CHAPTER 11

1716 Words
NAGPATULOY ang pagsho-show nina Earl at Liam sa boyslive.com. Sobrang saya ni Earl na ngayon ay kumikita na siya nang malaki at natutustusan na niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya sa probinsiya. Pinahinto na niya ang mga magulang sa pagtatrabaho bagkus ay nagtayo na lang sila ng sari-sari store doon. Hindi naman malaki ang cost of living sa probinsiya nila kaya kayang-kaya na niyang solohin ang gastusin ng kanyang pamilya. Simula rin nang kumita na siya ng pera ay natuto na siyang pangalagaan ang kanyang sarili. Nakakabili na siya ng maayos na damit. May mga product na rin siyang pinapahid sa kanyang mukha at balat upang gumanda iyon. Sumasama na rin si Earl kay Liam sa gym upang magpaganda ng katawan. Every Sunday ay naroon sila palagi. Ngunit may isang napansin si Earl kay Liam. Tila mas naging malapit ito sa kanya at overprotective. Iyong tipong ayaw nitong may ibang lumalapit sa kanya lalo na sa gym. Katulad ng Linggong iyon, nasa gym sila ni Liam. Gabi na. Iniwan siya nitong nagba-barbell bench press dahil naiihi ito. Isang gwapong lalaki ang lumapit sa kanya na ipinagtaka niya. “Bro, mali ang hawak mo sa barbell,” sabi sa kanya ng lalaki. Ibinaba niya ang barbell. “Ha? Paano ga?” tanong niya. “Ganito. Humiga ka nang maayos…” Sinunod naman niya ang lalaki sa sinabi nito. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at ipinatong sa hawakan ng barbell. Tinulungan pa siyang itaas-baba ang barbell habang hawak nito ang kanyang kamay. Kahit nakahawak sa kamay niya ang hindi kilalang lalaki ay wala lang iyon sa kanya. Alam niya kasi na tinutulungan lang siya nito dahil mali yata ang ginagawa niya kanina. “Nice!” sabi sa kanya ng lalaki pagkatapos. Umupo na si Earl at nagpunas ng pawis. “Salamat, bro!” aniya. “By the way, ako nga pala si Sam. Ikaw?” Inabot niya ang nakalahad nitong kamay at nakipag-shake hands. “Earl…” “Bago ka lang dito sa gym na ito, 'no? Ngayon lang kita nakita, e.” “Ah, oo. Noong nakaraang linggo lang ako nagsimula dito. Nayakag ako ng isang kaibigan.” “Hmm… Alam mo, pwede kang sumama sa akin. Hang out tayo minsan. Can I get your number?” Inilabas nito ang cellphone na nasa bulsa ng suot nitong short. Walang pag-aalinlangan na sasabihin na sana ni Earl ang cellphone number niya nang biglang dumating si Liam. Madilim ang mukha nito na nakatingin kay Sam. Hinawakan siya nito sa kamay at hinila patayo. “Hindi mo ibibigay sa kanya ang number mo, Earl. Lets go!” Nagtaka siya dahil hinila siya ni Liam palayo kay Sam. Dire-diretso sila sa locker room na kadugtong lang ng shower area. “Bakit mo naman ako hinila? Hindi ko pa naibibigay sa tao number ko, e,” aniya nang bitiwan siya nito. “Uuwi na tayo.” Malamig ang boses ni Liam. Parang galit. “Ala e, hindi pa nga ako nakakapag-shower. Saka bakit ba?” Biglang humarap sa kanya si Liam. Nabigla siya at napasandal sa locker. Itinuo ni Liam ang dalawang kamay sa locker kaya napagitnaan niyon ang kanyang mukha. “Ganiyan ka ba talaga, Earl? Konting bola, ibibigay agad ang number?! Hindi mo ba napansin na type ka ng tarantadong iyon?!” Pasigaw na sabi nito. Tumatama ang mabango at mainit na hininga ni Liam sa mukha niya. Maang na napakurap siya nang maraming beses. “Ang sabi lang naman niya ay isasama niya ako sa hang out. Saka bakit ba ikaw ay nagagalit diyan?” Nagtatakang tanong ni Earl. Ngayon lang niya nakitang ganito si Liam sa loob ng ilang buwan na magkasama sila. Tinitigan niya ang mata nito. Tama ba ang nakikita niya doon? Selos? Bakit? “Hindi ako nagagalit!” sigaw nito sa kanya. “Anong hindi? E, sumisigaw ka--” “Hindi sabi!” “Galit ka kaya--” “Nagseselos ako!” Kapwa sila natigilan nang sabihin iyon ni Liam. Ilang segundong katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Parang naririnig niya ang malakas na t***k ng puso nilang dalawa sa sborang tahimik. Napalunok si Earl ng laway. Bigla siyang pinanuyuan sa sinabi ni Liam. “B-bakit…” Bahagyang bumuka ang kanyang bibig para magsalita. “Bakit ka nagseselos?” “Dahil mahal kita!” Seryoso at direstong sabi nito sa kanya. “Pucha, Earl, mahal kita kaya ako nagkakaganito! Manhid ka ba? Hindi mo ba ramdam, ha?! Mahal kita! Mahal kita!” “P-pero parehas tayong… lalaki.” “Wala akong pakialam! Basta mahal kita!” Bigla siyang sinibasib ng halik ni Liam sa labi. Sa pagkakataong iyon ay naging marahas ang halik nito. Agresibo at parang may hinahanap. Siya naman ay nagpaubaya na lang. Gusto rin naman niya iyon. Masarap humalik si Liam. Subok na niya ito dahil sa halos gabi-gabi nilang pagla-live show. Ngunit iba ang halik nito ngayon. Marahas ngunit masarap. Sandali nitong inihawalay ang labi nito sa kanya. Tinitigan siya nito sa mukha. Parang may gusto itong sabihin na hindi nito masabi. Maya maya ay hinalikan ulit siya nito at napahawak sila sa batok nito. Kusang gumalaw ang mga paa nila papunta sa shower area. Saktong walang katao-tao doon. Pumasok sila sa isang cubicle at isinara iyon. Doon ay nagawa nilang hubarin ang lahat ng saplot nila habang naghahalikan. Umupo sa bowl si Liam at isinubo nito ang medyo malambot pa niyang pagkakalalaki. Hindi ito tumigil hangga’t hindi iyon tumitigas. Binayo nito iyon at muling isinubo na para bang isa itong hayop na gutom na gutom. Napapapikit at tingala si Earl sa sobrang sarap. Makiliti ngunit may napakasarap na sensasyon na hatid ang bibig ni Liam sa kanyang p*********i. Pigil niya ang kanyang ungol sa takot na baka may makarinig. Tinignan niya si Liam at ang ginagawa nito. Nagtama ang mata nila habang subo nito ang sa kanya. Napaka sexy nitong tignan. Mas lalo tuloy siyang sinilaban ng apoy. Maya maya ay mas naging mabilis ang galaw ng bibig ni Liam. Unti-unti ay nararamdaman na niya na malapit na siya. Napahawak na siya sa balikat ni Liam at dumiin doon ang kanyang kuko. Naramdaman siguro ni Liam na lalabasan na siya kaya iniluwa nito ang kanyang ari at binayo iyon hanggang sa labasan siya. Tumalsik ang kanyang katas sa dibdib nito. Matapos iyon ay iniwanan siya nito sa loob ng cubicle at narinig niya ang lagaslas ng tubig. Sinilip niya ito at nakita niyang nagsha-shower na ito. Nakatalikod sa kanya at hubo’t hubad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na mahal siya ni Liam. Oo, nararamdaman na niya na tila alanganin ito pero ang mahalin siya nito? Naiisip niya iyon minsan ngunit imposible. Siya na galing sa isang mahirap na pamilya, isang probinsiyano? Ngunit ngayong umamin na ito ng nararamdaman nito para sa kanya, ano naman kaya ang nararamdaman niya para dito? Kinapa niya ang kanyang puso. Masaya siya kapag kasama si Liam. Kumportable siyang ipakita dito kung ano siya nang walang pag-aalinlangan. Parang hindi niya kayang lumipas ang isang araw nang hindi ito nakikita at nakakausap. Ibig bang sabihin niyon ay mahal na rin niya ito? Bakla ba siya at nararamdaman niya ito sa kapwa niya lalaki? Noong nasa probinsiya siya ay hindi niya inisip na may kakaiba sa kanya kahit hindi siya nakakaramdam ng atraksiyon sa mga babae kahit anong ganda o sexy pa nito. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang ma-attract at sa kapwa pa niya lalaki. Marahil, tunay ngang mahiwaga ang pag-ibig. Mahirap itong intindihin minsan. At lalong mahirap kalabanin. Huminga nang malalim si Earl at marahang naglakad sa nakatalikod na si Liam. Tinawag niya ang pangalan nito. “Pasensiya ka na sa nangyari. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Straight ka nga pala kaya isang katangahan ang pagmamahal kong ito sa iyo, Earl. K-kung aalis ka sa apartment dahil dito, maiintindihan kita. Walang kaso iyon--” Mula sa likod ay bigla niyang niyakap si Liam. Napahinto ito sa pagsasalita. Idinikit niya ang isang pisngi sa likod nito. Dama niya ang init ng katawan ni Liam kahit bumubuhos sa katawan nila ang malamig na tubig mula sa dutsa. “Hindi ako aalis. Ngayon pa na alam kong mahal mo ako? Isa pa… sa tingin ko hindi naman talaga ako straight, Liam. Aaminin ko, pinagpapantasyahan kita noong una kong makita na nagla-live show ka. Sinisilipan kita noon. Akala ko libog lang ang nararamdaman ko sa iyo pero habang tumatagal… iba na. Nalilito ako. H-hindi ko alam ito. Wala akong alam sa ganitong pakiramdam dahil ngayon ko lang ito naramdaman, Liam. Pero, isa lang ang sigurado ako… ayokong mawala ka sa buhay ko!” Pagkasabi niya niyon ay humarap si Liam sa kanya. Namumula ang mata at umiiyak. “Mahal mo rin ako?” tanong nito sa kanya. Hawak ang magkabila niyang pisngi. Mabilis siyang tumango habang nakangiti. Sa sobrang saya ni Liam ay niyakap siya nito bigla. Mahigpit at tila ayaw na siyang pakawalan pa. Gumanti rin siya ng yakap dito. Wala na siyang pakialam kung parehas man silang lalaki. Ang importante ay ang nararamdaman nila sa isa’t isa. Kumalas si Liam sa pagkakayakap upang halikan siya sa labi nang mabilis. “Totoo ba na mahal mo ako? Baka sinasabi mo lang iyan dahil sa utang na loob mo sa akin, ha.” “Hindi, Liam. Wala akong alam sa pag-ibig pero alam kong mahal kita. Hindi ito dahil sa mga naitulong mo sa akin kundi dahil ito talaga ang nararamdaman ko.” “Salamat, Earl! Alam ko, may dahilan kung bakit ikaw ang nakapulot ng wallet ko. Sabi ko sa sarili ko, may dahilan iyon. Hindi pwedeng wala!” “At ang dahilan na iyon ay para pagtagpuin tayong dalawa… at magmahalan!” Napatawa ito bigla sa sinabi niya. “Medyo corny…” “Ah, corny pala, ha!” Kinabig niya sa batok si Liam at hinalikan ito sa labi. Nagulat sila at nagkahiwalay nang may biglang dumating na lalaki na mukhang magsha-shower dahil nakatapis ito ng tuwalya. “Ano ba?! Get a room!” Naeeskandalong sigaw ng lalaki sa kanila. Napahiya ngunit natatawang umalis sina Earl at Liam sa shower area. Agad nilang tinuyo ang kanilang mga sarili, nagbihis at umuwi na sa kanilang apartment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD