CHAPTER 15

1633 Words
FIFTEEN minutes na ang nakakalipas simula nang umalis si Earl at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Prenteng nakaupo pa rin si Liam sa harap ng TV at natatawa. Saan naman kaya hahanap ng puno ng buko si Earl dito sa Maynila? Sigurado siyang mahihirapan ito nang husto. Pwes, dito niya talaga masusubukan ang sinasabi nitong gagawin nito ang lahat. Baka kasi puro salita lang ito. Isa pa, masyado naman yata siyang easy kung sa kaunting lambing nito ay papatawarin niya agad ito sa panlolokong ginawa nito sa kanya. Gusto niyang maramdaman ni Earl na hindi madaling ibalik ang tiwala niya. Trust ang sinira nito kaya magdusa ito! Nakataas ang dalawang kamay na tumayo siya at pasigaw na nagsalita. “Wala kang mahahanap na puno ng buko dito, Earl! Isinusumpa ko--” Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Earl. Nalaglag ang panga niya nang makita niyang may bitbit itong dalawang buko. “'Andito na ako at may dala na akong buko na fresh from the tree!” Nagmamalaking sabi pa nito. Dumiretso ito sa may lababo at kinuha ang itak sa ilalim niyonn. Inumpisahan na nitong balatan ang buko habang siya ay hindi makapaniwala kung paano at saan ito nakakuha. Isa pa, ang bilis nitong makabalik. Inaasahan niya na bukas pa ito makakabalik ng apartment. “S-saan ka kumuha niyan? At paano ko malalaman na fresh from the tree nga iyan, ha?” tanong ni Liam. “Ang dali naman kasi ng pinapagawa mo. Nakalimutan mo na bang may puno ng niyog na dalawa diyan sa kapitbahay? Nakiusap ako na kung pwedeng humingi ng bunga. Nagbayad lang ako ng singkwenta tapos ako na rin ang umakyat. Sanay naman ako sa pag-akyat ng puno ng niyog dahil ako ay laking Batangas!” Nakangiti nitong isinalin ang sabaw ng dalawang buko sa baso. Naawa naman siya nang makita niya na marumi ang damit nito at may kaunting galos pa sa braso. Nakuha siguro nito ang mga iyon sa pag-akyat. Iniabot ni Earl ang baso sa kanya. “O, uminom ka na para matanggal ang uhaw mo.” Pa-cute na kumindat pa si ito sa kanya. Napasinghap siya sa ginawang iyon ni Earl. Effective pa rin talaga sa kanya ang ka-cute-an nito. Wala pa rin itong kupas. Sabagay, mahal pa rin naman niya talaga si Earl. Iyon nga lang, kailangan niya itong tiisin sa ngayon. Tinignan niya ang baso. Pati pala sa kamay ay may galos din ito. Huminga siya nang malalim sabay irap nang kaunti. “Sa tagal mo, uminom na lang ako ng tubig. Sa iyo na iyan!” Gusto pa niya itong pahirapan. Gusto niyang ibalik dito ang sakit na naramdaman niya dahil sa panloloko nito. “Ha? E, kinuha ko nga ito para sa iyo…” bagsak ang balikat na sagot ni Earl. “Uminom na nga ako, 'di ba? Hindi na ako nauuhaw.” Tinalikuran na niya ito at bumalik sa panonood ng TV. Sinulyapan niya ito at nakita niya na malungkot na itinabi nito ang baso na may lamang sabaw ng buko. Nilinis nito ang pinagbalatan at itinapon iyon sa basurahan. -----***----- KATATAPOS lang maligo ni Liam. Matutulog na kasi siya dahil medyo malalim na ang gabi. Paglabas niya ng banyo ay nakita niya si Earl na nasa harapan ng laptop. Sinenyasan siya nitong lumapit at nakita niya na naka-online na ito sa boyslive.com gamit ang couple perfromer account nila. Pinanlakihan niya ito ng mata dahil wala siyang balak na mag-show na kasama ito. “I-log out mo na 'yan. Kung gusto mong magshow, 'yong solo account mo ang gamitin mo!” Naiinis na turan niya. “Hindi pwede. Naka-private na tayo kay Daddy4u, o…” Inginuso nito ang laptop. Wala na siyang pagpipilian. Ayaw naman niyang madisappoint ang suki nila na iyon kaya pumwesto na siya sa tabi ni Earl. Nagdikit ang kanilang mga braso at napaigtad siya. Ewan niya pero simula nang malaman niya ang kalokohan nito, parang nandidiri na siya dito. Iniisip pa lamang niya na may ibang taong tumikim sa katawan ni Earl ay tumitindig na ang kanyang balahibo. Daddy4u: Nandiyan ka na pala, Liam. Na-miss ko kayong dalawa na magkasama. EarLiam: Sorry. Medyo nagkaroon lang ng kaunting problema… Siya na ang nag-type. Daddy4u: Kung anuman iyon, mukhang okay na naman kayo. 'Di ba, Earl? Tumango si Earl. Napansin niya na parang hindi totoo ang ngiti nito. Parang pilit na hindi niya mawari. Daddy4u: So, umpisahan niyo na. Pero iba ang gusto ko ngayon. EarLiam: What do you want? Daddy4u: Gusto ko ng kakaibang palabas. 'Yong entertaining! Daddy4u: Roleplay. Alam ni Liam ang sinasabi nito. EarLiam: Anong gusto mong i-roleplay namin ni Earl? Daddy4u: Master and slave. Ikaw ang slave, si Earl ang master. I’ll instruct kung ano ang gagawin niyong dalawa. EarLiam: Medyo mahirap ang pinapagawa niyo. We’ll do it pero promise us na magdo-donate ka sa amin ng extra credits. Ang pagdo-donate ng credits ay posible sa boyslive.com. Parang tip ito in real life. Kapag natuwa sa iyo ang watcher, pwede siyang magdonate ng credit sa iyo. Daddy4u: Sure! EarLiam: Deal? Daddy4u: Deal! EarLiam: Ano ang gusto mong gawin namin? Daddy4u: Earl, itali mo si Liam sa bed. Nagkatinginan sila ni Earl. Poker face lang siya habang ito ay worried na worried ang hitsura. Mukhang makakaganti ito ngayon sa pang-aapi na ginawa niya dito kanina, a. Siya ang dehado sa live show na ito dahil ang role niya ay slave. Kumuha si Earl ng tali at itinali na siya nito sa kama. Nakahiga siya habang parang palakang nakabukaka ang mga paa at kamay. Hubo’t hubad na silang dalawa ni Earl. Kinakabahan siya dahil first time niyang gagawin ito. Daddy4u: Upuan mo sa dibdib si Liam at pagsasampalin mo siya, Earl. EarLiam: Pero masasaktan siya. Daddy4u: Iyon nga ang gusto ko. Kaya nga ikaw ang master, 'di ba? Kita niya ang pag-aalinlangan sa mukha ni Earl. Mukhang nagdadalawang-isip na ito sa pinapagawa sa kanila ni Daddy4u. Tumingin ito sa kanya na para bang humihingi ng permiso. Tumango siya. “Gawin mo na ang lahat ng gusto niya para matapos na ito.” Malamig na sabi niya. Kumilos si Earl. Inilagay nito sa side table ang laptop at bahagyang inilayo iyon upang makita ni Daddy4u sa video ang gagawin nilang dalawa. Umupo na ito sa dibdib niya at nagtama ang mga mata nila. Daddy4u: Sampalin mo na si Liam, Earl. Malakas at sunud-sunod! Inihanda na ni Liam ang kanyang sarili. Inisip niya ang malaking perang kikitain nila kapalit ng kakaibang palabas na ito. Hindi malakas ang unang sampal na dumapo sa pisngi niya. Kontrolado ni Earl ang paglapat ng kamay nito. Daddy4u: I know hindi iyon malakas. Kung hindi niyo kaya, sabihin niyo lang! “Lakasan mo!” gigil na bulong niya. “Ayokong saktan ka…” “Sinaktan mo na ako, 'di ba? Sisiw na lang ito sa iyo. Lakasan mo ang sampal.” “Hindi ko kaya…” umiling si Earl. Tumiim ang bagang ni Liam. Malakas niyang hinila ang tali sa isa niyang kamay. Naputol ang tali. Kinalagan niya ang isa pa niyang kamay at isinunod ang mga paa. Daddy4u: Hey. Anong ginagawa mo, Liam? Humarap siya sa laptop at nagreply. EarLiam: Hindi namin kaya. Bye. Ni-log out na niya ang account nila at nagbihis. Sa gilid ng kanyang mata ay nakita niyang nakayuko si Earl at parang malungkot. “Sorry, Liam. Hindi ko talaga kaya na saktan ka.” Sarkastikong napangiti siya dito. “Wow! 'Yong panloloko mo, sinaktan mo na ako dahil doon. Ano pang bago, Earl? Sayang! Pera na iyon, e! Hindi mo naman pala kaya!” Pumunta siya sa may lababo upang maghilamos. Nakasunod sa kanya ni Earl. Pagharap niya ay sinalubong siya nito. “Hindi kita niloko! Kahit kailan hindi kita magagawang ipagpalit sa iba dahil mahal kita!” “Bago ka pa lang sa ganitong uri ng relasyon, Earl. Ako, hindi na. Kaya 'wag kang mag-expect na maniniwala ako sa ka-s**t-an na sinasabi mo! Hindi niloko? Hindi ipagpapalit? E, anong tawag sa ginawa mo? Bored ka lang? Pasalamat ka nga at hanggang ngayon nandito ka pa rin sa apartment ko sa kabila ng ginawa mo sa akin!” Hindi na niya napigilan ang pagsambulat ng kanyang emosyon kaya nasabi niya lahat ng iyon. “Hindi kita niloko. May dahilan ako kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon.” Humakbang si Liam ng isa paunahan. Pinagsalikop niya ang kanyang mga braso. “Sige nga. Ano ang dahilan mo, Earl? Sabihin mo. Makikinig ako!” hamon niya. Ilang segundo ang lumipas pero hindi ito nakapagsalita. Pagak na tumawa siya. “O, bakit hindi ka makapagsalita? Kasi wala naman talagang reason na maganda. Nalibugan ka lang at hindi ka nakuntento sa akin kaya ka naghanap ng iba. Sinasayang mo lang ang oras ko. Diyan ka na nga!” Tinalikuran na niya ito. Bumalik siya sa kama at inayos iyon saka siya nakhiga. Patagilid na humiga si Liam kaya hindi niya namalayan na nahiga sa likod niya si Earl at yumakap ito. “Sorry na, Liam…” Siniko niya ito nang mahina. “Ano ba? Ayokong katabi ka!” Pilit niyang inalis ang braso nito na nakapulupot sa kanya. “Liam, please…” Suminghot ito. Mukhang umiiyak na si Earl. Pero hindi siya nagpadala sa pag-iyak nito. Inalis niya ang kamay nito sa kanya sabay layo. “Simula ngayon, doon ka na ulit sa sahig matutulog! Ayokong makatabi ka. Okay?!” bulyaw niya. “Liam--” “Earl, kung gusto mong manatili dito, sundin mo ang rules ko! Nagkakaintindihan ba tayo?! 'Wag mo nang ipilit pa ang hindi na pwede!” Wala nang nagawa si Earl nang sumigaw na siya. Malungkot itong bumaba ng kama at kinuha ang gamit nito sa pagtulog sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD