Awtomatikong tumaas ang isa kong kilay nang ngumiti sa akin ang naturang lalaki. Ngiti na tila kakaiba na para bang may nais ipahiwatig na kalandian. Aba't masasapak ko ang manyakis na lalaking ito. Umirap ako sa kanya at ibinaling ang tingin kay Adam. "Ang mabuti pa ay pumanhik na lamang tayo sa taas dahil naalibadbaran ako sa mukha ng lalaking kanina pa nakatingin sa akin," palatak ko. Kumunot ang aking noo nang mapansin ang mahinang pagtawa ni Adam. "Better," nakangiting sagot ni Adam sa akin. Tinulungan ko na siyang damputin ang ilang mga gamit niya. "Aba, chismoso ka ha? Napansin mo ba 'yon?" "Of course, the way he stare at you," sagot ni Adam sabay iling. Ewan ko ba pero hindi talaga maitatangging anak nga ni Ares itong si Adam. Sa kilos at pananalita ay kuhang-kuha. Hinila na

