow! Malaki pala ang kargada mo, Earl. Sige, tanggap ka na. Ite-text ko sa number mo ang username at password na gagamitin mo. Mamayang gabi ang first night mo bilang performer sa boyslive.com! Welcome, Earl!” Halos maluha siya sa sobrang saya. Hindi niya inaasahan na matatanggap siya. “S-salamat po, Big Boss!!!” “May bank account ka na ba?” “Wala pa po.” “Gumawa ka na ngayon para mai-send ko na doon ang paunang bayad na ten thousand pesos. I-send mo agad sa akin ang account number mo once na makagawa ka na.” “Opo!” Nalula siya sa sinabi nitong ten thousand pesos. Malaki na ang maitutulong niyon sa tatay niya na nasa ospital. “Okay. Bye, Earl.” “Bye po. Salamat po ulit!” Pagkasabi niya niyon ay nawala na sa kabilang linya si Big Boss. Pinunasan niya ang nagbabantang luha sa kanyang mga mata. Agad siyang nagbihis at lumabas. Kulang na lang ay yakapin niya si Liam nang makita niya ito sa labas. Sinabi niya dito ang magandang balita at maging ito ay natuwa para sa kanya. “Kailangan ko daw gumawa ng bank account, e. Sabi niya.” “Madali lang iyon. May dalawang ID ka naman siguro diyan at baranggay clearance, 'di ba? Kahit debit card na lang kunin mo para mas mabilis. Hindi na kailangan no’n ng passbook.” “Okay lang ba na samahan mo ako, Liam? Wala kasi akong alam sa ganiyan.” Natatawang inakbayan siya ni Liam at hinila papasok ng apartment. “Sasamahan naman talaga kita. Kailan ba naman kita pinabayaan, ha? Tara na. Magbihis na tayo para makapunta na tayo sa banko,” anito. -----***----- MASAYA at hindi makapaniwala si Earl nang makita niya sa ATM ang laman ng account niya sa banko. Tumataginting na sampung libong piso. Natutuwa siya dahil wala pa nga siyang ginagawa ay may bayad na agad siya. Ayon kay Liam ay every month ang payout kaya malaki-laki minsan ang kinikita nito dahil halos gabi-gabi itong nagsho-show. Kung ganoon din daw ang gagawin niya ay malaki rin nag kikitain niya. Agad na ipinadala ni Earl ang buong sampung libo sa pamilya niya. Ang problema lang niya ay wala siyang gagamiting laptop. Ngunit sadyang mabait si Liam. Siya daw muna ang magshow mamayang gabi para masanay siya sa trabaho nila. Anito, sa unang payout niya ay laptop agad ang bilhin niya. Unang gabi ng pagtatanghal ni Earl bilang performer sa boyslive.com. Kinakabahan siya habang nakaharap sa laptop at nakatutok sa kanya ang webcam. Bukas ang ilaw at nasa gilid niya si Liam pero hindi naman ito hagip ng camera. Nandoon ito para mag-mentor sa kanya. Ito ang magtuturo sa mga dapat niyang gawin dahil first time pa lang niya ito. Online na siya sa kanyang public chatroom. HotMorenoEarl ang username niya. Patagilid siyang nakahiga habang nakaangat ang kalahati ng katawan. Wala siyang suot na pang-itaas at ang pang-ibaba niya ay boxers shorts. Hinihimas-himas niya ang kanyang bukol habang nakatingin sa webcam gaya ng utos ni Liam sa kanyan kanina. Dapat daw ay maging kaakit-akit siya, dapat daw ay makakuha agad siya ng “suki” para may siguradong kita na agad siya kapag nag-o-online siya. Hi, handsome! You’re cute… Show us your d**k! Ilan lang sa mga nababasa niyang chat sa kanya. “Huwag mo silang pansinin. Ang dapat mo lang pansinin ay 'yong kulay red ang username dahil may credits sila. Sila 'yong may kakayahan na i-private ka. Doon ka lang kikita,” anito. Sinulyapan niya ito at tumango siya. Tumipa siya sa keyboard: Let’s go private. I’ll show my d**k. Latino69: Let’s go private, Earl. Earl: Okay… Cli-nick niya ang username ni Latino69 at nag-private na sila. Ito lang ang nakakapanood sa kanya. Latino69: Now, show me what you got! Sinenyasan siya ni Liam. Pinahuhubad nito sa kanya ang kanyang boxers na ginawa naman niya pero kinakabahan at naiilang siya habang ginagawa iyon. Nakakailang dahil pinapanood siya ni Liam. Latino69: Nice d**k. Make it hard. Hinimas-himas niya ang kanyang p*********i hanggang sa tumigas iyon. Walang ekspresyon ang mukha niya. Latino69: You’re stiff! You are like a stone! Latino69: I’m just wasting my credits to you! BYE! Nawala na sa private room niya si Latino69. Five credit coin lang ang napunta sa kanyang wallet at nanlumo siya dahil doon. Hindi niya nagawang patagalin ang panonood sa kanya. Aminado naman siya na tama naman ito sa sinabi nito. Nahihiyang nag-sorry siya kay Liam. “Okay lang. Ganiyan din ako no’ng una pero masasanay ka rin kapag nagtagal. Mag-log out ka muna at may ipapakita ako sa iyo.” Umusog ito sa tabi niya matapos niyang mag-log out. Isinuot niya ulit ang boxers at tumabi dito. “Parang hindi ko yata kaya, Liam…” “'Wag mong sabihin iyan. Para alam mo ang gagawin mo, ganito… Ako muna ako mag-o-online at ikaw naman ang manonood sa akin. Pag-aralan mo ang gagawin ko, okay?” Napalunok si Earl sa sinabi ni Liam. Kung alam lang nito, napanood na niya ito habang nagsho-show. Iyon nga lang iba ngayon dahil may pahintulot na nito. Hindi na niya kailangan pang manilip. “S-sige. Kung iyon ang gusto mo.” Malamig naman pero bigla siyang pinagpawisan. Umayos na ng upo si Liam sa harap ng laptop habang siya ay umupo sa pwesto nito kanina sa gilid. Ewan niya pero nakakaramdam siya ng excitement sa mga susunod na mangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD