bc

Billionaire Series 4 - -Wicked Temptation

book_age18+
14
FOLLOW
1K
READ
dark
fated
playboy
badboy
sweet
office/work place
like
intro-logo
Blurb

|🔞R-18 | ⚠️Matured Content| Completed |

This is a work of fiction. Names, Characters, Business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Tahimik akong nakikinig sa prof ko na nag di-discuss sa harap namin. Malapit na ang ojt namin at iniisip ko kung saan ako mag o-ojt. Kasabay ko sana ang kaibigan kong si Mae pero tinulungan siya ng papa niya na makapasok sa isang opisina at do'n mag ojt. Kaya ako nalang mag-isa ang maghahanap. Kahapon ko pa 'to iniisip dahil malapit na ang umpisa ng ojt. Natigil ako sa pag-iisip ng may tumapik sa balikat ko. Lumingon ako sa classmate kong si Lourdes at nakitang nakatingin siya sa 'kin. "Ano yun?" Mahinang bulong ko dahil baka marinig kami ni prof. Baka tawagin pa ako sa harap at ipa-explain pa sa 'kin ang topic namin today. Wala pa naman akong maintindihan dahil pinoproblema ko talaga kung saan ako mag o-ojt. Sabi kasi samin ay kami na ang bahala kung saan kami pipili. "Hindi ka parin ba nakakahanap?" Tanong niya sa mahinang boses. "Wala pa nga eh. Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya. "Meron na. Kasama ko sila Kristine, siguro nasa sampung katao kami. Buti nga tinanggap pa kami eh," sagot niya kaya napanguso ako. "Buti pa kayo." Sabi ko saka bumuntong hininga. "Nasubukan mo ba sa mayor office? Pwede do'n, Eliza. Ang alam ko ay wala pang nag aaplay for ojt do'n. Try mo kaya." Sabi sa 'kin ng classmate ko. Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya. Gusto ko sana do'n, yun talaga ang first choice ko dahil bagay na bagay sa kurso nami. Pero sa t'wing naiisip ko ang mayor ay napapaatras ako. Ayaw ko kasi sa mayor na yun. Ewan ko ba pero lahat ng kapitbahay namin ay gwapong-gwapo sa kanya ako lang yata ang hindi. Maging ang mga classmate ko ay pinapantasya siya. Aaminin kong gwapo naman talaga si Mayor Aivann Kym Valdemar. Pero talagang ayaw ko lang sa ugali niya. Ayaw ko din sa porma niya na akala mo'y gangster na mayor. Para kasi siyang hindi mayor sa porma niya. Medyo masungit din ang mukha niya at may hikaw din ito sa ilong niya. Maangas talaga ang datingan niya kaya talagang ayaw ko sa kanya. Siya ang unang mayor dito samin na bata. Sa edad kasi na 28 years old ay naging mayor na siya. Yung iba kasi ay matatanda na. Lagi din siyang nanalo pagdating sa eleksyon. Siguro dahil gwapo siya kaya madaming bumuboto sa kanya. Pero aaminin ko naman na marami naman siyang nagawa sa bayan. Magaling din siya kaya lahat ng tao ay hindi inaasahan na mahusay siyang mayor. Siya ang kauna-unahang mayor na naisipang maglagay ng tulay para hindi mahirapan ang mga ibang estudyante na tumatawid pa sa ilog para makapunta lang sa paaralan. Pero kahit ganun hindi ko parin magawang hangaan ang mayor na yun. Napabuntong hininga ako habang pinag-iisipan kung do'n nalang ba ako sa mayor office. Siguro kapag wala na talaga akong choice saka lang ako lalapit para mag aplay for ojt. Susubukan ko munang maghanap ng iba. Baka may mas maganda at komportble ako. Three months din kasi mahigit ang ojt namin kaya dapat talaga mamili ako ng maayos. Natapos ang klase namin kaya agad akong lumabas ng classroom. Mag-isa lang akong naglalakad habang hinahaplos ang batok ko. Kanina pa kasi sumasakit 'to, siguro ay anemic na naman yata ako dahil ang tagal kong matulog sa gabi. Ang dami kasing projects na dapat kong tapusin dahil malapit na ang deadline. Mag-isa akong naglalakad sa covered walk habang nakakasalubong ang iba pang mga estudyante. Mabuti nalang at last subject ko na. Konti nalang kasi ang subject ko dahil graduating na ako. Maaga pa naman para uwuwi kaya balak kong mag ikot-ikot muna sa City. Baka sakaling may mahanap akong kompanya na tumatanggap ng ojt. Nakarating ako sa gate ng school at agad lumabas. Lumapit ako sa nakaparadang trycle at agad sumakay. Sinabi ko lang kay manong kung saan ako magpapahatid. Inayos ko pa ang suot kong uniform kong skirt para hindi makita ang legs ko kapag humangin. Pina-usad na ni manong ang tricycle kaya tahimik lang akong nakamasid sa labas. Kinuha ko muna ang cellphone ko para mag send ng message kay mama. Para hindi niya ako pagalitan kapag late akong umuwi mamaya. Alam na alam pa naman niya ang uwian ko. Mahirap na baka mapalo pa ako ng hanger. Nakarating ako sa City at agad na inabot ang pamasahe kay manong. Bumaba ako ng tricycle niya saka ako naglakad-lakad. Bahala na talaga kung saan ako mapunta. Ang mahalaga ay makahanap ako. Palinga-linga ako sa kalsada para tumawid sa kabilang kalsada. Nang makita kong walang sasakyan ay agad akong tumawid. Bawat building ay tinatanong ko ang guard kung tumatanggap ba sila ng ojt. Ngunit, madami na daw ang nag ojt sakanila ang iba naman ay may limit lang daw ang tinatanggap nila. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Dapat talaga maaga akong naghanap, eh 'di hindi sana ako nahihirapan ngayon. Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa isang park. Napagdesisyonan ko nalang muna na tumambay muna. Para naman hindi sayang ang pamasahe ko. Nagugutom na din ako kaya naisipan kong lumapit sa isang tindahan do'n at bumili ng chichirya at softdrinks. Nang makabili ako ay umupo ako at mag-isang kumakain. Pinapanood ko lang ang mga batang naglalaro sa damuhan. May mga jowa ding nag da-date kaya napangiwi ako. Hindi naman sa naiingit ako pero ayaw ko lang makakita ng mga couple na nagda-date sa harap ko. Halata namang mga bata pa sila dahil sa suot nilang uniporme na pang high school. College na ako pero hindi ko talaga naranasan magka boyfriend. Hindi ko kasi priority ang mga ganung bagay. Madaming nanliligaw sa 'kin sa school pero walang nakakapag pasagot sa 'kin. Naiinis lang ako sa t'wing sinasabi nila na may gusto sila sa 'kin, kesyo gusto daw nila akong ligawan. Sumubo nalang ako ng chips saka ibinaling ang tingin ko sa mga batang naglalaro sa damuhan. Ganun lang ang ginagawa ko hanggang sa may marinig akong tumikhim sa tabi ko. Agad akong lumingon at halos mabilaukan ako sa kinakain ko ng makita ako ang lalaking ayaw kong makita. Napaubo ako kaya dali-dali niyang kinuha ang sofdrinks na nasa tabi ko at inabot yun sa 'kin. Tinanggap ko naman at agad na uminom. Nakahinga ako ng maluwag ngunit bigla ding napalitan ng kaba ng makita kong titig na titig sa 'kin si Mayor Aivann. Hindi ko lubos maisip na makikita ko siya ng ganito ka lapit. Kapag nakikita ko kasi siya ay kapag nangangampanya lang siya sa mga baryo. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa mukha niya. Nakakaingit ang kutis niya, ang puti. Wala din 'tong pimples kahit isa, hindi katulad sa 'kin na may tatlong tigyawat. Bigla tuloy akong nahiya at agad nag iwas ng tingin. Yumukod ako para igalang si mayor. "Magandang hapon po, mayor." Bati ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot kaya nag-angat ako ng tingin at nakita siyang titig na titig sa 'kin. Bigla ko tuloy naisip na baka may dumi ang mukha ko. Nakakahiya naman. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko kaya narinig ko ang mahinang tawa ni mayor. Natulala na naman ako dahil ang sexy pakinggan ng tawa niya. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako na sexyhan sa tawa ng lalaki. Yung mga classmate kong mga lalaki ay para kasing tanga kong makahalakhak. "Done admiring me?" Tanong niya kaya natigilan ako. Napakurap-kurap ako ng ilang beses at agad nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam pero uminit ang magkabilaang pisngi ko. Bakit kasi ako nakatulala. "College student?" Tanong sa 'kin ni mayor. "Ahm.. yes po, mayor." Magalang kong sagot. Bigla namang sumeryoso ang mukha niya na hindi ko alam kung bakit. "How old are you?" Tanong niya sa 'kin. "Twenty one po, mayor." Magalang ko paring sagot. "I see." Sagot niya habang tumatango. Nakatitig lang ako sa kanya at pinagmasdan ang buhok niyang kulay brown na may highlight na gray. May hikaw din 'to sa isang teynga niya kaya hindi talaga aakalain na mayor ang lalaking 'to. "Ojt?" Bigla niyang tanong sa 'kin kaya nanlaki ang mga mata ko. Paano kaya niya nalaman na mag o-ojt ako. Hindi ako sumagot at nakatitig lang kay mayor. Tinaasan naman niya ako ng kilay kaya napangiwi ako. "P-Paano mo po nalama—" "Dahil sa ID mo," pagpuputol niya sa sasabihin ko kaya bumaba ang tingin ko sa suot kong school id. Bigla kong tinago ang mukha ko sa id. Nahihiya akong yumuko at halos murahin ang sarili ko. Hindi ko man lang naisip na nakasuot pa pala ako ng id. Ang chaka ko pa naman sa id ko. Nakakahiya! "Mayor Valdemar!" Biglang may tumawag kay mayor kaya nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang para makaalis na siya. Kanina pa ako napapahiya sa katangahan ko eh. Tumayo si mayor mula sa pagkakaupo saka pinagpagan ang suot niyang pantalon. Tumingin ako sa kanya para magpaalam. Nakakahiya naman kung hindi ako magpaalam sa kanya or mag ba-bye man lang. "Kung naghahanap ka, pwede kang lumapit sa munisipyo. Kailangan ko ng secretary dahil nag leave ng three months ang secretary ko." Bigla niyang sabi kaya natigilan ako. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil umalis na ito sa harapan ko. Pilit kong iniisip ang sinabi ni mayor. Hindi ko tuloy alam kung tatanggapin ko ba o hindi. Ayaw ko pa naman sa kanya, pero naisip ko din na kailangan ko na talagang maghanap dahil next week magsisimula na ang ojt days namin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook