Hindi ko inaasahan ang malakas na sampal ng isang babae dahilan upang mapunta sa direksyon namin ang lahat ng atensyon ng mga bisita. "Para sa pang-aagaw mo sa asawa kong tang-ina ka!" Mahina pero may diing sabi ng naturang babae. Mapapansin ang ilang singhap ng mga bisita at inaamin kong napahiya ako dahil sa ginawa ng babae sa akin. Damn. Hindi ko inaasahan iyon. Kung alam ko lang ay hindi ako papayag na dumapo ang mga kamay niya sa aking pisngi. Tumatak agad sa aking isipan si Lavinia. Mabuti na lamang at mabilis na humarang sa aming gitna si Ares kung hindi ay matatamasa ko na naman ang pangalawang sampal sa kabila kong pisngi. "What the héll, Ms. Delos Reyes!" galit na turan ni Ares. "Come on, Mr. Walton. Pagtatakpan mo na naman ba ang kawalanghiyaan ng asawa mo?" Kitang-kita k

