CHAPTER 08

1717 Words
NAPAINOM ng isang basong tubig si Earl dahil nanuyo nang husto ang kanyang lalamunan nang matapos si Liam sa pagla-live show. Mas matindi ang naramdaman niyang init ng katawan dahil malapitan niya itong nakita hindi gaya noong dati na naninilip lang siya. Pinag-aralan niya ang bawat galaw ni Liam. Ang paraan nito ng pakikipag-chat, ang pagpungay ng mga mata upang maging kaakit-akit at ang pagliyad ng katawan. Lahat ng iyon ay minemorya niya. “Ano? Alam mo na ba gagawin mo?” tanong ni Liam sa kanya habang nagbibihis ito. “Oo. S-salamat. Ang dami kong natutunan sa iyo. Hayaan mo sa susunod, alam ko na gagawin ko. Kahit huwag mo na akong turuan.” Mabilis naman kasi siyang matuto lalo na at nanonood. Gaya na lang no’ng sa restaurant nang mag-train siya bilang waiter. Natulog na sila pagkatapos. Ganoon pa rin. Sa sahig si Earl at sa kama si Liam. Kinabukasan ay maagang nagising si Liam dahil sa isang tawag sa cellphone nito. Naulinagan ni Earl na si Big Boss ang kausap nito. Nang matapos nang mag-usap ang dalawa ay tumayo si Liam at tinapik siya sa braso. “Bakit?” tanong niya. “Kailangan nating mag-usap. Tungkol sa boyslive.com.” Agad namang bumangon si Earl. “Anong tungkol do’n?” “May bagong project si Big Boss. Gusto niya na magkaroon ng couple performer sa boyslive.com at isa tayo sa napili niyang maging mag-partner.” “Ano ba 'yong couple performer?” “Magpe-perform tayong dalawa. Isang account pero doble ang bayad. Parang kapag solo ka din, lahat ng iuutos ng watcher ay susundin natin. Mas okay ito kasi bukod sa doble ang bayad, pabor pa sa iyo. Pwedeng ako ang magdala ng live show natin kasi baguhan ka pa lang. Tapos, isang laptop lang kailangan natin. Hindi mo na kailangang bumili ng sa iyo.” Mukhang maganda nga iyon. Makakatipid na siya. Pero bigla siyang may naisip. Napalunok ng laway si Earl. “Ibig din bang sabihin no’n ay… kailangan nating mag-s*x?” Bigla siyang kinabahan. Kung oo, mahihirapan pa rin siya kahit may ka-partner siya. Wala pa siyang karanasan sa pakikipagtalik lalo na sa kapwa niya lalaki. “Oo. Kung iyon ang gusto ng watcher. Pero 'wag kang mag-alala, Earl. Kaya nating i-fake ang pagsi-s*x natin. Akong bahala. Ano? Maggo-go na ba ako kay Big Boss?” Dalawang beses siyang tumango. “Okay. Go na.” Wala na rin naman siyang pagpipilian. Tinawagan ni Liam si Big Boss upang kausapin. Sinabi nito na okay na kanila na maging couple performer sila. “Ayos na! Mamaya daw ay ise-send na sa atin iyong username at password natin. At mamaya na rin ang first night natin bilang couple performer kaya kailangan nating maghanda para wala nang ilangan mamaya.” “Maghanda? Paano?” “Halika.” Hinila siya ni Liam paupo sa ibabaw ng kama. Kinuha nito ang laptop at tumabi sa kanya. Napapitlag siya nang magdikit ang kanilang mga braso. Napatingin siya dito habang may pinipindot ito sa laptop. Mas gwapo pala ito sa malapitan. Makinis ang mukha at ang ganda din ng hugis ng ilong nito. Biglang napalingon sa kanya si Liam na ikinataranta niya. “'Wag ka nga sa mukha ko tumingin, dito sa laptop. Mamaya ma-fall ka niyan sa akin, e!” Alam niyang biro lang iyon pero nag-init ang magkabila niyang pisngi. Itinutok na lamang niya ang mata sa laptop. Nagulat siya nang makita sa screen niyon ang isang gay website kung saan may mga videos ng mga lalaki na nagtatalik. “Kailangan mong manood ng ganito para may idea ka sa mga gagawin natin. Hindi naman ganyang exactly kasi nga dadayain natin…” Tumango lang siya. Pumili si Liam ng isang 15-minute gay s*x video. Dalawang lalaki na nagtatalik sa magandang kwarto. Ang akala niya ay mandidiri siya sa mapapanood ngunit hindi. Lihim pa nga siyang nag-init sa pagtatalik ng dalawang lalaki. Naimagine na niya na silang dalawa iyon ni Liam. Matapos ang unang video ay nanood pa sila ng isa pa. At nang matapos ang pangalawa ay mas lalo siyang na-excite sa pagla-live show nila mamaya ni Liam. Normal pa ba itong nararamdaman ko? Humahanga at nalilibugan ako kay Liam? Lihim na tanong niya sa kanyang sarili na hindi rin naman niya masasagot. Hindi kaya tama si Bon sa sinabi nito na katulad din siya nito-- isang bakla? Bakla na nga ba siya dahil nae-excite siya sa gagawin nila ni Liam mamaya? Naguguluhan siya. First time niya itong naramdaman sa kapwa niya lalaki. Kay Liam lamang. Ipinatong ni Liam ang kamay nito sa balikat niya. “Basta, trabaho lang ang gagawin natin. Walang personalan. Saka, isipin mo na lang iyong malaking pera na maipapadala mo sa pamilya mo. Malaking tulong ito sa iyo at sa pamilya mo, Earl…” anito. “Sige. Handa na ako. Pero parang medyo naiilang pa rin ako. W-wala pa kasi akong karanasan sa kapwa ko lalaki. Kahit nga sa babae, wala pa rin, e…” Napayuko siya dahil nahiya siya sa kanyang inamin kay Liam. Mahinang napatawa si Liam. “Gusto mo bang mawala ang pagkailang mo sa akin?” “Oo. Paano?” “Magshower tayo. Sabay.” “Ano?!” Napamulagat siya. “Yes. Magshower tayo nang sabay.” Nauna naitong tumayo. Walang babala na naghubo’t hubad ito sa harap niya at pumunta sa banyo. Nakita nitong nakaupo at nakanganga pa rin siya kaya naman binalikan siya nito at inutusang maghubad. Naghubad na rin si Earl. Nanginginig hindi dahil sa lamig kundi dahil sa tensiyon ang katawan niya nang nasa loob na silang dalawa ng banyo at nakatapat sa shower. “'Wag kang magsasalita. Hayaan mo lang ako na gumalaw. Sumunod ka lang… hayaan mong kusang gumalaw ang katawan mo, Earl,” sabi ni Liam bago nito buksan ang shower. Malamig ang tubig na yumayakap sa katawan nilang dalawa ngunit hindi iyon ramdam ni Earl. Mas ramdam pa niya ang init ng singaw ng katawan ni Liam. Inumpisahan nitong haplusin ang pisngi niya habang magkahinang ang kanilang mga mata. Doon pa lang ay unti-unti nang nabuhay ang kanyang p*********i. Ganoon kalakas ang epekto sa kanya ni Liam. Pinilit niyang i-relax ang sarili upang mawala ang kanyang panginginig. Umangat ang isang kamay niya at nag-landing iyon sa batok nito. Hinila niya ito palapit sa kanyang mukha hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. Kusa nang gumagalaw ang katawan niya base sa gusto nitong gawin. Parang may bombang sumabog sa pagitan nilang dalawa nang maglapat ang kanilang mga labi. Nawala na sila sa kanilang mga sarili. Naging agresibo na ang galaw nila lalo na ni Liam. Isinandal siya nito sa dingding habang naghahalikan. Naglaban ang kanilang mga dila, nagsalo ang kanilang mga laway. Akala mo ay mga asong gutom sina Earl at Liam. Napasinghap si Earl nang bumaba ang labi ni Liam sa leeg niya. Sinibasib nito ang parteng iyon ng kanyang katawan kung saan malakas ang kanyang kiliti. Mariin siyang napahawak sa magkabilang balikat ni Liam dahil pakiramdam niya ay mabubuwal na siya. Paminsan-minsan ay tumatama sa binti niya ang naghuhumindig na ari ni Liam na mas lalong nagpapadagdag ng init na nararamdaman niya. Muling tumaas si Liam at hinuli ang kanyang labi. Ang sarap nitong humalik. Ang lambot ng labi nito. At ang bango ng hininga. Hinawakan ni Liam ang isa niyang kamay at dinala nito iyon sa matigas nitong p*********i. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakahawak siya ng ganoon bukod siyempre ang sa kanya. Kusang gumalaw ang kamay niya. Hinimas. Nagtaas-baba iyon. Napaungol naman si Liam. Napayakap na ito sa kanya habang pinaglalaruan niya ang p*********i nito. Maya maya ay inalis na nito ang kamay niya doon. Pinatay na nito ang shower. Inabutan siya nito ng tuwalya ngunit nakatulala siya. Tapos na? Tapos na! Nabitin siya. Gusto pa niya sanang ipagpatuloy pero baka naman makahalata si Liam na gusto niya ang ginawa nila. Sabi nga nito, trabaho lang iyon, walang personalan. “Ano? Naiilang ka pa ba?” tanong nito. “H-hindi na…” Hindi na nga siya naiilang pero nabitin naman siya. Parang gusto niya tuloy magpalabas upang mawala ang pananakit ng kanyang puson. “Mabuti naman. Magiging maganda ang performance natin nito mamayang gabi. O, 'wag kang magpapalabas. I-save mo iyan para mamaya!” Kinuha nito ang tuwalya sa kanya nang matapos na siyang magpunas. Napamaang siya habang sinusundan si Liam sa paglabas nito ng banyo. Nabasa ba nito ang iniisip niya? -----***----- WOW, Liam! Ano 'yon? Ano 'yon?! sigaw ni Liam sa kanyang sarili habang sinasabunutan ang buhok. Nakalabas na siya ng banyo habang nakatapis ng tuwalya. Napaupo siya sa gilid ng kama. Nakayuko habang nakatingin sa sahig at nag-iisip. Muntik na. Muntik na siyang mawala sa kanyang sarili kanina. Muntik na siyang tangayin ng init ng kanyang katawan. Gusto na niyang ituloy-tuloy ang ginagawa nila kanina ni Earl sa banyo kanina. Mabuti na lang at napigilan niya ang kanyang sarili. Napatingin siya pinto ng banyo na nakabukas. Hindi pa rin lumalabas si Earl doon. “Gusto ko na ba siya? Parang… iba na yata ang nararamdaman ko kay Earl…” bulong niya. Bigla siyang napatayo nang lumabas na si Earl sa banyo. Wala itong saplot na kahit na ano dahil kinuha nga pala niya ang tuwalya. Sa unang pagkakataon ay nag-iwas siya ng tingin dito. Siya naman ang tila naiilang kay Earl dahil sa naramdaman niya dito kanina. Sa gilid ng kanyang mata ay nakita niyang kumuha ng tuwalya si Earl para tuyuin ang sarili nito. “Salamat nga pala, Liam. Hindi na ako naiilang. Galingan natin mamaya, ha!” anito. Nakangiti pa talaga. “Ah, oo…” Iyon lang ang sagot niya dito. Tumayo siya upang kumuha ng damit. Sabay silang nagpalit ng damit at nagluto na sila ng almusal. Habang sinasangag ni Earl ang kanin ay nagpi-prito naman siya ng hotdog. Magkatabi lang sila sa pagluluto at may mga pagkakataon na nagdidikit ang kanilang mga braso. Tila may maliliit na boltahe ng kuryente siyang nararamdaman kapag nagkakadikit sila. Tinitignan niya si Earl nang palihim at mukhang siya lang ang apektado. Parang wala lang dito na nagkakadikit sila. Talaga ngang nawala na ang pagkailang nito sa kanya. Nalipat naman sa kanya. Hay, Earl… buntunghininga niya sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD